Makalipas ang dalawang araw na paghahanda ay sumapit na sa wakas ang pinakainaabanagang party ng Funtom Corporation para sa kanilang 134th founding anniversary.
Sa patuloy nitong pamamayagpag sa larangan ng large-scale manufacturing ng confections at mga laruan ay nagpasya ang kanilang pamunuan na mag-expand ng business entity na may kinalaman sa logistics at sadyang sinuwerte lang ang pagtanggap kay Mitsui sa trabaho dahil sa tulong rin ng kaibigan niyang si Mikee Hasegawa.
Habang ang lahat ng bisita sa event hall ay abala na nakikipagsocialize sa mga nakakasalubong nila, tanging si Mitsui lamang ang hindi komportable sa kinalalagyan nito.
[Hisashi Mitsui…]
Takip silim na ako nakisabay sa entrada ng mga bisita sa event hall. Kung pagmamasdan kaming maigi ay halos maiunat na leeg namin sa sobrang pagkamangha sa setup ng venue na ito.
Mula sa pinakamaliit na detalye gaya ng kulay ng tema, dekorasyon, ambiance, at higit sa lahat ay ang kasiyahan ng mga narito ay halatang napaghandaang maigi kahit minsa'y nakakahiya sa pananaw ko ang wangis ng iba na kung makapagsuot ng costume ay parang wala ring natatakpan.
Sumpain ang tolerance kung isa ka sa kagaya kong madalas na pinag-iinitan sa spotlight of conversation. Huwag mo nang hilingin na maranasan pa ang pasakit ko ngayon dahil sa mga babaeng bigla nalang sumusulpot para lang mapansin ko. Hindi mo na kailangang maghanap ng dessert dahil halos nakapalibot na silang lahat sa'yo araw-araw. It was sweet and tempting to taste while it will also destroy you eventually.
Kung may napagtanto man ako ngayon sa buhay ay sadyang madaling mangako; mahirap tuparin, at mas nakakawalang gana pa rito ay ang magsawa kang mabaliw sa kakahintay na matupad ang pangakong iyon.
Wala na talaga akong magagawa kung gwapo pa rin ako sa paningin nila kahit na nakablack suit lang ako at may kasama pang konting pabango pero grabe talaga ang gabi kapag mga chix na mismo ang lumalapit sa'yo para tuklawin ka.
"Did you know that I was following you on Instagram?" baka poser ko lang yon.
"Can I take a selfie with you my dear, sugar daddy ç?" Sinabayan pa ng flying kiss ang demanding request ng desperada. Hindi ako bayaran para lang pag-aksayahin ko sila ng oras.
"Let's chill and feel crazy wonderful tonight. Is that okay with you?" bulong pa ng isang dalaga sa tenga ko habang pasim- pleng hinihimas ang balikat ko.
Nakakakilabot diba?! Kahit papaano ay naiintindihan ko rin ang kasupladuhan ni Rukawa sa mga fans niyang handang makipagpatayan para lang mapansin niya ang mga iyon. Nakakawalang ganang mamuhay kung laging ganoon ang nangyayari.
"Tol! Musta na?!" Hiyaw ng barkada ko mula sa malayo at nabigla kami nang nabuhusan ng alak na galing sa champagne tower ang damit ng mga babaeng nasa harap ko.
"The F! What the heck you have done to my dress?!" Sinigawan ng babaeng asungot si Hasegawa sa harap ng maraming tao.
Sa totoo lang ay masasapak ko na ang mukha ng babaeng iyon na kung makaasta ay parang siya pa ang bidang inaapi sa kwentong ito. May gana pa man din akong makipagbardagulan sa mga taong walang modo pero nabigla rin kami sa reaksyon ng mga tao sa paligid.
"Is that even worth billions to brag about your looks Madam? For all we know, the young master Ciel does not even consider you to be here." sabi ng babaeng utusan na nakasalamin.
"And besides even without invitation, you must respect the young master's employees even in the Funtom Company." Dagdag na pahayag ng iba pa sa mga naging kasamahan namin sa trabaho.
Blessing in disguise na rin iyon dahil sa wakas ay nilubayan na ako ng mga babaeng haliparot. Turn-off ata sila sa pride at ego naming mga empleyado at wala kaming sinasanto maliban sa aming work ethics.
Para sa akin ay isang malakas na deserve ang sumampal sa kanila ng katotohanan. "Lubos talaga akong nagpapasalamat sa pagiging isip bata mo minsan Hasegawa." birong sabi ko sa kanya at kahit paano ay nabunutan rin ako ng tinik sa asal niya sa mga babae kanina.
