Chereads / Anak ng Kalikasan / Chapter 60 - Chapter 26

Chapter 60 - Chapter 26

Noong araw din iyon ay ipinagbigay-alam nila sa mga tao na naroroon ang panganib sa kanilang paglabas ng bayan. Hindi naman tumutol ang mga tao dahil batid din nila ang mga panganib na kaakibat ng kanilang pagsuway.

Isang araw ay isang grupo ng magsasaka ang lumapit sa kanila. Nasa pito ang bilang ng magsasakang iyon na ayon pa sa kanila ay kailangan nilang mailuwas sa kabilang bayan ang mga naani nilang bigas upang maipagpalit naman ito sa mga iilang gamit na kailangan nila.

"Tata Teryo, alam namin na maanganib sa labas, ngunit wala tayong magagawa, kinakailangan naming makipagsapalaran sa labas para sa ikauunlad ng ating pamumuhay." wika pa ng isang magsasaka.

"Wala namang problemasa inyong nais mga iho, ang amin lamang ay mas mainam na mag-iingat kayo. Narito sila Mina na handa namang sumama sa inyo." wika ni Tata Teryo. Nagkatinginan naman ang mga ito at mahinang nakipag-usap sa isa't-isa. 

"Sige ho Tata Teryo, kung ito lang ang paraan para makalabas kami, gagawin namin." Wika ng magsasaka at nagpakilala ito sa kanila sa pangalang Luis. Ito ang isa sa mga kanang kamay ni Don Matias sa bukirin nito. Ito rin ang tumatayong lider ng mga magsasaka sa ilalim ng Don. 

"Kung gayon ay maghanda na kayo, bukas ng madalin araw kayo aalis, tandaan niyo, hindi kayo maaring abutan ng dapit hapon sa labas ng bayan. Lahat ng sasabihin ni Mina ay susundin niyo." paalala pa ni Tata Teryo bago umalis ang mga ito.

Kinabukasan, halos papasikat palamang ang araw nang nilisan nila ang Belandres, tutunguin naman nila ang bayan ng Sta. Monica kung saan tatawid sila sa isang patay na ilog. Isang oras din ang ginugol nila hanggang marating na nga nila ang naturang ilog. Tuyong-tuyo na ito at tanging mga bato na lamang at mga patay na kahoy ang mkikita mo roon. Sa kanilang pagtawid sa ilog na iyon ay wala naman silang naging problema hanggang sa tuluyan na nga nilang marating ang Bayan ng Sta. Monica.

Isang masayang bayan ang Sta. Monica, abalang-abala ang mga tao roon sa pamimili at tila ba may pagdiriwang noong araw na iyon dahil sa dami ng tao. Sa sentro naman ng bayang iyon ay natanaw ni Mina ang isang malaking gusali na gawa sa bato. Kakaiba ang pakiramdam ni Mina sa gusaling iyon, tila ba nilulukob iyon ng isang malamig at mapayapang presensya.

"Mina, anong tinitingnan mo diyan?" tawag na tanong ni Luis nang mapansin nito ang kakaibang inaasal ni Mina. Agad naman itong napatingin sa landas na tinitingnan ni Mina at napangiti siya. "Ang tawag ng mga taga Sta. Monica diyan ay simbahan. Itinayo iyan ng isang banyagang prayle. Hanggang ngayon ay yan ang takbuhan ng mga tao rito para magdasal." wika ni Luis.

"Kung nais niyo ay maaari niyong lapitan ang lugar, naririto lang naman kami." suhestiyon pa ng isang magsasaka. Sumang-ayon naman si Mina at isinama nito si Luisa sa simbahan.

Habang papalapit sila rito ay pansin na pansin nila ang mga tao lumalabas at pumapasok roon. Nakasuot ang mga ito ng belong puti habang ang kasuotan naman nila ay kakaiba kesa sa nakagawian nila. Mahahaba ang palda ng mga ito at at ang damit pang-itaas naman nila ay tila gawa sa isang uri ng halaman na hinabi pa para magawang damit. Kakatuwa rin ang mga suot-suot nitong kwentas na may imahe ng isang taong may kuronang tinik at ang iilan naman ay may imahe ng isang babaeng nakabelo rin.

Nang tuluyan na nga silang makalapit sa gusaling iyon ay bigla namang tumunog ang kampana sa tuktok nito. Nagsilabasan naman ang iilang tao dahil sa lakas ng pagtunog ng kampana. Maging sila Mina ay nagulat dahil sa kakaibang tunog na noon lamang nila narinig sa buong buhay nila. Agad na nakaramdama ng kaluwalhatian si Mina at napatingin siya sa taas ng gusali.

Nagtataka man ay dahan-dahan na silang pumasok sa loob ng simbahan habang maiging pinagmamasdan ang mga tanawing naroroon. Sa sentro nito ay nasipat nila ang isang altar an punong-puno ng mga bulaklak. Sa gitna ng pader ay muli nilang nakita ang isang rebultong nakapako sa krus. Nagdurugo ang mga kamay at paa nito at ramdam ni Mina ang sakit niyon. Hindi niya maipaliwanag ngunit habang tinititigan niya ito ay tila ba merong nag-uudyok sa kanya na lumuhod.

"Luisa, nararamdaman mo ba iyon?" Tanong ni Mina sa kasama.

"Ang alin Mina? Wala naman akong nararamdaman bukod sa katahimikan at pagiging maaliwalas ng buong lugar." Sagot naman ni Luisa.

Hindi na nagtanong pa si Mina at dagli naman itong umupo sa mahabang bangko na naroroon. Patuloy siyang tumititig sa imaheng nasa gitna na pinalilibutan ng bulaklak.

