Chereads / QUEST FOR GENUINE HAPPINESS || Slam Dunk Fanfiction / Chapter 23 - 6.1 His Love, Dreamcatcher

Chapter 23 - 6.1 His Love, Dreamcatcher

⏱Flashback⏱ ►

Halos maubusan ng kargang gasolina ang sinasakyang motorsiklo ni Mitsui habang sinusuyod ang kahabaan ng expressway patungong Narita Airport. "Wala na ba itong ibibilis pa Hotta? Malelate na ako baka hindi ko pa siya maabutan sa lagay na ito." panunumbat na sabi ni Mitsui sa kanyang barkada.

Nakaangkas ito sa likod ng motor kaya naman kahit bihasa na si Hotta at ang kasamahan niyang barkada sa kanilang driving skills ay kinakabahan rin ito sa kabwisistan ng mukha ni Mitsui. "Mitchi boy! Kung hindi ka lang naglasing kagabi ay hindi ka sana tatanghaliin sa paggising mo." mahinahong paliwanag ni Hotta at gaya ng inaasahan ay tila boss niya si Mitsui kung makapag-utos sa kanya.

"Hindi iyan ang problema dito Hotta. Sino ba naman ako para pigilan ang girlfriend ko na mangibang bansa para lang tu- parin ang mga pangarap niya? Di hamak na mas gugustuhin ko pa siyang makita kahit ngayon lang bago siya umalis papuntang America." seryosong sabi ni Mitsui at nagpatuloy ang kanilang magulong usapan sa kalagitnaan ng traffic sa tollgate.

"Anong oras ba ang departure niya?" natataranta na tanong ni Hotta kay Mitsui.

"Mga alas tres ng hapon." tipid nitong sagot sa kanyang kasama at tila nagulumihanan si Hotta kung bakit sobrang aga nilang gumayak para ihatid si Mitsui bago ang naturang paglisan ng kanyang kasintahan.

"Teka bakit parang ang aga nating umalis sa Kanagawa? Magdedate pa ba kayong dalawa sa airport kaya ka nagmamadali ng ganyan?" sabi muli ni Hotta na siyang kinainis lalo ni Mitsui.

"Pwede ba sa harap ka lang tumingin. Tayo na ang susunod sa pila kaya mabuti pang ibigay mo na iyang toll fee sa cashier nang makaalis na tayo dito sa initan." nanggagalaiting sabi ni Mitsui sa kakulitan ni Hotta.

Nang makarating na sila sa airport ay agad nilang nilibot ang buong gusali. Halos ilang minuto rin ang lumipas bago nila mahanap ang taong inaasam ni Mitsui na makita. "Claire!" pagtawag pansin ni Mitsui sa buong paligid.

Paulit-ulit niyang sinisigaw ang kanyang pangalan hanggang sa namataan ni Claire ang anino ng kanyang kasintahan. "Love, Nandito ako." masayang bati niya na sinalubong pa ng mahigpit na yakap.

"Pasensya na kung ngayon lang ako nakarating love." mahinahong sabi ni Mitsui samantalang halos malagutan na ng hininga si Hotta sa kakahabol kay Mitsui.

"Hays! Buti na lang at naabutan ka pa namin." sabi ni Hotta na tila pinagpapawisan ng malamig kahit nakatodo na ang air conditioning unit sa loob ng airport.

"Bakit parang iba ang amoy niyo ngayon?" komento ni Claire sa dalawang binata. "Uminom ba kayo kagabi?" concern na tanong niya nang mapansin nitong parang lutang sila pareho kung kausapin siya.

"Hindi ah! Mga tatlong tagay lang naman ang nainom ko para I love you lagi ang nasa utak ko kapag wala ka sa tabi ko." palusot na sabi ni Mitsui na siya ring kinontra ni Hotta.

"Maniwala ka pa dyan kay Mitsui? Ang totoo niyan nagsisimula na siyang mag-ipon ng utang sa bar dahil alam niyang matagal kang mawawala dito sa Japan. Ininom lahat ng kayang niyang ubusin na alak kaya huwag ka ng magtaka kung nasasa- niban iyan ng ibang pagkatao." birong sabi ni Hotta na tila kinainis ni Claire ang katigasan ng ulo ng kanyang kasintahan.

"Hay naku... Pasaway ka talaga." sabi na lamang ni Claire sa kanila na tila napahiya ang pride ni Mitsui.

Si Claire Yazawa ang natatanging mag-aaral sa Shohoku na nakapasa upang sumabak sa foreign exchange student program kung saan ay maipapamalas nito ang kanyang kaalaman sa iba pang panig ng mundo. Kilala siya bilang isang top student ngunit nagbago ang lahat ng pananaw ng karamihan sa kanila ng malaman na nakikipagkaibigan siya sa tulad ni Mitsui na pawang pakikipag-away lang ang alam sa buong highschool years nila.

Pumunta muna silang tatlo sa cafeteria para mananghalian. Sa pagkakataong iyon ay humiwalay muna ng pwesto si Hotta upang makapag-usap silang dalawa ng masinsinan.

"Ubusin mo ito love." utos na sabi ni Claire kay Mitsui nang ibigay nito ang isang lata ng juice.

"Ginger ale ba ito?" napangiwing komento na lang ni Mitsui sa inihain sa kanya ni Claire.

"Alam kong hate mo iyang inumin but you must better face the consequences. Kailangan mong inumin iyan para mawala na ang hangover mo love." paliwanag naman ni Claire sa kanya.

