Chereads / QUEST FOR GENUINE HAPPINESS || Slam Dunk Fanfiction / Chapter 14 - 4.5 Intersecting Lives

Chapter 14 - 4.5 Intersecting Lives

Nagpasya si Via na libutin muna ang buong campus habang sila ay nasa cafeteria na naghihintay ng biyaya mula sa kitchen. "Guys, pahangin lang ako saglit ah!" ngiting sabi ni Via sa kanila at dalidaling umalis upang iwasang makipag-usap kay Jin.

"Go ahead! Pangreserve ka na lang namin ng upuan sa din- ing area." saad naman ni Cheska sa kanya. Agad nilang kinumbinsi si Jin na samahan na niya si Via na maglibot dahil sa hindi nila masyadong kabisado ang pasikot sikot sa campus.

"Alam mo kung gusto mong kausapin si bes ng kayong dalawa lang, ito na ang chance mo." sabi ni Cheska nang mapansin ang kalungkutan sa aura ni Jin.

"Pasensya na talaga. Oh, ito ang bayad ko. Mamaya niyo na lang ibigay ang utang niyo." tugon naman ni Jin sa kanila sabay abot ng bayad nito.

"Pwede naman kasing libre na lang pero... Hay buhay!" bulong sa sarili ni Cheska na tila dismayado sa nangyari. Agad ng kumaripas ng takbo si Jin para maabutan si Via at ito ay upang maliwanagan sa dahilan ng sobrang galit ng kanyang magulang kina Via.

Aminado si Jin na may pagkamatapobre ang ankan nila ngunit atat siyang makuha ang attention ni Via na matagal ng nawalay sa kanya. Samantala, halos nagmukhang super spreader event ang pagkukumpulan ng mga tao dahil sa haba ng pila ng mga customers para mabili ang kanilang mga best sellers tulad ng bento meals.

"Ayos na ba sa'yo ito?" tanong ni Cheska kay Fukuda sabay turo sa hilera ng snacks habang nakikipag-unahan sa pila.

"Kahit ano na lang." walang ganang tugon ni Fukuda na tila nang-aasar pa sa itsura ni Cheska ngayon.

"Edi sushi rolls na lang." tugon ni Cheska na medyo nagpailing sa mukha ng binata.

"Sira ka talaga, huwag iyon!" bulalas na sigaw ni Fukuda na nakapukaw ng pansin sa madla. Sa sobrang kahihiyan ay tila pina- kalma muna nito ang kanyang sarili.

"Ang ibig kong sabihin, sandwich na lang ang oorderin ko." mahinang sabi ni Fukuda kay Cheska. Makalipas ang tatlumpung minuto ay nakaalis na sila sa siksikan ng mga tao at naghihintay ng kanilang pagkain.

"Kunin mo na iyong order natin saka ka na umupo kung saan mo gusto." utos na sabi Fukuda kay Cheska.

"Alalay mo ba ako dito? Tulungan mo man lang ako rito parang napakahirap sa'yo. Andaming plato nito ah!" naiinsultong komento ni Cheska sa pakikitungo sa kanya ni Fukuda.

"Ang tanda na asal bata pa din." pagpaparinig na sabi ng ilang kababaihang naghihintay sa kasunod nila sa cashier.

"Pasensya na po sa pang-aabala." nahihiyang tugon nilang dalawa. Sa kalooban ni Cheska na depensahan ang kanyang sarili laban sa mga pambabatikos sa nangyari, inintindi na lamang niya ang sitwasyon upang hindi na lumala pa ang alitan kung sakaling papatulan niya pa ang mga iyon.

Sa mga sandaling iyon ay agad silang nakakuha ng magandang pwesto na tanaw ang fountain sa entrada ng eskwelahan. "Psst! Anong tinutunganga mo dyan?! Bakit ang tahimik mo ata ngayon?" pasaring na wika ni Fukuda na kaharap ngayon si Cheska sa hapagkainan.

"Tsk! Huwag mo nga akong istorbohin. Ang pangit mong kausap." mataray na sagot ni Cheska sabay dakot ng nakabukas na supot ng potato chips.

"Kailan ba ako naging gwapong kausap?" tanong ni Fukuda sa kanya. Halos maghalo ang balat sa tinalupan nang marinig ni Cheska ang hinaing diumano ni Fukuda sa kanya.

"Kanina lang sa interview, Char! but is he out of his mind?!" bulong nito sa kanyang sarili na hindi makapaniwala sa direktang statement ni Fukuda.

"As a matter of fact, hindi na iyon importante. Nakakainis ka." pagdadahilan na lang ni Cheska na medyo nasamid sa kanyang kinakain.

Kasagsagan ng lunchbreak sa buong campus nang madatnang muli ni Sendoh ang kampo ni Fukuda na pinapapak ang potato chips na may kasamang bubble tea bilang refreshments.

"Uy Fukuda! Sino iyan? Bago mong girlfriend?" ngising sabi ni Sendoh na tila nang-aasar sa kanyang kaeskwela noong high school.

"HINDI!" seryosong tugon ng dalawa.

"Nagsabay pa kayong sumagot, naku! Indenial pa kayo pero ok lang iyan, friends muna at saka na ang benefits." pang- aasar na sabi ni Ayako kina Cheska na medyo ikinahiya nito ang presensya nila.

"Hehehe! Huwag niyo na lang sanang pag-isipan na may malisya itong pag-uusap namin kung pwede lang." mahinang sabi ni Cheska sa kanila.

