Threat I
Isang linggo simula noong nangyari ang eksena sa opisina ng asawa niya. At dalawang linggo na rin siyang patuloy na naguguluhan mula sa nalaman. Masakit para sa kaniya subalit hindi niya akalaing mas may sasakit pa sa susunod na mangyayari. Ayaw niya man mag-isip ng kung anu-ano pero hindi niya maiwasan. Lalo na nung nalaman niyang nagawang ilihim ng asawa sa kanya ang nakaraan nila ni Eirlys. Ni hindi niya magawang kausapin at deretsong alamin mula rito mismo kung ano ba talaga ang totoo. Her words probably stuck in her mind. Hindi niya alam kung ano ba ang dapat paniwalaan.
Sa ilang araw na iyon, patuloy rin siyang sinusuyo ng asawa. Marahil ay dahil hindi niya ito magawang kausapin. Maraming gumugulo sa kanyang isipan. Nararapat niya bang tapatin ito at magtanong kung ano ang totoong pangyayari sa naging nakaraan nila ni Eirlys? O dapat bang alamin niya na lang iyon mag-isa katulad dati? She knows she should open up things to him. But damn how? How? When things slowly starting to falling apart? Ano ba ang dapat niyang gawin?
------>Flashback<------
Nagawang hindi na isipin pa ni Zavie ang nangyari nung araw na nakaharap niya ang babaeng naging parte ng nakaraan ng kanyang asawa. Sinusubukan niyang isawalang-bahala iyon. Subalit minamalas nga naman, nagkatagpo muli sila nito sa cafe malapit sa CMC. Nananadya na ba ngayon ang tadhana at sinasadya silang magtagpo ng landas?
Umorder si Zavie sa counter ng dalawang caféccino para sa kanilang dalawa ni Stefan. Paalis na sana siya ng makita niya 'yong babae. Yumuko siya para sana hindi siya mapansin nito pero pagkalagpas niya pa lang sa kanya ng ilang hakbang, nagsalita ito na nagpatigil kay Zavie sa paglalakad.
"Hold on," pagpigil nito sa kanya. Nakatalikod siya dito kaya kumuha siya ng lakas ng loob para harapin ito muli.
"Yeah? What is it?" Zavie asked her not to sound nervous.
"We met last time, right? Stefan's wife? Oh, I forgot to call you bitch." Napaismid si Zavie sa tinuran sa kanya nito at hindi na pinahalatang naiinis.
"Indeed. I'm his wife. And I have my own name so you don't have to call me that," I sarcastically said.
"Well since we're here, why don't you join me for a coffee?" she offered. Zavie knows she has to refuse but there's something pushing her to agree.
"Alright, then," Zavie finally accepted her offer. Naghanap muna sila ng pwesto tsaka ito umorder.
"By the way, since you've heard my name that day, I'll introduce myself to you politely. I'm Cressida Eirlys Greystone. Just call me Eirlys and you are?" she started.
"Zavanya. Zavanya Flavia Madrigal. Zavie will be fine," she introduced. She took a sip from her coffee before she talked.
"So, did Stefan tell you who I am? I mean, tell you things about me?" Zavie was confused. Nagtatakang tumingin si Zavie sa kaniya tsaka umiling ng bahagya.
"No, no. He didn't." She smirked mischievously.
"Oh, that's harsh. You're his wife but he didn't tell you anything? Masyado naman yatang masakit yun, right?" nang-aasar na turan nito.
"Bakit? May kailangan ba akong malaman mula sa kanya tungkol sayo? Wala naman, hindi ba?" Taas-kilay niyang paninigurado dito.
"I perceive he kept it from you for years, isn't it? Simula nung naging kayo hanggang sa kinasal, ni wala man lang syang binanggit sayo tungkol sa akin. Well, let me tell you everything." Lakas-loob na anito.
"I-I'm sure he had a valid reason why he hid it from me, Eirlys. I know him." giit niya dito.
"I know him more than you ever do, Zavanya," pagmamalaking anito. Nanlaki ang mga mata ni Zavie sa sinabi nito.
"W-What? B-Baka naman ikaw lang ang nag-iisip nang ganyan that's why you're saying those things. And I know he's loyal to me." Kinakabahang ani niya.
