Chereads / The Mobster Better Half Empress (MAFIA SERIES #3) / Chapter 16 - TMBHE: CHAPTER FIFTEEN

Chapter 16 - TMBHE: CHAPTER FIFTEEN

Sudden Changes

Nang makita ni Eirlys na umalis habang umiiyak si Zavanya, humiwalay na siya sa pagkakahalik kay Stefan. Tila ba doon natauhan ito saka mahigpit siya nitong hinawakan sa balikat. He was staring at her in furious mode. Sinusubukan niyang labanan kung paano ito tumingin sa kanya subalit nakaramdam siya ng takot noong halos maramdaman na niya ito hanggang buto. Pilit niyang tinatanggal ngunit ayaw nitong magpaawat.

"A-Ano ba, Stefan. N-Nasasaktan na ako. Get off me, p-please," pakiusap niya dito. Malaki ang ngisi nito sa kanya at malakas siyang itinulak. She groaned in pain. Napahawak siya sa balakang dahil sa lakas ng pagkakabagsak niya.

"You already get what you want. Now, leave! I don't wanna see you again on this day onwards. And don't continue what you were planning to do with my wife, Eirlys. It won't be worth it if that's what you were expecting." He used a serious tone without even glancing at her. Muli nitong pinokus ang sarili sa laptop at nagpatuloy sa ginagawa. Dahan-dahan siyang tumayo at sinubukang tumayo ng tuwid.

"Fine. But don't deny that you enjoy our kiss. I'll leave then. Besides, I'm done with my next step and I'll make sure your life starting this day will be a nightmare," pagbabanta niya bago kinuha ang bag at lumabas na ng opisina nito. Pinagtitingan siya ng mga empleyado dahil ika-ika siya kung maglakad. Pero at least, nagtagumpay siya sa kanyang plano. Nakahawak siya sa katawan kung saan iyon tumama. Napalakas ang pagkakatama niya sa sahig. Sumasakit iyon. Tahimik siyang napamura habang nasa loob ng elevator.

Nang makarating siya sa parking lot, gumuhit ang  mapalad na ngiti sa kanyang labi. Sa wakas, nagtagumpay din siya. Worth it ang araw na ito para sa kanya. Everything goes according to her plan. Now she knows, things will be falling apart. Naninigurado siya doon. Walang duda dahil nasaksihan niya kung paano lumuha si Zavie kanina. Nagsinungaling siya noong sinabi niya sa asawa nito na pasasabugin niya ang pamamahay nito. She fooled him exactly what she was trying to do. Muli niyang tinawagan ang tauhan niya at sinabing nagtagumpay sila sa plano.

"I'll send you the money. Leave there. Thank you," tanging sambit niya dito bago binaba ang tawag. Masaya siyang nagbalik sa mansyon ni Hugo. Gumanda lalo ang mood niya. Nagtatakang tiningnan siya ng mga kasambahay.

"What with that stare? Is there something wrong with my face?" Takang-tanong niya sa kanila tsaka niya tinaasan ng kilay. Nag-aalinlangan itong tumingin sa kanya. Nahihiya at kinakabahan.

"E-Eh kase ma'am..." Kinakabahang anito.

"Come on. Ano bang problema niyo? Pwede niyo naman sabihin sa'kin, di ba? You know what? You were just ruining my mood. And I hate it," inis niyang singhal habang nakahalukipkip. Tiningnan niya na lamang ang mga ito mula ulo hanggang paa. Muli niya silang sininghalan bago padabog na umakyat sa kanyang kwarto. Napailing na lang ang mga kasambahay dahil sa kung paano nito sila tratuhin.

Samantala, buong oras na itinulog ni Zavie ang sakit ng araw na iyon. Hinayaan niya na lang matuyo ang bawat pagpatak ng luha sa kanyang pisngi. Hindi niya na iyon binalak pang pigilan. Yakap-yakap niya ang unan at doon inilalabas lahat nang nararamdaman niya. Hanggang sa dumating na ang gabi, hindi niya naisip pang kumain. Wala rin naman siyang gana. Inabutan na siya ng asawa na nasa ganoong sitwasyon. Tikom-bibig lamang siya habang nakayuko. Pinapakalma niya ang sarili upang hindi ito kumprontahin. Naramdaman niya itong umupo sa kama. Nakatalikod siya dito at nagpanggap na tulog. Nagitla pa siya noong naramdaman niyang maingat nitong hinaplos ang kanyang buhok.

"I guess you were asleep. You didn't even wait for me. Nagdala pa naman ako ng hapunan natin. I miss you so badly, baby girl," mahinang sambit nito sa kanya. Hindi niya ito pinansin at mariing pumikit. Tuluyan na namang kumawala ang kanyang luha. Huminga muna siya nang malalim bago umupo.

"I-I wanna rest. Just please leave me alone here. G-Gusto ko munang mapag-isa, kung okey lang?" Pinilit niya ang sarili na huwag pumiyok sa harap nito. Saglit niya itong tiningnan saka agad na umiwas nang tingin.

"Then at least join me downstairs---" kaagad niyang pinutol ang sunod na sasabihin nito. "Don't you get it, Stefan? I lost my appetite so just f*cking please! Ayaw muna kitang makita," inis na niyang singhal. Halata sa reaksyon nito ang biglaang pag-akto niya dito. Subalit mabilis iyon na napalitan ng pag-aalala. Dahan-dahan nitong inangat ang kamay upang i-tsek kung masama ba  ang pakiramdam niya.

