Chereads / Anak ng Kalikasan / Chapter 58 - Chapter 24

Chapter 58 - Chapter 24

Kakaibang kilabot ang kanilang nararamdaman dahil sa hindi maipaliwanag na pwersa na lumulupig sa kanila. Alam nilang ito na ang simula ng totoong laban nila dahil batid na nila ang pagtatagumpay ni Alisha na buhayin ang panginoon ng kadiliman.

"Kita mo nga naman at buhay ka pa pala?" Natatawang wika ni Alisha na noo'y nakasakay sa likod ng isnag malaking ibon. Ang wangis nito ay maihahalintulad mo sa uwak ngunit higit na may malaki ito ng sampong beses sa ordinaryong uwak. Kulay pula rin ang mga mata nito ang ang tuka naman nito ay merong matutulis na ngipin na maihahambing mo sa ngipin ng isang buwaya.

"Nagulat ka ba?" Nakangisi naman tugon ni Mina. Kinalas naman niya sa kanyang tadyang ang latigong gawa sa buntot ng pagi na may tatlong dulo at mabilis iyong inihambalos sa ibong sinasakyan ni Alisha.

Kung hindi kasi siya nagkakamali ang nilalang na iyon ay isang uri ng aswang na nasa hanay din ng mga gabunan. Paglapat ng kanyang latigo sa pakpak nito ay biglang umusok at nagliyab iyon dahilan upang bumulusok ito pababa ng lupa. Agad naman nakatalon si Alisha at marahan itong nakalapag sa lupa na animo'y wala itong bigat at tinatangay lamang siya ng hangin.

"Sa paghaharap nating ito, ikaw naman ang tutumba." Wika ni Mina at tinawag niya ang kampilan sa kanyang mga kamay. Paglitaw nito ay lumitaw din ang kris ng kamatayan na siyang sandata naman ni Alisha. Nagbuno silang dalawa at sa bawat pagtatama ng kanilang mga sandata ay gumagawa ito ng hindi maipaliwanag na kilabot sa mga naroroon, mapakanan man o kaliwa. Dahil sa pagmamalabis ni Mina ay naging maigting ang kanilang pagtutunggali.

Samantala, nagsimula na din ang mga laban nina Gorem, Luisa at Amante. Gamit-gamit ni Amante ang pinaghalong aral mg barang at ang mga usal na siya namang natutunan niya kay Mina at Tata Teryo. Dahil na din sa paglalim pa ng kanyang aral ay nagawa na rin niyang pasunurin ang Markupo, isang uri ng ahas na halimaw kung maituturing. Buo kung lamunin nito ang mga aswang na magtatangkang siya ay kalabanin. Napakamapanganib ng ahas na iyon dahil ang laway nito ay sobrang nakakalason. Dambuhala din ang sukat nito at kaya nitong lumulon ng sampong katao ng sabay. Meron itong pulang tuktok at malaking pangil na nakausli sa magkabilang oarte ng bunganga nito. Mahaba din ang dila nito na may matutulis na buhok at meron din itong sawang buntot. Ang nilalang na ito ay itinuturing na mapinsala sa kalikasan dahil na din sa taglay nitong lason na nakakamatay ng hayop at kahit anong halaman. Ngunit isa rin ito sa mga kinakatakutan ng mga nilalang kung kaya't ginawa ni Amante ang lahat para lamang mapasunod ito ng tuluyan.

Sa gawing hilaga naman ay kalaban ni Luisa ang mga wakwak. Sa pagsasanib ng kanyang katawan sa katauhan ni Bulalakaw ay nagkaroon siya ng pakpak na nagliliyab at kasuotang tila hinabi pa sa puso ng bulkan. Hindi naman makalapit sa kanya nag mga wakwak dahil kapag sinusubukan ng mga ito ang siya ay atakihin ng harapan ay lumiliyab ang kanilang mga katawan.

