CLARA POV
MONTHS passed, I only have 20 days to live.
20 days, at gusto kong i-enjoy nalang ang natitirang araw ko.
"Salamat aliyah, dahil sinamahan mokong mamasyal Hindi ka tuloy naka Punta sa lunch nyo kung-"
"Clara, naiintindihan nila mommy ang kala ganyan mo ayaw den naman nila na iwan agad kita kapag mag kasama tayo, stop saying sorry wala kang dapat na ika-sorry, always remember masaya akong nakakasama ako, masaya ako kapag ako ang tinatawagan mo sa tuwing may problema ka." nakangiting sabi ng kaibigan ko
"Thankyou talaga aliyah." Yinakap ko siya at yinakap niya rin ako pabalik.
"Lahat gagawen ko para sayo clara"
Hindi ko man nakikita ang mukha niya ngayon dahil mag ka-yakap kaming dalawa, alam kong umiiyak na naman siya.
Pagkauwe ko sa bahay nag-asikaso kaagad ako ng pang dinner nila. Lahat sila ay may pasok, maya-maya lang din ay nandito na sila.
Sa totoo lang hindi ko na talaga kaya. Ang bagal ko na kumilos, hinang-hina na ako. Sa bawat araw na dumadaan, palaging dobleng sakit ang nararamdaman ko. But nga at nagagawa ko pang tumayo. Nagagawa ko pang mag-asikaso sa kanila kahit na ganito na ako.
Gusto kong sumuko na, gusto kong mag pahinga na, pero kapag ganon ang iniisip ko, napapaisip din agad ako. Paano na yung mga laban na naipanalo ko na? Minsan na akong sumuko, ayaw kong maulit 'yon. Marami na akong nalagpasan na problema, alam kong malalagpasan ko rin ulit ito.
Pero sana maawa pa sa akin ang panginoon, sana hayaan niya muna akong ganito. Hayaan niya muna sana akong maka kilos at mapag silbihan ang pamilya ko.
Kinabukasan, inaya ako ni Aliyah, na mag punta sa tree house niya dahil gusto niyang ipakita sa akin yung bagong design non pano bagong a raw niya kasi, mas pinaganda raw niya.
"Clara!!" Tumingin ako kay Aliyah, na kumaway muna sa akin bago tumakbo pababa para mapuntahan ako.
Pagkababa niya at pagkalapit sa akin, inalalayan niya ako. "Pasensya kana Hindi kita nasundo, okay ka lang ba?" tanong nito na ikinangiti ko.
"Oo okay lang ako, Tara sa three house mo" nakangiting sabi ko.
Hindi niya ako binitawan at inalalayan lang niya ako sa paglalakad, hanggang sa makarating na kami sa taas ng tree house niya.
Pagkarating namin sa pinto ng tree house, nauna si Aliyah sa pagpasok at malaking bukas ang ginawa niya sa pinto, saka niya ulit ako hinawakan sa kamay para sa pag pasok ko sa loob.
"Wow!!" manghang sabi ko. Mas pinaganda nga niya. Maganda na ito nong una, pero grabe parang 2.0 version ang nangyari. Sobrang ganda talaga.
"Look" Tinuro niya yung nasa kanang bahagi kaya tumingin ako doon.
Halos maluha-luha ako pagkakita ko sa pangalan ko. "B-Bakit nandyan pangalan ko."
Nakangiting lumapit si Aliyah sa akin at inakbyan ako. "Kasi itong three house nato para talaga sa sting dalawa to Clara, noon pa man sinasabe kona sayo na pwedeng pwede kang pumunta dito, pinagawa koto para sa acting dalawa lalo na sayo, gusto ko don na ma feel mo na sayo rin itong three house."
Tinignan ko si Aliyah, pinunasan nito ang luha na tumulo sa mga mata ko. "Hindi mo kailangan gawin yon, pero ginawa mopa den maraming salamat talaga Ali."
"Ano kaba wala kang dapat ipag pasalamat dyan. Alam mo maupo ka nalang muna sa kama nayon dahil mag luluto muna ako, pag lulutuin kita ng favorite mo."
Inalalayan niya ako sa pag-upo at pagkatapos ay nagpunta na siya sa ref para kumuha ng ingredients.
"Nakapag breakfast kana ba?"
"Hindi pa ali"
"Hindi mo talaga inaalagaan yang sarile mo, pero Sige sasara pan ko itong ni luluto ko para marami kang Kakain."Napangiti ako sa sinabi nito.
Eleven o'clock na ako nakauwe sa bahay.
Pagkauwe ko nga ay nag linis na muna ako ng bahay. Nag mop at nag punas ako ng mga vase ni mama.
