Chapter 11 - TMBHE: CHAPTER TEN

Complicated Revelations I

Maraming bata ang naglalaro ng hapong iyon sa palaruan sa may parke. Masaya silang naglalaro doon. Isang batang nagngangalang Eirlys na sampung taong gulang ang masayang nakaupo sa swing habang nakabantay naman ang kanyang nanny sa may tabi at pinapanood siya. Makalipas ang ilang sandali, nilapitan siya nito at sinabing bibili lamang ng cotton candy sa tinderong nagbebento niyon sa di kalayuan. Ngumiti siya at tumango. Pagkaalis nito, may batang lalaki ang lumapit sa kanya saka ngumiti ng mapalad.

"Hi! Anong pangalan mo?" biglang sambit nito sa kanya. Tiningnan niya ito maigi kung kilala niya pero hindi ito pamilyar sa kanya. Subalit nginitian niya pa rin ito.

"Eirlys ang pangalan ko. Ikaw? Anong pangalan mo?" inilahad ng batang lalaki ang kanyang kamay para makipagkamayan. Tinanggap niya iyon.

"Stefan. Iyon ang pangalan ko. Wala ka bang kasama? Nasaan ang parents mo?" Bago pa siya nakasagot ay dumating na ang kanyang nanny hawak-hawak ang cotton candy na binili nito doon. Napalingon iyon sa batang lalaking kausap niya. Ngitian lamang nito iyon saka kumuha ng lampin para punasan ang pawis na nasa noo ni Eirlys.

Nakatingin lamang ang batang si Stefan sa kanila. Kumurot ng kaunti si Eirlys saka inabot iyon kay Stefan. "Ito oh. Gusto mo ba? Share na tayo dito sa cotton candy," masayang anito. Napangiti si Stefan at tinanggap ang binigay nito. Ilang sandali pa, may batang babaeng lumapit kay Stefan at hinawakan nito ang kanyang kamay. "Andito ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap. Pati sina tita, hinahanap ka. Tara na," ani ng batang babaeng nagngangalang Zavanya. Kasing edad lamang nito iyon.

Nagsimula na silang maglakad papalayo subalit lumingon si Stefan sa batang si Eirlys at kumaway bago ito umalis kasama si Zavanya. Napahinga tuloy siya saka yumuko habang inuubos ang tirang cotton candy. Iyon ang unang pagtatagpo nilang dalawa ni Stefan. Halos araw-araw tuwing pagsapit ng hapon ay niyayakag niya ang kanyang nanny na tumungo sila sa parke. Gusto niyang makita muli ang batang lalaking si Stefan. Pagkarating pa lamang nila sa parke, hinanap kaagad niya ang batang iyon. Napangiti siya ng matagpuan itong nakikipaglaro subalit nawala ang kanyang ngiti ng makita na kasama nitong kalaro ang batang babae. Malungkot siyang nagtungo si swing habang pinapanood ang mga iyon na naglalaro. Nawalan tuloy siya nang gana.

Ilang taon ang lumipas, nagtagpo muli ang kanilang landas sa isang paaralan. Labing-dalawang taong gulang na sila ng panahong iyon. Sinigurado naman ni Eirlys na magiging magkaibigan silang dalawa. Naging masaya pa siya lalo noong nalamang magkaklase sila. Hindi niya maitago ang kasiyahan na iyon. Hindi nagtagal, lalo pa silang naging close hanggang sa magkagusto na siya dito.

Oo, mga bata pa lamang sila. Subalit hindi niya iyon napigilan lalo na noong napaamin ito ng kanilang mga kaklase kung sino ang crush nito sa kanilang silid-aralan. Dapit-hapon na kaya uwian na nila. Sinundo siya ng bodyguards ng kanyang lolo subalit gayon na lamang ang gulat niya ng kasama nila ito. "Sino ang lalaking iyon? Kasintahan mo?" galit na turan nito sa kanya. Saglit siyang tumango.

