Chereads / The Mobster Better Half Empress (MAFIA SERIES #3) / Chapter 17 - TMBHE: CHAPTER SIXTEEN

Chapter 17 - TMBHE: CHAPTER SIXTEEN

Silent Pain

He frustratingly went to his office. Nahalata na rin ng kanyang sekretarya na para bang hindi ito nakatulog. Tinanong siya nito subalit umiling lang siya bilang tugon. Ayaw niya munang umimik. Wala siya sa mood dahil nasa isip niya ang patuloy na malamig na pakikitungo sa kanya ng asawa. Paulit-ulit siyang tinatawag ni Irish pero tila bang lumipad ang kanyang isipan sa kung saan.

"Sir. Your meeting with Mr. Gonzalez is about to start. He's waiting for you at the meeting room," anito. Hindi pa rin siya umiimik. Sarado ang kanyang tenga sa pakikinig sa sinasabi nito. "Sir Stefan," muling pagtawag nito na nagpabalik sa kanya sa katinuan. Nilingon niya ito.

"What is it again?" tanong niya na nagpailing na lamang sa sekretarya. "Your meeting with Mr. Gonzalez, sir. Magsisimula na po---" naputol ang sasabihin nito nang tumayo siya. "Alright. Let's go," aniya saka lumabas nang opisina. Maging sa oras ng kanyang meeting ay tulala siya. Napansin iyon ng mga shareholders pati na rin ang nagsasalita sa harap nila.

"Mr. Clinford seems like not in his own consciousness today, right?" salita ng isa sa mga shareholders. Tinapik ni Irish ang balikat nito. "Oh yes? Sorry? I'm sorry. I was just thinking about something." Napailing na lang ang mga ito saka nagpatuloy.

Habang pauwi siya, napadaan siya sa isang flower shop. Nakuha kaagad ng kanyang atensyon ang bouquet ng daisies. He remembered his wife loves it. Napangiti siya. Sana makatulong ito. Bigla siyang nilapitan ng tindera. "Nais mo bang bilhin 'yan, iho?" tanong nito sa kanya kaya agad siyang tumango. Nakangiti siya habang bitbit iyon pabalik ng kanyang sasakyan. Naisipan niya rin bumili ng dinner nilang dalawa sa isang restau. Nang makauwi siya, inilapag niya ang supot na kanyang binili sa ibabaw ng lamesa saka dumeretso sa kwarto nila. Itinago niya sa likod ang bulaklak. Kumatok muna siya subalit walang sumasagot. Ipinihit niya ang doorknob pero nakalock ito.

Samantala, nakatungaw si Zavie sa balcony nila. Tahimik at malalim ang iniisip niya. Naririnig niya itong kumakatok ng paulit-ulit pero pilit niyang hindi pinapansin. Nang mainis siya, binuksan niya ang pintuan at bumungad sa kanya ang asawa. Saglit niya lang ito tiningnan saka umiwas rin nang tingin. "Anong kailangan mo?" malamig niyang tanong dito. Nakita niya itong napalunok. "I-I brought you something. I'm hoping you'll love it," utal nitong sagot sa kanya habang nakahawak sa batok. "Well, whatever it is, I don't care about it." Akmang isasara niya na sana ang pinto subalit mabilis nitong napigilan iyon. "H-Hindi mo man lang ba titingnan? I thought about you when I bought those. Please?" malungkot nitong usal sa kanya. Muli siyang umiling.

"I told you, I don't wanna see it." Pagkasabi niya, agad nitong ipinakita ang bouquet ng daisies. Napatingin siya doon.

"F-For you, baby girl." He handed it to her but it took a while before she finally accepted it. Inakalang niyang pagkatanggap nito ay okey na sila subalit itinapon lamang nito iyon sa sahig saka lumabas ng kwarto. Napatulala siya sa ginawa nito. Dahan-dahan niyang kinuha ang naglasog-lasog na bulaklak at hinabol si Zavie. Hinarangan niya ito. May nais sana siyang sabihin pero hindi nakikisama ang kanyang dila. Malamig lamang siya nitong tiningnan saka nilagpasan. Nanghina ang mga tuhod niya kaya agad siyang umupo sa sofa. He felt so exhausted.

