Chapter 13 - 4.4 Late Bloomers

[Cheska Mamori…]

Hi mga bes! So nakatambay kami ngayon sa harap ng cafeteria in courtesy of Ma'am Lena na nirecommend ang specialty ng school na ito pagdating sa meals at mukhang may mapapakiusapan na kaming professor na mapagbigay ng consideration sa grades lalo na kapag nagkakagipitan na.

After ng interview namin with the dean ay pinapapunta kaming apat sa multi-purpose hall kung saan madalas ganapin ang mga open forum nila. Ngayon pa lang kinakapos na ako ng idea kung anong klaseng pasabog na naman ang ipapagawa nila sa amin kasama ang ilang faculty members.

Nagtataka na din kami kung bakit may mga students na galing sa grad school ang pumunta ngayon sa loob ng naturang building. Akala ko nga may state of the nation address kaming ganap kanina sa tanong to the point na nangatog na ang neurons at braincells naming magkatropa lalo na si Fukuda na hindi ko malaman kung anong sumanib sa kanya at napagdiskitahang mag enroll sa College of Law with us. Well, I'm not even expecting too much from him sa academics but with all due respect, pinatunayan niyang kaya niyang makipagsabayan sa mga brainy na katulad ko.

⏱Flashback⏱ ►

For the past 20 minutes ago, I'm not even sure kung ano ba ang dapat kong maramdaman the moment na nakapasok kami sa admission office. Marami kasi akong nababalitaan na may ritwal na ginagawa sa mga estudyante sa college institution na ito bago sila maging officially enrolled.

"So, what are your motivations to pursue this program?" See, may pa-English pang nalalaman si ma'am at bilang isang pabida sa seryeng ito, pinagbigyan ko ang hiling ng dalawa kong friend at ng isang asungot na ako na ang maunang sumagot sa kanyang basic question.

Of course hindi dapat mawala ang confidence para may plus points ka sa mag-iinterview sa'yo. Parang sa magjowa lang ang eksenang ito na kung gusto mong makipagbreak eh kailangang naaayon sa reyalidad ang mga dahilan at kaya kang panindigan ng ebidensya mo.

"Aside from becoming a financially stable citizen of this constitutional monarchy, I was inspired to pursue law in order to prevent the abuses of power by allegedly corrupt officials of our government. Do I need to further explain my claims?" Ganon dapat ang sagot para walang follow up question at mukhang hindi na nakapalag ang prosecutor namin na si Ms. Dean ng College of Law sa aking pang Miss Universe na sagot.

"Hindi talaga mawawala sa'yo ang pagiging oportunista." natatawa na lang si Jin sa statement ko na parang walang konsiderasyon sa feelings kong sensitive.

Papatulan ko na sana ng counter argument kaya lang umeksena si Fukuda. "Bakit niya kailangang tanggihan ang opportunity kung alam niyang makakatulong sa kanya diba Jin?"

I did not expect that coming from his mouth. For the first time ever na hindi ako sinapawan ng kalokohan nitong lalaking ito. Parang nadapuan ata ng virus kaya biglang bumait sa akin. But frankly speaking, sa hirap ba naman ng buhay ngayon di ba't pera din ang kailangan para mabili ang pangangailangan mo? So bakit kailangang pang magkunwari na experience lang ang habol mo kung nasa job hunting stage ka na. Kahit common sense lang huwag sanang ibaon sa limot.

Next namang sumagot si Via na parang nanlalamig sa tabi ni Jin, di makatingin directly sa mata niya at mukhang kailangan nila ng time para mag-usap after this interview session.

"My first choice was actually a course related to arts and design but if my parents insist on their child what they want for them to achieve, who am I to disobey?" Oh, my what exactly hap- pened sa inyo bes? Mukhang wala naman kayong problema nung last call natin.

I guess hindi convinced ang dean sa naging approach ng sagot ni bes and somehow disappointed. "Does this mean you were forced to study here because of your parent's choice?" Dagdag pa nito.

"Not exactly ma'am. What I mean to say was my parents' choice could help me decide what is my purpose in life. As for now, I decided to enroll here to gain knowledge and experience fresh environment." at doon na kami naliwanagan sa statement ni bes pero mukhang may bumabagabag pa din kay Jin hanggang sa ngayon.

In all fairness sa kanya ay masasabi kong naging independent siya sa magulang niya. Dala na din ito siguro sa mga experience na pinagdaanan niya mula pa noon na sa sobrang pagmamahal ng magulang ay tila nakakulong ang sarili nilang anak sa seldang binubuo nila. Tipong para sa kanila ay walang tamang desisyon na magagawa ang anak nila kung hindi sila ang magpapasya para sa sariling kapakanan ng kanilang anak.

"To be honest with you Ma'am, I personally experienced emotional distress because of strict and unjust rules imposed on our family. They act as if they are superior to others. I witnessed how they threatened those who are against their doctrine of perfectionism. I decided to become a lawyer to protect those oppressed people, especially the woman who is sitting beside me and who is constantly avoiding my gaze right now." ay grabe ang patama na iyan Jin ah! Kung sale ngayon, dapat pala nag-order na ako ng blush-on para sa maputlang love life ni bes. Kikiligin na dapat ako kaya lang iyong akala kong matutuwa siya sa sinabi ni Jin pero…

"Ikaw naman Fukuda, bakit mo naisip na mag-aral di- to?" Simpleng pasabi ni Via kay Fukuda. Deadma lang? Really?! Nakalimutan ata ni bes na kasama pa din namin ang dean at iba pang faculty members sa diskusyon. Masakit pero mukhang nag- eexpect din sila ng positive response mula kay bes.

"Ouch na lang talaga ang masasabi ko sa inyo." I blurt out unintentionally at mukhang masama na naman ang tingin sa akin ng Fukudang pangit na ito. Hmmp… so what, bakit ka ba affected self?!

- BACK TO SCENE -

[Kicchou Fukuda…]

Una sa lahat, lilinawin ko lang na hindi ako nagkukunwaring naimpluwensiyahan ako ng ibang tao para sa sariling kapalaran na pinili ko.

Nag-english pa itong mga ito, wala naman sila sa America o Britania para magpakadisente sa pagpapaliwanag. Gayunpaman, mahirap talagang awatin ang bibig ng Cheska na ito. Siya ata ang may tama sa utak at kinakausap mag-isa ang sarili niya habang bumubulong sa hangin.

Alam kong matatanong din sa akin ang mga introductory question na ito na para bang nasa interrogation room kaya pinag- isipan ko ng mabuti ang sasabihin ko.

"It's rather simple to say that you can become what you dream of when you work hard. That is the ideology of people who live in a society of peace, integrity, and nationalism. But in reality, there are some parts of our society that experience harsh environ- ment and unjust leadership which is why their rights were somehow compromised. As a future lawyer, I want to revert to that kind of mindset for everyone in which the exerted efforts of individuals will be rewarded accordingly."

◄ ⏱End of Flashback⏱