"Layuan mo ang lalaking iyon. He's no good for you. Kaaway natin ang pamilya nila kaya huwag ka ng lalapit o kahit makipagkaibigan sa kanya. Naiitindihan mo ba, Cressida?" bilin nito pero mabilis siyang umiling.

"Hindi ko siya kayang layuan, granddad. Siya lang ang gusto ko," giit niya pa pero nakita niya ang matinding galit sa mga mata nito habang nakatingin sa kanya.

"Lalayuan mo ang lalaking iyon o hindi ka na makakabalik dito?" napatigil siya dahil sa pagbabantang iyon.

"Anong ibig niyong sabihin, granddad?" kinakabahang tanong niya.

"You're coming with me in London. Doon ka na magpapatuloy ng pag-aaral. We're leaving next month," anunsyo nito kaya't napaiyak siya habang paulit-ulit na umiiling.

"Hindi, ayoko! Hindi ako sasama sa inyo, granddad! Dito ako mag-aaral!" sigaw niya dito.

"Stop protesting, Cressida! Whether you like it or not, sasama ka pa rin sa akin!" lalo siyang napaiyak. Pagkarating sa mansyon nila ay padabog siyang umakyat ng kanyang kwarto. Inilock nito iyon at sinubsob ang sarili sa unan. Wala siyang magawa sa kagustuhan nito na umalis sila.

Gabi na't hindi pa rin siya lumalabas ng kanyang kwarto. Pabalik-balik na rin ang kanyang nanny upang dalhan siya ng makakain subalit tumanggi siya dito. Lalong nangunsumi ang kanyang lolo dahil sa inaakto niya. Lumipas ang ilang linggo at mamayang gabi na siya aalis papuntang London kaya't malungkot siyang pumasok sa paaralan. Napansin iyon ni Stefan. Tinabihan siya nito sa bench kung saan siya nakaupo simula kanina pang pagdating niya. Hindi niya ito kinibo at umalis na lang papuntang silid-aralan nila. Buong maghapon ay tahimik lamang siya. Hanggang sa sumapit na ang uwian nila. Pilit niyang iniiwas ang sarili sa lalaking gusto niya subalit palabas na sana siya ay napigilan nito ang kanyang braso.

"May problema ba? Bakit hindi mo ako iniimik?" nag-aalalang tanong nito sa kanya kaya napahinga siya nang malalim.

"A-Ayos lang ako. Huwag kang mag-alala. S-Saka ito pala. May ibibigay ako sa'yo," ani niya sabay abot ng bracelet na ginawa niya kagabi.

"Bracelet?" takang-tanong nito. Malungkot siyang tumango.

"Oo. Palagi mo iyang isuot, ha? Pangako, babalik ako. Babalikan kita. Gagawa ako nang paraan para magkita tayong muli, Stefan. Sa pagbalik ko, sana pwede na," malungkot niyang sambit dito saka niyakap. Nagtataka man ay niyakap rin siya ni Stefan.

"Maghihintay ako. Hihintayin kita," ngiting saad nito sa kanya. Kahit paano'y nabawasan ang kanyang kalungkutan ng marinig iyon. Ilang sandali ay nagitla siya ng makita niya ang kotse ng kanyang lolo. Agad siyang humiwalay ng yakap dito.

Naglakad siya palapit doon at ngumiti sa kanya. Tumakbo na siya saka kusang sumama. Napaluha na siya habang papalayo ang sasakyang iyon kay Stefan. Nilingon niya pa saglit ito sa likod. Natanaw niyang nakatingin ito sa kotseng papaalis. Niyakap niya ang kanyang sarili. "Maghihintay ako. Hihintayin kita," mga salitang paulit-ulit niyang inaalala. Mabigat ang kanyang kalooban. Pagdating nila sa airport ay naghihintay ang kababata niyang kaibigan na lalaking nagngangalang Hugo.

