Samantala ay nagpahatid na lamang sa taxi si Hillary na todo porma sa gabing iyon. Hindi man napagbigyan na makasama siya kay Mitsui ay sobrang pasasalamat na lang niya na nakaabot pa siya bago mag-umpisa ang mga seremonyas sa loob ng event.
Pagkarating pa lang niya sa entrance ay agad siyang pinagkaguluhan. Walang katapusang autograph signing at picture taking ang bumungad sa kanya. "Lodi, notice me please." hiyawan ng fanbase ni Hillary na nakapalibot sa kanya at kahit pagod siya sa biyahe ay pinilit niya na lamang niyang asikasuhin ang kanilang mga requests.
[Hillary Jess…]
I was not really expecting that the crowd would become so fascinated by my appearance. Siyempre, for someone influential like me, is imagination lang ang limit for today's plastikan.
Unlike any other events na nagpakatanga ako ng suot na tipong may nakapatong pang customized armor sa buong katawan ko, I'd rather choose to be authentic and elegant this time.
Evergreen of FairyTail was closest to my heart. As someone who chooses to be arrogant and always wants to justify their means, a lovers' game would be so much fun to deal with lalo na sa caliber ng isang Hisashi Mitsui.
Matipuno, mahusay, at lalong higit sa lahat ay ang mapagmahal. Ilan lamang iyan sa kanyang katangian bilang isang lalaki. I don't consider him as matino dahil pareho lang naman kaming pa- saway.
If her stone eyes magic can make everyone look statues, may- be it's just comparative to say that Hisashi Mitsui has already been under my spell since he was also stunned by that kiss. Assuming na pabida na naman ako for this segment kung kaya't pagpasensyahan niyo na ang cravings ko para sa presence niya.
Masyadong malawak ang sakop ng lugar na pinagdadausan ng event. Nilibot ko na mula sa buffet table hanggang sa harap ng stage ngunit nang pumatong ako sa baitang ng hagdan ay nagulumihanan ako sa kung bakit nakatambay si Mitsui at ang alipores niya malamang sa tabi ng restroom.
I eventually rushed towards him para naman hindi ako out of place sa ganap dito. "Mitsui!" pagtawag ko sa ngalan niya from a far distance.
Konting hakbang na lang ay makakapiling ko rin siya sa wakas ngunit hindi ko namalayan na naiwala ko somewhere ang pinakaimportanteng gamit na dala ko.
Nagulat ako sa nag-abot sa akin ng gamit kong muntik ng mabawasan ng kwarta."I presume that this wallet belongs to you, my lady."
Pagkalingon ko sa kanya ay nagkakatitigan kami and for some reason ay parang nakita ko na ang mukha niya somewhere. "Thank you, sir." sabi ko sabay hablot sa wallet ko.
Tinignan ko munang maigi ang laman nun baka kasi kulang ang paper bills ko doon ng mga resibo sa household expenses namin dahil may nakaipit pa doon na cash at mga ATM passcodes.
There was a moment of silence, bago kami magkagirian. "Have I met you somewhere before?" tanong ko sa lalaking naka tailcoat suit. Familiar talaga ang itsura niya sa akin nang makita ko sa pustura niya ang lalaking napansin kong lumabas sa kwarto noon ni Casper sa bahay ni Mitsui.
"I believe that this is our first meeting. Maybe you just saw my doppelganger somewhere, that is why I think you are definite- ly mistaken about me." ngiting sabi niya sa akin.
"Sebastian is my name and your sophisticated look is indeed stunning this evening." dagdag niyang pambobola sa kagandahan ko.
"I would love to take that as a compliment." ningitian ko siya dahil sobrang nakakaflutter ang mga salita niya sa akin. Hindi ko din lubos maunawaan kung anong nakain ni Sebastian at grabe niya akong matahin. Kanina pa siya tutok na tutok sa mga kilos ko na para bang may secret agenda siya sa akin.
"Just spill the tea Mr. butler. What do you need from me?" deretsahang tanong ko sa pagmumukha ni Sebastian who never seem to feel intimidated by my presence.
"Based on your status, the young master would be pleased to meet you if given the chance." He requests me to join their circle of influence at mukhang magandang offer iyon.
"What do you mean by that?" paglilinaw kong tanong sa kanya. Masyado na atang lumalaki ang ego ko kung ang sikat na gaya ko ay mapapaunlakan ng isang taong mayaman at prestihiyo- so para lang makilala ako.
