Samantala ay harapang inihayag ni Casper ang mga napansin niya sa relasyong nabubuo sa pagitan nila Mitsui at Hillary. "It seems you have made a lot more enemies than friends in your life. Your foolishness was quite interestingly pathetic." ngising sambit niya kasabay ng paghigop niya ng sabaw ng noodles.
Hindi man siya gaanong sanay sa pobreng pagkain ay sinisikmura na lamang ng pilitan ni Casper ang lasa nito upang makibagay sa kanilang pamumuhay.
"Pati ba naman ikaw aawayin mo pa ako? Kung nagsimula ang pagkakaibigan namin sa kasinungalingan, madali lang din palang babawiin iyon. Nakakafrustrate naman ito eh ni hindi niya matanggap kung bakit ko iyon nagawa sa kanya." dismayadong komento ni Hillary noong kinausap niya si Casper.
Napabuntong hininga na lamang siya sa tinuran ni Hillary. "So, you already resorted to playing victim then? Kahit na matagal nang nabuo ang tiwala niyo sa bawat isa ay sadyang minamalas din kayo ng tadhana." walang ganang sabi ni Casper.
"Napakaunfair talaga ng life eh noh?! Oo nga pala naka- tawag ka na ba sa mga parents mo or sa mga kaibigan na nandito ka sa bahay ni Mitsui?" She said upon realization na wala man nababanggit si Casper tungkol sa kanya.
"Hindi pa dahil matagal na silang patay at isa pa wala akong ibang kinikilalang kaibigan maliban sa mga kasambahay namin." kwento ni Casper sa kanya.
Hillary's eyes were widened upon hearing such statements. "Kasambahay? Edi ibig sabihin mayaman kayo?" She asked suddenly.
"Kind of." Casper said and shrugged his shoulders.
"Alam ba nila na andito ka?" ani Hillary kay Casper.
"That's another massive problem to deal with. Sa totoo lang nanggaling pa kami sa Great Britain kaya matatas akong manalita ng Ingles. Well, except in your case though kaya kailangan kong ibagay ang sarili ko sa lenggwahe na sinasalita niyo. Napunta lang kami ng Japan para magbakasyon pero ganito pa ang nangyari sa akin." seryosong paliwanag ni Casper kay Hillary.
Tila umapaw ang awa sa kalagayan ni Casper sa bahay ni Mitsui. Lingid sa kamalayan ng dalawa ay napakinggan rin ni Mit- sui ang mga napag-usapan nila sa kusina nang manghagilap siya ng basahan para linisan ang kanyang motorsiklo sa labas.
Lumipas ang oras at natapos rin sila sa pagkain at mahahalata sa kanila na tila nagkakasundo sila sa mga bagay na pumukaw sa kanilang interes sa kabila ng magkaibang antas ng pamumuhay.
"Let me tell you this straight to your common sense that is not really common anymore. Walang nakakaalam sa kung hang- gang kailan tatagal ang samahang ipinundar niyong pareho. Mas maiging gawin niyo na ang lahat ng magagawa niyo para maisalba ang nasirang tiwala nang sa gayon ay wala kayong pagsisihan pagdating ng panahon." sabi ni Casper na kasalukuyang nakaupo at nagpapahinga sa sala.
"Ilang taon ka na ba?" curiously asked by Hillary.
"Thirteen." Tipid na sagot naman ni Casper.
Tila nasamid at naninibago si Hillary sa kung gaanong kalalim mag-isip ang kausap niya. "Ang deep naman ng hugot mong iyan. Saan ba nanggagaling iyong mga quotable quotes mo?" tanong ni Hillary sa kanya.
Napangisi naman si Casper sa narinig. "I guess it's from hell since I've been there for so long." derektang sagot ni Casper at nagsimula nang mabalot sa misteryo ang ibig nitong ipahiwatig.
Her gut feeling suddenly became worried about the said statement. "Nagbibiro ka lang naman diba?" kinakabahan na tugon ni Hillary.
An outburst of laughter was heard around the place. "Of course, I'm just kidding you moron!" sagot ni Casper sa nararamdamang kilabot sa kanya ni Hillary.
[Hillary Jess…]
Te-teka lang hah! Sa totoo lang ay kahapon pa akong kinikilabutan sa pinagsasabi nito. Halos mamutla ang dugo ko nang bi- nigla niya ako tungkol sa kung bakit niya gustong nakapiring ang isang mata niya.
Medyo nakapa ko iyon bago siya magising at masasabi kong halos normal lang naman ang kondisyon ng mata niya but I somehow felt strange and weird tungkol sa kanya. Namamalikmata lang siguro ako pero there was no shadow reflecting from his body kahit nakatirik ang araw sa labas at pumapasok rin ang sinag sa loob ng bahay nila Mitsui.
"Is there any dirt that sticks in my face?" tanong niya sa akin dahil na rin siguro sa hindi ako naging komportable sa mga nakalipas na minuto.
"Ah...eh nakadikit kasi sa bibig mo iyong noodle." sabi ko at tinaboy ko na lang ang natirang pagkain sa bibig niya.
Sa pakiwari ko ay hindi lang iyon tungkol sa magulang niya kung bakit niya nakasanayang magsuot ng eye patch na iyon. Naka- kapraning sa totoo lang dahil kung anu-anong bagay na lang ang naiisip ko out of curiosity sa kanya.
May lalabas kayang superpowers sa bata na ito kapag inalis ko iyong eye patch sa kanya? Kahit gaano pang kalawak ang imahinasyon ko, I would never want to be cursed specially when it comes to relationships. Hindi kami halos magkasundo ng mga kamag- anak namin dahil sa hobbies ko tapos nakikisali pa si Mitsui sa problema.
Am I a freak para isipin lahat ang possibilities na minamaligno kaming dalawa or it's just my fault that I let myself be restless mula pa kahapon kaya ako nagmumukhang baliw at hallucinated? Siguro kailangan ko munang ibeauty rest ang sarili ko dahil baka hindi ko rin kayanin pa ang emotional damage na mapapala ko sa pag-intindi sa lalaking tulad ni Mitsui.
"You know... Just give him some time to think for himself. Maybe it will soothe his mind somehow about your toxic attention-grabbing mindset."
Napakakalmado ni Casper kung kausapin niya ako pero magkakasundo kami sa desisyon kong umalis muna sa piling ni Mitsui. Sumang-ayon ako sa gusto niya at pumasok muna ako sa guest room kung saan nakatambak ang mga gamit ko. Nag-impake muna ako saglit at saka na ako lumayas sa kanila.
"Alis na ako." sabi ko kay Mitsui na nagpapanggap sa pag- aasikaso sa baby bike niya.
"Sige lang kahit huwag ka ng bumalik." nakakainis na sagot niya sa akin. Quits na kami kaya bahala na siyang asawahin iyong baby na iyan.
Nagpaalam na muna ako sa kanila para paghandaan rin ang costume party na gagawin ng kumpanya nila Mitsui. Trabaho lang at walang personalan dahil balak ko rin maglivestream sa lugar na pagdarausan ng event.
Celebration iyon para sa mga bata and feeling young at heart like me kaya mas excited pa ako sa anime hunk portrayers na makikilala ko doon kaysa sa kahit sino pa man sa mga staff nila.