Chereads / QUEST FOR GENUINE HAPPINESS || Slam Dunk Fanfiction / Chapter 22 - 5.7 Love Probability of √–1

Chapter 22 - 5.7 Love Probability of √–1

And finally, we're here at my dream house este Kogure-san's residential property with simple yet fancy vibes sa kanilang exterior home design. Alam niyo bang it's my first time na nainlove ako sa taong halos dekada na ang agwat ng edad kaysa sa akin. I mean pogi naman si Jin-nii pero siyempre nakabakod na iyon kay ate.

If there is one thing that I would like to do now, iyon ay kung paano ko kakausapin si Kogure-san gayong umeepal sa eksena si kuya Mikee. "Tao po! Funtom express delivery po ito!" paulit-ulit na sinisigaw ni kuya Mikee sa harap ng gate nina Kogure-san.

"Ano kaya kung bumalik na lang tayo mamaya? Mukhang walang tao sa loob eh." Ang dali mo namang sumuko kuya. Nakakapikon na kasi ang pinaggagagawa niya sa akin kanina lalo na't nagmukha pa akong ATM niya.

"Hindi pwede kuya. Masasayang ang ganda ko pagkatapos ng lahat ng dinaanan nating traffic." sabi ko sa kanya in order for him to be convinced that we need to wait patiently longer than expected.

"Saan ba banda ang ganda dyan?"

"Kuya naman ih..." Naiinis na ako sa kasama ko ngunit nasulit ko naman ang aking paghihintay nang makita ko na si Kogure- san ng personal.

"Naku! Pasensya na at medyo natagalan kayo sa paghihintay." Marinig ko pa lang ang boses niya para bang nasa ibang reality na ako.

Ang cool ng dating niya. Pinagbuksan niya kami ng gate ni kuya Mikee and hindi ko masyadong kinakaya ang nakikita ng mata ko. He was so charming sa suot niyang T-shirt na may tatak pang Doraemon sa gilid ng manggas. Binigay ni kuya Mikee kay Kogure- san and order niya. Di naman iyon kamahalan at mukhang panregalo ata ang binili niya dahil bitbitable naman ito with just one hand.

"Ayos lang iyon sir." nambubwisit na sabi pa ng epal na si kuya Mikee. "Pakireceive na din po pala itong kasama ko. Mukhang atat nang matutong magmahal ang batang iyan..." Nakakahiya talaga ang pinagsasabi mo tungkol sa akin kuya. I swear na kapag hindi ka pa tuluyang umalis ay masasapak ko na yang mukha mo.

"Puro ka talaga kalokohan." Natatawang sabi niya kay kuya Mikee and I was stunned by his accent. "Ikaw pala ang sinasabi ni Boss Ryza kagabi na pupunta dito. Halika, pasok ka." ngiting sabi ni Kogure-san.

Hindi ko alam kung dapat ba akong maging masaya o kaba- han sa mga susunod na mangyayari but it seems that destiny is siding with me. He let me stay sa kanilang sala habang si Kogure-san ay todo asikaso sa akin. Matcha tea and crackers were all over the place. I was too preoccupied with my fantasies to the extent na hindi ko na makausap ng maayos si crush.

"May iba ka pa bang kasama dito sa bahay niyo Kogure- san? Parang kasi ang tahimik sa inyo rito." I asked him dahil ang lungkot naman ng sitwasyon niya kung home alone siya diba?!

"Natutulog kasi si lola sa kwarto niya. Maya-maya ay kakain din iyon ng tanghalian." sabi sa akin ni Kogure-san na parang nakukulitan pa sa akin.

"Gano'n ba eh how about your parents Kogure- san?" Medyo nabigla ko ata sa tanong si Kogure-san dahil halos nasamid siya sa nasabi ko.

"Matagal na silang hiwalay kaya nakikitira ako ngayon sa bahay ng lola ko dahil malapit lang dito ang university namin." at nakikita ko sa mata niya ang lungkot na relatable sa family setup namin ni ate Via with other step siblings sa Saudi Arabia.

"Naku, sorry kung napag-usapan pa natin iyon Kogure-san. Hindi ko naman kasi akalain na ganoon ang nangyari sa inyo sa family niyo." Ang hilig ko kasing mang-intriga sa buhay niya. I'm curious lang naman kasi sa kanya, diba?!

