BAGONG araw na naman ito para sa akin.
Limang araw na rin ang nakalipas, pero ang buhay ko ay ganon pa rin.
Sa totoo lang wala talaga akong alam kung bakit malaki ang galit nilang lahat sa akin.
Hindi ko matandaan kung may ginawa, o nagawa ba akong mali para maging ganon kalaki ang galit nila sa akin.
Wala akong kakampi sa bahay, tanging ang kaibigan ko lang na si Aliyah, ang meron ako.
Kaya kahit anong utos nila mama, na iwasan ko si Aliyah, hindi ko talaga kayang sundin.
Walang rason para iwasan ang kagaya ni Aliyah.
"Food mo"
Tumingin ako sa tumabi sa akin, nakangiting tumingin din sa akin si Aliyah, bago siya sumubo ng pagkain niya.
Nasa cafeteria kami, vacant namin kaya naisip nalang namin na kumain.
"Clara, are you ok Anong problema?" napakunot ang noo ko dahil sa tanong bigla ni Aliyah.
Kinuha ko yung sandwich at tumango ako kay Aliyah, "Oo okay lang ako" kinagat ko na yung sandwich na binigay niya.
"Parang hinde ka ok, pansin ko na mumutla ka at pumapayat ka nag didiet kaba?"
Tinignan ko ang katawan ko bago ko tinignan si Alivah. "Hindi ha, maayos ang pag kain ko Kompleto kain ko sa isang buong araw, ano bang sinasabe mo dyan."
"Para kang may saket, sure kabang ok ka lang?" paninigurado niya at nilagay pa nito yung palad niya sa leeg at noo ko.
"Tama lang yung init ng katawan mo, buhay ka pero Bakit napaka putla mo naman ata?"
"Ano bang pinag sasabe mo ayos lang ako aliyah tsk, kumain kana nga lang dyan" sagot ko pero bigla kong binaba ang hawak kong sandwich
Bigla akong nahilo at pakiramdam ko pinagpapawisan ako kahit may aircon naman dito.
"A-aliyaah" Kumapit kaagad ako sa balikat ng kaibigan ko. "Aliyah na hihilo ako"
"Gusto mobabg Dalin kita sa clinic, Tara Sasamahan kita don" Hinawakan niya ang kamay ko at inalalayan niya ako sa paglalakad.
"My ghad!!, Clara dumudugo yung ilong mo"
Napatigil kaming dalawa sa paglalakad at dahan-dahan kong kinapa ang ilong ko, saka ko tinignan ang daliri ko. Ang daming dugo.
"Shocks, here" Tinanggap ko kaagad yung panyo na binigay sa akin ni Aliyah. "Let's go na baka kung ano na yang nararamdaman mo"
Lalakad na sana ulit ako pero naramdaman ko nalang na umikot bigla ang paningin ko.
"Clara,, hey, are you okay? Clara mag salita ka nga clara- my ghad Clara!!"
Naramdaman ko nalang ang sarili ko na bumagsak. Kaonti nalang din ang liwanag na nakikita ko. Kahit anong pilit kong dilat, wala na talaga ako gaanong makita. Napakalabo na talaga.
Nagising nalang ako na nasa ospital na.
Dinala raw ako nila Aliyah at ng ibang students sa University sa clinic, pero pinasugod din kaagad ako dito sa ospital.
Mabuti nalang dahil may sasakyan na dala si
Aliyah.
Nag-aantay nalang kami sa Doctor, pagkatapos ay uwe na kami ni Aliyah.
"Clara, nandyan na si doc" Tumingin ako sa pumasok na Doctor
"Good evening, Ms. Sanchez right??"
"Yes po" sagot ko
"Dederetsuhin na kita ms. Sanchez?" kumunot ang noo ko at ganon din si Ali.
" I'm very sorry ms. Sanchez pero hindi kana namin kayang gamutin may taning na ang buhay mo at may Tatlong buwan kana lang."
Parang nag loading bigla ang utak ko sa sinabi ni Doc. Hindi kaagad ako naka-react dahil sa pagkabigla ko.
"/*Laugh* ito namang si doc masyadong funny ang life, malakas ang best friend ko, Anong tanong pinag sasabe mo doc?"tumatawang sabi ni aliyah
Kinuha ko na yung bag ko at tumayo na ako.
Lumakad na ako para lumabas sa kwarto.
"Clara,,, clara joker lang tong si doc, Doc? Nag bị ito ka lang diba medyo funny na mướt hindi yung joke mo doc, galingan mopa sana sa susunod hahahahahha"
"Ms. Sanchez i told you na bumalik ka dito.... pero hinde ka bumalik, po alala mopa lalo ang saket mo."
lang segundo akong napahinto, bago ko ulit tinuloy ang paglalakad.
