Chereads / The Mobster Better Half Empress (MAFIA SERIES #3) / Chapter 13 - TMBHE: CHAPTER TWELVE

Chapter 13 - TMBHE: CHAPTER TWELVE

Unexpected Visitor

Maagang gumising si Stefan para sa dalawang meeting nila mamaya sa kumpanya. Hindi na niya ginising pa ang asawa dahil mahimbing pa ang tulog nito. Pasakay na sana siya sa kotse upang makaalis na subalit may taong bigla na lamang sumulpot. Inis niyang tiningnan ito. Umayos siya ng pagkakatayo at nilapitan ito.

"What the hell are you doing here, Eirlys? And how did you know I lived here?" pagtatakang tanong niya dito subalit ngumisi ito sa kanya habang nakahalukipkip.

"Bawal ba ang bisitahin ka sa mismong bahay mo? Ay, teka. Bahay niyo pala ng asawa mo. I never thought I would see you here. I just actually dropped by. Malapit lang kasi dito ang mansyon ni Hugo kaya naglakad-lakad muna ako. Gladly, natagpuan kita dito. By the way, she's not with you? That's new, I guess," anito. Hindi na lang niya ito pinansin at sasakay na pero pinigilan na naman siya nito. Agad niya itong hinarap habang nakakunot ang noo.

"Ano na naman ba, Eirlys? Could you please stop being ridiculous? Inuubos mo maigi ang pasensya ko. Kahit anong gawin mo, hindi kita gagawing sekretarya ko. Kahit lumuha ka pa ng ilang balde dyan." mahihimigan sa boses niya ang pagpipigil ng galit.

"Seriously? Kahit pa malaman ng asawa mo ang tungkol sa nakaraan natin? Wala ka pa ring gagawin, Stefan?" napatigil siya ng marinig iyon.

"What do you mean?" naguguluhang turan niya dito.

"Well, I'm just wondering what she would react to if she finds out? Aren't you scared at all? What do you think she will do?" Mahigpit na ang pagkakayukom ng kamao niya. Ano mang oras ay maaaring na niyang masaktan ito ng pisikal kung hindi niya magagawang kontrolin ang sarili. Mariin siyang napapikit.

"Do whatever you want. Just don't involve my wife," he warned. Ngunit hindi nagitla sa sinabi niya si Eirlys. Kalmado lang ito at para bang normal na lang sa kanya.

"What if I would like to start with her? Ruining her? Everything that she had right now. Wala ka pa rin bang gagawin? I would love to hurt her, Stefan. Physical nor emotional. Gusto ko siyang makitang bumagsak---" hindi na niya napigilan ang sarili at mahigpit na hinawakan ito sa braso. Umaapoy ang mga mata niya sa galit. Kung halimbawang nakalimutan niyang babae ito, marahil kanina pa ito nakahandusay sa sahig.

"DON'T. YOU. F*CKING. DARE! I won't ever think twice to let everyone see who you are, Eirlys. At sisiguraduhin kong hindi lang iyon ang gagawin ko sa'yo if you dare to touch my wife or even just touch your palm on her skin. Ako na mismo ang kalalabanin mo sa pagkakataong iyon." May diin ang bawat pagsambit na salita niya dito. Halos bumaon na rin ang pagkakahawak niya sa braso nito. Wala na siyang pakialam. Halos mawalan na ito ng balanse nang bahagya niyang itinulak ito saka sumakay na sa kotse niya.

Nasundan na lamang siya ng tingin nito ng makaalis na siya. Mabilis namang napunasan ni Eirlys ang luha. She was still eager to hurt Zavanya even after he warned her. Gagawin niya pa rin ang plano. At gusto niyang siguraduhing iiwan ito ng asawa. Lahat ng posibilidad ay gagawin niya para lang maagaw ito.

