Chereads / The Mobster Better Half Empress (MAFIA SERIES #3) / Chapter 10 - TMBHE: CHAPTER NINE

Chapter 10 - TMBHE: CHAPTER NINE

A Girl From His Past Meets His Present

Kinabukasan, back to normal life ulit ang buhay nila mag-asawa. Stefan decided to bring his wife with him to his office. Marami kasi siyang gagawin matapos ang dalawang buwan na pagpunta nila sa London. Natambak halos lahat iyon kaya alam niyang anong oras na siya matatapos sa ginagawa. It's either late at night or the next morning. Paniguradong hindi siya makakauwi sa bahay nila.

Zavie, however, offered her husband a coffee. Agad na pumayag ito. Kita niya kasi ang pagod sa mukha nito at alas-sais pa sila ng umaga pumunta para makapagsimula na ito sa trabaho. Inabot na nga sila ng ala-una. Pagkaraan ay nagtungo na siya sa brewery machine. Ang mga empleyadong nakakita at nakakakilala sa kanilang mag-asawa ay panay ang bati sa kanya.

Pagkabalik niya sa opisina nito, tanaw na niya mula pa lamang sa labas ang babaeng naging pamilyar agad sa kanya. Naalala niyang ito ang pilit na inaalok ng kliyente nito sa kanyang asawa. Huminga muna siya nang malalim bago dahan-dahang pumasok para hindi matapon ang hawak niyang baso na may lamang kape. Napalingon agad ang babae sa kanya ng maramdaman nito ang kanyang presensya.

"Here. Have some coffee," ani niya sa asawa na matipid ang naging ngiti. Nakatayo siyang tumabi sa asawa habang humihigop ng kape habang nakatingin pa rin ang babae sa kanya.

"You may leave," maawtoridad na ani Stefan sa babae. Inis na napasinghal ito sa kanila.

"Look. I'm not done yet." pagpupumilit nito. Nagdilim ang awra ni Stefan dahil dito subalit pilit na ikinakalma ang sarili.

"I don't care. Just leave." Akmang hahakbang paalis na ang babae subalit nagsalita si Zavie kaya napatigil ito maging si Stefan.

"Why are you pushing her away? Ano bang pinag-uusapan niyo kanina? Mind telling me?" Curious na tanong nito sa kanila kaya natahimik si Stefan. Unti-unting lumapit ang babae sa kanya saka humalukipkip.

"I'm obviously offering myself to be his secretary, right, Stefan?" taas-kilay na anito. Napabaling ang tingin ni Zavie sa asawa.

"What is she talking about?" takang-tanong nito sa kanya. Hindi ito nakasagot agad kaya sumabat na ang babae.

"Oh, right. You haven't told her? What I meant is, remember the day of the meeting? I was still waiting for his answer. Wala pa akong nakukuhang sagot sa kanya kaya pumunta ako dito para malaman kung anong desisyon niya," lakas-loob na sagot nito sa kanya.

"I see. Pero sa pagkakaalam ko, my husband turned down your offer, am I right? I was there when he said that. Lahat ng taong nasa meeting room ay paniguradong narinig iyon. Kaya para saan pa para magpumilit kang malaman ang sagot kung matagal na niyang nasagot ang gusto mong malaman?" ani Zavie. She knows she was up into something. Hindi naman ito magpupumilit kung wala itong binabalak. Napasinghal ang babae sa kanya.

"Your husband? Tama ba ang narinig ko? I'm sure he's not in a relationship with anyone. He promised---" he immediately cut her off. Nagtitimpi itong tumayo at malakas na hinampas ang lamesa kaya nagitla si Zavie.

"Leave! Just f*cking leave my office, Eirlys! Or shall I drag you out? I won't think twice if you want me to." Bakas sa boses nito ang matinding galit subalit walang epekto iyon kay Eirlys. Ngumisi pa ito kay Zavie at tiningnan ito mula ulo hanggang paa.

"This is not the end of my desire to be your secretary, Stefan. And besides, that b*tch doesn't suit your wife. See yah," may pagbabantang saad nito bago umalis. Halos lahat ng empleyado ay napatingin dito habang papaalis.

Pagkaalis nito, para bang nangangatog ang mga binti ni Zavie. Napapikit siya at sinubukang ikalma ang sarili. Naramdaman niya kaagad ang mainit na palad ng asawa sa braso niya. Inalalayan siya nito.

"Hey. Are you alright?" nag-aalalang tanong nito sa kanya. Agad niyang inalis ang pagkakahawak sa kanya ng asawa. Napatigil pa ito dahil sa ginawa niya.

"I-I'm fine. Ituloy mo lang 'yang ginagawa mo," ani niya saka umayos ng pagkakatayo kahit napipilitan. Lumayo muna siya ng bahagya dito saka napaisip.

Sino ba ang babaeng iyon sa buhay ng asawa niya? Bakit gano'n na lang ito kung magpumilit maging sekretrya nito? Is she trying to seduce him?

Maraming katanungan ang bumabagabag sa kanya at wala siyang mahanap na kasagutan sa mga iyon. Para bang hinahayaan na naman siya ng tadhana na humagilap ng mga sagot. Sinusubukan niyang huwag makaramdam ng pangamba at takot sa maaari niyang malaman. Kung ito ba ay magtutulak sa kanya sa isang bagay na pagsisihan niya o kung ito ba'y ikadudurog ng kanyang puso.