"Are you not feeling well? May nakain ka bang hindi maganda? Wait. I can cook something for you---" inis niyang tinabig ang kamay nito at bumalik na sa pagkakahiga sa kama. Muli niya itong tinalikuran upang hindi nito mapansin ang nagbabadyang luha.

"L-Leave. Kumain ka na lang mag-isa sa baba. I just wanna sleep," malamig niyang ani saka sinubukang matulog. Hindi na nagsalita pa si Stefan at lumabas na ng kwarto nilang iyon. Dahan-dahan niyang sinara ang pinto. Sumandal siya doon hanggang sa mapaupo siya. Bumigat ang kanyang kalooban. Kahit kailan hindi naging gano'n kalamig ang pakikitungo sa kanya ng asawa. Subalit ngayon, nakaramdam siya kaagad ng panlalamig at masakit iyon. Hindi niya alam kung anong nangyari pero malakas ang pakiramdam niya na may kinalaman iyon kay Eirlys. Hindi naman magkakaganito ang kanyang asawa kung hindi ito dahil doon. Gayunpaman, hinihiling niya na sana kinabukasan ay hindi na gano'n kalamig ang pakikitungo sa kanya nito. Dahil ngayon pa lang, unti-unting gumuguho ang kanyang mundo sa maaari pang mangyari.

Kinabukasan, nagdesisyon si Stefan na ilaan muna ang isang araw sa kanyang asawa. Gusto niyang maging maayos kaagad sila subalit tila ba hindi umaayon sa kanya ang tadhana. Maaga siyang gumising upang ipagluto ito ng almusal at dinala sa kwarto nila.

"Baby, baby girl. Wake up. I cooked you breakfast. It's your favorite," malambing niyang ani. She groaned but didn't even care. Kanina pa ito gising at nakikiramdam lamang. Hindi niya pa rin ito tinigilan saka mahinang niyuyogyog. Hindi na napigilan ni Zavie ang sarili. She furiously stared at him. Nasasaktan man, kinuha ni Stefan ang bowl na may lamang corned soup. Niluto niya iyon para dito.

"Here. Say 'ah'----" Akmang niyang isusubo ang kutsarang may lamang soup sa asawa pero galit na itinabig nito iyon kaya natapon ang lahat ng laman sa sahig. "Will you please stop? Hindi ba may pasok ka? Umalis ka na lang. Stop bothering me. Ikaw na lang ang kumain niyan dahil wala naman akong balak kainin 'yang niluto mo," singhal nito sa kanya saka tumayo. Natigilan siya. He felt a sudden pang into his heart the way she said those words to him. Halos bawat pagbigkas ng salita nito ay sinasampal siya ng malakas. He smiled bitterly.

"I'll be happy if you just take a small amount of this soup. Hinanda ko ito para sa'yo dahil hindi ka man lang kumain kagabi," malungkot niyang turan dito. Agad siyang nilingon nito. "Did I even ask you to do that for me? I didn't, right? So why are you doing this? Why don't you even get what I'm trying to say? Are you dumb, Stefan?" Tila nabingi siya sa mga sinambit nito. Yumukom ang kanyang kamao habang pinipigilan ang luha.

"Tell me then. W-Why you were acting like this towards me, Zavie? What did I even do wrong? I'm f*cking clueless here, can't you see? And I'm your husband. You're my first priority, baby girl. Y-You know that. You should at least tell me your reason so it won't slowly kill me inside." Pinagmamasdan niya ito maigi. He's trying to look deeply into her eyes. But she immediately looked away, avoiding his gaze.

"I-I'm sorry but I can't," anito bago tumakbo papuntang banyo. Hinabol niya ito subalit mabilis na itong nakapasok. "F*ck! Damn! Damn it!" he cursed. Narinig iyon ni Zavie. Niyakap niya ang sarili habang nakasandal at nakaupo sa sahig. She cried silently. Paulit-ulit siyang humihingi ng tawad sa isip na hinihiling niyang marinig ng asawa. Ilang minuto siyang nasa ganoong sitwasyon hanggang sa tumayo na siya saka pinagmasdan ang sarili sa salamin. Mariin niyang pinunasan ang luha. Pulang-pula na kakaiyak ang kanyang mga mata. Mabigat na rin ang bawat paghinga niya. Inaayos niya muna ang sarili bago napagpasyahang lumabas na. Nadatnan niyang nakaupo habang nakayuko ito sa kama. Tila ba malalim ang iniisip. Hinayaan niya ito at akmang lalabas na subalit narinig niya itong nagsalita.

"W-Will you please tell me what should I do para maging maayos tayo? I-I can't bear this pain. I just wanna fix this. K-Kung anong maling nagawa ko, itatama ko para sa'yo, para maging maayos tayo. I can't take it looking at you like you didn't even care about me, us." Narinig niya itong pumiyok. Nanatili lamang siyang nakatalikod pero maya-maya'y nakarinig na siya ng mahinang paghikbi. Umiiyak na ito. Nilakasan niya ang loob bago nagsalita. "J-Just don't bother me. That's the only way we could be better," huling sinambit niya dito bago lumabas ng kwarto.