Chereads / QUEST FOR GENUINE HAPPINESS || Slam Dunk Fanfiction / Chapter 12 - 4.3 Rock ‘Enrollees

Chapter 12 - 4.3 Rock ‘Enrollees

[Via Salam…]

Just like what I'm thinking, the numerous chance na magkita kaming dalawa ulit ni Jin ay hindi talaga maiiwasan. I felt stagnant at that moment. Kahit ultimong hiling na tumigil sana ang oras bago pa tayo bangungutin ng covid pandemic ay damang dama ko pa din sa buong sistema ko ang pagkagalak. I'm so blessed na makita ko kayo ulit ni Fukuda.

Pero my goodness Jin huwag mo naman akong titigan na parang pasan mo ang daigdig. He was so hesitant to look into my eyes directly at minsan talaga may benepisyo din ang pagiging talkative ni bestfriend lalo na sa mga nagbabadyang awkward situation.

"Jin, nabudburan ka ba ng arina? Mukha kang espasol sa sobrang puti mo. Ishare mo naman ang skin care routine mo." aligagang sabi ni Cheska as she pokes on his cheek para malaman kung totoong tao ba ang nasa harapan niya.

I'm not even sure kung nagseselos ba si Fukuda sa inaasal ni Cheska kay Jin. Lukot kasi ang lahat ng muscles sa mukha niya na para bang inubos niya ang hilera ng suka sa street food stalls ng canteen.

"Hahahaha... Long-time no see. Talagang naisingit mo pang itanong sa akin iyan. Saksakan ka ng kakulitan." natatawa na sabi ni Jin and I'm so proud of you bes na ikaw talaga ang mood changer sa group.

"Tsk... Basta noisy wala na talagang makakaagaw sa pwesto mo." birong sabi agad ni Fukuda. Halata man ang namunuong nerves sa kanyang sintido, hindi na nagpaligoy si Cheska ng kanyang ibabatong linya.

"Okay, Fine! Whatever you say. Aminado naman ako sa ugali kong iyan tutal sa'yo na din mismo nanggaling na ako na ang pinakamaingay na nilalang sa universe." Panimulang ratsada ni Cheska na rinig ng mga madla na nakapaligid sa amin. Nagsisimula na naman sila ng kanilang usual ritual at kinakabahan na ako sa maaaring sapitin muli ng grupo namin.

"Lumala ka na talaga." bulong ni Fukuda sabay napakamot sa kanyang ulo. Sadyang matalas ang senses ni Cheska at napansin pa ang side comment niya.

"Ang nakakapagtaka lang ay kung paano ka nakapasa dito samantalang sa pagkakaalam ko eh puro basketball lang ang laman ng utak mo." pang-insultong banat muli ni Cheska sa mortal niyang kaaway.

"Hoy parang sobra naman ata ang pagpaparatang na iyan ate." usisang sabi ng mga marites na nakakapansin sa confrontation nilang dalawa ni Fukuda.

"Talk to the hand folks." mataray ang kanyang tono at tila nagpaparinig si Cheska sa mga pakialamero sabay kibit-balikat sa kanila na parang mga non-existent characters sa horror films.

"Malamang nagreview ako para makasagot sa exams. Ano bang problema mo doon?" pilosopong sagot naman ni Fuku- da. Tila naramdaman na ni Jin ang panganib ng mapansin ang ilang faculty members na pabalik na sa kanilang respective offices.

I also tried to stop both of them pero masyado akong dehado sa pataasan ng ego nila bes. This is super relatable especially if we compare them to telecom glitches that the subscribers cannot be reached sa sobrang focus nila sa argument talks.

"Ehem! Siguro naman you will give way sa soon-to-be prof niyo freshmen sa opisina ko." utos na sabi sa amin ng isang teenag- er at umiral muli ang pagiging hambog ng best friend ko.

Tinitigan niya ito ng masama na akala niya ay hindi siya papatulan dahil mas mukha pang highschooler ang tinutukoy kong professor na sumuway sa amin.

"Huh?! Kung makautos ka sa amin para bang napakademanding mo." Quick response as it seems nang biglang tinakpan ni Fukuda ang bibig ni Cheska samantalang halos humiwalay na ang hangin sa loob ng baga ni Jin sa sobrang kaba.