Ninais ni Zavie na tanggapin ang mga bulaklak na iyon subalit pinipigilan niya lamang sarili. It's been a while since he bought her those daisies. Para bang nagliligawan ulit sila. Napahinga siya nang malalim. Kita niya kaagad sa mga mata nito ang sakit at lungkot. Hindi niya nais makita iyon pero wala siyang magawa. Mas mahalaga pa yata sa kanya ang dignidad keysa maging maayos silang dalawa. Bumigat tuloy lalo ang kanyang pakiramdam dahil sa kung paano niya labag sa loob na tratuhin ito nang gano'n.

Kinabukasan, hindi pumasok si Stefan sa opisina niya. Pinakansel niya ang ibang meetings at walang pasabi na bumisita sa apartment ng kanyang kaibigan na si Casper. Saktong napabisita sina Jasper, Louie at Jace. Nagtataka sila no'ng makita nila siya na malungkot ang mukha. "What happened, Voss? What's with your face?" Taka-tanong ni Louie dito subalit dumeretso na lang ito ng pasok. Napansin nila ang pabagsak na pag-upo nito sa sofa. Nagkatinginan silang apat. "Anong nangyari do'n?" Kibit-balikat lamang ang tinugon ng tatlo sa muling pagtanong ni Jace. Tinabihan nila ito.

"What's going on, Voss? You seem exhausted on something." nag-aalalang ani Jasper. Narinig lamang nila itong bumuntong-hininga saka tumayo at pumunta sa mini bar ni Casper. Sinundan nila ito nang tingin. Sumunod sa kanya si Casper para kumuha na rin ng alak. "Did you have a misunderstanding with your wife?" he asked but he didn't respond. Muli itong bumalik sa pagkakaupo sa sofa tsaka naglagay ng alak sa baso. Nagsunud-sunod ito ng tungga kaya pigilan siya ni Casper. Hindi na lang siya umangal.

"Tell us what's wrong, Voss. Hindi 'yung ganyan ka. What happened between you and Zavie?" Imbes na sumagot ito ay bigla na lang siyang umiyak. Muling nagkatinginan ang apat. Iyak pa lang niya ay alam na ng apat kung anong nangyari. Hinayaan muna nila itong kumalma at kusang magkwento. Dinamayan nila ito. Pinakansela na rin nila ang mga kinakailangang gawin at tinawagan ang kani-kanilang mga asawa na kailangan sila ni Stefan. Maghapon itong umiiyak habang nagkukwento sa kanila hanggang sa nakatulog na ito.

"This usually doesn't happen to him, right? It seems different from their past misunderstanding. Mas grabe ngayon." kumento ni Jasper.

"What do you think is the reason behind it?" ani Louie.

"Kawawa naman si Voss. We couldn't do anything." malungkot na kumento naman ni Jace.

"Yeah. Away mag-asawa ang mayroon sila. It's normal for every relationship." pagsang-ayon ni Casper.

"But do you think that was normal? He didn't even have to drown himself in liquor if it was normal. Look at his face right now." ani Jasper. Napahinga sila lahat nang malalim. Nag-inuman silang apat pero hindi sila gano'n nagpakalasing dahil ihahatid pa nila si Stefan. Hatinggabi na kaya naisipan na nila itong ihatid. Nagdoorbell sila pagkarating sa bahay nito. Ilang minuto bago ito bumukas. Nagtataka silang tiningnan ni Zavie. Dumako ang tingin nito sa asawa na inaalalayan ng mga kaibigan.

"What happened?" kunot-noong tanong niya.

"He's drunk. Buong maghapon siyang nagkwento sa amin tungkol sa inyo habang umiiyak hanggang sa nag-aya siyang mag-inom kaya ayan, nagpakalunod sa alak," paliwanag ni Casper. Napahinga siya ng malalim. She had no idea how to fix their problem. Kahit siya naguguluhan din. She nods.

