---Gaea's POV---
"Sundan niyo 'ko.." Mahinahong wika niya.
Hinawakan niya yung pader na nakaharang sa'min at bahagya kaming nagulat nang umilaw yung kamay niya at may nabuong napakalaking pinto sa harapan niya. May pagka-galactic ang itsura nito at naka-ukit sa taas nito ang mga salitang..
THE COSMIC INSTITUTION...
'Dapat bang masanay na 'ko sa mga ganitong bagay? Mga magics?'
"Tara.." dagdag nung lalaki kaya napalunok ako nang 'di oras.
'Di ko siya kilala, pero.. no choice naman eh. Siya lang yung tao dito at sinunod ko naman yung mga sinabi ni Miss Yuna sa'kin kanina.
'Anong lugar ba kasi 'to Miss Yuna?!'
Sinenyasan ko sina Zayah at Victor na sumunod na lang d'un sa lalaki at pumasok doon sa napakalaking pinto na ginawa nito.
"Salamat.." Mahina pero nakangiting sabi ko kina Zayah at Victor. Tumingin sila sa'kin at ngumiti rin.
'Kung ako lang siguro ang mag-isa sa lugar na 'to.. baka 'di ko kayanin..'
'Yung sumunod sila sa'kin dito para tulungan akong mabawi ang nanay ko, utang na loob ko nang maituturing y'on na habang buhay kong i-pagpapasalamat sa kanila.'
Nang makapasok na kami sa loob, tumambad sa'min ang isang napakaganda, napakalawak, at napakaraming stars na lugar. Ang daming mga building dito at ang dami ring mga..
ANG DAMI RING MGA TAO!
'Pero hindi ako sure kung tao ba talaga sila..'
Habang sinusundan namin yung lalaki at inililibot ang tingin sa kabuuan ng lugar, mahahalata siguro sa mga mukha naming tatlo ang labis na pagkamangha.. nakanganga na nga ata si Zayah eh.
Kakaiba talaga! As in! Para kang nasa ibang mundo!
'Ang ganda ng lugar na'to!'
Ilang sandali pa ay tumigil sa paglalakad yung lalaki at humarap sa'ming tatlo.
"Hintayin n'yo ko dito." Wika nito at tumango kami.
*CREAK~~*
Pumasok siya sa isang room na may malaking pinto at mala-outer space na disenyo. Mataas 'yon pero hindi sobrang taas at sa tuktok nito ay may nakalagay na salitang 'COSMASTER'.
'Cos...master?'
"Ang ganda naman ng pintong 'to." Si Zayah. Hindi ko alam, pero bahagya akong natawa sa sinabi niya.
Ilang saglit pa ay bumukas yung pintong tinutukoy ni Zayah at sumalubong sa'min ang nakangiting mukha nung lalaki.
"Pumasok na kayo sa loob.." May pagka-feel at home na tonong utos nito. Pumasok ako at gan'on din sina Zayah at Victor.
'Ang ganda rin ng loob..'
Ang loob nito ay may pagka-simple ang disenyo pero may kakaibang dating. Paano ba 'to ie-explain... basta gan'on. Tapos may upuan din na nakalagay sa bawat gilid ng pader pwera lang sa isang gilid kung saan nakapwesto ang isang table at ang isang may edad na na babae.
'Kung hindi ako nagkakamali, siya yung COSMASTER..'
"Have a seat.." Nakangiting wika nito sa'min.
Umupo ako sa unahan malapit sa table ni 'Cosmaster' at umupo naman sa tabi ko si Zayah. Sa tapat ko naka-upo si Victor at yung lalaki naman ay nasa gilid ni 'Cosmaster' naka-upo.
'Assistant niya siguro yung lalaki..'
"Pwede ko bang makita ang 'fleymic pass' niyo?"
'Fley...mic pass?'
"A-ano ho iyon?" Tanong ko.
'Yun kaya yung asul na papel na binigay sa'kin ni Miss Yuna?'
"Ito ho ba?" Labas ko ng asul na papel. Ito nga ata 'yun, ang sabi kasi ni Miss Yuna sa'kin ay ibibigay daw 'yon sa oras na makarating kami sa lugar na itinuturo nang compass.
Nakangiting tumango si 'Cosmaster' at ibinigay ko sa kanya 'yon.
"Pwede na kayong magsimula bukas.."