"Bumalik?? Teka Anong sinasabe ni doc Clara? ,, wait lang clara "
Lumabas na ako sa kwarto at naglakad na sa hallway ng ospital.
"Clara, wait!!" Napahinto ako dahil biglang hinawakan ni Aliyah, ang pulsuhan ko.
"Anong ibig sabihen ni doc,,, gà-galing kana dito noon" Tinignan ko si Aliyah, sa mga mata niya at kitang-kita ko ang sobrang pag-aalala niya.
"Wala lang yon, Tara umuwe na tayo gabe na baka hinahanap kana sainyo."
Lalakad na sana ako pero pinigilan niya ulit ako.
"Sagutin mo yung tanong ko, nag mumuka akong tanga dahil wala akong alam, ano yung sinasabe nung matandang doctor nayon? Clara, alam mong may saket ka? Sumagot ka clara ano,, clara sagot?"" halatang nagpipigil s'yang sumigaw dahil may ilang nurse at pasyente rin dito sa hallway
"Halika na umuwe na tayo-
"Oo uuwe tayo clara, sagutin mo muna yung tinatanong ko sayo? Sagot!!"
"Sa parking kona sasabihen sayo, please Tara na ayoko dito Aliyah." pakiusap ko na ikinabago naman ng expression ng mukha niya.
"Clara, fine Tara na" Hinawakan niya ako sa braso ko para alalayan sa paglalakad.
Pagkarating namin sa parking sumakay na ako sa sasakyan ni Aliyah. Sumakay na rin siya sa driver seat at hindi na muna nag drive.
"Baka may balak kang Sabihen saken kung ano ba talaga ang totoo? Ano na Clara, Anong ibig sabihen ni đọc na dapat bumalik ka noon, C-Clara? Sumagot ka!"
Naramdaman ko nalang na nagsibagsakan na ang luha ko. "May sa-sakit ako aliyah matagal ko nang alam, matagal konalng tinatago, yung doctor nayon sya yung tumingen saken noon nung pumunta ako dito two year naten ang nakalipas nung nalaman Kong may cancer ako ali ."
Tumingin ako kay Aliyah, bigla siyang napasandal sa upuan niya at napahawak sa steering wheel. Tumingin ako sa mga mata niya, nag luluha na 'yon at bigla siyang tumingin sa akin.
"Ali-"
Bigla nalang niya akong yinakap at doon siya humagulgol ng iyak. "Ba-bakit mama hindi mo ako sinabihan cla-/*sobs* clara, para saan pa at bagong mag best friend tayo? Clara dapat sinabe mo aken dapat hindi mo tinago saken yan?"
"Sorry ali, sorry kung hindi ko sinabe at hinayaan Kong lumala"
Humiwalay siya sa akin at hinawakan niya ang dalawang kamay ko. "Clara Ga-gaping kapa okay ahmm... baka pwede pa? Gagawa ako ng paraan para gumaling kapa clara, hindi pwedeng three months nalang, walang magaganap na ganon Clara okay? Gagaling kapa.. (cry) gagaling kapa pangako "
Umiiyak akong umiling sa kaniya. "H-hindi na ali hindi nako gagaling, Tama na. Ta-tanggap ko naman n-na, pwede bang mag enjoy na lang tayo sa three months na natitira gusto kitang makasa araw araw aliyah, Hayaan mona tanggapin m-mo na lang den" Yinakap niya ulit ako. Yakap na halos ayaw na ako pakawalan. "No? Clara please..... stay dimo ako iiwan"
Pagkagising ko ginawa ko na ang routine ko.
Habang nagsusuklay ako, doon ko nakita na marami na pala akong nagsilagasan na buhok. Napansin kong medyo naging manipis na ang buhok ko. Hindi na katulad noon. Dapat siguro magpa-kalbo na ako. Pero baka magtaka ang parents at mga kapatid ko.
Pero sabagay, wala naman silang pakealam kaya paniguradong hindi sila magtataka.
Mabuti nalang talaga at noon hindi gaanong naglalagas ang buhok ko. Medyo nagtaka nga ako kung bakit ganon, pero mas okay na rin yon.
Nag make-up na muna ako, namumutla na kasi ako at nagmumukha na talaga akong may sakit. Noon pa 'man, make-up nalang ang tumutulong sa akin. Mas lumala lang talaga ang pagkaputla ko ngayon.