"Ilang beses ko ba dapat sabihin sa iyo na Mikee na lang ang itawag mo sa akin. Mabuti na lang at inabutan kita dito pero ibang klase ka. How to be you?" naiinggit na sabi ni Mikee sa akin at tila hindi pa rin siya makamove on sa mga chix na iyon.
"Siraulo ka. Hindi ko naman sila pinilit na lapitan ako dahil sadyang gwapo kasi ang dating ko kumpara sa'yo." natatawang sabi ko sa kanya at naiinis pa rin siya sa kanyang narinig.
"Pinilit ko na ngang magmukhang matalino kahit hindi naman talaga pero mukhang wala akong mapapalang girlfriend kung nakapalibot at kasama kita sa party." naasar na pahayag ni Mikee sa akin.
Bilang namuhay ka sa striktong pamilya, hindi mo talaga maarok o kaya'y masisikmura ang gawain ng ibang lahi. Nakasanayan nilang maging bossy sa buhay ng iba at gagawin ang lahat para lang makamit ang ninanais nila.
"Pasensya na tol pero hindi mo kayang maarok ang gandang lalaki na nananalaytay sa dugo ko." pag-aalong sabi ko sa kanya at nalihis na lamang niya ang paksa sa ibang usapin.
"Tanggap ko naman iyon at least buo pa rin ang ngipin ko sa harap. Iyon lang ang naging lamang ko sa kagwapuhan mo." At pinersonal pa ako ng lintik.
"Ito nga pala yung kasama ko. Si Jasmine, ang future bayaw in law Jin. Nasobrahan ng kilig ang lintik kaya nagpropose na siya ng kasal para sa girlfriend niya tutal ilang buwan na rin naman silang magka live-in partner ni Via." Maintrigang kwento sa akin ni Mikee at tila parang ang aga naman nilang mag-decide dahil ang pagkakaalala ko ay nasa kolehiyo pa lamang rin silang dalawa.
"Hello kuya. Nice to meet you po. Inggit lang kasi ang kuya Mikee sa kanila ni ate kaya nagrereklamo iyan sa inyo." birong pahayag sa akin ni Jasmine.
"Tumahimik ka. Di mo ba alam na barkada ng Mitsui na ito iyong crush mo hah?! Baka gusto mong malaman pa niya kung sino iyon." panenermon na sabi ni Mikee sa kasama niya at napansin kong medyo nahiya sa akin si Jasmine.
"Sinasabi ko na nga bang hindi mo pa rin ako tatantanan eh. Maghanap ka na ng babaeng pagtitripan mo at hindi ako iyong iniistorbo mo sa tutor lessons ko sa kanya." naiinis na sabi ni Jasmine at umalis rin kalaunan para sa buffet.
Ako rin mismo ay masaya para sa buhay nila ngayon at hindi sila natulad sa kamalasan ko sa pag-ibig. Hanggang ngayon ay na- tatawa pa rin si Mikee sa tabi ko at halata talaga sa kanya na desperado rin itong mag-asawa kalaunan.
"Nasaan nga pala yung plus one mo sa event?" tanong ni Mikee habang hinahanap niya yung HillariousJess na vlogger na malinaw pa sa liwanag ng buwan kung sino ang tinutukoy niya.
"Iyong inimbita ko dito hindi makakapunta pero sigurado naman akong nandito din iyong hinihintay mong vlogger." sabi ko na lang sa kanya.
"Bakit parang hindi ka natutuwa?" aniya sabay napalagok na lang muna ako ng dala niyang inumin.
"Hindi ko pa rin alam kung kami pa ba ng girlfriend ko dahil matagal na din mula nang huli naming pag-uusap." Nanghihinayang na kwento ko sa kanya.
"Wala akong makokomento diyan pero good luck nalang sa inyo. Best wishes na rin kung sakali." nag-aalalang sabi niya sa akin at sinamahan muna ako sa pwesto ko malapit sa CR para hindi ako maburyong sa kakahintay ng hatinggabi para matapos na ito.
Sa totoo lang ay nag-aalala din ako sa kalagayan ni Casper sa bahay namin. Naisip kong isama sana siya rito para rin malibang siya kahit ngayong gabi lang pero tumanggi siya sa alok ko.
- BACK TO SCENE -
"Mey-rin." pagtawag ni Baldroy mula sa kusina at nilapitan siya ng maid.
"Tapos na ba iyong niluluto mong handa?" tanong nito sa kanya.
"Oo kaya ihain mo na ito sa mga bisita." utos na sabi nito pero hindi pa rin mawala sa isipan niya ang mga kapalpakang nangyayari tuwing pinagsasabihan ito sa kanyang pagiging nerbyoso.
"Hawakan mo nang mabuti iyang tray huh?!" Sabay na sabi nila Finnian sa kasama nila. For some reason ay hindi pa rin maitatanggi ang aksidente sa buhay.