Binalewala ni Eirlys iyon. Marahil ay naapektuhan siya subalit hindi iyon sapat para itigil niya ang plano. Nagpalinga-linga siya para makasigurong walang nagmamasid na kung sino sa paligid. Nagdoor bell siya pagkatapos. Samantala, naghihilamos si Zavie ng marinig niya iyon. Nagtataka man ay mabilis niyang pinunasan ang basang mukha saka bumaba para makita kung sino iyon. Nag-aalinlangan siya kung dapat niya bang pagbuksan ang taong nasa labas ng bahay. Gayunpaman, pinagbuksan niya ito. Nanlaki ang mga mata niya ng makita ang hindi inaasahang bisita.

"A-Anong ginagawa mo dito?" naguguluhang tanong niya dito. Humalukipkip ito saka ngumisi.

"I just want to visit you. May problema ba doon? Anyway, where's Stefan?" anito.

"A-Ah, kakaalis lang," tipid niyang sambit dito. Nagitla siya nung itinulak nito ng bahagya ang balikat niya saka nagsimulang pumasok. Hindi siya makatumauli kaya't hindi niya ito napigilan kaagad. Nilibot nito ang paningin sa bawat sulok ng bahay. Marahan niyang hinigit ang braso nito ng mapagtanto na hindi niya naman ito pinapasok.

"I'm asking you, Eirlys. Anong ginagawa mo dito? At hindi naman kita pinapasok, ah? You're not even welcome in my house. Get out. Trespassing ang ginagawa mo," gigil niyang saad. Inis nitong inalis ang pagkakahawak niya sa braso nito.

"I told you already, Zavanya. Binibisita ko lang ang asawa ng lalaking mahal ko. And I just wanna be friend with you," plastik na anito. Tinaasan niya ito ng kilay saka humalukipkip.

"Sa tingin mo ba maloloko mo ako sa ganyang pagsisinungaling mo? It was f*cking obvious that you were trying to seduce my husband. As if I will let you. Mark my words, Eirlys. You were just part of his past and will never belong to him. Bali-baliktarin mo man ang mundo, sa akin pa rin siya nakatadhana. There's no doubt. Ako ang pinakasalan at hindi ikaw. Kahit kailan hindi magiging ikaw. Wala ka ng laban dahil sa akin siya kinasal. Let's say, he loved you back then. How about now? It's not, right? Now, let me ask you this, too. Anong gagawin mo kapag hindi ka niya pinili? I bet you'll hurt yourself nor begging him, is it?" madiin ang bawat salitang binitawan niya kaya't para bang sinampal na naman ito ng katotohanan. Natahimik si Eirlys. Wala siyang maisagot. Siya naman ngayon ang nagmukhang talunan sa kanilang dalawa.

"D-Damn you, Zavanya! I'll make sure you're gonna regret this! At sisiguraduhin kong ikaw ang magiging talunan sa ating dalawa! Just wait. Hindi pa naman dito natatapos lahat. Nagsisimula pa lang ang totoong laban," pagbabanta nito bago lumabas ng bahay. Nang makaalis ito, agad na sinara niya ang pintuan saka umupo at niyakap ang sarili. Muli na namang bumigat ang pakiramdam niya. Nilakasan niya lamang ang loob upang mapaalis ito. Nagtagumpay man subalit alam niyang babalik pa rin ito.

Hindi na niya malaman ang gagawin. Ano pa ba ang ibang paraan upang magtigil na ito sa plano? Hindi niya naman maaaring isuko na lang ang asawa niya. Dahil alam niyang kapag ginawa niya iyon, lalo niya lang pinatunayan na isa siyang talunan. "Get yourself together, Zavie. You're his wife. Ikaw ang mahal niya at hindi ang babaeng iyon. Don't let yourself be fooled by someone who was insane over your husband," ani niya sa sarili. Nagulat siya ng magring ang selpon niya. Tiningnan niya kung sino ang tumatawag. It was Hailey. Huminga muna siya nang malalim bago iyon sinagot.

