Chapter 19 - 5.4 Inspiration

Lumipas ang ilang sandali at tila nawalan na ng gana si Kiyota sa kanyang pagrereview. "Wala talaga akong mararating sa buhay kung palagi na lang ganito ang nangyayari sa akin." bulong nito sa kanyang sarili.

Mahirap mang tanggapin para kay Kiyota ang naging kamalasan niya sa academics ngunit patuloy pa din siyang umaasa na maipapasa pa din niya ang kanilang curriculum. Samantala ay napansin naman ni Haruko na tila nababagot na si Kiyota. Nakadungaw na lamang ito sa bintana habang tinititigan ang mga namumukadkad na sakura.

"Kiyota, gusto mo bang maglibot? Unang beses mo pa lang ata nakapunta sa Kitamura district baka sakaling ma- katulong." Pag-aayang sabi ni Haruko na lubos na ikinagulat ni Kiyota dahil bihira lamang siyang pansinin ng mga dalaga kahit siya pa ang sinasabing key player ng Kainan.

Nahihiya man si Kiyota sa kanya ngunit tinanggap na lamang nito ang kanyang alok. "Hindi na ako magtataka kung bakit sobrang pakialamero ng unggoy na may pulang buhok na iyon pagdating sa kanya. Napakabait niyang talaga." bulong ni Kiyota sa kanyang sarili.

Gumayak na sila para pumunta sa kalapit na convenience store sa tabi ng basketball court. "Kuya, lalabas lang kami saglit. May gusto ka bang ipabili?" marahang tanong ni Haruko sa kanyang kapatid.

Tila tumalas ang pandinig ni Sakuragi sa sinabi ni Ha- ruko. "Teka, sila lang dalawa ang magdedate?!" aniya at kumunot naman ang noo ni Akagi sa naging reaksyon ni Sakuragi.

Bumaba si Akagi sa kanyang silid upang maghain na ng hapunan para sa kanila. "Wala naman. Basta umuwi ka agad pagkatapos." bilin niya kay Haruko at inihatid silang dalawa ni Kiyota palabas sa gate.

Nang marealize ni Sakuragi ang narinig ay bigla siyang humarurot sa pagtakbo paalis ng kwarto ni Akagi. "Haruko my labs bakit mo naman ako iniwan sa gorilyang ito?!" nagluluhang sambit ni Sakuragi. "Sayang at hindi ko na sila inabutan. Nakakainis naman." Buweltang sabi pa nito noong mawala na silang dalawa sa kanyang paningin.

Isang nakakabinging katahimikan ang inabot nila Haruko at Kiyota sa isa't isa habang naglalakad sa kalye. Kasabay nito ang paglubog ng araw na pawang nagpakalma sa nerbyos nilang nararamdaman.

"Tanaw pala mula dito sa inyo ang sunset." Panimulang salita ni Kiyota. "Sa sobrang dami kasing nakapalibot na building sa village namin ay madalang ko na lang napapansin iyan pati na ang oras tuwing napagawi ako sa labas kapag hapon na." Dagdag pa nito sa kanyang pahayag.

Tila napukaw niya ang atensyon ni Haruko sa kanyang sinabi. "Gano'n ba? Sa palagay ko, may pagkakahalintulad din tayo sa maraming bagay." ngiting sabi naman ni Haruko sa kanya.

"Paano mo naman nasabi iyan Ms. Haruko?" Curious na tanong ni Kiyota sa kanya. Dagdag pa nito, "Sa pagkakatanda ko ay parang madali lang sa inyo ng kuya mo ang mag-aral. May panahon ka pa na maglibot gaya nito..."

"Hindi naman sa gano'n. Ang totoo niyan ay ako pa ang isa sa nahihirapang makaintindi ng lessons namin sa buong section. Aminado naman ako na hindi ako katalinuhan na gaya ng sa kuya ko pero sakto lang." ngiting tugon ni Haruko na tila pinagdududahan pa ni Kiyota ang sinabi nito. "Talaga lang huh?!" pang-aasar pang sabi ni Kiyota sa kanya.

"Syempre naman. Lagi pa akong pinapapunta noon sa principal's office dahil sa issue ko sa grades dati. Nahihiya nga ako sa parents ko tuwing nagpapatawag sila ng meeting tungkol doon kaya sinabi sa akin ni kuya kung paano magreview ng madali sa mga lessons namin." nahihiyang kwento ni Haruko at hindi naman maiwasan ni Kiyota na matawa sa unfortunate situation na nangyari sa kausap niya.

