Chapter 15 - 4.6 Blazing Karma

It's been a while mula nang magpalipas ako ng oras dito sa loob ng CR. For sure na nag-aalala sila sa akin lalo na itong si Mr. Sagad. Ni hindi man lang niya ako binigyan ng panahon para makapag-isip bago ko siya kausapin by heart.

"Ako ang papasok dyan sa loob kapag hindi ka pa lumabas." Diba? Sagaran kung makademand na akala mo eh siya ang nagpapaaral sa'yo.

"Jin, pwede bang pabayaan mo muna ako." pakiusap ko sa kanya and thank goodness at wala akong ibang kasama dito sa loob maliban lang sa anim na cubicle. At dahil sa pamimilit, nabuksan niya ang pinto na nilock ko naman.

"Hindi pwede." sabi niya at kung anong klaseng kademonyohan ang sumapi sa kanya definitely made a great job.

"KYAAH! Ang bastos mo talaga." napailing na laman ako nang bigla akong sugurin ni Jin sa loob ng CR na para sa mga pretty ladies like me.

"Well, I'm sorry because I've really miss you so much Via." nakakaflatter naman marinig iyan mula sa'yo Jin especially mas lalo kang naging gwapo sa paningin ko pero anong ipinaghihimutok ng buchi mo dyan at sobra kang makabulyaw sa akin?!

Pang-Famas ang mood nito sa dami ng luhang bumaha na galing sa amin. I mean for the longest time na hindi kami nagkaroon ng closure para ipaliwanag ang mga alibi ko sa paglayas namin dito sa Kanagawa noon, this is the only chance para maitama ang lahat ng pagkakamali.

"That's enough." I said while wiping my tears. "I thought may ibang affairs ka na kaya ako dumidistansya sa'yo ngayon." I frankly told him. Kung prankahan lang ang labanan, don't you dare joke around against me.

"Tamang hinala ka na naman pero mali ang akala mo." aniJin sabay napangiti siya ng marahan. "Tamang hinala ka na naman pero mali ang akala mo." komento niya sa paliwanag ko na parang malakas ang amats niya ngayon para bwisitin ako.

"Tapos ka na siguro sa business mo dito?" He asked again while I'm in a dilemma dahil sa pagbigla niya sa akin.

"Okay na ako. Nakasagap na din ako ng fresh air." I said to him in reply.

"Dito talaga sa Comfort Room? Seriously?" konting com- mon sense naman Jin.

"Of course not!" I shouted at his face. "Ilugar mo naman minsan ang pagbibiro lalo na kung hindi nakakatawa." sarcasm mode on ako sa'yo ngayon Jin kaya habaan mo pa sana ang pasensya mo.

My eyes were widening nang may inabot siya sa akin. "By the way, I bought you some sanitizer. Out of stock ang bouquet ngayon kaya iyan na muna." In fairness amoy rosas. Hindi na siguro uso ang bulaklak sa panahon ng Valentine's season lalo na kung nalalanta lang ito at hindi naman mapapakinabangan ng pangmatagalan.

I smiled at him and said, "Thanks Jin." Ang wise talaga ni- tong mag-isip kahit kailan. Provenly tested na positive ang pagiging kuripot, hundred percent. Umalis na kami sa Comfort Room dala ng kainipan namin sa sarili. Pinuntahan na namin sina Fukuda sa canteen para sabay-sabay na kaming maghihintay sa multi-purpose hall.

I'm just delighted to know na naging masaya ang highschool life ni Jin kahit may mga struggles siyang pinagdaanan sa pagsali sa kanilang basketball team. In my case, I shared my experience with other kids na nakasalamuha ko after that incident.

We stayed on a deserted island sa Okinawa dahil doon nagstart mabankcrupt ang ipinundar na negosyo ni papa. Grabe ang stereotypes noon sa amin dahil kilala kaming tycoon for a decade sa larangan ng mining. For a couple of years na napapaligiran ako ng karagatan at doon na namulat sa kahirapan ng buhay, I decided to return home again sakaling may babalikan pa ba akong magandang future para sa sarili and sa family ko. Mahihiya pa ba akong sabihin kay Jin ang lahat ng tungkol sa akin eh kahit sarili kong privacy ay hinahamak na niya.

"So, you mean, pinalayas kayo sa dati niyong tinitirahan dahil kina mama?" He asked me agitatedly this time nang mabang- git ko ang issue tungkol sa utang na loob na hindi pinahalagahan ni papa sa pamilya nila.

