Chereads / The Mobster Better Half Empress (MAFIA SERIES #3) / Chapter 14 - TMBHE: CHAPTER THIRTEEN

Chapter 14 - TMBHE: CHAPTER THIRTEEN

Fear and Hostility

Nakayukom ang kamay ni Eirlys habang malayo ang tingin sa labas ng kanyang kwarto. Muli siyang tumungga ng alak. Iniisip niya na maaari siyang malamangan ni Zavanya. Hindi iyon malabo ngayong pinapatunayan nito na wala na siyang laban na maagaw pa ang asawa nito.

"F*ck it!" galit na singhal niya. Hindi na niya nakontrol pa ang sarili at binasag ang mga kagamitan na mahawakan niya. Nagitla ang ilang kasambahay ni Hugo dahil sa narinig na nagmumula sa kwarto nito. Nagmamadali nilang pinuntahan ang kwarto nito subalit natakot sila na baka sila ang pagtuunan nito ng galit. Kaya tinawagan nila ang kanilang amo.

Samantala, humahangos na umalis si Hugo sa kanyang opisina at halos paliparin na nito ang kanyang kotse. Ilang minuto lang ng makarating na siya saka patakbong pumunta sa kwarto ni Eirlys. Patuloy nilang naririnig ang pagbabasag nito ng mga gamit. Hindi na nagawa pang kumatok ni Hugo. Binuksan na niya kaagad ang pintuan kaya't bumangad sa kanya ang makalat at puro bubog na nakakalat sa sahig. Nadatnan niya ito na nakaupo habang hawak-hawak ang baso. Agad niyang napansin ang nagdurugong kamay nito. Walang pag-aalinlangan niyang nilapitan ito saka bahagyang hinawakan ang parehong balikat nito.

"Are you alright? May masakit ba sa'yo? What happened, Eirlys? What's wrong?" mahihimigan ang sobrang pag-aalala nito subalit napasinghap siya ng tanggalin nito ng marahan ang kamay niyang nakahawak sa balikat nito.

"Go away. I just wanna be alone, Hugo," malamig na turan nito sa kanya. Napahinga siya nang malalim. "No. I'm gonna stay with you. Tingnan mo 'yang sugat mo. It's bleeding, Eirlys." Nag-angat ito ng tingin sa kanya. Lumuluha ito habang pulang-pula ang mukha. Napatitig siya dito. Para bang ramdam na niya ang paghihirap nito at nasasaktan siya dahil doon. Wala siyang magawa sapagkat alam niyang si Stefan na naman ang dahilan kung bakit ito nagkakaganito.

Agad na lang niya ito niyakap. Punung-puno ng pagmamahal ang paraan niya ng pagyakap dito. Hindi na napigilan ni Eirlys ang umiyak nang tuluyan sa pagitan ng mga bisig ng kaibigan. Hindi na nagsalita si Hugo. Dinamayan na lang niya ito. Ilang oras silang nasa sitwasyon na iyon hanggang sa makatulog na ito sa balikat niya. Maingat niyang inihiga ito saka pinagmasdan. Napangiti siya ng mapait.

"What should I do to ease your pain? What should I do to make you love me and not him? Why can't you love me the way you love him?" bulong niya dito. Mahihimigan ang sakit sa bawat pagsambit niya kahit alam niyang hindi siya nito naririnig. Kumuha siya ng panggamot sa sugat nito saka binalutan ng tela para kahit papaano'y tumigil na sa pagdurugo. Malalim na ang tulog nito kaya maingat siyang lumabas ng kwartong iyon at pinaligpit na sa mga kasambahay ang mga kinalat nito.

"Please make sure you won't make any noises while cleaning her room. It might wake her up," bilin niya sa mga ito. Tumango na lang sila at sinunod ang pinag-uutos nito.

Samantala, nagdesisyon sina Zavie at Hailey na umuwi na. Namasyal lamang sila sa mall at kumain. Habang nasa biyahe pauwi si Hailey, napaisip siya sa kinuwento ng kapatid sa kanya. Kita na niya sa mukha nito ang lungkot nang makita niya ito kanina. Walang bahid ng kasiyahan sa mga mata nito. At alam niyang hindi ito nalalaman ni Stefan. Hanggang sa makauwi, iyon ang patuloy na nasa isip niya. Hindi na nga niya napansin ang biglaang pagbisita ng kanyang manliligaw na si Lazarus. Matiyaga itong naghihintay sa sala habang nakaupo sa sofa. Halatang hinihintay siya nito kanina pa.

Dere-deretso lang siya hanggang sa makarating sa tapat ng pintuan ng kanyang kwarto. Ngunit bago pa man niya maipihit ang doorknob, may kamay na pumigil sa kanyang braso. Hindi na niya ito nilingon dahil alam na niya kung sino iyon.

"Are you okay? Kanina ka pa tulala. You don't even notice that I'm here," pag-aalalang anito. Huminga siya nang malalim bago ito hinarap.

"What do I do now, Lazarus? What should I do to help Ate Zavie?" pangangambang tanong niya dito. Hinawakan nito ang kanyang kamay.

"She'll be fine, okay? And we'll find a way to help her. Just don't forget that I'm here with you. Kung ano man ang bumabagabag sa'yo, makikinig ako at tutulungan kita." Tumango siya saka siya nito niyakap. Kahit papaano, gumaan na ang kanyang pakiramdam.

Itinutok naman ni Stefan ang sarili sa buong maghapong pagtatrabaho sa kanyang opisina. Sunud-sunod na napuno ang kanyang iskedyul dahil sa mga appointment at meeting na kailangan niyang gawin. Bumabagabag pa rin sa kanya ng mga oras na 'yon ang nangyari kanina bago siya umalis. "Here, sir. Ito na po ang pinapakuha niyo sa'kin." Tumango siya saka pinauwi na ito. Tinapos niya muna ang mga naiwang gagawin bago umuwi. Ginusto na lang niya ang umuwi pagkatapos. Nababahala siya na maaaring hindi pa doon natatapos kanina ang ginawa nito. Mabilis siyang nakarating sa kanilang bahay. Naabutan niya ang asawa na nanonood ng tv habang kumakain ng sitsirya. Sinalubong siya nito ng yakap at halik sa labi.

"Welcome home. Magdinner ka na. Nagluto na ako para makakain ka na," malambing nitong ani sabay ngiti ng mapalad. Tumango siya saka hinalikan ito sa noo.

"Alright." Nagtungo muna siya sa kwarto para makapaglinis ng katawan at makapagpalit ng damit saka siya dumeretso sa kusina. Tumabi siya sa asawa habang nanonood. Ilang oras ang lumipas, tumingin siya sa orasan. Alas-onse na ng hatinggabi. Napalingon siya sa asawa. Nakasandal ito sa sofa habang malalim na ang tulog. Napangiti siya saka tumayo na. Hinugasan niya muna ang pinagkainan at pinatay na ang tv. Maingat niyang binuhat ang asawa paakyat sa kwarto nilang dalawa.

May pag-iingat niya itong inihiga at kinumutan. Hindi niya man alam kung anong nangyari kanina nung makaalis siya, sana hindi iyon maging dahilan ng pagkasira ng relasyon nilang dalawa. "Sana nga," bulong niya sa sarili habang pinagmamasdan ang asawa. Muli niya itong hinalikan sa noo at mariing pinisil ang kamay nito saka tumabi na dito para matulog.