Mahigit tatlumpung minuto ang nakalipas mula nang maihatid silang dalawa ni Mitsui at Hillary sa bus stop malapit sa kanilang bahay ngunit inabutan silang pareho ng pagbuhos ng malakas na ulan. Habang sila ay nasa waiting shed…
"So paano na iyan? Hindi ko pa naman din nadala yung payong ko." reklamong sumbat ni Hillary sa sarili.
"Kung ayaw mong umuwi, hintayin mo na lang humupa ang bugso ng ulan. Mauna na ako sa'yo." seryosong sabi naman ni Mitsui saka naglakad paalis sa kanyang kasama.
The next thing that she knew was grievance tungkol sa paglisan ni Mitsui sa kanya sa mga pagkakataong iyon. "Hoy! Hu- wag mo naman akong iwanan rito. Wala ng taxi ang makakadaan sa area na ito at isa pa baka magkasakit ka niyan sa ginagawa mo." bulyaw na sabi ni Hillary at napahinto na lamang si Mitsui sa kanyang paglalakad.
Halos napalayo na ito ng husto kung kaya't walang magawa si Hillary kundi ang sundin na lamang si Mitsui at hindi na inalintana ang anumang panahong rumaragasa sa kanila.
Lumingon muli si Mitsui sa kinaroroonan ni Hillary sabay nagwikang, "Pwede mo bang sagutin kung ano ba talaga ang naging papel ko sa buhay mo?" seryosong tanong ni Mitsui sa harap ni Hillary.
Tila bakas ang kaba sa panig ni Hillary. "Huh?! Ano bang nakain mo and why all of a sudden ay parang concerned ka na sa feelings ko?" naiinis na sabi ni Hillary sa pagtatanong sa kanya ni Mitsui.
"Ramen and gyoza na tulad lang rin ng nilamon mo kanina sa food court bago mo ako pinagod sa paghihintay sa'yo na matapos ka sa hoarding mo." pamimilosopong sagot ni Mitsui.
"Saang planeta mo ba nakukuha iyang lakas ng loob mo para itanong sa akin iyan Mitsui?" tanong muli ni Hillary sa binata na tila naguguluhan sa nais nitong malaman.
Titig na titig si Mitsui sa mukha ni Hillary nang sumbatan niya ito. "Huwag mong ilihis ang usapan Hillary." suway ni Mitsui at hindi makalingon si Hillary sa mga mata ng binata.
"Alam kong matagal mo na akong kilala diba at ayoko sa lahat ang taong mapagkunwari sa nararamdaman nila dahil iyon mismo ang rason kung bakit ako nawala sa tamang landas noon." ratsadang sabi ni Mitsui habang nagpipigil ng emosyon na naaayon sa realidad nilang ginagalawan.
Napag-isip ni Hillary kung dapat niya bang sabihin ang lahat ng kaniyang totoong saloobin ngunit naunahan siya ng takot. "Ang totoo niyan ay hindi ko alam ang isasagot ko sa'yo." Panimulang sabi nito at hindi rin nakaligtas sa kanya ang blankong tingin ni Mitsui na handang making sa anumang sasabihin nito.
"Malamang sasabihin mo sa akin na ang kapal naman siguro ng mukha ko para hilingin sa'yo na sana ako na lang yung babaeng hinihintay mong bumalik galing ibang bansa. Yung taong nagpapakasarap sa marangyang buhay at tinutupad ang sarili niyang pangarap." pagkukwento ni Hillary na sumilong muli para makaiwas rin sa baha.
"For sure ay kasama na rin doon ang makasama ka habang- buhay hanggang sa pagtanda natin pagdating ng panahon." bulong ni Hillary sa kanyang sarili.
"Ano bang ibig mong sabihin?" paglilinaw na sabi ni Mitsui kay Hillary na siyang nagpataas ng kilay nito.
"Nasisiraan ka na talaga ng ulo noh?! Thesis ba ito na kailangan mong magtanong sa akin ng personal tapos ako pa itong igigisa mo sa sariling mantika. Ang awkward pa nito dahil nabasa pa tuloy ako." naiinis nitong sabi kay Mitsui.
"Hindi ko na rin alam sa sarili ko kung ano ba talaga ang dapat kong sabihin sa'yo. Mahal ko si Claire pero bakit ba lagi na lang ikaw ang gumugulo sa buhay ko. Galit ka ba sa amin?" Prangkahan ang naging tanong ni Mitsui na tila hindi inasahan ni Hillary at natahimik ang kanilang paligid sa tindi ng debate nilang dalawa.
"For some reason yes dahil nakakatampo kayong dalawa pero wala akong magagawa once naging in a relationship na ang status niyo. Sadyang alalay na lang ang turing ng mga kupol na gaya niyo sa mga kaibigan niyo bago kayo bumukod sa grupo." paliwanag ni Hillary sa kanya.
"Hindi ko maintindihan na sa tuwing pinag-uusapan si Claire ay lagi ka na lang nakikisali sa pribadong buhay namin. Sa totoo lang kung wala rin pala akong kabuluhan diyan sa buhay mo, sana matagal ka ng lumayo sa tulad ko." seryosong sabi ni Mit- sui sa kanya.