Si Gorem naman ay lulan ng kanyang kasangga itim na engkantong lobo habang hawak nito ang isang mahigang sibat na gawa sa ginto na nababalutan ng berdeng baging at napapalamutian ng sari-saring makukulay na bato. Walang habas niyang iwinawasiwas ang kanyang sibat sa mga ikugan upang mabigyan niya ito ng malubhang pinsala. Dahil sa laki ng mga nilalang na ito ay hindi nila magawang maiwasan ang mga mabibilis na atke ni Gorem.

Hindi naglaon ay napabagsak na nga nila ang halos kalahati sa hukbong dinala ni Alisha. Patuloy naman ang pakikipaglaban ni Mina dito. Halos magkaroon na ng malaking uka sa lupa dahil sa pagtatama ng kanilang mga pwersa. Kabutihan laban sa kasaman at liwanag laban sa kadiliman.

"Kung hindi dahil sa ina mong mahina, ako sana ang naihirang na siya ang napili ng Apo? Walang karapatan ang nanay mo na maging Dayang Sasaban, dahil ang aking ina ang higit na mas malakas at mas matalino." Gigil na sigaw ni Alisha.

Hindi naman ito maintindihan ni Mina dahil batid niya ang dahilan kung bakit ang nanay niya ang napili bilang Sasaban ng kanilang angkan. Hindi rin niya maunawaan kung bakit dala-dala nito ang matinding galit tungkol dito dahil hindi pa naman sila noon naipapanganak.

"Hibang ka Alisha. Hindi ko alam kung ano ang ipinaglalaban mo dito. Matagal nang nangyari iyon, ni hindi pa nga tayo naipapanganak noon. Ano naman ang pakialam natin sa desisyong iyon na ang mga nakatatanda na mismo ang nag gawad?" wika pa ni MIna habang patuloy na nag-uusal sa kanyang isipan.

"Walang pakialam? Hindi ba't tinatamasa mo ngayon ang buhay na dapat ay sa akin? At ano ako? Isang utusan na sunudsunuran lamang sa isang panginoon habang ikaw ay tinitingala at niluluhuran ng lahat ng nilalang." wika pa ni Alisha, bakas sa mukha nito ang sobrang galit na hindi pa rin maintindihan ni Mina, kay mas minabuti na lang niyang balewalain ang mga pasaring nito. Muli na niyang inatake ai Alisha ng kanyang kampilan at nagpakawala ito ng malakas na tigalpo dahilan para tumalsik ito sa isang malaking puno. Sa lakas ng pagkakahampas ng katawan nito sa puno ay napasuka naman ito ng dugo.

Mabilis itong nilapitan ni Mina at ginapos iyon gamit ang mahiwagang lubid ng kamatayan na siyang hinabi nila gamit-gamit ang lahat ng usal na siyang magkukulong sa mapaghiganti nitong katawan at kaluluwa.

Nang tuluyan na nga niyang maitali ito sa buong katawan ni Alisha ay itinayo na niya ito sa kinalalagpakan nitong lupa.

"Sumpain ka itinakda. Ikaw at ang mga kasama mo. Sama-sama kayong mamamatay sa kamay ng aking pinakamamahal." sigaw ni Alisha habang pilit na nagpupumiglas sa kanyang pagkakagapos.

isang malakas na kulog ang dumagundong sa langit pagkatapos ng sigaw na iyon ni Alisha. Walang anu-ano'y isang nakakasilaw na liwanag ang biglang dumaan sa kanila ay tinangay noon ang nakagapos na si Alisha.

Wala namang nagawa si Mina dahil sa bilis ng mga pangyayari. Napatulala lamang siya sa nilalang na iyon at bigla siyang nakaramdam ng sakit sa kanyang dibdib nang makita ito. Nang mahawi ang hamog na bumabalot sa katauhan nito ay doon bumungad sa kanila ang maladem*nyong kaanyuan nito. Ang taas nito ay kasing-tangkad na ng dalawang tao, habang ang katawan naman nito ay halos buto't balat na. Mahahaba at matutulis ang nangingitim nitong mga kuko na may pula sa dulo na animo'y kakulay ng dugo.

