Chereads / The Mobster Better Half Empress (MAFIA SERIES #3) / Chapter 15 - TMBHE: CHAPTER FOURTEEN

Chapter 15 - TMBHE: CHAPTER FOURTEEN

Threat II

Mapalad ang ngiti ni Zavanya kinabukasan. Para bang kinalimutan nito ang nangyari noong umaga kahapon. Nag-unat muna siya saka tumingin sa bintana. Maganda ang sikat ng araw kaya't masaya siyang bumangon. Inayos niya ang kama saka dumeretso na sa banyo para maligo. Alam na niyang maagang pumasok ang asawa niya sa trabaho kaya naisipan niyang lutuan at dalhan ito ng tanghalian. Kinuha niya ang recipe book sa library room nila. Hinanda niya ang mga sangkap na kakailanganin niya sa pagluluto. Paborito nito ang lulutuin niya kaya ganado siyang nagluto.

Subalit hindi siya aware sa mangyayari. Wala siyang kaalam-alam na may nagmamasid sa kanya sa labas ng bahay nila. Ito ang taong inutusan ni Eirlys para bantayan ang mga kilos niya upang maisagawa ang susunod na plano. Halos isang oras nang matapos sa pagluluto si Zavie. Binalot niya ang niluto sa eco-bag saka inayos muna ang mga pinaggamitan at ang sarili bago siya nagtungo sa garahe para ihatid iyon sa asawa. Hindi nag-aksaya ng oras ang tauhan ni Eirlys. Sinabi na nito kaagad ang pagpunta ni Zavie sa opisina ni Stefan. Lalong napangisi ito. Kumilos kaagad siya at nagtungo na sa opisina.

Saktong lunch time ng mga oras na iyon at hindi pa nakakabalik ang sekretarya ni Stefan. Tahimik na pumasok si Eirlys habang nakahalukipkip. Hindi muna siya nagsalita. Hinayaan niyang kusa siyang mapansin ni Stefan. Samantala, inaakala ni Stefan na nakabalik kaagad ang kanyang sekretarya. Hindi na siya nag-abalang mag-angat ng tingin.

"Irish. Would you please buy me food?" utos niya kaya ngumisi si Eirlys. "Then do you want to join me for a lunch date, Stefan? I will be glad if you do." Inaakala niyang nagkamali lamang siya ng pagkakarinig kaya unti-unti na siyang nag-angat nang tingin. She slowly stepped forward to him until she was in front of his table, still wearing a mischievous smile.

"What---" hinarang ni Eirlys ang hinlalaki sa labi nito para hindi maituloy ang sasabihin. "I know you will ask me that again and again. Nakakasawang pakinggan 'yan lalo na kung alam mo naman kung bakit ako pabalik-balik dito, di ba? Just this once, honey. It won't waste your time." Desire and affection was visible in her eyes. Pilit na nilalabanan iyon ni Stefan. Malagkit kung paano siya nito titigan. Nakakabaliw subalit ayaw niyang magpaapekto. Sinubukan niya itong itulak noong tumunog ang kanyang selpon. Nakalagay doon ang pangalan ni Zavie. Tumatawag ito sa kanya. Sinubukan niyang patayin ang tawag subalit mabilis iyon na napindot ni Eirlys. Hindi pa rin nawawala ang ngisi nito sa labi.

Nagitla siya sa sunod nitong ginawa. She was seducing him right now for a purpose. Binabalot na siya ng kaba dahil sa ginagawa nito. "Hello? Stefan? Nasa opisina ka ba? Paalis na ako ngayon. I would like to join you for lunch---" napatigil ito sa pagsasalita ng mahimigan ang boses ni Eirlys. "He's having lunch with me already, right, Stefan?" Lalong nanlaki ang mga mata ni Stefan. Nagsimula na siyang magpawis at manginig. Nakaramdam na siya ng matinding takot. Nagsimulang yumukom ang kanyang kamao at pabagsak niyang itulak ito. Tumama kaagad ang katawan ni Eirlys sa sahig.