"I'm not sure kung may kinalaman talaga sila sa pagpapalayas sa amin noon but I personally admit na may atraso kami ni dad sa family niyo kaya I'm sorry kung ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob na magtapat nito sa'yo." I humbly ask for forgiveness sa lahat ng nangyari.

Mukhang naguguluhan si Jin sa nalaman niya. The mere thought na posibleng manghamak ng ibang tao ang magulang niya ay napakasakit na sa kalooban para sa isang batang hindi pa mulat sa reyalidad ng lipunan.

"Speculation ko lang naman iyon dahil napakaimposible naman na palayasin kami ng landlady dahil nakabayad pa kami renta ng apartment namin noon." I clarified my sentiments towards my claim which also made him wonder kung bakit sobra- sobra ang pagkamuhi nila sa ibang tao.

- BACK TO SCENE -

[Soichiro Jin…]

This is really insane sa part nina mom kaya I called them directly sa landline nila to confirm lahat ng kalokohang ginawa nila sa pamilya ni Via. They left me alone sa bahay kaya akin na siguro ang property na iyon pero kahit isa man sa kanila ay hindi nagrerespond sa tawag ko.

"Jin, mauna na kami." sabi ni Fukuda nang magkasalubong kami papunta sa multi-purpose hall. Lumapit naman si Cheska kay Via para ibigay ang take-out nila mula sa lunch break.

"Kanina pa namin kayo hinahanap. Resolved na ba ang issues niyo?" nag-aalala na tanong nito kay Via.

"We're fine now." natutuwang reply nito kay Cheska. I guess madali para sa kanya ang magmove forward at maging resilient sa negative experience na pinagdaanan nila, but it's a different story kung sobra na ang pagiging makasarili nila.

"Sige susunod na lang ako sa inyo." I replied to him. Tumi- gil bigla ang mundo ko nang tumawag sa akin si Mikee sa phone ko na nagmistulang sumbungan ng bayan dahil sa pagiging saksi sa isang karumal-dumal na krimen.

"Hindi pa ba kayo tapos dyan?" reklamong saad nito sa tenga ko.

"May kailangan pa kaming asikasuhin. Nasaan ka ba?" tanong ko sa kanya.

"Kailangan ka dito sa presinto. Nasunugan raw iyong bagong lipat sa kanto niyo." bulalas niyang sabi sa akin.

"Eh anong pakialam ko dyan at wala naman akong kinalaman sa pangyayari?" Nakakainis kasi minsan ang Mikee na ito at bakit hindi na lang niya sabihin ng deretsahan ang balita niya sa akin.

"Andito iyong nanay mo sa kulungan." bulyaw niya sa akin. Kasabay nito ang pag-aalala ni Via nang makita ang isang balita sa phone niya. Hindi ito tungkol sa covid updates but rather a scandalous news article involving my parent's arson attempt sa tinutuluyang bahay nila Via ngayon.

"My gosh, what's the meaning of this?!" Narinig ko si Via na naluluhang muli kaya pinaalam namin kina Fukuda ang mga kaganapan kaya't nagmadali na kaming umalis sa campus.

Habang sila ay nasa police station ay pilit na namamalimos ng awa ang suspect sa mga pulis. "Officer, Aksidente lang ang nangyari kaya please pakawalan niyo na ako." pagmamakaawang sabi ng mama ni Jin.

"Seryoso po ba talaga kayo sa sinasabi niyo ma'am eh halos malagutan ng hininga itong bata sa ginawa niyo." panenermon ni Mikee sa kaipokritohan ng ale.

Halos hindi pa din nagigising si Jasmine mula nang makalanghap ito ng makapal na usok. Nirespondehan man sila ng ambulansya ay hindi pa din nakakatiyak sina Mikee na maisasalba pa ang buhay niya.

Makalipas ang ilang minuto ay galit na sinugod ni Via ang presinto. "Ano po ba talaga ang nangyari?" nag-aalala na tanong ni Via sa mga pulis.

"Nakita po kasi sa CCTV na nilooban ang bahay niyo. Nagkaroon po ng leak ang LPG sa kusina niyo malapit sa garahe at may naiwan ng sigarilyo sa tabi nito." paliwanag ng pulis sa kanila. Dagdag pa nila, "Palagay namin na sinadya niya iyon dahil nadetect ang fingerprints ng manang na ito sa tangke."

"Bakit ka naman maniniwala sa kanila anak? Ako ang ma- ma mo..." Sa pagkakataong iyon ay pinamukha ni Jin sa kanyang ina ang salitang Karma.