"Sadyang pangahas na ngayon ang mga tao. Nabiyayaan lang ng konting kakayahan ay parang Diyos na kung umasta." Wika ng nilalang sa garalgal at malalim niton boses. Nasa tabi na nito si Alisha na noo'y nagawa nang makaalpas sa lubid ng kamatayang iginawad ni Mina. Nanlaki naman ang mga mata ni Mina dahil walang kahirap-hirap lang nitong naputol ang lubid na tila ba ordinaryo lamang ito. Ramdam naman niya ang kakaibang kilabot at takot na ibinibigay ng nilalang na iyon.

"Ikaw si Sitan?" tanong ni Mina na tila ba hindi makapaniwala. Ipinagsawalang-bahala na muna niya ang nararamdaman niya upang mapagtuunan ng pansin ang laban sa pagitan ng kanilang mga kalaban.

"Ako nga, babae." Nakangisi pa nitong sagot. 

"Ganun ba?" tanging tugon ni Mina at tinawag mauli ang kampilan ni Mapulon. Lumitaw na din sa tabi niya ang tikbalang na hawak-hawak sa kamay nito ang ginintuang palakol. Walang sabi-sabi ay sabay na umatake si Mina at ang tikbalang na agad din naman nasalag ni Sitan ng kanyang matutulis na kuko. Nagmistulang gawa sa bakal ang mga kuko nito dahil kusang tumalsik lamang ang kanilang mga sandata nang tumama ito sa kuko ni Sitan. Gayunpaman ay hindi nawalan ng pag-asa si Mina at ipinagpatuloy lamang ang pag atake dito.

Tila nasisiyahan naman si Sitan sa nakikita niyang pakikibaka ng mga tao para magapi siya. Ngayon nagkaroon na siya ng katawan lupa ay hindi na siya makakapayag na muling bumalik sa impy*rno. 

Sa pagtagal pa nga ng kanilang apg-atake ay unti-unti nang nakaramdam si Mina ng kapaguran. Huminto siya sa pag-atake at nagsimulang mag-usal ng mga usal ng barang. Gamit ang mga insektong tinawag niya ay inutusan niya itong atakihin si Sitan. Hindi mabilang ang mga kulisap, uod at barang ang umatake dito na agad namang sumakop sa katawan ni Sitan. Nagwala si Sitan at pilit na pinapalayo ang mga insektong iyon sa kanyang habang walang tigil ang pag-atungal nito at pag-aangil.

"Mina, gamitin mo na ang hulong itinuro ko sa iyo." Sigaw ni Amante at agad din naghataid ng tulong si Luisa. Gamit ang pinaghalong apoy ng santelmo at ni bulalakaw ay gumawa ito ng malaking bolang apoy sa himapapwid. Habang nakataas ang mga kamay ni Luisa sa kalangitan upang tawagin ang panghuling aral na kanyang natutunan kay bulalakaw ay pumapaikot naman sa kanya ang mga asong lobo ni Gorem upang magsilbi nitong panangga sa kalaban.

Si Mina naman ay sinimulan na din tawagin ang mga baging na kanyang pangunahing kapangyarihan. Napakalaki na din ng pinagbago ng kakayahang iyon ni Mina. Kung dati-rati ay sa lupa lamang lumilitaw, ngayon ay kaya na din niyang magpalitaw ng baging kahit walang lupa. 

Ikinumpas niya ang kanyang kanang kamay at mula roon ay lumabas ang naglalakihang baging na siya namang gumapos kay Sitan. Walang kahirap-hirap namang napapasabog iyon ni Sitan ngunit patuloy lang ang ginagawang pag-atake ni Mina hanggang sa magawa na nga niyang magapos ang mga kamay at paa ni Sitan.

"Mina tapusin mo na ang laban." wika ng boses ni Mapulon sa kanyang isipan. Akmang iatatrak na ni Mina ang kampilan sa puso ni Sitan ay bigla-bigla naman ang pagbabago ng anyo nito na ikinatigil ni Mina.