Inilapag ko saglit yung isang vase ni mama para mapunasan ko yung pinagpatungan. Maalikabok na kasi.
Kinuha ko na ulit yung vase, maingat ang pagkakahawak ko sa vase dahil ang alam ko sobrang mahal nito. Sobrang alaga rin ito ni mama, kaya palagi niya talagang inu-utos sa akin na linisin ito. Nanlaki ang mga mata ko nang maibagsak ko ang vase.
"Anong ginawa mo?!"
Nilingon ko si mama, "M-Ma Hindi kopo
-" hindi ko na naituloy dahil hinila niya bigla ang braso ko na halos ikaiyak ko na sa sobrang sakit.
"Tignan mo ang ginawa mo sobrang tanga mo! Ang tanga tanga mo talaga Clara!!" galit na galit niyang sigaw sa akin habang tinuturo yung nabasag kong vase "Halika!"
"A-Ahhhhhh" Napadaing ako sa sakit nang ingudngod niya ang mukha ko sa sahig kung saan nandoon ang vase na nabasag ko.
"Ahhhhh/*sobs* hindi ko napigilan ang sarili kong luha, tumulo nalang ito bigla.
Hinila ulit ni mama yung braso ko palayo sa basag vase na nasa sahig. "Linisin mo yang kalat mo!! Ang tanga tanga mo!!" galit niyang sigaw bago niya ako iniwan at dumeretsyo siya sa paglabas sa bahay.
Nanginginig ang mga binti ko maging ang kamay ko, at dahan-dahan kong hinawakan ang mukha ko. "Ahhh ahhh" napahagulgol nalang ako sa sobrang sakit.
Kinapa-kapa ko ang sahig para mahanap ang bag ko. Pagka-kapa ko naman sa sofa, nakapa ko rin doon ang bag ko. Kinuha ko ang cellphone ko at pinilit kong maidilat ang parehong mata ko,hinanap ko kaagad ang number ni Aliyah.
"A-Ali/ *sniffs*
"Clara? Clara Anong nang yayare sayo umiiyak kaba?"
"Pu-Puntahan mo a-ako paki-usap " nabitawan ko na ang cellphone ko pagkatapos kong sabihin 'yon. Naramdaman ko nalang ang sarili ko na bumagsak sa sahig.
Gabi na ako nakarating sa subdivision. May takip ang kaliwang mata ko dahil iyon ang pinaka-napuruhan. May posibilidad na baka mabulag pa ako. Galing ako sa ospital kanina at si Aliyah, ang nagdala sa akin doon. Kung wala si Aliyah, talagang wala na ako.Gabi na ako nakarating sa subdivision. May takip ang kaliwang mata ko dahil iyon ang pinaka-napuruhan. May posibilidad na baka mabulag pa ako. Galing ako sa ospital kanina at si Aliyah, ang nagdala sa akin doon. Kung wala si Aliyah, talagang wala na ako.
Pagkarating ko sa bahay, pumasok na ako sa loob.
"Nakipag kita ka nanaman ba sa ma landing kaibigan mo at para lumandi naden kagaya nya? bumungad sa harapan ko si Kuya Lance.
"Hindi po malandi si aliyah, mabait po siya"
"Yeah mabait para sayo dahil kaibigan mo sya pero for sure nagawa kana don sa kaniya, malandi kana rin gaya niya."
Tinago ko ang isang kamay ko sa likoran ko para maiyukom.
"Sobrang kalat noting bahay, mag linis ka dahil maya-maya uuwe na sila mom, dad at ella." huling sinabi ni kuya bago siya lumakad at umalis sa harapan ko
Pagkatapos nilang mag dinner, niligpit ko na yung mga pinagkainan nila.
"Hugasan mo lahat yan, siguraduhin mong malinis bago ka lumabas dito sa kitchen." utos ni papa kaya napatango ako
"Opo pa"
"Hatiran moko ng juice sa room ko haluan moden ng konting bilis" utos naman ni Ella, saka sila nagsilabasan ng kitchen.
Pagkatapos kong gawin at sundin ang mga inutos nila, nag punta na ako sa kwarto ko.
Sobrang pagod na ang katawan ko. Kusang bumagsak nalang ang katawan ko sa kama ko. Nakita kong nag ri-ring ang cellphone ko at nabasa ko ang pangalan ni Aliyah. Gusto kong sagutin, pero kahit anong pilit kong abot sa cellphone ko ay hindi ko talaga maabot. Hindi ko na rin kayang idilat ang parehong mata ko. Gusto ko na matulog. Pati ang sarili kong katawan, hindi ko na rin halos maramdaman ngayon.