Napakamot na lamang si Hillary sa kanyang sintido dahil kay Mitsui at tila hindi siya makatitig ng diretcho sa mga tingin ni Hillary. "Is that sarcasam? For goodness' sake paano? Akala mo ba ganoon lang kadali na iwanan ka o kahit si Claire pa iyan? Mukha ka talagang ewan sa mga pinagsasabi mo eh."
"Teka lang. Ano ba talaga ang gusto mong marinig mula sa akin? That I loved you since the first time we've met or I hate you for ignoring my annoying presence at all." birong sabi ni Hillary dahil parang hindi na pinakikinggan ni Mitsui ang patutsada sa kanya ni Hillary.
"Alam mo itulog mo na lang iyan at saka mo na ako kausa- pin kapag naayos na iyang turnilyo mo sa utak. Okay ba?" komento ni Hillary sa kanya.
"Hanggang substitute na lang ba ako dyan sa puso mong sawa ng maghintay sa kanya? Siguro ako lang talaga ang hu- mahadlang diyan sa utak mo para hindi ka makapagmove on sa kanya." Nanghihinayang na sambit ni Hillary sa kanyang sarili at tila balewala sa kanya ang mga pangyayari sa paligid nilang dalawa ni Mitsui.
[Hisashi Mitsui…]
Halos huminto na ang oras namin dahil sa mga salitang binitawan niya. Wala naman talaga akong pakialam sa kanya noon pero sadyang hindi mo rin kontrolado ang takbo ng panahon. Kung pagmamahal rin ang ibig sabihin ng pag-aasikaso niya sa akin ng walang hinihinging kapalit ay gayon rin naman siguro ang pagsasakripisyo upang matupad ang pangarap ni Claire para sa amin diba?
I could not be grateful enough sa lahat ng pagtutuwid nilang ginawa sa baluktot kong pag-iisip pero para matigil na rin ang anumang galit niyang nararamdaman tuwing naiinis ako sa kanya ay pinilit ko na lamang na bumawi sa kanya.
Binuhat ko na lamang siya pauwi sa bahay nilang hundred steps away mula sa amin. "Hoy! Anong ganap mo na naman ba sa buhay mo?" gulat na sumbat ni Hillary sa akin.
Ilang beses na akong nagkapasa sa panghahampas niya sa akin. Sa madaling salita ay matik na malakas itong manapak at siya ngayon ay nakapasan sa likod ko na tila isang karneng binubuhat ng kargador na papunta sa pamilihan.
"Bigyan mo pa ako ng konting panahon para pag-isipan ang lahat ng sinabi mo kanina lang Hillary." I insist to her in reply dahil na rin siguro sa matinding pagkainis sa akin ay naririnig ko siyang naglalabas ng sama ng loob sa pagbabalewala ko sa kanya.
Hindi ko tuloy alam kung paano ko pa siya pakikisamahan ng maayos gayong lantad na sa utak ko na may tinatago ring motibo ang kanyang pananatili sa tabi ko. Bilang katuwang ko ngayon sa buhay habang nasa ibang bansa pa rin si Claire, ngayon ko lang napagtanto na sadyang minahal rin ako ng babaeng ito nang palihim.
"Why did you let me do all the talking kanina?" naririnig kong bulong mula sa kanya. Napansin ko ang kakaibang ikinikilos niya mula pa noong nakaraang kabanata na hamak na di kapani-paniwala na siya ay isa lamang kaibigan para sa akin.
"Gusto ko lang malinawan sa mga pinagdadrama mo sa amin mula pa noong naging kami ng bestfriend mo." sabi ko sa kanya.
"Hindi talaga kita mapapatawad sa ginawa mo sa akin siraulo ka." Mahinang bulong niya sa akin at gaya ng dati ay di pa rin niya kayang iwasan ang di magbanggit ng anumang kasiraan sa pandinig ko. Ngayon ko lang sinubukang alamin kung ano ang tumatakbo sa isip niya pero kung sanang dalawa ang puso ko, mala- mang ay nakalaan na ang isa para sa kanya.
- BACK TO SCENE -
Lemonades were starting to spill over Mitsui's place at tila may bumabagabag pa rin sa kalooban ni Hillary mula nang magkasama silang tumakbo papasok ng bahay ng kanyang kaibigan.
Dahil sa walang humpay na pagbugso ng malakas na ulan ay pinayagan na lamang ni Mitsui na makitulog muna si Hillary sa guest room nila habang hindi pa bumabalik ang kanyang mga magulang mula sa ibayong probinsiya.
"Isuot mo muna yung damit ni mama tutal mukhang iyong lang naman ang kakasya sa'yo." nag-aalalang sabi ni Mitsui at tila may gana pa itong mang-asar. Agad na siyang kumuha ng tuwalya mula sa kanyang kwarto para magpatuyo ng kanyang sarili.
Samantala ay nagsisimula ng makaramdam si Hillary ng lamig sa katawan at sinamahan pa nito ng pangiginig ng kanyang mga kamay. "Hindi naman ito siguro COVID noh?!" bulong na lamang nito sa kanyang sarili upang maibaling ang kanyang atensyon sa iba pang mga dapat pagtuunan ng pansin.