"Is that what you think all along? How can you even say that if he couldn't tell you everything about our past? How did everything start and end? I suppose he would tell you because you're his wife, hmm?" she stated.
"Basta. I have a trust in him and besides, baka binabalak niya pa lang sabihin sa akin," katwiran ni Zavie sa kaniya. Napangisi ito dahil doon.
"Sa tingin mo sa ilang taon na ang nakalipas, ngayon nya pa lang gagawin para sabihin sayo? Pathetic. Ni hindi mo man lang ba naisip na baka...hinihintay niya lang akong bumalik? O di kaya'y, he just wants me to get jealous of you? Come on, Zavanya. Huwag na tayong maglokohan. I'm not the only one who hides the deepest secret, you know? And maybe, he's one of them, right?" Biglang natauhan si Zavie sa mga pinagsasabi sa kaniya nito subalit pilit niyang pinipigilan ang sarili na maniwala.
"No. That's not true. Kung sinasabi mo lang yan para paniwalain ako, siraan sya at sirain ang relasyon namin ng asawa ko, dyan ka nagkakamali. Now that we're married, he's mine. Sa akin lang si Stefan, sa akin lang ang asawa ko. At wala ka nang magagawa dun," matapang na saad ni Zavie. Tatayo na sana siya mula sa kinauupuan nung nagsalita muli si Eirlys na para bang walang pakialam sa tinuran ni Zavie kanina.
"Iyon ba ang akala mo? Talaga lang, Zavanya? I know you're just acting brave while deep inside, you're weak. Too weak to protect everything between you and him. What if I tell you that I was the one who sent those letters to him before you both broke up? And what if I can destroy your relationship? What will you do?" she threatened. Napayukom ang kamay ni Zavie sa pagkainis. She couldn't control her anger anymore.
"Could you please stop?! Pinapaikot mo lang ang ulo ko! Hindi ako tanga at lalong hindi ako bulag! He's married to me kaya please lang, tumigil ka na!" nanggagalaiting sigaw niya. Nagkatinginan ang mga tao sa kanila.
"Why would I stop? I'm just starting. Simula pa lang ito, Zavanya. Wala pa tayo sa kalagitnaan. Why are you so afraid of it? Na baka agawin ko sya sayo? Don't worry, I'll do that. Huwag kang magmadali. You might regret it, ikaw din. Everything takes time. Mangyayari din yang labis mong kinatatakutan. Trust me," she said. Zavie sighed deeply and tried to calm herself down as she sat back from her chair.
"Tell me everything I have to know. Kung iyon ba talaga ang gusto mong mangyari, sabihin mo na. He's waiting for me at his office," Zavie said with determination. Eirlys grinned before she spoke.
Ikinuwento nito ang buong nangyari sa nakaraan nilang dalawa ni Stefan. Tila ba lalong nanakit ang dibdib ni Zavie sa ikinuwento nito sa kaniya. Questions started to fill up her mind and she just had to control herself not to swell or burst into tears even though she really wanted to.
"Now, you see. I'm his first love. Your husband promised to wait for me. At sinira niya ang pangakong matagal kong pinanghawakan dahil sa'yo. Kung hindi ka dumating sa buhay niya, paniguradong ako ang nasa posisyon mo bilang asawa niya at marahil, hindi ikaw. Oh, by the way. Let me ask you something. Are you sure he won't cheat on you? Or something like...divorcing you? I feel bad for you, Zavanya. Ni hindi mo man lang napaghandaan ito, am I right? Akala mo kasi siguro ikaw ang una't huli niyang mamahalin. Ngayong bumalik ako para agawin siya sa'yo, anong gagawin mo? Sinabi ko na sa'yo sa harap niya mismo, hindi ba? Hindi doon natatapos ang kagustuhan kong makuha ang asawa mo mula sa'yo. Kaya ang tanong ko, paano mo ako pipigilan? Teka, let me rephrase that. Kaya mo ba akong kalabanin? I have my ways to ruin your reputation, Zavanya. Kaya kitang pabagsakin." pagbabanta nito sa kanya kaya hindi siya kaagad nakapagsalita. Umurong bigla ang kanyang dila. Natahimik siya.
Nakita niya itong ngumisi saka inaayos ang sarili. "I see that it seems like you're speechless for everything I've said. Anyway, I gotta go. Thanks for the conversation. And I'm willing to wait kung ano man ang gagawin mo. Luckily, I can seduce your husband without you getting in the way. Well, see yah," huling anito bago tumayo at naiwan siyang nakatulala sa kawalan.