"By the way, Ako nga pala si Ayako at ito naman si Ryota Miyagi. Nice to meet you." ngiting sabi ni Ayako kay Cheska.

"Magandang araw sa inyo." Masayang pagbati ni Miyagi sa kanila.

"Same to you." walang ganang sabi ni Fukuda na tila naaasar sa presensiya nila.

"Akira Sendoh nga pala." sabi ng binatang spiky ang buhok sabay kindat nito sa dalaga.

"Hiroaki Koshino." Pagpapakilala nito kay Cheska at ningitian siya.

"It is nice to meet you too. Ano bang kaugnayan niyo sa bawat isa? Mukhang magkakaibigan naman kayo eh." Sabi ni Cheska sa kanila.

"Magkaribal ang team namin sa basketball. Sina Sendoh, Koshino at Fukuda ang galing sa Ryonan. Samantala, graduate naman kami ni Miyagi sa Shohoku." paliwanag ni Ayako kay Cheska.

"Bakit ba kayo andito? Akala ko ba umuwi na kayo." sabat naman ni Fukuda sa kanilang dalawa ni Sendoh.

"Makareklamo ka naman wagas." puna ni Koshino sa kanyang naging pahayag.

"My tryouts kasi ang basketball team sa susunod na buwan. Kailangan daw munang linisin ang gymnasium dahil matagal ng naagnas ang ibang gamit doon." paliwanag ni Miyagi.

"Kumuha na kami ng registration form at nagpalista na kami. Gusto mo ba?" tanong ni Sendoh sabay ipinakita ang papeles.

"Sige. Sasali ako. Dalawa na ang ilagay mo dyan sa bag ko para sigurado." Sabi ni Fukuda kay Sendoh.

Sa kabilang banda naman ay naintriga si Cheska sa inasal kanina ni Fukuda kung kaya't tinanong niya si Koshino sa kanyang mga naging karanasan na kasama nila si Fukuda noong high school pa lamang sila.

"May problema ba?" Tanong ni Koshino kay Cheska.

"Ano kasi... Curious lang ako... Alam mo ba kung bakit grabe niyang ayawan ang sushi? Sa pagkakakilala ko kasi sa kanya, hindi naman siya maarte sa pagkain." Nag-aalala na sabi ni Cheska.

"Noong freshmen pa lang kasi kami, ilang linggo siyang hindi nakapasok dati sa klase dahil sa food poisoning daw. Eh walang pakialaman sa amin noon kaya baka iyong sushi ang nakadale sa kanya dahil huli niyang nakain iyon sa practice game namin sa ibang school." paliwanag naman ni Koshino kay Cheska.

"Please buksan mo itong pinto. Iniiwasan mo ba ako?!" Galaiting sabi ni Jin na nauubusan ng pasensya sa pangungumbinsi kay Via na makipag-usap sa kanya.

"Sandali lang, hindi pa ako tapos sa business ko dito. Sinisilipan mo ba ako?!" naiinis na sabi ni Via sa kakulitan ni Jin.

"Almost twenty minutes ka nang nagkukulong dyan. Are you ok?" pag-aalala na sabi ni Jin. Tanging pintuan ng women's restroom ang humahadlang sa kanilang dalawa. Sa mga oras na iyon ay kinakabahan na si Via kung dapat ba niyang sabihin ang totoo sa kanya.

[Via Salam…]

For goodness' sake, I feel ashamed and betrayed by myself. I came from a family of thieves. Paano ko nasabi? It was well-written in history that my own father was a pathetic liar about his marital status, bago pa man niya makilala si mom and the much worst-case scenario is we suffer the consequences.

Maraming pagtatangka sa buhay namin lalo na kay Jasmine na one out of fifteen siblings that I know so much. She was eight years younger than me pero nakakaintindi na ng usapang kutsero. Ang natatandaan kong naging huling tawagan namin ay noong vacation season nila sa Saudi, the same day ng middle school enrollment namin at that time.

"Jin-nii, can I make my wish?" Inosenteng tanong ni Jasmine kay Jin and it was really embarrassing nang sabihin niya ng walang paligoy-ligoy ang kahilingan niya.

"Sure, basta huwag lang akong magteleport papunta dyan." birong sabi ni Jin.

"Of course not but I wish I had a nephew or niece from you two after ten years." she said at talagang patay tayo dyan sis.

"Hey! You better shut up already." walang pag-aalinlangan iyon mga bes na sinigawan ko siya sa call.

"I really like your suggestion but the final answer to that will depend upon your sister. Just remember this Jas, Kapag gusto, maraming paraan at kapag ayaw, maraming dahilan." Iyon na lang ang binitawang salita ni Jin habang natatawa sa kalokohan ng kapatid ko.

Nakakainsulto mang sabihin pero ganoon kalakas ang signal ng tatay ko pagdating sa mga babae. Ninakaw niya pati ang peace of mind ko dahil sa mga problema at atraso niya sa ibang tao.

Matagal ko nang ikinukubli ito mula nang mangyari ang insidente ng confrontation sa akin ng pamilya ni Jin. Lately ko lang din nalaman na nagkaroon ng negotiations ang father ko sa kanila and to make the story short, hindi sila nagkasundo sa nais nilang business partnership kaya kami ni mama ang napagdiskitahan ng galit nila.

Umutang ba naman sila ng shares at nang-ghosting. Ipinangalan pa sa amin ang akusasyon kaya saan pa nga ba kami lulugar? I'm personally not involved pero bakit kami pa din ang dehado?