Chereads / QUEST FOR GENUINE HAPPINESS || Slam Dunk Fanfiction / Chapter 27 - 6.5 His Patient, Bothered

Chapter 27 - 6.5 His Patient, Bothered

"Hillary bumaba ka rito saglit." bulyaw ni Mitsui mula sa sala. Nang maaninag niya ito mula sa hagdan ay agad na itong nagpakuha ng first aid.

"Teka, anong nangyari sa kanya?" nag-aalalang pahayag ni Hillary ng namataan niya ang batang sugatan na kasama silang dalawa ni Mitsui at Miyagi.

"Huwag ka ng marami pang satsat dyan. Hanapin mo na yung first aid kit kung saan mang aparador iyon nakalagay." nata- tarantang sabi ni Mitsui ngunit wala pa mang ilang segundo ay agaran ang responde ni Hillary nang mahanap niya ito sa kasulok- sulukan ng kwarto ni Mitsui.

Nagmamadaling inabot iyon ni Hillary. "Ito na. Mabuti na lang at maraming pang badges rito na bagong bili. Baka masprain pa kasi bigla ang tuhod mo na hindi natin namamalayan." seryosong sabi ni Hillary na nagpainis lalo ng husto sa binata.

Mula ulo hanggang paa ay sinuri nila ang batang narescue nila kanina. Napagtanto nilang napa-away ito ng husto dahil sa mga pasa at laslas na natamo niya sa kanyang braso at binti kung kaya't nilinisan muna nila ang mga sugat niya gamit ang antiseptic at binalutan na rin iyon ng tela.

Samantala ay nagugulumihanan pa rin si Miyagi sa kung paano nila tratuhin ang bawat isa tuwing sila ay nag-uusap. "Girlfriend mo ba siya?" malisyosong tanong niya sa dalawa.

Tila sumabog ang dibdib ni Hillary sa kahihiyan nang marinig ang tanong na iyon. Sasagutin niya sana ito ngunit na- konsensya ito sa nangyari sa kanilang dalawa ni Mitsui bago ang trahedyang dumaan sa buhay nila.

"Hindi ko alam." Ayon kay Mitsui at pinagtuunan na lamang niya ng pansin ang kanyang pasyente. The coldest expression was felt by them from Mitsui's heart.

No one except him can truly answer Miyagi's inquiry at this time. "Bakit naman?" tanong ni Miyagi sa harapan nilang dalawa.

"Conflict of interest." tipid na sagot ni Hillary at naintindihan din ni Miyagi ang nais nilang ipahiwatig.

"Ah! Masyadong komplikado ang sitwasyon." bulong na lamang ni Miyagi sa kanyang sarili at di niya maiwasang mapangisi sa madalas nilang pagtitigan sa sama ng loob.

"Ipangkukuha na lang muna kita ng makakain." ngiting sabi na lamang ni Hillary sa bisita para makaiwas siya sa pagpapa- rinig na kwentuhan nilang magbarkada.

Napalingon na lamang si Mitsui at tinititigan ng malayo ang postura ni Hillary. Nang matapos silang gamutin ang pasyente ay bigla nilang iniba ang usapan.

"Maibalita ko nga pala galing sa College namin. Magkakaroon daw ulit ng enrollment sa Bachelor's Degree ng Business Administration sa susunod na semester. Baka lang naman in- teresado ka pang bumalik ng pag-aaral kaya pinaalam ko na sa'yo." paanyaya na sabi ni Miyagi kay Mitsui at tinawanan na lamang ni Mitsui ang offer nito.

"Kaya nga umayaw na ako dahil sa thesis na iyan eh." pabirong sabi na lamang ni Mitsui at tila hindi naman kinibo ni Miyagi ang kanyang kapanayam.

"Isa pa nagkaproblema pa sila papa sa trabaho nila at dumating pa sa puntong hindi nila masustentuhan ang pag-aaral ko dahil masyadong magastos." dagdag pa nitong pahayag.

"Pasakit ka pa ata sa ibang kaklase mo noon kaya ka nagkaganyan." birong sabi ni Miyagi sa kanya.

"Anong malay mo baka yumaman akong bigla sa pagdede- liver ko ng order niyo galing sa internet kahit na di pa ako nakatapos niyan." pagyayabang na sabi ni Mitsui kay Miyagi.