- BACK TO SCENE -

[Kiminobu Kogure…]

Bago pa kami mawala sa dapat naming ginagawang agenda sa mga oras na iyon ay napansin kong napakabibo talaga ng magiging estudyante ko. Halos may pagkakahalintulad lang ang karaniwan naming pinag-aaralan ni Akagi ngunit specialized ang kanyang kurso sa Science. Di na lingid sa inyong kaalaman kung gaano siyang kabihasa sa Physics kaya nag-enroll kaming pareho sa pribadong institusyon na mayroong full scholarship sa mga STEM related courses.

Gayumpaman ay kinakailangan namin ng extra budget para paghandaan ang mga research project proposals kaya't laking pasasalamat ko rin kay Ryza na naging exchange student rin sa aming university at naisip niya akong kunin bilang empleyado ng tutorial center niya.

"Kogure-san, bawal ba talaga akong gumamit ng calculator dito?" Malungkot na sabi ni Jasmine at medyo natawa ako sa itsura niya dahli mukha siyang inagawan ng candy.

"Nasa basic algebra pa lang tayo at wala pa sa trigonometry kaya sigurado akong makakasabay ka sa lessons sa module mo." pagpapaliwanag ko sa kanya ng maigi.

"Sigurado ka ba talagang basic ito Kogure-san parang hindi na ako makakatulog neto pagkatapos eh." reklamo niya sa akin na may pagkadismaya.

Bilang teenager, alam kong madali siyang magsawa lalo na kung wala sa interes ni Jasmine ang matuto kung kaya't pinasagu- tan ko muna siya ng pre-tests para malaman kung aling concepts ang dapat munang ituro sa kanya. Mula sa sampung tanong ay pito lamang ang nasagutan niyang tama at ang karamihan pa doon ay namamali pa ang unit sa dulo ng sagot.

"Mukhang sa word problems talaga kayo nahihirapan aber..." Nasabi ko na lamang sa aking sarili nang makita ko ang computations niyang kulang-kulang sa detalye. Karaniwan kasi sa mga estudyante ay isinusumpa ang mga math teacher sa word problem type ng exam kaya hindi ko sila masisisi kung maraming umaayaw sa subject na iyon.

"Osige ipapaliwanag ko kung paano masosolve ang problema na ito." Sabi ko na lang sa kanya at nagseryoso na si Jasmine sa pakikinig sa akin.

- BACK TO SCENE -

The question to be answered was what rational expression multiplied by (x + 1) / (x + 4) is (x² - 2x - 3) / (x² + 2x - 8) at sa loob ng ilang oras ay pawang iyon lamang ang kanilang pinag-uusapan.

"Ang una mong gagawin ay isulat ang mga given sa kanilang mathematical equation." panimulang sabi ni Kogure.

(x + 1) / (x + 4) * = (x² - 2x - 3) / (x² + 2x - 8)

"Ngayong nagawan na natin ng equation ang word problem, anong operation ang gagamitin natin para masolve ang na- wala sa tanong?" ngiting sabi ni Kogure.

"Division." tugon ni Jasmine at isinulat niya sa kanyang papel ang tamang equation.

(x² - 2x - 3) / (x² + 2x - 8) ÷ (x + 1) / (x + 4)

"Tama. Ang susunod ay ifactor out natin ang mga quadratic equations sa tanong para mas madali nating masolve ang equation." paliwanag ni Kogure.

1st equation: x² - 2x – 3

2nd equation: x² + 2x – 8

Dagdag pa nito, "Alam naman natin na ang factors ng 3 ay both positive and negative values ng 3 at 1. Kung ganon, anong numbers ang kailangan na kapag inadd natin ay magiging equal sa negative 2 at magiging product ng negative 3?"

"Negative 3 at positive 1 ba Kogure-san?" Kinakabahang sabi ni Jasmine na tila hindi sigurado sa sagot.

"Sure ka na ba sa mga sagot mo sa akin?" ani Kogure at tila nahiya si Jasmine sa kanya. "Oo?!" nagdadalawang-isip na tugon ni naman ni Jasmine.

"Naku, mukhang kabado ka pa ata. Tama naman ang sagot mo pero ayos ka lang ba?" ani Kogure kay Jasmine habang pinapa- kalma niya ang dalaga ng malumanay.

Medyo naninibago lang siguro ako sa mga pinag-aralan namin sa school Kogure-san. Bago ang lahat sa akin doon at paminsan-minsan ay hindi ako nakakasabay sa pag-unawa ng mga classmates ko lalo na sa math." Kwento ni Jasmine at tila nauunawaan din ni Kogure ang kanyang pangangailangang atensyon sa pag-aaral.

