Chereads / QUEST FOR GENUINE HAPPINESS || Slam Dunk Fanfiction / Chapter 24 - 6.2 Her Love, Reminiscing

Chapter 24 - 6.2 Her Love, Reminiscing

Hillary starts to film herself while taking shots of photogenic sceneries around the place. "Narito po tayo ngayon sa department store where you can find all the best deals for your own OOTD." sabi niya habang nag-eenjoy sa pamamasyal.

"Hay naku! Day off ko dapat ngayong araw pero sinayang na naman nitong babaeng ito ang pagkakataon kong magrelax sa bahay." dismayado at napailing na lang si Mitsui ng isama siya ni Hillary para maglakwatsa at mamakyaw ng mga damit sa department store.

Sa pagkakataong iyon ay naaalala niyang muli kung gaano kapursigido sina Claire at Hillary tuwing may anime events sale sa mga shopping malls.

⏱Flashback⏱ ►

Kadalasang nangyayari sa date nilang dalawa ni Claire ay ang tradisyon nilang manood ng sine tuwing sasapit ang opening premiere ng isa rin sa mga patok niyang sinusubaybayan.

"Akala ko ba hindi mo kami sasamahang manood?" nagtatakang tanong ni Hillary sa kakarating na si Mitsui.

"Ako dapat ang may karapatang manumbat sa'yo. Anong ginagawa mo dito sa date naming dalawa ni Claire? Baka isipin pa ng ibang tao na pinagsasabay ko kayong dalawa." naiinis na turan ni Mitsui kay Hillary.

"Gwapo ka?! Talaga ba?" Tonong nang-aasar ang naging dating ni Hillary sa pandinig ni Mitsui sa mga oras na iyon.

"Tigilan niyo nga iyang pagtatalo niyo." sumbat ni Claire sa dalawa at agad niyang pinakalma ang kanyang kasintahan.

"Sorry na love kung nagpasama ako kay Hillary dito. Alam mo namang medyo nakakahiya na sa edad ko na nanonood pa ako ng anime sa tanda kong ito." sabi na lamang ni Claire kay Mitsui upang humupa ang kanyang pagkairita sa kaibigan niya.

Their first anime film experience was the movie Captured in Her Eyes. It was not as hyped-up as expected but their emotions got strengthened after the movie.

"Nagustuhan mo ba love?" ngiting tanong ni Claire sa kanyang boyfriend na si Mitsui.

"Ayos lang naman. Mukhang hindi nasayang iyong ticket natin." walang ganang sabi ni Mitsui dahil sa kawalan niya ng interes sa usapin ng anime industry.

"Naku! Iyan pa ang tinanong mo Claire eh sa pagkakatanda ko sinabi niya noon na pareho lang daw ang cartoons sa anime. Hindi ka ba maiinsulto doon?!" Natawa na lamang si Claire sa pagbabalewala ni Mitsui sa mga pang-aasar ni Hillary sa kanya at napagpasiyahan na lang ni Mitsui na bilhan si Claire ng plushie para makabawi sa kanya.

◄⏱ End of Flashback⏱

"Conan"

-"Huh?!"

"Bakit lagi mo akong pinoprotektahan lalo na ang pagtaya ng buhay mo para sa akin? Nakikiusap ako sa'yo sagutin mo ako."

-"Dahil mahal kita. Mahal na mahal kita higit pa sa kahit sino. Ikaw lang ang babaeng para sa akin."

[Hisashi Mitsui…]

Nakailang ikot na kami ni Hillary sa mga boutique shops sa loob ng mall pero bigla na lamang sumagi sa isipan ko ang mga dialogue nilang iyon. It was our first date that time at sinira ng babaeng kasama ko ngayon ang moment namin ni Claire. Ano ba ang nais nitong ipahiwatig sa akin? Kung bakit sa lahat ba naman ng pwede kong matandaan sa utak ko ang mga salitang hindi ko masabi ngayon sa kanya.

Nawalan ako ng access at communication kay Claire matapos ang isang taong pamamalagi niya doon sa America. Magmula noon ay lagi na lang ako nakikibalita sa US embassy kung may nasagap na ba silang impormasyon tungkol sa kanya pero sadyang mailap ang kapalaran ko na muntik ko ng sukuan ang paghahabol sa kanya.

- BACK TO SCENE -

Walang palya ang oras na inilaan ni Hillary Jess sa panghahagilap ng maisusuot na damit ni Mitsui para sa naturang costume party. Kasalukuyan silang nasa cashier na siyang pinagpinipilahan ng madla at mahigit dalawang push cart na ang kanilang binabantayan ngayon.

"Sobra naman ata ito. Ni hindi mo naman ako kailangang pinagkakagastusan para sa costume party na iyon. Payabanagan lang ng asta ang labanan doon." nanghihinayang na wika ni Mitsui kay Hillary nang mabasa ang presyo sa mga produktong palagay niya ay walang kabuluhan at minsan lang magagamit.

"Huwag ka na ngang choosy dahil wala ka rin namang choice kundi manahimik dyan at buhatin lahat ng mga shopping bags palabas ng store." bwisit na sabi ni Hillary sa kanya.