Ngitian siya nito saka sinalubong ng yakap subalit wala siyang ganang yumakap dito at nananatiling nakayuko. Pinagmamasdan siya nito hanggang sa magpaalam na ang kanyang lolo na aalis na sila. Pilit na ngitian siya ng kaibigan noong nilingon niya ito saka nagsambit palihim ng "paalam" sa kanya.

Tahimik na napaluha siya ng maalala ang pangyayaring iyon. Masakit, sobrang sakit sa kanya na pinanghawakan niya ng ilang taon ang pangako iyon. Subalit hindi naman niya akalain na kinalimutan na siya nito at ikinasal na sa iba. Kaya gano'n na lang ang galit at pagsusumamo niya ng makilala ang asawa nito. Hindi niya maiwasang magtanim ng sama nang loob. Dahil naghintay rin naman siya, nagtiis ng ilang taon para lamang makabalik siya para dito subalit isasampal lang pala sa kanya ng tadhana ang balitang ikinasal na ito sa anak ng CEO ng CMC. Wala siyang nagawa ng mga panahon na iyon dahil na rin sa utos ng kanyang lolo. Ni hindi siya makaangal o gumawa man lang ng ikakagalit nito. Naging sunud-sunuran pa siya sa kagustuhan nitong maging modelo siya sa London. Hindi siya makatanggi kaya't sinusunod niya ito. Subalit ngayon, gusto na niyang ipaglaban ang dapat na matagal na niyang nakuha. Itinunga niya ang basong may lamang beer. Kanina pa siya sa bar na iyon. Lumuluha habang binabalikan ang mapait na alaala nilang dalawa. Hindi na siya nagulat pa nung may tumabi sa kanya. She knows who it was. Ito lang naman ang karamay niya ngayon sa kanyang plano.

"Let me guess. You were reminiscing the past, right? But still, hindi ka pa rin makamove on sa lalaking iyon kahit ilang taon na ang nakalipas. Kahit pa alam mong kinalimutan at hindi ka niya mamahalin pabalik." Muli niyang pinunasan ang patuloy na pagtulo ng kanyang mga luha.

"But it was still damn hurts, Hugo. Hanggang ngayon, siya pa rin ang mahal ko," pagsusumamo niyang sambit dito.

"Paano naman ako? 'Yan kasi ang hirap sa'yo, Eirlys. Simula pa noon, ang manhid mo sa akin. Pero andito pa rin ako sa tabi mo kahit ako 'yong nasasaktan kapag nagkakaganyan ka," mahihimigan ang sakit sa boses nito. Narinig niya ang pagbuntong-hininga nito at umorder ng beer sa bartender. Napatingin siya dito habang nagsasalin ng alak sa baso.

"I-I'm really sorry, Hugo. You know that he's still the one for me. Kahit pa malabo na iyon. Kaya lang, sinubukan ko naman na mahalin ka kaso---." pinutol nito ang sasabihin niya saka uminom ng alak.

"You didn't even tried, Eirlys. Iyon ang totoo. Kahit ipagtabuyan ka na niya palayo, kahit pa may asawa na siya at mahal na mahal niya iyon, ipagpipilitan mo pa rin ang sarili mo. Nagbabakasakaling pipiliin ka niya over his wife." Natahimik siya ng marinig iyon. Totoo naman lahat ng sinabi nito. Gano'n siya kadesperada makuha ang lalaking mahal niya.

"But I'm doing this for something's better than before, Hugo." Nakita niya itong umiling.

"You're just doing it for yourself, and not for something's better. He will never see your worth and love you unconditionally like I do. Pumili ka kasi ng taong hindi ka kailanman kayang mahalin. That was your biggest mistake." Para bang milyon-milyong kutsilyo ang sumasaksak sa dibdib niya dahil sa sinabi nito. Napalingon pa siya dito ng inabos na nito ang tirang alak saka tahimik na umalis. Napahinga na lamang siya nang malalim. But it's not over yet...for her.