Malapit na ang araw ng sweldo sa pinagtatrabahong courier service ni Mikee, isang teenager na malapit sa puso ng barkadang pinangasiwaan noon ni Fukuda at Jin noong nasa junior high school. Kasalukuyan siyang nakikitira sa bahay ni Jin dahil namugad na din sa kanyang dating tinitirahan ang tinatawag na community transmission at ang tanging paraan para makatipid sa gastusin ay ang makihati sa pangunahing pangangailangan nila Jin at tumulong sa gawaing bahay.
[Mikee Hasegawa…]
Ito na naman ang simula ng rush sale sa mga online shopping apps. Ibig sabihin, maraming buyers muli ang magrereklamo sa amin na scam ang dinedeliver naming produkto sa mga bahay nila.
Kami pa ba ang may kasalanan kung ibang item ang natatanggap nila kumpara sa inorder nila?! Tagahatid lang kami at hindi kami ang tindero para ibuhos sa amin ang hinaing nila. Kahit pamilyar na sa akin ang karaniwang kalakaran sa business na ito, hindi ko maiwasang umayaw sa pagtatrabaho dahil na din sa ma- ling pagtrato sa amin ng ibang customer.
Hindi kami utusan para lang ipagawa ang request na hindi sakop ng responsibilidad namin. Respeto naman dahil frontliners din kami. Masyado kayong abusado kung pati kalat sa loob ng bahay niyo ay ipapatapon niyo pa sa amin sa basurahan.
Kidding aside kahit may halong katotohanan ang pinagsasabi ko, mukhang wala pa ring ganang bumangon ang dalawang iyon sa kama. Naiintindihan ko naman ang dahilan ng katamaran ni Jin at Fukuda dahil alas kwatro pa lang ng madaling araw at mama- yang tanghali pa ang appointment nila sa university na inapplyan nila bilang freshmen.
Pumunta ako saglit sa kwarto nila para kumpirmahin kung tama ang palagay ko sa kanila pero gaya nga ng alam niyo, hindi laging umaayon ang hula sa tamang sagot.
"Mahigit dalawang libong kaso ng Covid -19 ang naitala sa buong probinsya ng Kanagawa ngayong araw kung kaya't pinaaalalahanan ang mga residente sa nasabing lugar na magdoble ingat lalo na't maraming kabataan ang tinatamaan ng naturang sakit. Ito po si Yayoi Aida, nag-uulat para sa SD News: Paspas Balita Ngayon!"
Talagang sasayangin pa ang kuryente. Ni hindi man lang sila nanonood ng TV kaya binunot ko na ang saksakan nito sa outlet at dinamay ko na din ang aircon para naman mabawasan kahit papano ang singil sa amin.
- BACK TO SCENE -
Makalipas ang ilang minuto, agad napabangon ang dalawa sa kanilang higaan at tila binuhusan ng tubig ang kanilang damit dahil sa sobrang init na dulot ng summer. Agad sinugod ni Fukuda ang kusina dahil na din sa pagkainis nito kay Mikee.
"Bakit mo naman pinatay iyong aircon. Alam mo namang natutulog iyong tao eh?!" reklamong saad ni Fukuda kay Mikee habang si Jin ay nagsimula ng magtimpla ng kape at walang ganang nakikinig sa bangayan ng kanyang mga kaibigan.
"Paalala ko lang. Nakikitira ka din kay Jin kaya umayos ka tol." mahinahong sabi ni Mikee na kakatapos lang maghain ng almusal at gagamiting tableware habang wala namang magawa si Fukuda kundi maging kalmado sa pagkakataong iyon.
"Gandang umaga sa inyo." ngiting sabi ni Jin sa kanila.
"Gandang morning din sa'yo Jin." tugon naman ni Mikee, "Tutal may tira pa namang ulam sa ref, kayo na ang magluto dyan ah?!" bilin pang sabi nito sa kanila at nagmamadali nga siyang umalis para agad siyang matapos sa kanyang shift.
