"Kayo ah, binubuko niyo na naman ang sikreto ko." nahihiyang sabi ni Haruko sa kanilang lahat at tila natuwa ang lahat sa reaksyon ng dalaga maliban kay Hanamachi na labas na sa kanilang usapan.
"Hindi naman ah! Nagsasabi lang naman kami ng totoo." ngiting sabi ni Gian at tila hindi sila nauubusan ng ibabatong panlalait sa kalutangan ng isip ni Haruko noong kabataan nila.
Nagmistulang naging family reunion ang kaganapan sa bahay nila Haruko dahil sa pagbisita ng kanyang mga barkada. "Mabuti na lang at pinayagan na kayong makapasyal sa amin rito." masayang sabi ni Haruko sa kanila.
"Pwede na kasing magcommute kaya sinamantala na namin ang pagkakataon." tugon naman ni Renz habang busy siya sa pagraransak ng makakakain sa bahay ng dalaga.
"Kinukulong ka ba ng gorilla mong kapatid sa bahay niyo? Masyado ka ng matanda para magpaalam pa sa kanya." birong sabi ni Dominic sa kanila na siyang hinalakhakan nina Renz at Gian.
"O Sige. Kapag biglang dumating si kuya dito, hindi ko siya pipigilang magalit sa inyo." nagtatampong pahayag ni Haruko na siyang nagpatigil sa kasiyahan ng tatlo.
"Aysus! Basta kung sakali mang payagan ka ng lumabas sa lungga mo, dumalaw ka naman sa village namin. Andaming pwedeng mapagtripan doon kaya tinigilan ka na namin." paanyayang sabi ni Gian na tila kinaiinisan na ni Sakuragi ang barkada ni Kiyota.
"Parang hindi naman eh. Wala pa din kayong pinagbago." Ngiting komento na lamang ni Haruko sa kakulitan nila.
"Syempre walang makakatalo sa kapilyuhan namin maliban kay Dominic. Napag-iiwanan na din kasi sa kaprangka- han." ani Renz sa kanilang lahat.
"Grabe naman kayo sa kanya. Dibale, kakarating lang ng balik-bayan package ni papa kahapon kaya hintayin niyo lang ako rito sa sala." bilin ni Haruko sa kanila at saka siya naghagilap ng mga pasalubong sa kwarto ni Akagi na pwede nilang maiuwi.
"Ayos talaga kayo Haruko. Sana dumami pa ang mga taong gaya niyo na may mabuting puso." natutuwang sabi ni Gian na tila binagsakan ng blessings mula sa mga angels in the sky.
"At sana lang mabawasan ang gaya niyong nananamantala sa kabaitan ng iba." bulong naman ni Sakuragi sa kanyang sarili habang pikon na pikon siyang tumititig sa gawi nina Renz habang kausap si Haruko.
Makalipas ang ilang sandali ay bakas pa din ang pagkainis ni Sakuragi sa pagdating ng mga barkada ni Kiyota kung kaya't na- pagpasyahan nitong magparinig sa kanilang grupo. "Hay naku! Mga panira talaga ng araw..." at sabay-sabay silang napalingon lahat sa sinabi ni Sakuragi.
Nanlilisik na tingin ang naging reaksyon ni Renz dahil tila nababastusan siya sa asal ni Sakuragi. "May problema ka ba sa amin brad?" tanong niya kay Hanamichi habang pilit niyang inilili- his ang usapan.
"Ano ba kasi ang pinunta niyo dito?! Makipagharutan? Hindi ko matatanggap ang sagot na iyon." Nagngingitngit sa inis ang pahayag ni Sakuragi sa mga kasama ni Kiyota.
Samantala, naaasar na din si Kiyota dahil tila nababalewala siya sa usapan. "Teka nga! Mawalang galang lang. Ano nga naman kasi ang pinunta natin dito at sinama niyo pa ako?" mahinang sabi niya habang busy ang iba sa kanilang pangangalkal ng makakain sa kusina.
"Si Haruko na ang sagot sa problema mo." bulong na katwiran ni Gian kay Kiyota.
"Huh?!" Bulalas na sabi ni Sakuragi sa pahayag nito habang si Kiyota naman ay nawiwindang sa mga ibig nilang ipahiwatig sa kanya.
Tunay na ligaya man ang namumutawi sa puso ngayon ni Sakuragi sa panahong wala ang taong kinaiinisan niyang si Rukawa ay mas lalo namang hindi nakatiis si Haruko sa nakikita niyang kagunggungan mula sa taong bagong salta sa kanilang pamamahay.
Dalawang oras na ang nakalipas mula nang makaalis ang barkada ni Kiyota ngunit nagpaiwan na muna si Sakuragi sa bahay nila na nanonood ng TV. Samantala, si Haruko naman ay masigasig na tinuturuan si Kiyota kahit ilang beses mang sumablay ang pag- bikas ni Kiyota sa ibang konsepto.
"Hydrogen, Helium, Lithium, Beryllium, Moron...Bwisit bakit ba lagi kong nakakalimutan ang kasunod?!" Naging iretable na ang binata mula ng mag-umpisa silang dalawa ni Haruko sa kanilang masusing pag-aaral para sa exam ni Kiyota. Hindi din nakati- is si Sakuragi at nagsimula na siyang magbiro ng hindi maganda.
"Nyahahahaha..." nang-iinsultong halakhak ni Sakuragi.