"Seryoso ka ba sa sinasabi mo?! Ang laking suntok sa buwan niyan. Kahit ata pambili ng pandikit sa pustiso mo hindi mo maasikaso." natatawang sabi na lang ni Miyagi sa kanya. Agad naman binatukan ni Mitsui ang kanyang kausap dulot ng pagpapaalala sa kanya ng mga karanasang ayaw na niyang balikan mula noong nasa high school pa lamang sila.

"Kasalanan mo kaya iyon." napipikong tugon ni Mitsui na lalong nagpainit ng kanyang ulo. Maikling oras lamang ang inilaan ni Miyagi sa pakikipagkamustahan sa dati nitong team mate kaya nagpasya na siyang magpaalam sa kanila.

"Baunin mo na itong mga cookies." pahabol na sabi ni Hillary at binigay niya ang garapon nitong may laman kay Miyagi at nagpasalamat na lamang siya sa kanilang kabaitan.

The next day was surely filled with a jammed pack schedule for both of them. It was too early for their breakfast to be served and yet they decided to check up on the child's current situation who was sleeping exhausted on a comfy and decent mattress.

"Kailangan pa natin palitan niyan iyong mga bandages. Masyadong malalim ang natamo niyang sugat sa binti na parang nakabaon pa yung kutsilyo sa lagay niyang iyan." nag-aalalang sabi ni Hillary nang mapansin pa ang mga sugat nito.

"Dagdagan mo na rin siguro ng gauze pad para dun sa ka- nang mata niya na nakabalot. Ngayon ko lang rin napansin na baka magkaroon pa iyon ng komplikasyon." seryosong sabi na lamang ni Mitsui sa kanya.

Alintana pa din sa kanila ang awkward feeling na nararanasan nila ngayon tuwing magkausap sila. Dahil na din sa kahindik-hindik na pangyayaring sinimulan nila ay napagkasunduan nilang linawin ang kanilang saloobin at intensyon.

"I'm sorry./Patawarin mo ako." Sabay nilang bigkas sa isa't isa. Maaaninag din sa kanila ang sincerity nang magkatapatan sila ng tinging nakakatunaw.

Naunang nagpaliwanag si Hillary. "I'm sorry talaga sa ginawa ko yesterday. Hindi ko naman akalain na magagawa ko iyon sa iyo sa kabila ng lahat ng pinakita mong kabaitan sa akin." nahihiyang paliwanag nito.

"Sa totoo lang, huwag mong subukang idahilan sa akin na aksidente lang ang lahat ng nangyari dahil ginusto mo iyon sa umpisa palang. Inaamin kong may pagkakamali rin ako at hina- yaan ko ang sarili kong bastusin ka gayong may commitment na ako sa ibang tao. Pasensya ka na sa naging asal ko sa'yo mula pa noon." mahinahong sabi ni Mitsui kay Hillary na nagpalalim pa lalo sa kirot ng pusong sawi ng dalaga.

"Palagay ko mas maigi na talagang lumayo na ako sa'yo para mas lalo kang hindi masaktan nang dahil sa akin." maluha-luhang sabi ni Hillary sa kanya.

Palabas na sana si Hillary sa pintuan ng bigla siyang pinigilan at hinawakang mahigpit ni Mitsui ang kamay niya. "Kaya mo pa bang maghintay para sa akin?" seryosong sabi ni Mitsui sa kanya na tila nagpabingi sa pandinig ngayon ng dalaga.

Tila nalilito siya sa kanyang narinig. Sinigurado muna ni Hil- lary kung ano talaga ang ibig na ipahiwatig ni Mitsui sa kanya. "Hibang ka na ba? Diba kasasabi mo pa lang na may girlfriend ka kaya bakit mo pa ako hahayaang maghintay sa'yo?" naiinis ni Hil- lary sa sinabi ng binata habang pinupunasan ang kanyang mga luha.

"Nakakapagod ring umasa at maghintay. Ilang taon ko nang sinubukang marinig ang dahilan kung bakit parang nanlalamig siya sa akin. Malamang ito na siguro ang huling beses na susubukan kong hamakin ang lahat para sa amin ni Claire dahil ayoko rin namang umasa na maayos pa ang relasyon namin kung may lamat na din para sa kanya ang mga panahong naghiwalay kami ng landas." panghihinayang na sabi ni Mitsui sa mga panahong nakalipas.

"Kaya ako ang ipapalit mo sa trono niya? Okay fine. Lumayas ka na sa bahay mo dali." bulalas na sabi ni Hillary habang tinu- tulak niyang palabas si Mitsui sa kwarto.