Bumaba na rin agad ako para magluto ng breakfast nilang apat.
May tatlong buwan ka nalang Ms. Sanchez'
'May tatlong buwan ka nalang Ms. Sanchez'
'May tatlong buwan ka nalang Ms. Sanchez'
Pilit kong inaalis sa isip ko yung mga sinabi ni Doc, kahapon pero paulit-ulit pa rin na bumabalik sa isip ko.
"Baket wala pang breakfast?" boses ni Ella, aga-aga mang-inis na naman.
"Pasensya na niluluto kopa kasi " sagot ko. "Goodmorning nga pala ella" dagdag ko pa na may ngiti sa muka
"walang good sa morning kung muka mo lang den naman ang makikita so, shut up! Bilisan mona lang dyan gutom nako?."
"Okay Sige" nakangiting sabi ko.
Inilipat ko na sa lagayan yung niluto ko at inayos ko na sa table. Tumingin naman ako kay Ella, na nakaupo na ngayon.
"Goodmorning ella"
"Goodmorning, bro" bumeso si Ella kay kuya
Tumingin ako kay Kuya Lance, at nginitian ko siya. "Goodmorning po kuya"
Hindi niya ako pinansin at umupo lang siya at inasikaso nito si Ella. Sabay silang dalawa na kumain kaya napangiti nalang ako, at umalis na sa harapan nila.
Pumunta ako sa living room at naabutan ko naman sila mama at papa doon. "Good morning po-
"At baket naka id ka?" tanong ni mama
"Pa-pasok po ako ma" sagot ko
"No? Dito ka lang sa bahay mag linis ka at may bisita ako mamaya kaya hindi ka papasok?"
Nagulat ako sa sinabi ni mama, "pero ma kelangan kopong pumasok
"I don't care kung kelangan mong pumasok sunduin mo ang inuutos ko kung ayaw mong masaket ăn ka, bwiset dyan kana nga"
Dumeretsyo na siya papunta doon sa kitchen A
"Papa..
"Hello?" hindi rin ako pinansin ni papa at sa labas naman siya pumunta para kausapin yung tumawag sa cellphone niya.
Kagaya nga ng inutos ni mama, naglinis ako sa buong bahay. Lahat sila wala, pumasok kasi yung dalawa kong kapatid. Sila mama at papa, susunduin naman nila yung bisita nila.
"*cough cough cough*!
Nagpunas na muna ako ng pawis at uminom na muna ako ng tubig. Kanina pa ako hinihingal. Pakiramdam ko bumalik tuloy yung asthma ko.
"/*tok tok tok tok tok *n
"Teka sandali lang!!!" sigaw ko dahil grabe kung maka-katok. Sunod-sunod talaga at ang lakas pa.
Binuksan ko yung pinto at nagulat ako dahil si Aliyah, ang bumungad sa akin. "Aliyah, Anong ginagawa mo dito" gulat kong tanong. Dapat kasi nasa University siya ngayon at pumapasok.
"Nag text ka na hindi ka makakapasok dahil sa mama mo, kaya pumunta ako dito para I check ka?."
Pumasok na siva kaagad matapos niyang sabihin 'yon. "WHAT THE HECK!" kumunot ang noo ko habang tinitignan siya.
"B-bakit?"
"Clara? Wtf! Your sick tapos nag lilinis ka? Ano ba!!" nagulat ako sa biglang pagsigaw niya.
"Aliyah ano ba, hinaan mo nga yang boses mo" saway ko sa kaniya. "Utos na ni mama to na mag linis ako dahil may dadating kameng bisita, kaya ngayon umalis kana dami ko pang gagawen Alis na aliyah? Busy ako"
"Halika?" Lumapit si Aliyah sa akin at hinawakan ang magkabilaang balikat ko at saka niya ako pinaupo sa couch. "May saket ka kaya dika pwedeng mag linis clara? Ako na ang ta tapos biting mga gagawen mo Ikaw mag pahinga ka"
"Huh? Baliw kana ba" sira ba ang kaibigan kong ito?
"Aliyah, umalis kana nga kaya kona to baka ma abutan kapa nila mama at papa dito? Sige na, Alis na"Tatayo na sana ulit ako para mapaalis na siya pero pinigilan niya ako, at pinaupo lang ulit.
"Ang sabe ko umupo ka lang dyan at mag pahinga tyaka shut your mouth ako na ang bahala dito, don't worry may alam naman ako kahit papano sa pag lilinis"
Baliw na nga talaga siya. Kahit kelan talaga ayaw paawat nitong bruhang 'to