"Pwede bang maging makatwiran naman kayo Ma?! May ebidensya po sila laban sa inyo at ano naman po ang aasahan niyo sa akin? Na kakampihan ko pa kayo? Nararapat lang po sig- uro sa inyo iyan ma dahil hindi na makatao ang galit niyo sa ibang tao. Sumosobra na ho kayo." Mahinahon man siya ngunit tagos sa kaluluwa ang binitawang salita ni Jin.

"Diba pangarap mong maging abogado? Kahit tutol ako sa gusto mo, pumayag pa din ako kasi mahal kita anak." pagdadahilan ng nanay ni Jin na tila hindi na katanggap- tanggap sa kanyang pandinig.

"Ma, kahit sinong abogado ay walang maglalakas loob na ipagtanggol kayo. Maliwanag pa sa sikat ng araw na kayo talaga ang may kasalanan. Kaya please lang, palayain niyo na po ako sa puder niyo at hayaang magplano para sa sarili kong kapalaran dahil pinabayaan niyo na ako nung umpisa pa lang." katwiran ni Jin at sinamahan na niya si Via sa ambulansya.

Habang sinusubukan ng mga EMT personnel na irevive ang batang si Jasmine ay mas lalong nanaig ang hustisya kaysa sa sariling kapakanan ng pamilya ni Jin.

Makalipas ang ilang oras na panalangin na mabubuhay si Jasmine ay natupad naman ang kanilang hiling kasabay ang magan- dang balita na makakauwi na ang magulang ni Via na galing sa Saudi Arabia. "Ate, I'm too scared." bulalas ni Jasmine sabay napayakap sa dalaga.

Pagkagising niya sa stretcher ay agad din niyang binati sina Jin. "Kamusta?! Does this mean matutupad na ang wish ko, Jin- nii?" ngising sabi ni Jasmine kay Jin.

"Alin ba iyon?" pagtakang tanong naman ni Mikee sa kanilang dalawa ni Jin.

"Maybe kung papayag si Ate mo na tumira kayo sa bahay ko." suggestion ni Jin na ikinahihiya naman ni Via.

"Eh paano naman ang parents mo. Papayag kaya sila?" paninigurong tanong ni Via habang nangangamatis ang mukha sa sobrang hiya.

"They have no other choice at saka I'm the one who is in- charge now." ngising sabi ni Jin sabay yakap nito sa dalaga.

"Okie, whatever you say. Lagi ka namang paladesisyon noon pa man." birong sabi ni Via na may ngiti sa kanyang labi at bumalik na silang muli sa campus kasama si Mikee.

Sakto sa oras ang pagbabalik nila sa campus dahil kakasimula pa lang ng open forum para sa mga freshmen. "Welcome to a new batch of geniuses from College of Law." panimulang sabi ni Ma'am Lena sa mga estudyante.

"As you all know sa tradisyon natin ay mamimili na tayo ng pambato sa Debate Society so base sa naging evaluation ng Dean sa mga new enrollees, I'm proud to present to you our new members." dagdag pa nitong pahayag sa crowd.

Nakakabinging hiyawan at palakpakan ang narinig sa buong building. Mula nang marinig nilang apat ang pangalan nila ay todo bigay ng suporta si Jasmine at Mikee sa kanilang mga kaibigan.

"Palibre naman kami Fukuda!" nagbibirong sabi ni Mikee.

"Fighting lang Ate, Kuya Jin-nii! Pakasal na kayo please lang." Hiyaw naman ni Jasmine sa kanila.

"Sakit na naman ito sa utak." reklamong saad ni Fukuda.

"Para sa'yo lang at huwag mo kaming idamay." Pang-aasar na tugon ni Cheska sa kanya at muling nagkaroon ng rambulan sa buong building.

[Soichiro Jin…]

Sa loob ng mahabang panahon na nagpapaniwala ako sa dinidikta ng pamilya ko sa akin, naging bulag ako sa mga totoong pangyayari sa paligid ko. Ang masasabi ko lang sa ngayon ay naging malaya na ang kaisipan ko mula nang masabi ko ang lahat ng hinanakit sa pagyurak sa pagkatao ng iba lalo na sa babaeng minamahal ko.

Hindi pa man ito ang tamang panahon sa usapang kasalan ngunit mas pipiliin kong patunayan muna sa kanya ang sarili ko na karapat dapat para sa akin ang sagot niyang Oo pagdating ng araw na tunay kaming maging isa sa mata ng Diyos.

Walang desisyon ang masasabing tama kung puro pagsisisi lang ang mararanasan mo habangbuhay. Kung kaya't habang may pagkakataon ka pang itama ang pagkakamali, gawin mo na ASAP!

Wakas