"Sige. Salamat sa pagpapaalala sa amin." kalmado na sabi ni Jin.
"Iyong commission ko huwag mong kalimutan." pahabol na sabi ni Fukuda na ikinakunot ng noo ni Mikee.
"Wala ka ngang trabaho, mamemerwisyo ka pa. Bahala ka na nga sa buhay mo." padabog na sinara ni Mikee ang pinto dahil sa kakapalan ng mukha ni Fukuda.
- BACK TO SCENE -
[Soichiro Jin…]
Do the so-called right decisions really exist? Nakasanayan niyo na sigurong marinig ang mga katagang sinasabi ng nakakatanda na tanging mga magulang ang nakakaalam kung ano ang makakabuti para sa kanilang anak.
Sumasang-ayon ba kayo kung sasabihin kong hindi lahat ng sinasabi nila ay tama o totoo? Patunay na dito ang nangyayari ngayon sa buhay ko. Tanging mga kaibigan ko lang ang inuuwian ko tuwing galing sa basketball practice at kung nag-aalala kayo kung saang lupalop nagtatago ang magulang ko, pasensya na dahil ayoko silang makita lalo na sa usapin ng pag-eenroll ko ngayon sa college.
Naalala ko pa noong admission exams ko sa isang prestigious academy. Ang totoo niyan, wala naman akong pakialam kung saang paaralan ako mapadpad para mag-aral pero sadyang may kaartehan sa katawan ang magulang ko nun. Hindi ko na sila pa- pangalanan pa dahil baka isumpa niyo pa sila sa harap ko.
Naging kontrobersyal ang pag-uusap sa pagitan ng principal at ng aking proud parents noong unang taon ko sa junior high school dahil sa iskandalong sinimulan raw ni Via. Iyon ay ayon sa kanilang paniniwala na walang katuturan.
⏱ Flashback⏱ ►
Community service sa buong campus ang napagkasunduang parusa para sa aming apat ni Via, Cheska, at Fukuda dahil sa pagiging late namin sa unang klase.
"Bwisit akala ko ba pag nag-aral ako sa private school, hindi na ako maglilinis kahit kailan." Inis na sabi ni Cheska at nag- aalala kami sa lampasong hawak niya dahil nag-iiwan ito ng puting marka sa tiles ng library.
"Ako na nga dyan. Ayusin mo na lang iyong mga libro sa pangalawang shelf baka mapadoble pa ang trabaho namin dahil sa'yo." sabat naman ni Fukuda sa highblood na si Cheska.
"No thanks na lang." walang ganang tugon ni Cheska kay Fukuda at pilit siyang lumalayo sa kanya.
"Kawawa ka nga naman kung hindi mo maabot ang pinakamataas na bahagi ng shelf..." birong sabi ni Fukuda.
"Hindi naman kasi ako basketball player para maging kapre sa height." sabat ni Cheska sa kanya.
"Ang dami pang sinasabi, maglilinis din naman pala." bulong na sabi ni Fukuda.
Napansin ni Via na medyo umiinit ang tensyon sa pagitan nina Fukuda. "Okay na. awat na mga friends ah?!" kinakabahang sabi ni Via sa kanila.
"Siya kasi eh!" sinisi pa ni Cheska si Fukuda pero siya talaga ang pasimuno ng debate nilang dalawa.
"Pagpasensyahan mo na si Fukuda, alam mo naman na sadyang nagsasabi siya ng totoo." sabi ko kay naman kay Cheska.
"Isa ka pa Jin. Wala naman ata akong kakampi sa inyo?!" mangiyak-ngiyak na sabi ni Cheska sa amin. Natawa kami sa ekspresyon niya and I feel sorry kung pakiramdam niya ay nabubully namin siya.
"I'm here for you always bes kaya lang medyo busy lang ako sa pag-aayos ng mga libro." ngiting sabi ni Via as a compensation sa nararamdamang inis ni Cheska.
"Tsk! Whatever..." natahimik siyang bigla sa sulok at nagsim- ula muling maglampaso kahit labag sa kalooban niya.