Marami subalit hindi niya malaman kung paano nga ba sisimulan kung ngayon pa lamang ay nanghihina na siya, paano pa kaya sa susunod na mangyayari? Magiging handa ba siya o kinakailangan niyang ihanda ang sarili sa maaaring matuklasan?

Dahil alam niyang hindi lang estranghero ang babaeng iyon sa asawa niya. May iba itong binabalak. At ramdam na niyang magiging masama ang epekto nito sa relasyon nilang mag-asawa.

Lumipas ang ilan pang oras, natapos ni Stefan ang katambak na papeles na kinailangan niya kaninang pirmahan. Napatingin siya sa kanyang relo. Malapit ng mag alas-otso ng gabi. Halos labintatlong oras na siyang nagtatrabaho. Samantala, agad na hinanap ng kanyang mga mata ang kanyang asawa. Nahagip niyon si Zavie na mahimbing ng nakatulog sa sofa.

Napahinga siya nang malalim. Simula kanina, pansin na niya ang pananahimik nito. Ni pagkibo sa kanya ay hindi magawa ni Zavie. Marahil ito ay dahil kaninang nangyaring eksena. Inis siyang napahawak sa kanyang batok. Alam niyang nagtatampo ito sa kanya dahil doon. Mabuti na lamang at naging alerto siya sa susunod na salita na sanang sasabihin ni Eirlys. Ayaw naman niyang pagtulunan pa nila ni Zavie iyon.

Tumayo siya mula sa kinauupuan at inaayos ang kanyang mga gamit. Saka naman niya nilapitan ang asawa. Mala-anghel talaga ang epekto ng kagandahan nito sa kanya. Walang kupas iyon. Hinawakan niya ang kamay nito at bahagyang pinisil. Napadilat naman si Zavie. She groans as she fixes herself. He suddenly carefully caressed her face as she gasped.

"Let's go home, baby girl," malambing na sambit niya dito. Tipid na ngumiti ito sa kanya saka tumango. Pinagsiklop niya ang kanyang mga darili sa asawa. Hinalikan niya ang ibabaw ng kamay maging ang noo nito saka idikit iyon sa kanya.

Pagkatapos ay sabay silang lumabas ng opisina niya habang magkahawak ang kamay. May iilan na lamang mga empleyado ang nagtatrabaho doon. Agad silang binati ng mga ito. Habang nasa biyahe sila, panay ang paghikab nito.

"Still sleepy? Take some rest. Bubuhatin na lang kita pagkarating natin sa bahay," alok niya subalit agad itong umiling.

"Hindi na kailangan. Kaya ko pa naman," anito.

"Are you sure? By the way, I'm sorry about lately. I'll make sure she won't cause any harm or scene again with us. Are you mad or upset at me?" paninigurado niya.

"Don't mention it. It's fine," malamig na saad nito sa kanya at ipinilig ang ulo sa bintana para doon ituon ang atensyon. Naramdaman din niyang bimitiw ito sa kanina pang magkahawak nilang kamay. Napabuntong-hininga na lamang siya.

Pagkarating nila sa bahay, pagkabukas pa lang niya ng pintuan ng kotse ay dere-deretso na itong pumasok sa loob ng bahay nila. Ni hindi man lang siya nito kinausap pa. Pipigilan pa sana niya ito subalit alam niyang pag-aawayan pa nila kung ipagpipilitan niya pa ito na makipag-ayos sa kanya. Pagkaparada niya ng sasakyan, pagod niyang inilapag ang katawan sa sofa. Sumasakit ang kanyang sintido. Kung hindi lamang pumunta si Eirlys para gumawa ng eksena, marahil ay maayos silang dalawa ni Zavie. Sumabay pa kasi ang hindi nila pagkakaintindihan sa katambak na trabaho niya kanina.

Ilang minuto niyang ipinahinga ang katawan doon at nagtungo na sa kwarto nilang dalawa. Pagkabukas niya ng pinto, naabutan niyang wala ito sa kanilang kama. Hinanap niya ito at nakita niya ang anino nito sa may kurtina kung saan ay tahimik itong nakatanaw sa balcony nila. Nakatayo ito at marahil ay nagpapahangin. Naisip niyang huwag muna itong isturbuhin. Naligo muna siya para makatulog kaagad.

Pagkatapos niya, naabutan niyang nakaupo ito sa  headboard ng kama habang nakatulala. Hindi niya malaman kung paano niya ipapaliwanag ang eksenang iyon. Sobrang mali ang ginawa ni Eirlys dahil kasama niya ang asawa. Ngayon pa lamang ay alam niya ang maaaring kahantungan nito. Tumabi siya sa asawa at pinagmasdan ito. Para bang hindi siya nito nakikita dahil ni pagsulyap man lang sa kanya ay wala. Huminga ito ng malalim at humiga na saka tumalikod ng pwesto.

Napasabunot siya sa kanyang buhok. Naiinis at nagagalit. Wala siyang nagawa kaya humiga na lamang siya na kaharap ang likod ng asawa. Pagod na siya. At halos hindi na siya makapag-isip ng maayos. Ang daming nangyari kanina kaya ginusto niya na lang ipahinga ang utak at katawan. Sana magawan niya ng paraan ang hindi nila pagkakaunawaan dahil bumibigat na ang kanyang kalooban sa nangyari ngayong araw.