"Salamat sa paghatid sa asawa ko. Mag-ingat kayo pauwi." aniya kaya nagpaalam na silang uuwi na.

Nang makaalis na ang mga ito, inalalayan niya si Stefan papunta sa kwarto nila kahit mabigat ito para sa kanya. She managed to take him there. Halos kapusin siya ng hininga ng malagay na niya ito sa kama nila. She stared at him for a second. Naaawa siya dito. Ngayon niya lang nakita na nagkakaganito ang asawa. And worst, siya pa ang dahilan no'n.

Kumuha siya ng planggana at bimpo para maasikaso ito. Dahan-dahan niyang pinunasan ang mukha nito para mahimasmasan mula sa pagkakalasing. He gently opened his eyes even though it was blurred, he knew it was his wife.

"B-Baby girl," he mumbled. Hindi umimik si Zavie. Patuloy niya pa rin itong pinupunasan. She sighed. Akmang tatayo siya mula sa pagkakaupo sa gilid ng kama no'ng mabilis siyang napigilan ni Stefan.

"D-Don't leave. Stay. I need you, baby girl." he whispered. She didn't look at him instead she stood up and removed his hand from her.

"Magpahinga ka na muna dyan. Just nodded off. Tapos naman na kitang punasan eh," sambit niya dito. Paulit-ulit na umiling si Stefan sa kanya. His eyes began to swell. He's broken the way she acted like that to him.

"No. D-Dito ka lang sa tabi ko. Hindi ka aalis." pagtanggi nito sa kanya. Mahina na rin itong humihikbi.

"I told you, you have to take a rest and you didn't need me anyway," she coldly replied. She was about to leave when he quickly held her down on the bed with all his strength. He locked her as he put his arms beside her so she wouldn't escape. He was now above her.

She tried to stand up but he immediately held her hands and locked it with his. Tumigil na lang si Zavie sa pagpupumiglas dahil alam niyang hindi rin naman siya makakatakas mula dito.

"You didn't obey me, now this is your punishment. Even though I'm drunk right now in front of you, I know what I'm doing." Maawtoridad nitong ani. Hinarang niya ang dalawang kamay sa dibdib nito.

"Y-You have to sleep now, Stefan. Stop being stubborn---" pinutol nito ang sasabihin niya kaya agad siyang napatingin dito.

"You are the one who's being stubborn here, Zavie. Do you know how exhausted I am whenever I go to work? Do you know how much I always wanted to see your presence so I could do all my work without knowing? Do you know how furious I am because I'm clueless why you were doing this to us? Do you have any idea, Zavie?" kita niya ang halong sakit, lungkot, galit at pangungulilala sa mga mata nito.

"Y-You're just drunk. Kaya please lang pakawalan mo ako dito." saka pilit na kumawala dito subalit mas lalong humigpit ang hawak nito sa kamay niya.

"Do you think I'll let you go right here, right now? I know there's a reason why you've been acting like this to me. You were trying to avoid me, right? And I'm completely insane, Zavie. Those days you keep on avoiding my presence, I feel like I did something wrong. Hindi ka magkakaganyan ng walang rason. I know you and I still love you even if you were like that. Though it's fvcking hurt and killing me, I don't know what I'd do without you," hinanakit nitong ani as his voice cracked. Unti-unting tumulo ng sunud-sunod ang luha nito. All she can do is stare at his frustrated face. He buried his face on her chest. Tanging pag-iyak nito ang maririnig sa buong kwarto nilang dalawa.

Nag-angat ito ng ulo pagkalipas ng ilang segundo.

"You're mine. You're only mine. No matter who wants to take you away from me, I will find you. I won't stop, Zavie. I love you til my last breath and til death do us apart," he said as he leaned closer to her lips and kissed it. Puno iyon ng pagmamahal. She responds to every move his lips to hers. After a while, muli siya nitong tinitigan. Tila ba kinakabinsado ang bawat anggulo ng mukha niya. Muli siya nitong hinalikan.