'M-magsimula?'
"P-po?" Si Zayah.
"Wag kayong mag-alala." tumingin si 'Cosmaster' d'un sa lalaki.
"Samahan mo sila.." wika nito dito. Nag-bow ito sa kanya bilang pagsang-ayon.
---
---
---
Nandito kami ngayon sa dormitory building ng 'The Cosmic Institution' kung saan kami hinatid nung lalaki. Ang sabi niya ay dito raw maninirahan ang mga estudyante ng TCI habang nag-aaral sila.
Tama 'yong nabasa n'yo, habang nag-aaral. Maski ako ay hindi rin makapaniwala sa narinig ko na estudyante na kami ngayon ng institusyon ito. Estudyante na kami ng TCI ng hindi namin alam.
'Magic!'
In-explain din nung lalaki kanina 'yung mga lugar kung saan kami pwedeng kumain at mag-ganito at mag-ganyan.
"Infairness ah! ang ganda ng dorm nila.." Masayang wika ni Zayah habang naka-upo sa kama.
'Ano ba 'tong pinasok namin huhu?'
Kung itatanong n'yo pala kung nasaan si Victor, nasa kabilang dorm siya. Bawal daw kasi mag-sama ang kahit sinong babae at lalaki sa iisang dorm. Pero magkatabi lang yung dorm namin at yung dorm niya.
Minsan iniisip ko na parang mga ordinaryong tao lang din ang mga tao dito. May mga kapangyarihan nga lang pero sa isip, kilos, at asta nila mga tao lang ding maituturing.
'Pero 'di pa rin sila ordinaryo.. pero para silang tao. Gets?'
"Tulog na 'ko Gaea ah." si Zayah.
"Sige.."
'Inaantok na rin ako, ang dami kasing nangyari ngayong araw eh..'
Kinuha ko yung bag na dala ko from real world para kunin si 'Chrome Chrome' na Panda bear ko, nahihirapan kasi akong matulog kapag wala siya, kaso bago ko siya makuha ay may isang puti na sobre akong nakita na umagaw ng atensyon ko. Kinuha ko ang sobreng 'yon at bahagyang sinuri.
/From Yunalesca/
Binuksan ko 'yon at binasa.
/Gaea iha, alam kong magugulat ka sa oras na makapunta ka na sa lugar na sinasabi ko sa'yo. Mag-aaral kayo diyan ng mga kaibigan mo dahil hindi biro ang pagkuha ng Cosheart. Gawin mo ang gusto mo, hanapin mo ang Cosheart para mabawi ang nanay mo. Mag-iingat kayo/
'Kung gan'on ay pahirapan pala talaga ang pagkuha n'on. Kaso, 'di ko naman alam kung ano yun at kung ano ang itsura n'un.'
'BASTA ANG ALAM KO, KAILANGAN KO 'YUN PARA MABAWI ANG NANAY KO'
Hindi ko alam, pero may kaba akong nararamdaman. Nape-pressure? Oo, na may halong pangamba at takot. Alam nina Zayah at Victor na ang plano ko ay makuha ang 'Cosheart' na 'yan para mabawi ang nanay ko.
'Bakit kasi 'yun pa kailangan, pwede namang ransom na lang hingin nila eh..'
'Kinakabahan ako...'
Nagmumuni-muni muna ako saglit at ilang sandali pa ay kinuha ko na si Chrome Chrome para makatulog na 'ko. Pinatay ko yung ilaw at ipinikit na ang mga mata ko.
ZzzzzzzzzZZzzzzZzz...
ZzzzZzzZzzzzzZZzz...
ZzzZZzzzzZzZzzzzz...
<~K~I~N~A~B~U~K~A~S~A~N~>
"Ummmmmmhhh.." Pag-uunat ko.
'Ang sarap ng tulog ko! Nakakatamad bumangon!'
*YAWN*
*YAWN*
"Bilisan mo diyan Gaea at bumangon ka na! Meron pa raw tayong orientation na a-attendan ngayong araw sabi ni Victor!" Bulyaw ni Zayah sa'kin. Agad akong tumayo at inayos ang sarili ko.
Ito ang unang araw ng pagtungtong namin sa TCI, mahalaga na may background kaming malaman tungkol sa school na 'to para.. para alam mo na... hindi kami magkanda ligaw-ligaw.