"Hindi naman sa nangingialam ako sa buhay mo pero masyado ka naman atang nagwawaldas ng pera sa mga ganitong klaseng damit. High-end brands pa naman itong mga tuxedo na ito." komento ni Mitsui kay Hillary.

"Bilang isang tanyag na influencer ngayon sa social media, for your information lang meron ng sponsored advertisements na binabayad sa mga uploads ko sa video streaming sites kaya nga nagagawa ko nang bumili ng mga gusto kong gamit na hindi ako umaasa sa bigay ng mga magulang ko." masusing paliwanag ni Hillary sa kanya.

"Aysus... Edi ikaw na ang mapera." pangbabarang sabi na lang ni Mitsui sa kanya at iniwan niyang tulala ang kasama niya.

Sa mga nakalipas na taon ay pareho silang nagdrop-out sa kolehiyo ngunit hindi ito humadlang sa pagkalugmok ng mga buhay nila lalo na't maraming opportunities ang kanilang nadiskubre mula ng namahay na ang coronavirus sa buong mundo.

Una na dito ay mas lalong napadali ang hiring process sa mga blue collar jobs sa panahong nangangailangan ang buong community ng labor workforce para sa mga basic commodities tulad ng transportation and logistics. Wala ka mang papeles na ikaw ay na- katapos ngunit karamihan sa mga kumpanya ay naghahanap ng skill based and efficient workers.

Ikalawa ay ang pagkakataong magamit ang oras sa kung anuman ang nais mong gawin. Nabaliwala man ang standard working time ay hindi pa rin nito matitinag ang moments of getting to know each other sa ngalan ng pagkaka-ibigan.

[Hillary Jess…]

Talaga naman oh! How come na hindi ko napansin agad ang malaking pagbabago sa aura ni Mitsui ngayon. He's kinda fun to deal with. Is it I'm just annoyed by his behavior or baka naman in denial pa rin ako sa totoong feelings ko kapag kasama ko siya?

To be honest with you, madalas ko nang naiisip kung dapat na ba akong lumayo sa kanya mula nung nawala si Claire sa buhay niya at biglang nagfly away sa America. Don't get me wrong hah wala akong balak manira ng long distance relationship kaya nag- aalala na rin ako sa mga ganap ni Claire sa US.

"Mitsui." tawag ko sa kanya.

"Ano?!" bulyaw niya sa akin. I mean seryoso ba siya na laging galit ang tono ng pananalita niya pagdating sa akin. Gano'n na ba talaga ako kasama para itrato niya akong aliping sagigilid?

"Pwede kaya tayo mangamusta sa ulit sa US embassy? Tanungin lang natin kung ano na ang nangyayari sa buhay ni Claire ngayon." I suggest to him at medyo nakuha ko na rin ang atensyon niya sa topic na iyon.

"Ayos lang pero iuwi ko na muna itong mga damit na ito." He said while he also smiled at me? Hindi ako pwedeng magkamali sa nakita ko kanina. For the first time ever na sumang-ayon din siya sa gusto ko but of course kung damay ang pangalan ni Claire, unfortunately.

Minutes have passed bago kami nakarating sa paradahan ng bus pauwi ay hindi namin inasahan na magka- kasalubong ang tingin namin ng mga barkada ni Hanamichi at my goodness they were kicked out from pachinko arcade center as always.

"O Mitchi. Ang ganda naman ng syota mo ah!" pagbati sa amin nung tabachoy na pandak. I don't know pero parang pinagnanasaan pa ako ng greetings niya sa akin.

"So gorgeous mo naman binibini." sabi pa nung amerikanong hilaw. I just can't take this anymore dahil they talk so creepy at mas lalo akong nabahala sa kakaibang ikinikilos ng lalaking pula ang buhok.

"Hindi pwedeng mangyari ito Mito. Naunahan na naman ako ng bungal na iyan samantalang hindi ko pa nasosolong ma- date si Haruko my labs." naiiyak nitong sabi sa kaibagan niyang mukhang normal na tao.

"Mabuti pang kalimutan mo na iyong nangyari sa bahay ni Akagi. Ibang lalaki ang kasama ni Haruko at hindi ka nagkaroon ng pagkakataong masabi ang lahat ng gusto mong ipagtapat sa kanya." kalmadong sabi nung Mito habang iyong lalaking may bigote naman ang panay tumatawa sa kalokohan nila.

I may consider that as a compliment pero kung galing lang sa kanila ang puri sa kagandahan ko ay huwag na lang nila asahan ang pakitang tao ko. Hindi ko kayang makipagplastikan dahil kinikilabutan talaga ako kapag sila ang nagsasalita ng ganoon.

"Sa-salamat at sorry to disappoint you pero magkaibigan lang talaga ang turingan namin sa isa't isa." kalmadong tugon ko sa kanila pero masakit pa rin talagang umasa sa wala. Masyado akong kinamumuhian ng Mitsui na ito sa kung anumang dahilan.

"Katulong lang namin iyan sa bahay." sabi ba naman ng animal. Nasisiraan na talaga ang ulo ng Mitsui na ito kung makapagsalita siya ng ganyan.