"Hahahahaha! Wala kang makikitang janitor sa mga eskwelahan kahit saan ka pa magpunta dito sa Japan." nagulat kami sa pagdating ni Mikee, ang kapitan namin noon sa basketball team.
"Anong sadya mo dito?" walang ganang tanong ni Cheska kay Mikee.
"Bawal ba akong tumambay ngayon sa library? Kakamustahin ko lang kayo at mukhang matatagalan pa kayo dyan." ngising sabi ni Mikee sa amin.
Binigay ni Fukuda ang walis kay Mikee. "Andito ka na din lang 'Captain', tulungan mo na kami para makapagpractice na tayo mamaya." sabi ni Fukuda at walang ibang magawa si Mikee kundi ang sumunod dahil na din sa masamang tingin na nagmula kay Cheska.
Makalipas ang ilang sandali… "Jin, ok lang bang hawakan mo iyong hagdan para hindi magalaw?" pakiusap na sabi sa akin ni Via.
"Walang problema." agad ko na siyang inalalayan ng walang pag-aalinlangan dahil mukhang importante ang librong gusto ni- yang mabasa.
"Huwag kang titingin sa taas ah?!" seryosong sabi niya sa akin. Ilang hakbang pa lang ang nagawa niya nang sabihin niya sa akin iyon. Huli na ang lahat dahil hindi ko sinasadyang masulyapan ang hindi dapat makita sa loob ng palda niya.
"Pervy brat. Anong tinitingin mo dyan?" Wrong timing ka talaga Mikee at namula pa ang mukha ko sa sobrang kahihiyan. Nagulat din siguro si Via sa narinig at hindi sinasadyang matalisod sa hagdanan. Mabuti na lang at hindi siya nasasaktan masyado sa pagkahulog mula doon.
"OMG. First day palang ng klase may first kiss agad kayo?!" Ano raw?
"Hindi ka lang nakaiscore, jackpot prize agad ang nakuha mo Jin." birong sabi ni Fukuda. May araw din kayo sa akin.
"Pa-pasensya ka na. H-hindi ko sinasadya." nauutal kong sabi kay Via. Mukhang hindi niya ako narinig dahil nakatitig lang siya sa akin. Lagot baka iba ang isipin niya tungkol sa akin.
"Ayos lang ako Jin. Gagawin ko ang best ko para makalimutan ang nangyari kaya relax ka lang ha?!" ngiting sabi ni Via na medyo naluluha. Iniwan niya kami sa library na parang walang nangyari. Mareresulba na sana ang problema nang biglang pumasok si mama sa library at galit niyang tinitigan si Via.
Bakit sa lahat ng oras ngayon pa niya naisipang pumunta ng school? Sadyang pakialamera ang nanay ko at para lang din malaman niyo, hindi siya ang presidente ng GPTA sa school namin. "What's the meaning of this?!" sinigawan pa kami ni mama sa harap ng mga kaibigan ko at kinaladkad pa ni papa si Via papalayo sa akin.
"Teka sino ba kayo?" ratsadang tanong ni Cheska.
"Hindi kita kinakausap kaya tumahimik ka dyan." galit ang tono ng pananalita ni mama sa kanya.
"Kaya ka pala late sa klase mo nang dahil sa mga kaibigan mong iyan na puro masamang impluwensya lang ang naidudulot sa'yo." at ito na naman siya sa overthinking skits niya.
"Teka ma, let me explain. Wala silang kinalaman sa late record ko. May nangyaring aberya sa train station at hindi kami nakasakay agad kaya sorry po." paliwanag ko kay mama pero sadyang sarado ang pag-iisip niya.
"Nagpapalusot ka pa. Wala ka ng ginawang tama. Oras na kumalat ang balita tungkol dito, kakalimutan kong naging anak kita. Palagi mo na lang kaming pinapahiya..." Sunod-sunod na panenermong wika sa akin ni mama at bigla na lang akong nilayasan sa bahay para lang magpakasaya sa ibang bansa.
◄ ⏱End of Flashback⏱