"Pagpasensyahan niyo na po ang kaibigan namin. Matagal po ang lockdown kaya ngayon lang po kami nagkasamang apat." I explained to her gently. Mahirap ng madala sa dean's office para lang pagsabihan sa kamalian ng pag-uugali ni Cheska.

"Is that so?! But anyway, can I have your forms now para mainterview ko na kayo simultaneously." The teacher asked at binigay na namin ang required documents sa kanya.

"Alisin mo nga yung kamay mo." utos na sabi ni Cheska. "Bakit parang iba ang amoy... Galing ka ba sa C.R.?" dagdag na sabi ni Cheska sa kanya?

"Nakaface mask ka na nga, ang dami mo pang arte." naiinis na komento ni Fukuda sa kadaldalan ng kausap niya.

- BACK TO SCENE -

Makalipas ang tatlong minutong paghihintay ng ating mga squad ay pinapasok na sila sa opisina upang isagawa ang screening. Kasabay ng interview ang orientation para ipaliwanag ang mga polisiya ng naturang kolehiyo at clubs na maaari nilang salihan.

They will be interviewed by a professor named Lena Berigud na kakahire lang three hours ago. But as they entered the office, nakita nilang nag-uusap sina Koshino, Miyagi, Ayako, at Sendoh sa isang sulok.

"Himala, ang aga mo ngayon Sendoh." natutuwang sabi ni Koshino at tinapik sa balikat ang spiky haired boy.

"Nagpa-ice bucket challenge kasi ang Madam Nikki sa kwarto ko kaya ako nagising ng wala sa oras at hindi din naman nila ako tinanggap sa Tokyo." paliwanag ni Sendoh na tila brain freeze pa sa nangyari sa kanya.

"Mabuti na lang at naging classmate ulit kita Ayako." ngiting sabi ni Miyagi at tila kinikilig pa siya.

"Talaga lang huh?! O baka sinusundan mo lang ako para makakopya ka na naman sa akin." inis na turan ni Ayako sa kaba- bawan ni Miyagi.

"Please huwag naman sana iyan ang isipin mo tungkol sa akin Ayako." nagluluhang sabi naman ni Miyagi.

"Masyado ka kasing halata tulad pa din ng dati." sabi ni Ayako at saka siya umalis sa office.

"Hoy anong chismisan na naman iyan?! Kung tapos na kayo ay pwede na kayong umuwi. Bawal magstandby ang maraming tao ngayon sa loob ng office at hindi tayo sardinas para makipagsiksikan dito." suway ng isang veteran lawyer na posible ring magturo sa semester na paparating para sa kanila na mga law student sa naturang College.

"Ah ma'am kung gusto niyo po ng special sardines na may 0% trans-fat ay pwede po kayo mag-order sa amin." pahabol na sabi ni Sendoh sa mga professor na busy sa kanilang agenda sa schedule nila habang kinaladkad siya ni Koshino palabas ng gusali.

"Thank you again Mr. Sendoh but nice try sa marketing strategy mo." natatawang sabi ni Ma'am Lena sa kakulitan ni Sendoh at tila madaling makisabay sa trip ng estudyante na malayo kung ikukumpara sa mga faculty members na matagal ng nakapagtatag ng sariling reputasyon dulot ng kanilang matagal at ma- busising pagsasanay sa paghubog ng mga future professionals.

Nang makaalis ang mga estudyante sa opisina ay bigla na- man sila nagkita-kita sa canteen na madalas tambayan ng mga patay-gutom. "Scammer ka. Baka maniwala pa sa iyo sina ma'am at sir." komento ni Ayako kay Sendoh.

"Ano ba ang problema doon?" nagtatakang tanong ni Sendoh sa kanyang sarili.

"Baliw ka talaga. Ang 0% ay wala din sa mismong ingredients. Sinong pinagloloko mo?" nababanas na turan ni Koshino sa kakaibang pag-iisip ni Sendoh.

"Ah... Nanggaling pa kasi si ate sa Osaka last week kaya siguradong masarap ang lasa ng mga mackerel na iyon." Natatakam na sabi ni Sendoh at tila walang pakialam ang ibang kasama niya sa kawirduhang lumalabas sa bibig niya.

"Anong klaseng sagot na naman iyan? Namamanhid na ata yang kokote mo kaya hindi ka makapag-isip ng matino." ani Koshino at tila dismayado siya sa kahibanagan ng kaibigan niya na umabot na sa sukdulan.