"The young master actually wants to discuss with you his proposal of advertising this company through social networking sites including some influencers like you who have a constant increase of followers in their social media accounts. Would you consider accepting his proposal?" paliwanag niya sa akin and I'm too stunned by this kind of opportunity to the point na wala ng turning back.
"Yes, I will gladly accept the offer but can I tag along with my friend about that discussion? I kinda feel nervous to see your boss with this kind of revealing getup." nahihiyang sabi ko sa kanya at mukhang natuwa naman siya sa aking honest statement.
Nakakapanibago na ang mga ganap lalo na nung hinawakan pa niya ang kamay ko and his gaze went straight to my eyes. "It will be my satisfaction to fulfill your request, my lady." Nakaluhod ang isang tuhod niya saka hinalikan niya ang kamay ko.
Para bang nasa royal ball ako and for some reason ay nasa katauhan ko si Cinderella na natagpuan na ang kanyang prince charming dahil sa asal sa akin ni Sebastian.
I'm still thankful dahil wala halos nakapansin nung ginawa nung lalaki sa akin. Kahit may tampuhan pa rin sa pagitan namin ni Mitsui ay pinili pa rin niya akong maging plus one sa event na ito which I found myself responsible na maging disente sa okasyon na ito.
He knows my passion very well about dressing up for a change. To be honest with you ay nag-expect din ako na sinama rin niya si Casper dito dahil hindi na niya kailangang magpakacomplicated sa kanyang outfit. Nakakatiyak ako na napakaboring ng buhay niya ngayon sa loob ng bahay ni Mitsui dahil solo niya ang bahay nila at this moment.
- BACK TO SCENE -
Makalipas ang ilang sandali ay nag-anunsyo na ang emcee tungkol sa mga empleyado na nagpamalas ng angking husay sa kanilang trabaho. Dahil sa bagong miyembro pa lamang si Mitsui sa kanilang kumpanya ay hindi siya naghahangad ng anumang parangal sa awarding ceremony na iyon.
Samantala at pinuntahan na ni Hillary ang table kung saan ay mag-isang nakatambay ngayon si Mitsui. "Ano bang meron sa CR bakit gusto mong tumatambay malapit dyan?" nagtatakang pahayag ni Hillary kay Mitsui na halos kakatapos lang rin uminom.
His dominant scent was alcoholic drinks and that made Hillary suspect him to be a jerk drunkard. "Happy anniversary, love." biglang sabi ni Mitsui sa kanya. Niyakap niya ito ng mahigpit na ikinagulat mismo ng dalaga.
"Si Hillary ito gago ka." Pilit siyang kumakawala sa yakap ni Mitsui dahil na rin sa kahihiyan nito sa harap ng maraming tao ngunit hindi nagpatinag si Mitsui at ipinagpatuloy pa rin ang kanyang hinaing.
"Alam mo bang miss na miss kita love? Sorry kung bigla kitang pinagtaksilan dahil sa kaibigan mo. Hindi pa man kita naisisiping pero inunaahan niya pa ako noong nakaraang araw." nagsusumamo na sabi ni Mitsui na tila malakas ang tama sa utak.
"Naloko na..." bulong ni Hillary sa kanyang sarili ng napagtanto niya ang consequences sa kanyang ginawa sa katinuan ni Mitsui. Tila nabuhusan ng malamig na tubig ang ulirat ni Mitsui nang sabuyan siya ni Hillary sa mukha ng tubig.
"Gising na hoy!" Pabirong sabi ni Hillary at hindi pa siya nakuntento ng paghahampasin niya si Mitsui sa magkabilang pisngi. Sa mga sandaling iyon ay wala ng gana si Mitsui sa pakikipagdiyalogo sa kahit kanino man.
Makalipas ang ilang minutong pahinga ay nakadilat na ang mata ni Mitsui dahil sa kanyang naranasang pananampal sa kanyang mukha.
"Dumating ka pa at talagang nagpakita ka pa sa akin." naiinis na sabi ni Mitsui at bigla na lamang niya binitawan ang dalaga.
"Teka lang. Huwag mo naman akong iwasan. Concerned lang naman ako sa'yo eh." paliwanag ni Hillary dahil hindi niya mapapatawad ang sarili niya kung naisipan man ni Mitsui na mag- maneho pauwi sa bahay nila na nakainom.
"Talaga ba?" Sarkastikong pahayag ni Mitsui. "Sana totoo talaga yung sinasabi mo sa akin dahil kung pwede lang sana ay noon pa kita binura sa alaala naming dalawa ni Claire." Insultong pahayag ni Mitsui at tila hindi na nagpatinag si Hillary sa mga sinasabi sa kanya ng binata.