Kahit paano ay medyo nagpangiti na lamang si Mitsui dahil sa kalokohan ni Hillary. Umamin man sila sa kanilang nararamdamang tunay ay bakas pa rin kay Hillary ang pagpaparaya sakali mang mapagtanto ni Mitsui na hindi siya ang gusto niyang maging karelasyon.

Samantala ay pumunta ngayon si Mitsui sa US embassy ha- bang nakatoka ngayon si Hillary sa pagbabantay sa kanilang pasyente. She was speechless already at that moment dahil hindi rin expected kay Mitsui ang pagsasabi niya ng ganoong klase ng pahayag.

Makalipas ang isang oras ay may nahanap si Hillary na alternatibo para sa pantakip sa mata ng kanyang pasyente. Nagpasiya ito na tanggalin ang eye patch niya sa kanang mata ngunit laking gulat nito nang bigla siyang hawakan ng bata sa braso sabay sabi ng pagbabanta sa kanya.

"Don't you dare touch that or else you might soon regret it for the rest of your life." seryosong sabi nito at unti-unti niyang minulat ang kanyang mga mata.

Tila natataranta si Hillary sa inasal sa kanya ng batang tinulun- gan nila. "Spokening dollar pala ito. O baka naman euro bills? Madali pa naman akong maubusan ng English carabao." pahiyang bulong na lang niya sa kanyang sarili at napakamot na lang siya sa kanyang sintido.

"Ughm... I'm sorry I didn't know that it was so special for you in which I need to handle it with delicate care." nag-aalala na sabi ni Hillary at medyo kinakabahan sa pakikipag-usap sa kanya.

"Of course, you idiot. That's my only memento from my parents." masungit nitong pahayag kay Hillary.

"Talaga ba? Parang hindi naman eh! Saka anong klaseng attitude ba iyan?! Masyadong spoiled brat." naiiritang bulong ni Hillary sa kanyang sarili habang pinapagalitan siya ng taong mas bata pa sa kanya.

Pinagmasdan muna ng bata ang kanyang paligid and he later realized that he went to sleep with a stranger's house. "What the heck has happened to me?" The brat typically asked her ng walang pag-aalinlangan.

"I'm Hillary Jess by the way. My friend named Mitsui found you outside his house and at that time you were like a dying frog so he decided to take care of you. He also mentioned while asleep that bringing patients with injuries to the hospital right now might end up in your own grave sooner." malikhaing pagkukwento ni Hillary sa kanya habang hindi naman siya kinibo ng bata.

Dahil sa likas na pabibong ugali ni Hillary ay halos siya ang nagsasalita sa kanilang buong interrogation. "How should I call you then?" tanong niya sa bata.

"I'm not interested to be asked about myself and I don't even care." nang-iinis na sabi ng bata na tila sumagad na ang pasensya ni Hillary sa kanya.

"Is that so... How about I'll call you Casper like a ghost pirate? Tutal para na rin naman akong nagsasalita sa hangin habang kausap ka sir." sarcasm na sabi ni Hillary na tila tumataas na ang high blood niya.

"That is absolutely alright." tipid na sagot ng Casper.

"For the meantime I'll prepare you some food so you can feel energized for the day." walang ganang sabi ni Hillary dahil napabuti na ang kalagayan ni Casper.

"Oh, my goodness! Parang magkaugali lang sila ni Mitsui pero mas grabe lang ang pagiging mapagmataas niya. Anak ata ito ni Mitsui sa labas eh." bulong ni Hillary habang pinariringgan si Casper sa kanyang sariling mundo.

"And another thing..." pahabol na sabi ni Casper at lumingon muli si Hillary sa kanya.

"What is it?" walang ganang tanong ni Hillary sa kanya.

"Stop pretending like you are a good native speaker of my language. Your weird Japanese accent makes me feel sick. Just don't you ever try to ruin my day. Naiintindihan ko naman ang sinasalita ng bibig mo." rebelasyon ni Casper sa kanya.

"So, you mean to say na narinig mo ang usapan namin ni Mitsui?!" gulat na tanong ni Hillary kay Casper.

"Yup! Very loud and clear." ngising sabi ni Casper sa kanya at nagsimula nang mamula ang pisngi ni Hillary dahil sa pagkainis.

"Aba... Maloko rin itong batang ito ah!" bulong ni Hillary sa kanyang sarili at iniwan muna si Casper sa kwarto nito.