"Bago ba kayo?"

Pareho silang napalingon nang may marinig silang magtanong. Agad na bumungad sa kanila amg isang binata na nakasuot ng mahabang puting kasuotan.

"Ako nga pala si Miguel, isang sakristan. Napansin ko kasing hindi kayo taga rito. Kung kaya't naglakas na ako ng loob na lumapit at magtanong. " Wika pa nito habang nakangiti.

"Hindi kami taga rito at napadaan lamang. Nakita namin ang lugar na ito kaya pumasok kami." Si Luisa ang sumagot dahil napatunganga lamang si Mina dito.

Lingid sa kaalaman ni Luisa ay hindi sa binata nakatuon ang pansin ni Mina kundi sa kasama nitong nilalang na nakasuot ng gintong kasuotan at may napakaputing pakpak na animo'y sa kalapati. Nakatayo lang ito sa likod ng binata habang nakamasid sa kanila.

Sa pagramdam naman ng nilalang ng kanyang mga titig ay nabaling ang tingin nito sa kanya at bahagya itong ngumiti at inilagay ang hintuturo nito sa harap ng kanyang bibig. Isang senyales na nagsasabing, ang kanyang pag-iral ay kailangang manatiling lihim. Agad namang ibinaling ni Mina ang tingin sa ibang bagay bago tinitigan ang binatang si Miguel.

Akmang magsasalita siya ay muling tumunog ang kampana.

"Nakakapagtaka naman, kanina pa tumutunog ang kampana kahit wala roon si Mang Kulas para kalimbangin ito." Wika ni Miguel na kakamot-kamot sa kanyang ulo.

"Baka hinahangin lang." Wika ni Mina na ikinatawa naman ni Miguel.

"Imposible iyon binibini, ang kampana ay napakabigat at hindi iyon kayang pagalawin ng hangin." Sagot naman ni Miguel.

Nagtaka naman si Mina dahil kahit kailan ay hindi pa siya nakakakita ng isang kampana. Agad naman niyang tinanong si Miguel kung maaari ba niya itong makita at hindi naman iyon tinanggihan ng binata. Bukal sa loob noyang dinala si Mina sa itaas ng simbahan at doon nakita nila ang isang malaking bagay na hugis kasoy na gawa sa purong bakal. Napakalaki nito na kakailanganin mo ng apat na ganap na tao para mayakap ang buong kampana.

Matapos makita ang kampana ay bumaba na sila at bumalik sa simbahan. Doon naman ipinaliwanag ni Miguel sa kanila ang bawat dekorasyon sa loob ng simbahan. Maging ang mga imaheng naroroon ay matiyaga nitong ipinakilala sa kanila. Sa kanilang paglilibot sa loob ng simbahan ay nakasalubong nila ang isang matandang lalaki na nakasuot ng kaparehong damit kay Miguel subalit ang pinagkaiba nga lang ay meron itong nakasabit sa magkabilang balikat na makulay na tela.

"Siya nga pala Mina, ito si Padre Dama, ang kura paruko dito sa bayan ng Sta. Monica." Pakilala ni Miguel.

"Magandang araw ho, Padre." Wika ni Mina at Luisa at ngumiti naman ang Pari.

"Isang babaeng antinggero at isang babaylan? Anong magandang hangin ang nagdala sa inyo rito sa tahanan ng ating panginoon?" Malumanay nitong tanong na ikinagulat naman ni Miguel, Mina at Luisa. Nanlalaki ang mga mata ni Miguel dahil sa tinuran ng Pari.

"Napadaan lang ho Padre." Sagot naman ni Mina at napangiti ang matanda.

"Lahat ng nilalang basta walang bahid ng kasamaan ay malugod na tinatanggap ng simbahan. Hali kayo at may ipapakita ako sa inyo." Wika ng pari at naglakad na ito. Dagli naman silang sumunod dito hanggang sa marating nila ang tahanan ng mga sakristan na nasa likod lamang ng simbahan.

Pinaupo muna sila ni Padre Dama sa mga bangko at pumasok na iti sa isang silid. Paglabas nito ay may dala-dala na itong isang makapal na aklat na kulay itim at nakapatong roon ang isang telang puti.

"Paano niyo nalaman na isa akong babaylan at antinggera si Luisa Padre. Pasensiya na ho sa pagtatanong."

"Sabihin na nating nagmula rin ako sa kaparehong aral bago ako naging isang Pari." Nakangiti nitong saad sa kanila. Ipinatong nito sa mesa ang dala-dalang aklat at binuksan naman nito ang puting tela. Napatingin si Mina rito at doon niya nakita ang isang tangkay ng kakaibang kahoy na kulay pula. Hindi naman niya mawari kung anong klaseng kahoy iyon ngunit tila ba nahuhumaling siyang kunin ito.

"Ang aklat na ito ay ang tinatawag naming bibliya, nakasaad sa aklat na ito ang ating pinagmulan at ang katotohanan. Ang bagay namang ito ay nagmula pa sa kauna-unahang pari na nagsilbi rito sa Sta. Monica. Ang bagay na iti naman ay ibinigay ng isang matandang ermetanyong napadaan sa lugar na ito. Ipinagbilin niti na ibigay ito sa unang babaylang makikita ko." Saad nito at maiging tinitigan ni Mina ang pulang bagay na iyon. Ordinaryong kahoy lang naman iyon kung iyong sisispatin ngunit kapag iyo itong pakikiramdamang mabuti ay malalaman mong meron itong buhay na naghihintay lamang na iyong gisingin.