"What the f*ck are you doing, Eirlys?" Sinadya niya iyon lakasan para hindi mag-alala si Zavie subalit huli na. Papunta na ito sa opisina niya. Agad na tumayo si Eirlys at muli siyang nilapitan. Dinukot na niya mula sa bag ang baril na hinanda niya bago maisipan ang plano. Itinutok niya iyon sa tagiliran ni Stefan. Natatakpan iyon ng katawan niya kaya hindi halata. Sinadya niya iyon ayon sa plano niya. Lumapit pa siya nang bahagya sa kanya habang kita na niya ang papalapit na presensya ni Zavanya sa labas ng opisina. Sinisigurado niyang sobrang lapit na nila sa isa't-isa. Halos isang dipa na lang kaya hindi na makakilos si Stefan.

"Kiss me or I'll shoot you using this gun? I sent a killer to your house where your wife is probably there before she leaves now. One wrong move, papasabugin ko ang pamamahay ninyo," she threatened. She could feel and see how hesitant he was while staring deep into her eyes. Kita niya ang halong pag-aapoy nito sa galit, kaba at takot.

After a while, he kissed her. Iyon ang malaking pagkakamali niya. Napangisi si Eirlys ng makitang nakatulala si Zavanya sa tinted glass ng opisina. Shocked written on her face. She was sure that she was disappointed and hurt upon seeing his husband having an affair with her. 'Go on, Zavanya. Leave him.' Tagumpay na ani Eirlys sa sarili. Biglang nawala ang malapad na ngiti ni Zavie habang nasa tapat na siya ng opisina ni Stefan. Nalaglag ang balikat niya sa nakita. She never thought na may namamagitan pa pala ang kanyang asawa dito. He responded to her while her eyes began to swell as well as her heart tearing up apart. Gumuho ang mundo niya dahil sa sobrang sakit. 'Am I too confident that now I'm his wife, he'll never come back to someone he fell in love with first? Is he just waiting for her return?' Takang-tanong niya sa sarili.

Pinulot niya ang nalaglag na eco-bag sa sahig at dahan-dahang tumalikod para umalis. Tuluyan na siyang napaiyak kahit maraming tao ang nakakakita sa kanya. Wala na siguro siyang pakialam doon dahil ang tanging nais niya lang ay ang makaalis sa lugar na iyon. Gusto niyang magwala, umiyak at sumigaw pero nananatili lang siyang tahimik kahit durog na durog na siya. Inakala niyang kapag kasal na sila ay hindi na ito babalik doon. Akala niya kuntento na ito sa kanya pero bakit gan'on? Bakit palagi na lang siyang nasasaktan? Bakit nagawa pa rin nitong lokohin siya kahit kasal na silang dalawa? Bakit natukso pa rin ito sa pananabik na iyon na kay tagal nitong hinintay maramdaman ulit?

Agad siyang umuwi sa bahay nila. She roamed her eyes at every corner of their house as her eyes laid on the wedding ring. May saysay pa kaya kung mananatili pa siya kung hindi naman siya ang talagang mahal nito? Nakakabingi ang katahimikan habang nakasiksik siya sa gilid ng kama. Maya-maya pa'y nakita niya itong tumatawag sa phone niya. Hindi na niya nagawa pang sagutin iyon dahil sa paulit-ulit na bumabalik 'yong senaryong nakita niya kanina. Hindi niya na kayang makita ulit 'yon. "Masakit...sobrang sakit. B-Bakit? Bakit nagawa niya sa akin 'yon? What did I do wrong? Maayos naman kami kagabi. B-Bakit kailangan pang umabot sa ganito?" Umiiyak niyang sambit sa sarili. Ngayon, lalong napuno ng mga katanungan ang kanyang isipan. Walang tigil kaya napapagod na siyang pilit sagutin iyon.

Because the man whom she married is still the one who can break her heart into a thousand pieces.