'Sa sobrang laki ba naman ng school na 'to, maliligaw ka talaga kapag hindi mo kabisado...'
Kinuha ko yung isang tasang kape na tinimpla ni Zayah na nasa lamesa at umupo sa katapat niyang upuan.
"Nasaan si Victor?" Tanong ko kay Zayah habang umiinom ng kape.
Sa former school kasi namin, madalas na nag-aabang yun sa labas ng dorm namin para sunduin kami ni Zayah... kung tutuusin parang bodyguard na naming dalawa ni Zayah yun...
Pero minsan, kapag medyo late na kaming nagigising.. nauuna na siyang pumasok sa'min. Ang masama pa n'on, mas ga-grabe ang topak at sungit niya.
'Masungit at may topak naman lagi yun eh.. mas lalala nga lang'
"Nauna na siya.." tugon niya sabay higop ng kape.
"Alam mo naman yung lalaking yun, nireregla rin gaya natin." natatawang dagdag niya sabay subo ng tinapay na sinawsaw niya sa kape.
"Sira-ulo ka.." pero natawa na rin ako kalaunan.
'Lakas talagang makahawa ng kabaliwan'
Yung lalaking yun kasi eh, kung makaasta parang baog at di magkaanak. Laging seryoso yung mukha at nakakunot yung noo.
Nahinto kami sa pag-uusap at pagkain ni Zayah nang may kumatok sa pinto ng dorm namin at walang pahintulot na pumasok ito dire-diretso.
Speaking of baog at 'di magkaanak, siya yung pumasok sa loob ng dorm namin.
'Akala ko kung sino.'
"Ayan na pala ang reglang lumalakad!" Ani Zayah.
Hindi siya pinansin ni Victor at ibinaling nito ang tingin sa'kin.
"Tara..."
"Saan?" Tanong ko.
"D'un sa Central Hall na nadaanan natin kagabi."
'Cetral Hall?'
Tumayo ako at sumabay kay Victor palabas ng dorm.
"Teka lang!"
Napahinto kami ni Victor sa paglalakad at ipinukol ang tingin kay Zayah.
"Di niyo ba 'ko sasama?!" Tanong niya. Kinunutan siya ng noo ni Victor.
"Alangan kasama ka.." Sagot ni Victor at naunang lumakad.
"Sabi ko nga kasama ako.."
Humarap sa'kin si Zayah na may naiiritang mukha at nag-uusok na tenga at ilong.
'Pustahan sisiraan niya si Victor'
"Napakasungit talaga! 'di man lang mabiro!" Naiinis pero mahina na wika niya at mabilis na sumunod kay Victor.
Sabay-sabay kaming bumaba ng dormitory building at pumunta ng Central Hall. Ang sabi ni Victor ay d'on raw inilalagay ang lahat ng mga events na mangyayari sa TCI.
'Ang bilis kumuha ng information ni regla hahaha. Sorry Victor hehe'
Habang naglalakad kami, napa-isip ako bigla sa sulat na ibinigay ni Miss Yuna sa'kin na nabasa ko kagabi.
"Mukhang matatagalan pa tayo sa lugar na 'to guys.." medyo nakatungong wika ko. Napatingin sila sa'king dalawa.
"Edi masaya!" Ani Zayah. Natawa ako.
'Hahaha, elementary lang?'
"Tssss.." si Victor at naunang maglakad.
---
"Guys tignan niyo!" Sigaw ni Zayah habang nakaturo at nakatingala sa taas.
Tinignan ko ang itinuturo ni Zayah at hindi ko maiwasang hindi mamangha sa nakikita ko... Isa itong malaking fountain na nakalutang sa ere at imbes na tubig, mga celestial objects ang inilalabas nito.
"Ang ganda.." Namamanghang sabi ko.
Kakaiba talaga dito sa The Cosmic Institution. Para ka talagang nasa outer space.. Ang kinaibahan nga lang ay may gravity at may mga mala-cosmic na estraktura dito.
'At mga kakaibang tao o nilalang din...'
"Bilisan niyong maglakad.." utos ni Victor kaya agad kaming sumunod sa kanya.
"Doon ata nakapost yung mga mangyayari ngayong araw.."
Tumakbo si Zayah papunta sa lugar na itinuro ni Victor at nakipagsiksikan sa mga kumpul-kumpulang taong naroroon.