'After many years, did he still love her? Am I just one of his options that's why he chose me because I was here until now? Does that mean he doesn't have any choice? I know she was just part of his past but why does it hurt so badly? Why is it tearing me apart?' Iyon ang mga salitang naiwan sa kanyang isipan. Agad niyang pinunasan ang tumutulong luha sa kanyang pisngi. Napansin niya ang ilang mga matang nakatingin sa kanya kaya't agad na rin siyang umalis doon dala-dala ang inorder na inumin. Matamlay siyang bumalik sa opisina ni Stefan. Napansin nito ang bagsak-balikat niyang paglapit dito. Tumingin ito na may pag-aalala sa kanya kaya sinubukan niyang ikalma ang sarili.
"Something happened? What's wrong?" agad siyang umiling dito. "S-Stefan," pagtawag niya dito. "Yes?" anito habang nakatutok sa laptop nito. Huminga muna siya nang malalim bago nagsalita.
"May I go home now? I-I just wanna rest," pagsisinungaling niya. Napatingin tuloy ito sa kanya. "Why all of the sudden? May I know your reason?" Napalunok siya saka yumuko.
"W-Wala naman. Gusto ko lang talaga magpahinga muna. Saka ipaghahanda na lang kita ng ulam pag-uwi mo. S-Sorry," mahinang ani niya. "I understand. Are you sure you're not feeling well?" Tumango siya. "Alright. Just wait me tonight, okay?" Tipid siyang ngumiti at tumango. Humalik muna siya ng tipid sa pisngi nito bago naglakad palabas ng opisina.
Mabilis niyang nilisan ang kumpanyang iyon. Pagkauwi niya, ang kanina pang gustong bumagsak na mga luha ay tuluyang nagsiunahan. Ilang beses na nga ba siya umiyak? Hindi na niya mabilang basta ang alam niya lang ng mga oras na iyon ay unti-unti na siyang nadudurog. Itinulog niya na lang ang sakit kaya hindi na niya naabutan ang pagdating ng asawa.
Napansin ni Stefan ang mamula-mulang mata, pisngi at ilong ng asawa niya. Napabuntong-hinga siya. Alam niyang may nangyari pero hindi niya ito magawang pilitin na sabihin sa kanya. Ramdam na niya ang biglaang pananahimik nito. Tanda ang pamumula ng mukha nito ang pag-iyak kanina bago siya dumating. Lumapit siya dito at tahimik na pinagmasdan ito. Alam na niyang mangyayari ito pero sana man lang nagawa nilang paghandaan kung ano man ang magiging epekto nito sa kanila. Kahit ano kasing gawin niyang pagtaboy kay Eirlys, alam niyang uunahin muna nito si Zavie para madali na lang siyang makuha nito. Subalit hindi siya makakapayag. Walang sinuman ang makakatibag ng relasyon nila. Pero paano kung dumating ang araw na ang asawa na niya mismo ang may kagustuhang tibagin iyon? Kakayanin kaya niya?
Agad siyang napailing. Hindi niya susukuan si Zavie kahit anong mangyari. Kahit gera man ang tumapos sa kanilang dalawa. Sisiguraduhin niyang iligtas ito bago ang lahat. Dugo, buhay o pawis man ang ialay niya alang-alang dito. Gagawa siya ng paraan at hindi siya titigil hangga't hindi niya napapatigil ang plano ni Eirlys. Alam niyang siya mismo ang puno't dulo ng lahat. Subalit hindi niya naman pinagsisihan na si Zavie ang babaeng minahal niya hanggang ngayon. Kaya lang ngayon, paano na? Kung puntirya nito ang asawa niya bago siya? Nakasalalay sa kanya ang relasyon nilang dalawa. Kung ano man ang maging desisyon niya, maaaring maapektuhan hindi lamang ang kumpanya kung hindi maging silang dalawa.
Hinalikan niya ito sa noo at pinisil ang kamay nito. Mahirap sumugal pero kung para sa asawa niya ay gagawin niya ang lahat. Walang labis at walang kulang. Ito ang paulit-ulit niyang pipiliin kahit anong mangyari.