Chereads / The Mobster Better Half Empress (MAFIA SERIES #3) / Chapter 20 - TMBHE: CHAPTER NINETEEN

Chapter 20 - TMBHE: CHAPTER NINETEEN

His Future Heirs

Nagising siya sa hindi malamang rason. Patakbo siyang nagtungo sa banyo. Tila ba hinahalungkat ang kanyang sikmura. Tiningnan niya ang sarili sa salamin. Bumagsak ang kanyang balikat sa nakita. Mugto na naman ang kanyang mga mata at namumutla siya. Naalala niyang hindi pala siya kumain ng hapunan kahapon. Wala siyang ibang choice kung hindi ang bumaba para magluto. Naghalungkat siya sa ref subalit no'ng may maamoy siyang hindi maganda, agad na namang bumaligtad ang kanyang sikmura. Dali-dali siyang tumakbo papuntang banyo.

"A-Ano bang nangyayari sa'kin?" takang aniya sa sarili. Bumalik siya muli at hinanap kung ano ang nangangamoy na 'yon. Keso lang pala pero hindi naman nabubulok o sira. Kaya bakit gano'n ang epekto ng amoy sa kanya? Napasimangot siya ng wala na palang laman ang refrigerator. Ngayon, kinakailangan niyang bumili para lamanan iyon.

Naligo muna siya at nag-ayos ng sarili tsaka nagtungo sa isang market di kalayuan sa village nila. Marami siyang pinamili dahil para bang natatakam siya sa mga iyon. Napatingin tuloy ang mga tao sa kanya pero nagkibit-balikat lang siya. Punung-puno kasi 'yong basket na pinaglagyan niya. She struggled while carrying those food products she just bought. Hindi gano'n kalayo ang nilakad niya habang bitbit 'yon. Agad niyang nilagay ang mga ito sa back seat. Hiningal siya do'n. Pagkatapos ay nagdesisyon na siyang umuwi. Pagkauwi niya, inihanda niya ang lulutuin niya. Kumalam tuloy ang kanyang sikmura nang maamoy pa lang 'yon. Hindi na siya makapaghintay na makakain na. Ilang minuto lang, natapos na siya sa pagluluto. Unang tikim pa lang niya ay nasarapan siya kaagad. Subalit nawala ang kanyang gana no'ng bumukas ang pinto. Iniluwa no'n ang kanyang asawa. Halatang bagong gising ito. Nakaramdam siya ng kirot sa dibdib. As her eyes began to swell, nakaramdam muli siya ng pagsusuka. She saw his worried look while she ran to the comfort room.

"Hey. Are you alright? Is there something wrong with the food you've eaten just now?" nag-aalalang tanong nito. Sinubukan siya nitong alalayan pero kaagad niya itong itinulak palayo.

"Go away. Just go to your work. Don't mind me. Kaya ko sarili ko," inis niyang singhal dito saka nilagpasan. Halata ang gulat sa mga mata nito. Paupo na sana siya pero may kamay na pumigil sa kanyang pulsuhan.

"What's wrong with you? And your body? Should I bring you to the hospital---" pinutol niya ang sasabihin nito saka inis na tinanggal ang pagkakahawak nito sa kanya.

"I'm fine, okay?! Stop bothering me! It's none of your business if I felt something wrong with my body, Stefan. Just mind your own businesses starting this day. I don't care anyway." malamig niyang ani. Pagalit niyang iniligpit ang kanyang pinagkainan at kaagad na nagkulong sa guest room.

Maghapong hindi lumabas si Zavie sa kwartong 'yon. Tahimik lang siyang nakasiksik sa isang tabi. Her mind starts to overthink and she's almost going insane with those painful thoughts. Samantala, hinihintay siya ni Stefan na lumabas mula ro'n. Hanggang sa sumapit na ang gabi, ni hindi man lang ito lumabas kahit isang beses. Hindi na siya nakapagpigil. Kinatok na lang niya ito.

"Zavanya? Baby girl?" tawag niya dito pero walang sumasagot. Akmang bubuksan na niya subalit bigla itong bumukas. Hindi man lang ito tumingin sa kanya at nanatiling nakayuko. Tahimik siya nitong nilagpasan. Agad niya itong sinundan at noong maabutan niya, he quickly grabbed her hand. Nakaiwas nng tingin nito sa kanya.

"Are you just going to ignore me all the time? Am I wind of you now, Zavie? Why didn't you even answer my damn questions? Are you fucking seeing someone else or are you cheating on me?" Mabilis na dumapo nang malakas ang palad nito sa kanya. Napatagilid ang mukha niya dahil sa lakas no'n.

"H-How many times do I have to tell you, Stefan? Just give me a fucking break! And if that's what you think about me, go on. Maghinala ka kung gusto mo. But at least show me proof that I was really cheating on you. Just because I was acting like this towards you, it doesn't mean I cheated or even saw someone else. To be honest, right now, I don't know if I really regret marrying you." aritadong anito sa kanya. Natigilan siya nang marinig 'yon. Muli siya nitong nilagpasan at bumalik sa kwarto. Sinundan niya ito ng tingin.

Napasandal si Zavie sa pinto pagkapasok niya. Deep inside of her, she didn't mean those words. But it was irritating her for unexplained reasons. Hindi naman siya talaga nagsisisi na pinakasalan niya ito. Marahil nasasaktan pa rin siya sa mga bagay na nangyayari sa kanilang dalawa ngayon.