"Tumahimik ka nga unggoy na may pulang buhok. Hindi ka kasali sa usapan bakit ka ba nakikigulo dito?!" saway ni Kiyota sa nang-aasar sa kanya.
"Isa ka ngang malaking moron." ngising komento ni Sakuragi at bigla na lang silang naghahabulan sa loob ng bahay.
"Anong sinabi mo?!" galit na tugon ni Kiyota sabay hi- nahawi niya ang pulang buhok ng walis tambo.
"Sa-sandali... Huminahon lang kayo." pagpapakalmang sabi ni Haruko kina Sakuragi at Kiyota at tila wala na silang pakialam kung may magalit man sa kanila dahil sa kakulitan nila.
Halos hindi makaimik si Haruko sa kanyang nakikita. "Naku naman. Pagagalitan ako ni kuya nito." bulong nito sa kanyang sarili at dismayado siya sa kanyang nakikita.
"Boron kasi iyon at hindi moron na gaya mo unggoy. Nya- hahahahaha..." sabi muli ni Sakuragi at nagtitimpi na lang si Kiyota.
Nagsalita daw ang magaling pero sa pagkakaalam ko eh bagsak ka din naman kaya huwag kang magmalinis unggoy na may pulang buhok." resbak ni Kiyota sa kanyang kaaway.
"Huwag mo akong itulad sa'yo dahil isa akong henyo. Di ko kailangang magsummer class para lang habulin ang grades ko kaya mas lamang ako sa'yo. Nyahahahaha..."
"Tarantado talaga ito." naiinis na turan ni Kiyota sa mapang- asar nitong karibal. Medyo natahimik ang buong bahay nang biglang dumating si Akagi na may dalang mga 2nd hand textbooks mula sa bookstore.
"Mga Bugok!" entradang sabi nito na halatang naiinis kay Sakuragi at gaya ng laging nangyayari ay nakatikim ulit si Sakuragi ng masakit na bukol mula sa kanya.
[Haruko Akagi…]
"Hayyss..." Napahinga na lamang ako ng malalim dahil grabe pala silang mag-away ni Sakuragi. Kiyota, I know how it feels like to be frustrated lalo na sa science kaya karamay mo ako pag- dating sa issue na iyan.
Halos antukin na ako sa pwesto namin sa sala dahil higit isang oras na kaming nakaupo at kinakabisado niya ng paulit ulit ang 118 elements na hindi naman talaga masasama lahat sa exam para maperfect ang chemistry subject.
In all fairness and for the sake of honesty, hindi ko inakala na mahirap din palang turuan si Kiyota sa subject nila. Ano pa nga ba ang aasahan natin sa isang auxiliary school. Sadyang advanced lessons na ang tinuturo sa kanila pero para sa akin ay basic pa iyon at madaling unawain. Hindi naman sa pagbubuhat ng sariling bangko ngunit iyon kasi ang madalas na napapansin ng mga teachers ko sa academic performance ko.
Tinawag ako ni kuya para kausapin ng masinsinan. "Haruko, pwede bang mag-usap muna tayo saglit." Utos na sabi ni kuya at iniwan ko muna sila sa sala habang nagpapalamig sa aircon.
Dali-dali ko siyang pinuntahan sa garahe para asikasuhin ang iba pa niyang dalang gamit mula sa tutorial center. "Anong ginagawa niya dito?" Tanong ni kuya sa akin.
"Bagong kliyente siya sa tutorial center niyo kuya. Ginawa ko na ang makakaya ko para turuan siya pero wala pa din akong mahita kung anong paraan ang gagawin ko para maturuan siya ng maayos." dismayado kong tugon sa kanya.
"Natural lang naman na wala pa siyang improvement sa umpisa. Di din magtatagal eh masasanay sin iyang si Kiyota sa mga lessons niya sa Kainan. Tiyagaan mo ng turuan Haruko tutal inunahan mo na kami."
"Talaga ba kuya?!" sobra naman ata ang hinihingi mong pabor sa akin.
"Oo. Alam kong kaya mo siyang turuan. Sinabi ko naman sa'yo ang dapat mong gawin. Pagkatapos naman ng isang linggo ay pwede mo nang kunin ang sweldo mo." at tumango na lamang ako sa sinabi ni kuya.
Pumasok kami ulit sa bahay at napansing nagkasundo na sila ni Sakuragi at Kiyota. "At least okay na kayo." birong sabi ko sa kanila habang pilit na ngumingiti sa kalokohan nila sa bahay.
Nakakatuwa lang na nabalot agad ng nakakabinging katahimikan ang buong sala namin. "Pasensya ka na sa inasal namin kanina Ms. Haruko." mahinahong sabi ni Kiyota sa akin.
"Huwag mo na lang masyadong isipin iyon." ngiting sabi ko na lang sa kanya. Mukhang hindi inasahan ni Sakuragi ang magiging reaksyon ni Kiyota at mistulang nahihiya siya habang nakatingin sa akin dahil na din siguro sa nangyaring bangayan nila kanina.
"Hoy! Ano pang ginagawa mo dyan gunggong? Simulan mo ng sagutin ang mga ito." utos ni kuya at saka niya ibinigay ang limang textbooks kay Sakuragi.
"Again?! Wala ka bang konsiderasyon hah Gori?" reklamong saad niya ngunit hindi na siya sinagot ni kuya.