Wala ng balita si Jin kung ano na ang nangyari kay Via pagkatapos ng insidente dahil hindi na sila nakita muli sa campus nila noong panahong iyon. Hiling na lamang niya sa pagkakataong iyon na sana talaga ay may nagawa siya para ipagtanggol si Via sa magulang niya at kung mabibigyan man siya ng pagkakataon na magkita sila ulit ay hindi na niya sasayangin ang pagkakataon para makabawi lang sa kanya.
Bukod sa Kainan University na isa ring tanyag na institusyon sa larangan ng academics, at some point in their life ay ninais nina Jin at Fukuda na makipagsapalaran upang mapabilang sa mga estudyanteng naghahangad ng free tuition fee scholarship.
Sa hindi inaasahang pagkakataon ay nagmistulang sinalanta ng bagyo ang kanilang pamamahay dahil sa kakahanap ng admission forms na kailangan para sila ay makapag-enroll sa Kamakura City Colleges o mas kilala sa bansag na Home of Prominent and Successful Graduates.
"Sinabihan ko naman siya na huwag niyang pinakikialaman ang mga gamit ko. Talagang napakakulit ng kamay niya." naiinis na hinarap ni Fukuda ang salamin habang pinaparinggan ang kakaalis na si Mikee.
"Kinakausap mo ata iyong sarili mo." birong sabi ni Jin kay Fukuda na kinakunot ng noo nito.
"Grabe ka naman Jin. Salamat at napakalaking tulong talaga iyang sinabi mo." sarkastikong tugon ni Fukuda. Natatawa na lang si Jin sa naging violent reaction ng kausap.
Halos ilang oras na din ang nakalipas mula ng magkaproblema sila sa mga nagtatagong requirements at nakadag- dag pa sa pressure nilang nararamdaman ay ang papalapit na cut-off time sa campus.
"Saan mo ba kasi huling nakita iyon? Nasa iisang folder lang naman iyong sa atin kaya imposibleng mawawala ang laman nun lalo na iyong sa'yo?" tanong ni Jin habang naghihintay kay Fukuda sa terrace ng bahay.
"Kaya nga hinahanap ko eh. Suspetiya ko pinagtitripan ako ng lalaking iyon para makaganti." aligagang sagot ni Fukuda.
Napabuntong hininga na lang si Jin dahil sa pagrereklamo ni Fukuda. "Mata kasi ang dapat gamitin sa paghahanap hindi ang bibig." bulong ni Jin sa kanyang sarili nang mapansin nito ang nakausling papel mula sa bulsa ng bag ni Fukuda.
Dinampot ni Jin ang papel sa bag ni Fukuda at dali daling inabot iyon sa kanya. "Ang mabuti pa tigilan mo na iyan. Nag- aaksaya lang tayo ng oras." sabi ni Jin at kinaladkad na nito si Fukuda palabas ng kanilang bahay dala ang kanilang mga necessities.
"Paanong?" bulong nito sa kanyang isip. Fukuda was speechless dahil na din sa sarili nitong kahangahan.
"Huwag ka ng magtanong. Dapat nga kanina pa tayo nakasakay sa tren eh." seryosong sambit ni Jin. Umalis na sila sa bahay at iniwang nakakandado ang gate ng maiwasan ang masamang kawatan.
Samantala, halos kiligin naman sa tuwa ang nararamdaman ni Cheska nang makita niya ang kanyang long distance friendship na si Via sa harap mismo ng admission office.
"Bessie!!!" sambit nito at napalingon ang madla sa kaingay niya. Tila isang nakakabinging sigaw ang nambulabog sa kamalayan ng mga empleyado ng naturang college institution sa kasagsagan ng kanilang break time.
"Whoah! As usual wala pa ring preno ang bibig mo. Kamusta ka na?" ngiting sabi ni Via na nagulat din sa biglaang pag- sulpot ni Cheska sa harapan niya.
"Makapagsalita ka naman bes parang hindi mo ako namimiss. Ang tagal mong hindi nakauwi dito sa Kanagawa tapos iyan lang ang maririnig ko galing sa'yo." pikon na pahayag ni Cheska sa kanya.
"Masyado ka naman kasing exaggerated mag-isip. Hindi ka na mabiro. It was awkward na three days ago lang ang pagitan bago mo ulit ako tawagan sa telepono kaya hindi na ako nahohomesick kahit magkahiwalay tayo ng barkada at that time." paliwanag naman ni Via sa kanya.
They do not have so much happy reunions from the past and today, this interrupted somehow dahil sa di umanoy pang-iistorbo nila sa serenity ng buong campus.
"Huwag pong sana tayong makalimot sa social distancing. Hindi ibig sabihin na matagal kayong nawalay sa isa't isa ay hihigpitan mo na ang pagkapit sa buhay nila. Importante din ng space kung gustong magtagal ang samahan." paalalang sabi ni manong guard habang nagroronda sa bawat college department.
It was loud and clear nang marinig nila ang hugot mula sa puso na statement. Hindi na ito nakakapagtaka dahil nakaturn on ang megaphone nang magbigay ito ng paalala sa lahat.
"Pasensya na po." bulong ng dalawa sa hangin. Namula ang mukha nila sa sobrang kahihiyan at pinagtitinginan na din sila ng mga tao.
"Hays! kapag nakita ko ulit ang mga matapobreng iyon makakatikim sila sa akin." pagbabanta na sabi ni Cheska.
"Ng ano?" Via curiously asked. Sa pagkakataong iyon ay hindi na nagpatinag si Cheska na ibuhos ang sama ng loob sa nangyari noon sa kanilang barkada.
"Malutong na sapak at samahan pa ng hot and spicy words from me kung kinakailangan. Kahit gisahin sila ng mga tanong sa husgado gagawin ko para lang makonsensya naman sila." Galit na sabi ni Cheska at nakayukom ang mga kamay nito at tila nagliliyab ang mga mata ni Cheska dahil sa matinding bugso ng damdamin.
Ayon pa sa kanyang pahayag, "Sabihin mo na ng parang pancit canton ang tono ng pananalita ko; buhol-buhol at madalas naliligaw sa main topic, no sense of direction at etcetera, pero wala silang karapatan na ipahamak tayo at ang pamilya niyo."
"K-kalmahan mo lang ang sarili mo bes." pag-aalala na sabi ni Via habang hinihimasmasan ang kaibigan.
"Tapos sa pananaw ng iba, sila pa ang lumalabas na mabuting ehemplo. Tumataas ang highblood ko. Ginigigil nila ako." Napabuga na lang ng hangin si Via at nagwikang, "Ikaw ang unang dadalhin sa quarantine facility dahil sa ginagawa mo ni- yan. Sige ka." birong saad nito sa kanya.
Cheska was flustered because of this. "I'm sorry kung nagpadala na naman ako sa emosyon ko. Huwag lang talaga nila ipakita sa akin iyong mga pagmumukha nila. Hindi nila deserve ang respetuhin dahil wala naman silang gano'n."
"Palagay ko tama ka..." A chill went down to their spine nang marealize kung sino ang nasa tabi nilang dalawa ni Via. Paglingon ni Cheska sa likod…
"MULTO!!!" sabay sigaw niya. Nanlaki ang mata nila nang makita si Jin kasama ang tinaguriang sumpa sa buhay ni Cheska, the one and only Fukuda Kicchou.