Kinabukasan, naabutan niyang wala na ang asawa. Pumasok na ito nang maaga sa trabaho. Pababa na sana siya ng makaramdam siya ng pagkahilo. Napahawak siya sa sintido. Nanlalabo na rin ang kanyang paningin. Hindi nagtagal, binalot na siya ng dilim. Gumulong siya sa hagdan at bumagsak sa sahig. Samantala, nagdesisyon si Hailey na bisitahin ang kapatid sa bahay nito. Ilang linggo na rin kasi simula noong nagkita sila. She wants to know how she is. Pagkarating niya, ilang beses na siyang nagdoorbell at tumatawag pero wala man lang sumasagot. She tried to call her but it kept on ringing. Nanggagaling ang tunog na 'yon sa loob ng bahay. So it means, Zavie is home. Subalit ang pinagtataka niya, bakit hindi ito sumasagot? Laking pasalamat niya no'ng sinubukan niyang buksan ang pinto ay hindi ito nakalock. Pero nabitawan niya ang selpon sa gulat. Agad siyang nataranta ng makita itong nakahandusay sa sahig at walang malay.

Nilapitan niya ito saka tinatapik ang mukha. But she was still unconscious. Napansin niya na nasa tabi nito ang selpon. Natataranta niyang tinawagan si Stefan pero out of reach. Wala siyang ibang naisipang tawagan kung hindi ang manliligaw niyang si Lazarus. Mabilis naman itong nakarating at tumulong sa kanya na dalhin ang kapatid sa ospital. Pagkarating nila sa ospital, agad inasikaso ng mga nurse si Zavie. Walang silang nagawa ni Lazarus nang sabihin ng nurse na maghintay na lamang sila sa labas ng emergency room. Makalipas ang ilang minuto, lumabas ang doktor. She immediately stood up.

"Sino ang kamag-anak sa inyo ng pasyente?" kaagad nitong tanong sa kanila.

"Ako po, doc. Kapatid ko po siya. How's she?"

"She's fine. Fatigue is most common during the first trimester, but it can happen anytime during pregnancy. It generally doesn't mean something is wrong," the doctor stated. Tila ba hindi makapaniwala sila sa narinig. Nagkatinginan silang dalawa.

"A-Ano po, doc? Pregnant? She's pregnant?" paniniguradong aniya.

"Yes. She's two weeks pregnant. Bawal sa kanya ang mastress during her pregnancy. It can affect the baby. Anyway, you may visit her inside. She's resting. Pwede na siyang madischarge later if she feels better na. Maiwan muna kita," paliwanag nito sa kanila bago sila naiwang tulala. She couldn't hide her happiness when she heard that. Kumatok muna siya bago dahan-dahang pumasok sa kwarto kung nasaan ito. Pagkapasok nila, nadatnan nilang nakaupo ito sa kama habang nakasandal.

"Kamusta pakiramdam mo, ate? Are you alright?" nag-aalalang aniya.

"Yeah, sort of. Medyo okey naman na. Teka, ano bang nangyari? Bakit ako napunta dito sa ospital?" nagtatakang anito. Nagkatinginan muli sila ni Lazarus bago niya hinawakan ang kamay ng kapatid.

"You fainted lately. I decided to visit you lately but I saw you lying on the ground unconsciously. So I immediately called Lazarus to help me bring you here quickly," panimula niya bago nagpatuloy. "You're 2 weeks pregnant, ate." nakangiting aniya dito.

"I-I'm pregnant? So that's why I always have nausea and vomiting. I also missed my period a week ago. Then, I felt exhausted...a lot." napagtanto anito.

"Nasabi mo na ba kay Voss ang tungkol dito?" tanong niya. Umiling ito saka malalim na huminga.

"I-I couldn't tell him. I'm not ready. N-Natatakot akong malaman niya. Baka hindi niya tanggapin ang anak namin," bakas ang takot sa sinabi nito.

"You know he'll be glad to know about this. But I respect what your decision is. Ano na ang plano mo ngayon, ate? Paano kapag nalaman niya ang tungkol sa pagbubuntis mo kahit hindi mo sabihin?" Ilang ulit itong umiling habang nagbabadya ang mga luha.

"I-I don't know. Ayoko muna siyang makita sa ngayon. Sariwa pa yung sugat na dinulot niya sa'kin. B-Baka malaglag itong anak ko kapag nanatili pa ako sa bahay namin. I-I can't lose my baby, Hailey. Kung hindi niya magagawang tanggapin, ilalayo ko ang anak ko sa kanya. Magpapakalayo-layo kami---" agad niyang pinutol ang sunod na sasabihin nito. Unti-unting napaluha si Zavie habang sinasabi ang mga katagang binitawan niya.

"Shhh. Everything will be fine, ate. And I know he'll accept your child. You know how much he loves you. You saw how he can sacrifice everything just for both of you. So don't worry about that. For now, do you wanna stay at my house?"

"N-No. I can't. Alam kong hahanapin niya ako. Sigurado ako doon. At maaaring maisip niya na manatili ako sa bahay mo kaya sa hotel na lang ako magcheck-in." Tumango-tango siya kahit takot siyang iwanan ang kapatid lalo na sa kalagayan nito ngayon.

"It's fine. I understand, ate." Binigyan niya ito ng ngiti para mabawasan ang pag-aalala nito at pag-iisip ng kung anu-ano.

"Hailey. Can I have a favor, please?" biglang salita nito na nagpataka sa kanya maging kay Lazarus.

"Sure. What is it, ate?"

Huminga ng malalim si Zavie tsaka pinunasan ang natutuyong luha sa pisngi niya bago nagsalita. "Please don't tell him about this. Even where I am staying. I know it might get him so worried, but I couldn't stand being with him for now. Please? I just wanna be alone," she said. Hailey hesitantly nodded but she didn't have any choice. It was her sister's decision and she can't do anything about it.