"Teka, bakit ka naman natatawa?" ani Haruko na tila hindi mapigilan ang pagkainis sa binata.

"Naku, pasensya ka na sa akin. Sa mukha mo pa lang kasi parang hindi kapani-paniwala na minamalas ka din." birong sabi ni Kiyota.

"Alam mo naman na laging may ups and downs ang buhay kaya nga tayo nagpupursige para marating natin iyong success na gusto natin para sa pinili nating landas, diba?" paliwanag ni Haruko na sinang-ayunan naman ni Kiyota.

"Oo nga naman. Ano wari ang madalas niyong gawin kapag malapit na schedule niyo ng exams?" tanong ni Kiyota kay Haruko.

"Time management sa pagrereview ay importante sa ating mga students. Huwag mo ring kalimutan ang optimistic mindset kung saan dapat kang maging determinado na maintindihan ang discussions ng teacher niyo kahit gaano pa kahirap ang subject para sa'yo." paliwanag ni Haruko na medyo nagpapintig sa pandinig ni Kiyota.

"Mukhang hindi ata iyan uubra sa tulad ko." buntong- hiningang sabi ni Kiyota na tila dismayado sa kanyang sarili.

"Bakit naman?" nag-aalalang tanong ni Haruko kay Kiyota.

"Magmula kasi noong lockdown ay hindi ko na magawang magseryoso sa pag-aaral dahil na rin sa iniisip ko ang kalagayan ni ate sa trabaho. Work from home nga pero overtime naman sila palagi. Parang hindi na makatwiran kung magiging palamunin lang ako sa kanya kaya sumasideline ako ng part time job kahit may online class pa kami." paliwanag naman ni Kiyota.

Napahanga na lang si Haruko sa kanyang kausap dahil sa kanyang thoughtfulness. "Mahal mo talaga ang kapatid mo noh?!" masayang sabi ni Haruko sa kanya.

"Paano ba naman, halos buong buhay niya ay inilaan niya sa gastusin namin. Mag-isa lang niya akong itinaguyod sa buhay kaya hindi ko pwedeng balewalain ang pangakong binitawan ko sa kanya." Seryosong sabi naman ni Kiyota.

"Eh kamusta naman kayo ng parents niyo?" ani Haruko.

"Ayun, parehong hindi maasahan sa pagkakataong ito. Saan ka ba nakakita ng magulang na nilayasan kaming dalawang anak nila sa sobrang kahihiyan. Sinangla ba naman ang bahay namin kaya pilit na tinutubos ni ate ang ari-arian namin." naiinis na tugon ni Kiyota dahil na rin sa pagkadismaya nito sa kanilang magulang.

Kinumbinsing muli ni Haruko si Kiyota na mali ang kanyang pananaw sa sarili. "Grabe naman pala ang pinagdaanan niyo. Alam mo wala namang subject na mahirap kung hindi mo su- sukuan na pag-aralan. Gaya sa basketball, kung patuloy kang susubok na magshoot ng bola sa rim eh siguradong mataas ang percentage na papasok ang tira mo dahil nakakabisado mo na ang tamang porma at timing sa pagshoot paglipas ng maraming panahon."

"Anong ibig mong sabihin?" ani Kiyota na tila naguguluhan sa mga pahayag nito.

"Sa palagay ko pagsubok lang talaga sa iyo ang pagretake mo ng mga back subjects ngayong summer. Matagalan ka man bago grumaduate next year, at least nalaman mo kung saan ka pa dapat magfocus." payo ni Haruko sa kanya.

The silence between them became more awkward dahil na rin sa hindi inasahan ni Kiyota ang mga salitang binitiwan ni Haruko para sa kanya.

"Ang dami ko ng nadisappoint sa puntong ito lalo na si ate Kim. Hindi naman ganoong kadali na paniwalaan nilang magagawa kong maabot ang posibleng marating ko sa buhay." walang ganang sabi ni Kiyota sa kanya.

"At saka alam kong kaya mong malampasan iyang problema mo. Sabi mo nga, ikaw ang Golden Rookie ng Kainan diba kaya umaasa akong mapagtatagumpayan mo rin ang nangyaring kamalasan sa buhay mo." ngiting sabi ni Haruko na nagpagaan sa nararamdamang lungkot ni Kiyota.

