Chapter 16 - 5.1 Listen to Me!

Matapos humupa ang delta variant surge ng naturang Coronavirus ay siyang pag-usbong muli ng mga online tutorial centers. Isa sa pinakapopular sa buong Japan ay ang Bright Learners na pinangangasiwaan ng chief executive officer na si Ryza Cooper na nakabase ngayon sa New York City sa America.

"Hey mate! Want to buy some drinks?" paanyaya na sabi ni Ryza kay Eiji Sawakita na tila wala pa sa sarili nitong katinuan. Samantala ay nagkibit balikat na lamang si Eiji sa mga narinig niya mula sa dalaga.

"Maybe I have to pass this time." walang ganang sabi ng binata at ipinagpatuloy na lamang niya ang kanyang paghilata sa kama while scrolling his timeline.

"Oh, you won't dare to disappoint me now. Get up already." utos na sabi ni Ryza at binuksan niya ang bintana kung saan nakatutok sa bunbunan ni Eiji ang sinag ng araw.

Tila nawala ang antok ni Eiji sa babaeng nangingialam sa buhay niya ngayon. "What the heck!" napareklamo ng wala sa oras si Eiji dahil sa sobrang pagkainis sa asal ni Ryza sa kanya.

"Huh?! What are you saying?" ani Ryza na tila walang pakiramdam sa sitwasyong kinabibilangan niya. Everything went awkward sa pagitan nilang dalawa at nagpalusot na lamang si Eiji ng idadahilan sa pag-aakalang makukumbinsi nito si Ryza na umalis na siya sa kanyang kwarto at umpisahan ng maglakad sa sidewalk.

"It's nothing. Just forget about what I've said earlier." dismayadong sabi ni Eiji kay Ryza na halos di makagalaw sa kinatatayuan nito.

"Sorry, I didn't mean to disturb you. It's just that I'm not used to stroll alone in the street..." Hindi na natuloy ni Ryza ang nais niyang ipahayag sa binata.

"But you always find excuses just to ransack my privacy. May I clarify with you that you are not even my girlfriend so hands off for now, will you?!" seryosong sabi ni Eiji sa kanya.

"I can't and I won't give up until you say yes to my invitation." nagtatampong sabi ni Ryza sa pagtanggi ni Eiji at tila hindi siya nagpapatalo sa kanya.

Samantala ay lumingon naman ang binata sa kinatatayuan ni Ryza. "Then why are you so clingy with me?" inis na tanong ni Eiji sa kanya at napagtanto ni Ryza ang kanyang uncivilized act towards her friend.

"I just missed my boyfriend so much who left me for an extra job eight weeks ago. Michael Okita-san hasn't called me yet and I'm starting to overthink now whether he is so busy with other girls in their company." reklamong saad niya kay Eiji.

"That's what you were sulking all about?" walang ganang sabi ni Eiji sa kawirduhan ni Ryza.

"Yeah! No more, no less." She said dumbfounded sabay kindat nito sa binatang kasama niya.

"Mukhang may tama pa ata ito sa utak dahil sa kakainom niya bawat gabi." nasabi na lamang iyon ni Eiji sa kanyang sarili bilang komento sa kakaibang ikinikilos ng kasama niya.

"Come on! Don't be shy with me. It's my treat anyway and he trusts you for taking care of me while he is not around." pangungulit na sabi ni Ryza na nakahawak ngayon sa braso ni Eiji.

"Hays! Ano bang nangyayari sa mga babae ngayon?!" bulong ni Eiji sa kanyang sarili. Naisip na lamang niyang samahan si Ryza na uminom sa kalapit na bar mula sa tinutuluyan nilang condo upang wakasan ang away nila.

Kanagawa, Japan

"Anong klaseng pamantayan ba ang dapat mong sundin upang matiyak mong ikaw ay patungo sa landas ng tagumpay?" saad ni Jessie habang binabasa ang kanyang talumpati sa harap ng barkada ni Sakuragi.

"Hindi ka pa ba tapos dyan?!" walang ganang sambit ni Takamiya habang pinaglalawayan na ang nakahaing manok sa lamesa nila.

"Nakabayad na din naman kami ng upa namin sa inyo. Pwede na ba kaming bumalik sa lungga namin?" inaantok na sabi ni Noma habang humihikab.

"Ang hilig niyo namang magreklamo kahit wala naman talaga kayong gagawin. Promise malapit na talaga akong matapos sa introductions ko." pangungumbinsing sabi ni Jessie na tila nagmamakaawa pa sa kanila para lang pakinggan siya sa mga sandaling iyon.