Bago pa man magsimula ang programa ay natahimik ang lahat sa pagdating ni Grell Sutcliff sa loob ng venue. Papalapit na sana si Mey-rin sa table kung nasaan si Sebastian na kanilang head butler sa Phantomhive estate pero nagulat sila sa kanilang narinig.
"Sebas-chan! " Tumitiling sambit ni Grell sa entrada nang makita niya si Sebastian. Karipas niyang nilapitan ito ngunit umilag rin ang kanyang crush kalaunan at bumangga si Grell sa pader.
At dahil sa asal nito na parang naasinang uod nang lapitan ni Grell ang kanyang iniibig, iyon na ang naging mitsa sa pag-umpisa ng nakaambang disgrasya. Natapilok si Mey-rin mula sa sapatos nitong palaspag na. Wala sa ayos ang pagkakasintas ng sapatos niya hanggang sa mabangga niya ang champagne tower na pinaghirapan nilang gawin.\The guests were also puzzled about the commotion. Namangha na lamang ang lahat sa ipinakitang galaw ni Sebastian para maisalba ang reputasyon ng kumpanya nila.
As the glasses were about to fall ay tila tumigil ang oras kung paano niya muling inaayos ang mga baso sa loob ng maikling panahon. Milagrong walang nasayang na patak ng alak at nabi- gyang puri pa si Sebastian sa kanyang ginawa.
Manhid na kung ituring ni Grell ang kanyang sarili sa physical violence dahil agad itong nakatayo matapos ang ilang segudo na recovery period. "I've missed you so much that I almost went bipolar just to hear your masculine voice, Sebas-chan." kinikilig pa na sabi ni Grell sabay yakap sa braso ni Sebastian.
"You're such a party crasher here like you always do. What do you want this time?" walang ganang sabi ni Sebastian sa kanilang acquaintance.
"It's just simply to enjoy the rest of the night with you." tugon naman ni Grell sa blank expression ni Sebastian na nagpanginig sa balahibo ni Mitsui.
"Tol... Bakla ba ang kumakausap sa butler ni boss?" nahihiyang tanong ni Mikee kay Mitsui.
"Marami talagang bagay sa mundo ang hindi natin maunawaan pero huwag mo na lang sila pansinin para hindi masakit sa mata mo kung gaano sila kabulgar sa mga sarili nila." komento na lamang ni Mitsui na patay malisya ngayon sa nasaksihan nila.
Tila nagngingitngit sa galit si Grell nang marinig ang pinag- uusapan ng dalawang binata. "Ano naman ngayon kung bakla ako? Hindi naman kayo judge para husgahan ang puso kong babae mga creepy guys. Just who do you think you are any- ways?!" Gigil na sermon ni Grell kina Mitsui at Mikee.
"Pasensya na po." kinakabahan na sabi nila at halos nakaluhod na lang sila ni Mitsui dahil sa pakikitungo ni Grell sa kanila.
"Baka masisante tayong bigla rito. Paano na iyong pandate ko sa mga chix niyan?" nag-aalalang bulong ni Mikee kay Mitsui.
"Ano bang pakialam ko sa pinagsasabi mo tol. Hindi ka nakakatulong sa sitwasyon natin ngayon." sumbat ni Mitsui na tila napahiya sa mata ng madla dahil sa panghuhusga.
Nagmistulang iskandalosa ang naging trato ni Grell kina Mitsui sa mga oras na iyon kaya pumagitna na si Sebastian para humupa na ang namumuong hidwaan sa dalawang panig.
"Gentlemen, I hope you were not intrigued by this unwelcome guest. Our apologies for making such a scene. Although we advise you to settle down in your seats before the program starts." sarcastically said by Sebastian kina Mitsui na tila walang kibo ngayon sa kakaibang kinikilos ni Grell.
These cold remarks made her furious and went hysterical. "My goodness! Why are you so cruel to me?" naiinis na tanong ni Grell kay Sebastian. They all became restless towards her attitude.
"Even though the young master considers you as his acquaintance, barging in without prior notice to us is denoted as rude Grell-san." tugon naman ni Sebastian sa kanya.
Hindi mapigilan ni Mitsui ang kanyang sarili na maintimi- date sa pustura ng kanyang mga nakausap. "Kung gayon kilala pala siya ng boss?" bulong niya sa kanyang katabi.
"Iyon nga ang usap-usapan nung mga nakalipas na araw. Ang totoo niyan ay ngayon ko lang rin sila nakita rito dahil mada- las silang nasa abroad. Sa ngayon ay wala pang isang taon ang logistics sa mga trades ng kumpanya kaya pinili nila ang Japan para maging trading grounds nila para gawing moderno ang mga kagamitan nila sa teknolohiya." kwentong pahayag ni Mikee kay Mitsui.