Sumunod kami ni Victor sa kanya pero hindi kami gaanong nakipagsiksikan gaya niya na halos itulak na lahat ng mga tao sa daraanan niya.
Kung itatanong niyo, kahit wala naman talaga sa isip niyong itanong itong isasagot ko... Magaling at mahilig sa pakikipagsiksikan yang si Zayah. Naalala ko pa noon nung nasa concert kami ng 'The Script', nandun kami mismo sa pinakabungad dahil sa galing niyang makipagsisiksikan. Actually, halos sa lahat ng concert at fan meetings na pinuntahan namin ay nasa harapan kaming dalawa.
'Lakas kasing manulak eh hahaha'
"Excuse me.." sabi ni Zayah doon sa lalaki na nakaharang.
"Padaan po.." ulit niya pero hindi pa rin siya pinansin nito.
"Ayaw mo ah.."
Nanlaki ng literal ang mga mata ko nung bigla niyang siniko yung lalaki sa tagiliran nito. Napadaing nang bahagya yung lalaki at saka tumingin kay Zayah.
'Ang tapang talaga! Sinisiko pati mga estudyante dito.'
"Ay sorry! ayaw mo kasing umalis eh! Di kaba marunong umintindi?" Mataray na sabi niya dun sa lalaki.
'Kung ano ang ikinasungit ni Victor, yun naman ang ikinataray niya. Hay nako ewan ko ba! Ako na lang talaga ang matino sa aming tatlo eh..'
"Tumabi ka nga d'yan!" Bulyaw niya ulit.
Napakamot nalang yung lalaki sa ulo nito at saka gumilid para makadaan kami.
---Victor's POV---
"Good morning students!" Bati nung matandang babae na nakita namin d'un sa 'Cosmaster's room' kahapon. Binati siya pabalik ng ilang estudyanteng kilala siya bilang tugon.
Kasama ko sina Zayah at Gaea ngayon dito sa loob ng Arena Stadium.. naka-post kasi sa Central Hall kanina na dito raw magaganap ang orientation.
"I'm your Cosmaster Freya." pagpapakilala nito sa'min.
"At dito magsisimula ang ating institution year twenty-eight to twenty-nine." dagdag nito.
"Just to inform everyone.. bukas ang simula ng regular cosmic classes. Gusto ko rin sanang gamitin ang oras na ito para mabigyan ng idea ang mga new students sa mga ginagawa natin dito sa TCI." Kahit kita na ang katandaan sa itsura ni Ms. Freya, hindi talaga maipagkakailang maganda pa rin siya.
"Ang curriculum dito, unlike any other schools... Cosmytes ang pinapalawak natin. That said, cosmic-related magics and spells.."
In-explain din ni Ms. Freya ang ilan sa mga facilities na meron sila dito sa TCI at ilan pang minor information about sa campus.
"I welcome you all - learning magic here in our institution is one of our greatest pleasure.." Ngumiti si Ms. Freya pagkatapos nito at saka umalis na sa podium na nangangahulugang tapos na ang kanyang Welcome Remarks.
Lumapit sa'kin si Gaea at bumulong na para bang may ikinakabahala siya.
"Kinakabahan ako Victor.." panimula niya.
"Ngayon lang ulit ako nakaramdam ng ganitong uri ng kaba.."
Nangunot nang bahagya ang noo ko at saka siya binigyan ng nagtatanong na tingin.
"Mga kakaibang tao ang mga nandito.. at ordinaryo lang tayo.." tinignan niya ako ng mata sa mata na para bang takot na takot siya sa maaaring mangyari sa'min.
"Paano kung... paano kung mahuli tayo sa gagawin natin?" Dagdag niya.
Alam ko na kahit gaano pa niya kagustong mapagtagumpayan ang misyon niyang makuha ang 'Cosheart', may pag-aalangan pa rin siyang nararamdaman. Pero at the back of my mind.. Nasa TCI kaming tatlo for one reason, no more, no less.
'Susuportahan namin si Gaea sa mga gagawin niya..'
Lumapit ako sa kanya at binigyan siya ng yakap. Lumapit din si Zayah at nakiyakap din.
The Gaea we know is strong and confident. And this is the least thing we can do para mapalakas ang loob niya.
"Hindi ko hahayaang mangyari yun.." sagot ko sa tanong niya.
'I'll try my best to protect you and Zayah'