Jessie Akusa was a second year highschool student of Takezono High School and one of the best speakers in any formal events dahil na din sa demand ng ilang events host club sa mismong Kanagawa Prefecture. Being trained in a local radio program helps her a lot lalo na sa popularity engagements na madalas nasasama sa kanyang resume tuwing may raket siyang kailangang asikasuhin.

"Aysus kailan pa kaya iyan matatapos? Kanina pa kaming alas siyete ng gabi nakikinig sa napakaboring mong istorya." sabi naman ni Ohkusu na inaantok na sa kakalaro ng mobile games.

"Magkaiba naman ang talumpati sa kwento." paliwanag ni Mito sa kanila na tila proud pa sa kanyang nalalaman.

"Eh ano naman ang pagkakaiba ng dalawang iyon?" Nabwisit na lamang si Jessie sa pagmumukha ng apat na ungas dahil hindi sila nakikinig sa kanya kanina.

"Sa spelling." pasimpleng sagot ni Mito na tila nakangiti pa sa kanyang sinabi.

"Okay fine! Whatever you say mga bugok talaga kayo." Sinukuan na niya ang kanilang logical reasoning at sinakyan na lamang ni Jessie ang trip ng magbabarkada para matapos na ang kanilang panggugulo.

Habang nagtatawanan sila sa sala ay bakas pa din sa eyebags ng henyong si Hanamichi Sakuragi ang hinanakit kay Akagi na si- yang nagsilbing tutor niyang muli sa panahong hindi niya inaasahan.

[Hanamichi Sakuragi…]

"Ilang beses ko bang dapat sabihin sa'yo na mali ang sagot mo. Tingin mo ba makakapasa ka pa ulit sa exams mo kapag ganitong hindi detalyado ang computations mo?!" Tsk! Umeeksena na naman ang Gori na ito. Dinamihan ko dapat ang saging na binili ko para sa kanya nang tigilan na niya ako sa pang-iistorbo kapag dis- oras na ng gabi.

"But that's impossible! Tatlong araw kong pinaghirapang sagutan yang sample module mong pagkahirap-hirap. Dapat nga exempted na nga ako sa exam na yan eh!" Sobrang daming penitensya na ang ginawa ko para lang matapos iyon mga gunggong. Gawa nga sa bakal ang katawan ko pero hindi naman ako robot para utusan ako sa ganitong klase ng gawain sa mga oras na ito lalo pa't hindi ko pa nakakausap ng masinsinan si Haruko my labs.

"Mali na nga ipinipilit mo pa. Ikaw lang naman ang siraulong walang pinagkatandaan. Ano bang klaseng utak ang mayroon ka at ang hirap mong umintindi?!" pambungad na sermon na naman sa akin ni Gori na akala mo naman eh lagi siyang tama.

Wala ba siyang awa sa tenga ko? Hindi niya naman ako kailangang sigawan para patunayan na siya ang hari ng mga gorilla. "Ikaw nga ang may responsibilidad sa akin dito tapos tatanungin mo pa ako ng ganyan." bulong ko sa hangin.

"Isa pa, Sigurado ka bang pinaghirapan mong sagutan iyon?" Sisingit ka pa Gori eh ano pa bang gusto mong sabihin ko na mandurugas ako ng sagot. Isang malaking kalapastanganan naman yata ang pang-iinsulto mo sa katalinuhan ko.

"Oo naman." sabi ko sa kanya. Wala na akong ganang makipag-usap kay Gori tutal paumaga na din maya-maya.

"Hinanap mo lang sa internet ang sagot mo diba?" Yikes! Akala ko makakalusot na ako rito pero hindi pa pala.

"Ano bang basehan mo at nasasabi mo iyan sa henyong gaya ko Gori?" tanong ko sa kanya para matahimik na ang malaking bunganga niya.

"Nangongopya ka na lang hindi mo pa inayos. Nahiya naman ang internet sa'yo at sinulat mo pa ang pangalan ng estudyanteng sumagot nito." Nagpakasarcastic ka pa sa lagay na iyan Gori pero hindi naman bagay sa'yo.

Tumatawa ka pa dyan na parang di mo din ginawa iyan noong highschool ka pa Gori. "Citation ang tawag dyan. Pasalamat nga siya sa akin dahil sumikat ang Ryza Cooper na iyan dahil sa sagot niya sa module ko."

"May sinasabi ka ba?" Hay naku! Tinanong mo pa ako ng obvious Gori at parang nabibingi ka na ata sa kakabulyaw sa akin. Buti nga sa'yo. Nyahahahaha…

"Wala!" sabi ko na lang sa kanya para matahimik na ang nag- wawala niyang kaluluwa sa kabilugan ng buwan.