"Hello? Napatawag ka?"

"Ate. Wanna go out? Nakakaboring dito sa mansyon eh. Are you busy or not?" alok nito sa kanya.

"N-Not really, but sure."

"Good. Papunta na ako dyan sa bahay niyo. Busy kasi si Rhazer kaya naisipan kong ayain ka. Anyway, I'll hung up first. Just wait for me, ate." Tumango-tango siya kahit hindi naman siya nito nakikita. Pagkababa nito ng tawag, she tried to smile so it won't be visible that she's not feeling alright. Umakyat siya sa kwarto para magpalit ng damit. She surely fixed herself. Pinagmasdan niya maigi ang sarili sa salamin. Halatang pagod ang mga mata niya. Halos walang kagana-gana at mabigat ang kalooban. Ayaw niya naman mapansin iyon ng kapatid kaya't sinigurado niyang hindi iyon mapapansin.

Pagkalipas ng ilang sandali, narinig na niyang nagdoorbell ito. Nagmamadali niyang kinuha ang sling bag at nagsuot ng flat shoes. Nagsuot na rin siya ng sunglasses para walang makakilala sa kanya. Bumaba na siya pagkaraan ng ilang minuto. Pinagbuksan niya ito saka sinalubong ng ngiti. Nagtataka ang tingin sa kanya ni Hailey. Tila ba hindi kumbinsido sa paraan ng pag ngiti niya.

"What? May dumi ba sa mukha ko?" takang-tanong niya. Tinaasan siya ng kilay nito.

"Something happened, right, ate? I know that smile. Hindi 'yan ang natural mong ngiti," anito kaya bahagya siyang napatawa ng pilit.

"What? Wala ah. Just don't mind me, Hailey. Let's go," pagdeny niya dito saka hinila na ang kapatid papunta sa kotse nito. Sinigurado niyang nakasara lahat bago siya umalis. Sabay silang sumakay na. Habang nasa biyahe, panay ang tingin sa kanya ni Hailey.

"I was right, ate? So, let me guess. Is it about Voss or someone else?" Umiling siya kaagad.

"It's not that," bumuntong-hininga siya bago nagpatuloy. "It's just that...someone came back and I don't know exactly what she's up to," pag-amin niya dito. Kumunot ang noo ni Hailey.

"Who is she? Voss ex?"Muli siyang umiling.

"J-Just someone from his past. She's trying to seduce him. Ninanais niyang makuha ang asawa ko sa paraang aalamin niya ang kahinaan nito," pagpapatuloy niya.

"And that weakness was you. You are his weakness in everything." Tumango siya saka sinandal ang sarili sa upuan. Mariin siyang pumikit.

"Honestly, I don't know what to do now, Hailey. It was so f*cked up. Everything was starting to mess up." Sumasakit ang ulo niya.

"How about Voss? Alam niya ba? I'm sure you won't tell him so. You're not the type of person that easily wants to open-up its mind, right? By the way, can you tell me who was the girl that keeps on bothering your mind?" Malalim ang paghinga niya bago sumagot. "Eirlys. Cressida Eirlys Greystone," ani niya. Muli na namang kumunot ang noo nito.

"Cressida Eirlys Greystone? I never heard that name before. Unless, she was connected from the past. Posibleng may koneksyon siya kay Aileene. A b*tch like her." Saglit itong natawa.

"How can you be so sure that she's connected with Aileene?" Nagkibit-balikat ito. "I just guess. Hindi naman malabong hindi sila magkarelative nor close friends, I don't know. They were into the same person, that's why. Dalawa pala ang karibal mo kay Voss. Gano'n ba siya kagwapo para pag-agawan niyo? To be honest, yeah. It was obvious." Napailing na lang siya. Pero agad siyang napaisip dahil doon. Tama naman ito. Hindi malabong maging posible iyon. Kaya lang, mas malaking problema na ito kaysa sa nakaraan.