"Ano ba iyan!? Gumagaling na naman ang pag-iingles mo." nagseselos na sabi ni Mitsui at tila natatawa na lamang si Claire sa reaksyon niya.

"Please lang huwag mo na akong daanin sa pagpapabebe mong iyan love. Nagmumukha ka ng ewan sa ginagawa mo. Seriously speaking." birong sabi ni Claire at napilitan na lamang si Mitsui na gawin ang nais ni Claire upang hindi na ito mapagsabihan pa.

"Hindi ko naman kailangan ng validation sa ibang tao kung matino ba ako o hindi. Ikaw lang naman ang pinaniniwalaan ko love at alam mo namang loyal ako sa pinangako ko sa'yo." sabi ni Mitsui sa kanya.

"I'm aware of your feelings for me kaya sinagot kita dahil buo ang tiwala ko na mabuti ang puso mo kahit marami ang nanghuhusga sa inyong mga barkada mo." tugon ni Claire sa kanya. Hinawakan niya ang pisngi ni Mitsui at nagwika ng di niya malilimutang pahayag.

"Mamimiss ko talaga ang pagmamahal mo sa akin Mitsui. I'm sorry kung kailangan pang mangyari na magkakahiwalay pa tayo ng ganito." Nagluluhang sambit ni Claire sa harap ni Mitsui.

"Lilipas lang ang limang taon ng napakabilis at di natin mamamalayan ang oras kung ang bawat isa sa atin ay magiging matagumpay sa tatahakin nating tadhana para sa future natin. Kaya kong maghintay para sa'yo kaya pakiusap ko lang na huwag mong pababayaan ang sarili mo love." ngiting sabi ni Mitsui kay Claire sabay niyakap niya ito ng mahigpit.

"I promise. Babalik ako rito at hinding hindi na tayo magkakahiwalay pa." ngiting sabi ni Claire kay Mitsui.

"Alam ko." ngiting sabi ni Mitsui sa kanya. Lumipas ang ilang sandali ay nakalapag na ang eroplanong sasakyan ni Claire patungong America. Samantala ay may biglang tumawag sa phone ni Mitsui.

"Hoy! Bakit hindi niyo man lang ako sinama dyan? Mga siraulo kayo." galaiting bulyaw ni Hillary sa kanila mula sa telepono.

"Bakit gumising ka pa? Nakaalis na iyong kaibigan mo kanina pa." walang ganang sabi ni Mitsui sa kanya.

"Hinayupak ka talaga Mitsui..." ani Hillary at napagde- sisyunan ni Mitsui na ihinto na ang tawag mula kay Hillary dahil paniguradong samut saring pagmumura ang aabutin nila sa kanya.

◄ ⏱End of Flashback⏱

[Hisashi Mitsui…]

Tatlong taon na din pala ang lumipas mula noong magkahiwalay kami ni Claire. Aaminin kong isang sugal ang pagpayag ko sa kanyang paglisan. Malaki ang tiwala ko sa kanya pero tama pa ba ang mga nangyayari kung maski isang sulat, text, o tawag man lang ay wala akong natanggap mula sa kanya?

Alam kong wala ako sa kalingkingan ng galing niya pero mukhang sinuko na niya ang pagmamahal na meron siya para sa akin. "Oh! Edi nakarma ka ngayon diba?" Tsk! sa dami ba naman ng pwedeng bumisita sa akin ay ito pang haliparot na babaeng ito.

"Hindi mo pa din makalimutan iyon?" tanong ko sa kanya at nagsimula ulit ang kanyang walang katapusang panunumbat.

"Of course not. Hindi ko na nga nakausap si Claire bago siya umalis tapos tatanungin mo pa ako ng walang kabuluhang tanong. Pinabayaan niyo lang akong nakahilata sa sahig noong lasing tayo ng mga barkada mo mga wala kayong puso." nanggagalaiti niyang sabi sa akin.

"Tigilan mo nga ako sa kaartehan mong iyan. Anong klaseng basura na naman ba iyong dala mo sa bahay namin?" sabi ko na lang kay Hillary na may bitbit na mga spray paint at kung ano pa mang abubot na piluka ang nasa bagahe nito.

"Diba may annual cosplay party kayo sa susunod na linggo kasama ang buong Funtom Company? Mamili ka na dito ng ipo- porma mo." Hay naku! Ito na naman po siya mga kaibigan.

"Kaya ko namang ipakilala ang sarili ko kahit wala iyang mga props mo. Hisashi Mitsui, ang MVP ng Shohoku. Isuot ko lang ang dati kong jersey ay ok na iyon." paliwanag ko sa kanya pero talagang mapilit ang katukayo ni Claire.

"Huwag mo naman akong ipahiya sa mga viewers ko. Okay, alam naman ng lahat na ikaw si Hisashi Mitsui pero pwede bang bihisan mo rin ang sarili mo bilang isang anime character?" pamimilit pa ng Hillary sa akin.

"Ayoko!" Tipid kong sabi sa kanya ngunit sadyang mahirap talagang pakiusapan ang babaeng ito. Hinayaan ba namang nakatambak sa sala namin ang mga kalat niya at hindi pa siya nakuntento nang maglive siya mismo sa loob ng bahay namin.

"Hello and welcome back to my channel! This is Hillary Jess, your one and only cosplay prodigy." pagbati niya sa camera at sa sobrang kadaldalan niya ay hinayaan ko na lang siya sa kanyang kahibangan.