"Maraming Salamat at minulat mo ako sa dapat kong gawin." bulong ni Kiyota sa kanyang sarili habang nakangiting tini- titigan si Haruko. Sa loob ng dalawampung minutong paglalakad ay nakarating na rin sila sa wakas sa kanilang destinasyon.

"Narito na pala tayo." sabi ni Haruko at nagsimula na silang manghagilap ng mga drinks sa loob ng convenience store.

"Iaabot ko na itong downpayment sa review sessions ko sa inyo." tugon ni Kiyota sabay binigay kay Haruko ang kanyang inipon mula sa part time job nito.

Tinanggihan ni Haruko ang alok niya. "Hindi na kailangan. Libre lang magpaturo sa tutorial center namin." ngiting paliwanag ni Haruko.

"Eh paano kayo kumikita ng pera sa ganyan? Sa sobrang hirap ng buhay ngayon parang hindi kapani-paniwala ang sinabi mong walang kailangang bayaran sa tutorial center ninyo." gulat na sabi ni Kiyota sa kanya.

"Initiative na ito ng boss namin sa customers nila. Bale ang sweldo namin galing rin mismo sa bank account niya at iba pa niyang business. Hindi ko lang alam kung ano pa ang pinagkakaabalahan nila pero sabi ni kuya malaking kumpanya rin ang pinangangasiwaan nila." Paliwanag naman ni Haruko kay Kiyota.

"Kung ganoon eh ako na lang ang magbabayad ng mga pinamili natin. Nakakahiya naman kung hati pa tayo sa bayad." ngiting sabi na lang ni Kiyota sabay pumila na sa cashier.

Hinintay na lamang niya si Kiyota sa labas ng convenience store. It may be one of the greatest moments para kay Kiyota na makasama ang nag-iisa at natatanging manager ng Shohoku na si Haruko Akagi ngunit ang kapalit naman nito ay ang panghihinayang ni Sakuragi sa kamay ng kanilang former captain.

"Palagi mo na lang ako pinahihirapan Gori!" reklamong saad ni Sakuragi habang tinitiis ang mahabang oras ng pagbabasa ng textbooks.

"Sipagan mo kasing mag-aral. Ano bang pinaggagagawa mo sa bahay niyo at mas lalo ka pang naging gunggong?!" pang- aasar na sabi ni Akagi sa kanya.

"Hindi mo din magugustuhan ang sagot kahit ano namang gawin ko." dismayadong sabi ni Sakuragi.

"Hindi kita pinipilit na magsayang ka ng oras dito para lang magbasa. Kung ayaw mong mapariwara ang buhay mo, huwag mong sayangin ang pagkakataong binigay sa'yo." bweltang sabi ni Akagi na tila pinatatamaan ang kapabayaan ni Sakuragi.

"Sino ka ba para diktahan kung ano ang gusto kong gawin Gori?" bulong na sabi ni Sakuragi sa kanyang sarili na tila naiinis na sa pagpupumilit ni Akagi.

Dagdag pa nito, "Pagtuunan mo ng pansin ang grades mo kung inimbita kang magkolehiyo sa susunod na dalawang taon bilang varsity scholar. Nakakahiya ka kung pagrebound lang ng bola ang natandaan mo sa tanan ng buhay mo." at walang kawala si Sakuragi sa mapagmatiyag na tingin ni Akagi sa kanya.

[Nobunaga Kiyota…]

Pauwi na kami ni Ms. Haruko sa kanilang bahay mula sa convenience store. Hindi ko rin talaga akalain na biglang mag-iiba ang aura niya noong nadaanan kami ng bisikleta ni Rukawa sa eskinita.

"Sandali, Rukawa!" Nagulat ako sa bulyaw ni Ms. Haruko kaya bigla naming hinabol ang lalaki at hindi ko din maintindihan kung bakit pa ako nagpumilit sa kanya. Liningon kami ng sinasabing Rukawa ni Ms. Haruko ngunit nagkamali siya ng akala.

"Pasensya na po kayo pero hindi po ako ang hinahanap ninyo." Naniniwala naman ako sa katwiran ng lalaki dahil mahinahon itong magsalita.