"Naalala ko lang iyong parating sinasabi sa amin ni Coach Anzai noon na kapag sumuko ka na, doon lang natatapos ang iyong laban at hindi mo na kailanman maibabalik pa ang mga nasayang na panahon at pagkakataon. Kaya sikapin mo ding ala- min ang lahat hanggang bata ka pa para mapaghandaan mo ang kinabukasan mo." payo ni Kogure kay Jasmine habang nakangiti sa kanya. Tumango na lang si Jamine bilang tugon sa kanilang usapan ni Kogure.

"Okay! So, sa 2nd equation naman, anong numbers naman ang pwede nating imultiply para makuha ang -8 at maging sum ang +2?" tanong muli ni Kogure sa kanya.

"Ang factors ng 8 ay ang positive and negative values ng 1, 2, 4, at 8. Pero kung kailangang makuha ang +2 sa equation edi dapat iadd iyong 4 sa negative 2. Baka positive 4 at negative 2 iyong sagot." sagot ni Jasmine ss binata.

"Gano'n nga! At ano naman ang factors ng dalawang quadratic equations sa given?" ani Kogure.

"Bale magiging (x + 1) (x - 3) iyong sa x² - 2x - 3 at (x - 2) (x + 4) para sa x² + 2x - 8." sabi ni Jasmine at sinang-ayunan naman iyon ni Kogure.

1st equation: x² - 2x - 3 = (x + 1) (x - 3) 2nd equation: x² + 2x - 8 = (x - 2) (x + 4)

Sinulat nilang muli ang tanong base sa nakuha nilang values ng mga factors ng quadratic equation at ito ay: (x +1) (x - 3) / (x - 2) (x + 4) ÷ (x + 1) / (x + 4)

"Base sa rule of division ng rational expressions na pinag- aralan niyo, anong gagawin natin para masolve natin ang equation na ito?" tanong muli ni Kogure at napansin nitong naeenganyo na si Jasmine sa kanilang talakayan.

"Sa pagkakaintindi ko Kogure-san ay papalitan iyong op- eration sa multiplication tapos iyong multiplier na (x + 1) / (x + 4) ay magrereciprocate o magpapalit ng pwesto sa fraction at magi- ging (x + 4) / (x + 1)." paliwanag ni Jasmine at sinulat muli ni Kogure ang equation nito.

(x + 1) (x - 3) / (x - 2) (x + 4) * (x + 4) / (x + 1)

"At kapag nacancel na natin ang mga common factors na x + 4 at x + 1, ano na lang ang matitira sa equation?" tanong muli ni Kogure kay Jasmine.

"x - 3 at x - 2 Kogure-san." seryosong sabi ni Jasmine.

"So ano na ang magiging sagot natin sa word problem ka- nina?" ani Kogure.

"(x - 3) / (x - 2)" Sabi ni Jasmine at sa pagkakataong iyon, gaano man niya ideny ang totoo ngunit napagtanto niya na wala pa siya sa kalingkingan ni Kogure pagdating sa kanyang nalalaman.

[Jasmine Salam…]

I hate to admit it pero mukhang paghanga lang talaga ang nararamdaman ko kay Kogure-san for the last minute. Hindi naman ako nagsisisi na nagpaturo ako sa kanya dahil napakadetailed ng explanation niya.

Sa ilang buwan ko kasing pamamalagi sa Kainan kung saan grumaduate si Jin-nii ay hindi ko naranasang madalian sa mga assignment namin sa mga teacher namin doon.

Umuwi na ako pagkatapos ng first meeting namin ni Kogure- san at nagpatuloy ang relationship namin bilang senior ko, the ideal one na walang nakasisiguro kung meant to be ba talaga kami o hindi.

To be honest with you guys, nainspire rin ako ng one of the former champions sa extemporaneous speeches na si Ms. Jessie Akusa na nagbigay ng closing remarks sa debate competition nina ate Via sa Kyoto.

Ayon sa kanya, "Anong klaseng pamantayan ba ang dapat mong sundin upang matiyak mong ikaw ay patungo sa landas ng tagumpay? Our Family and friends will always give us options in our decision making pero huwag ninyong kalimutan that the environment and community that we lived in ay nakakaapekto rin sa ating mga pasya. Whether it's for the common good or not, nasa inyo lagi ang initiative: ang kalayaan to take the first move para matupad ang gusto niyong mangyari sa buhay niyo."

Maybe it is not yet the best time for love but thank you Papa G since I met the guy of my dreams who always cares about my progress.

Wakas