---Victor's POV---
"Anong lugar ba ang gusto n'yo munang puntahan?" Tanong ko habang naglalakad kami palabas ng dormitory.
"Sa library muna tayo.." Si Gaea.
"Ang boring dun!" Kontra naman ni Zayah.
"May nakita akong Mini Garden sa likod nung Arena Stadium kahapon.. d'un muna tayo please.." Dagdag pa niya.
"Sa library na! Maganda 'yung library dito promise.." Depensa ni Gaea.
"Mahaba pa naman ang oras natin para d'un eh!"
Nagtatampong tumingin si Gaea sa kanya.
"Ang gara mo naman.."
"Iniwan mo na 'ko kahapon, 'di mo pa 'ko pagbibigyan ngayon.." Pagpapatuloy pa niya kaya nanlumo ang mukha ni Zayah.
"Pshh.. Sige na nga!" Ani Zayah.
"Sa library na! Oh ano masaya ka na?"
Ngumiti siya kay Zayah at yinakap ito.
"Thank you.." Nakangiting wika ni Gaea habang nakayakap sa kanya.
"Oo na sige na! Basta sa susunod d'un naman tayo sa Mini Garden ah?" Si Zayah.
"Tsss, mga isip bata..'
"Ano? Tapos na ba kayo?" Naiiritang tanong ko. Tumango si Zayah sa'kin.
"Sa library muna raw.." dagdag pa niya.
"Walang library dito.."
Binigyan nila akong dalawa ng nagtatanong na tingin.
"Ha?" Si Gaea.
"Walang library dito.." ulit ko at naglakad paalis.
---
---
---
"Ito ba 'yung library na sinasabi mo?" Tanong ni Zayah kay Gaea kaya napalingon ito sa kanya.
"Oo.." Sagot nito.
"Ang laki.." Si Zayah ulit habang nakatingala. Inilipat nito ang tingin sa pangalan nung building at binasa iyon.
"The Cosmic..." Basa niya d'un sa unang dalawang salita nang walang kahirap-hirap.
Nang babasahin n'ya na ang ikatlong salita, biglang nanliit ang mga mata nito na animo'y nahihirapang basahin ito.
"A....te.....ne...ey.....yum?" Paputol-putol at patanong na sabi niya.
'Tssss.'
"The Cosmic Ate..ne..ey..um.." Basa niya ulit d'un sa pangalan nung building.
d-_-b
"Atheneaum.." Mahina pero rinig nilang dalawang saad ko para malaman nila ang tamang pagkakabigkas.
"Atheneaum?" Ulit ni Zayah kaya tumango ako.
"The Cos--"
"Pumasok na kaya tayo? Wala na po tayong oras oh.." Ani Gaea habang nakaturo sa wall clock katabi ng nasabing establisyemento.
"--Mic Athenaeum.." Dugtong ni Zayah sa una niyang sinabi.
"Tara.." Pag-aaya ko at nauna nang maglakad papasok sa CosAth (Cosmic Athenaeum).
'Wow..'
Nang makapasok na kaming tatlo sa loob, hindi ko maipagkakailang ibang-iba ito sa mga book establishments na meron sa mga ordinaryong paaralan.
Paikot ang formation ng mga libro dito na tumutugma sa mala-igloo nitong pagkakagawa. Malaki ito kung tutuusin, kasing taas siguro ito ng isang gusaling may dalawa o tatlong palapag at may lawak na 'sinlaki halos ng isang malaking basketball court.
Kung sa labas ay may pagka-galactic ang ambiance at disenyo, dito sa loob ng Athenaeum hindi gan'on.. maaliwalas ang loob nito at kulay dilaw lang halos ang ilaw na ginagamit nila.. May malaking ilaw din na makikita na nakasabit sa gitnang bahagi ng Athenaeum at mga lamesa't upuan sa baba kung saan pwedeng magbasa ang mga estudyante.
(PS: May pagkakahawig dito, pero try niyong i-imagine yung CosAth ng mas dark yung ambience.. hehehe)
"Wala akong masabi.." Ani Zayah habang manghang-manghang inililibot ang tingin sa bawat sulok ng Athenaeum.
"I'm, speechless.." Dagdag niya pa at lumakad papunta d'un sa 'historical books section'.
'Tsss..'
Sumunod si Gaea sa kanya at tumingin din ng mga libro d'on. Maging siya ay nalulula rin at nasisiyahan sa rami ng librong meron dito..
Umupo ako sa upuan sa harap ng lamesa malapit sa kanilang dalawa at pinagmasdan lang ang kabuuan nitong CosAth.. Napansin ko rin na kakaunti palang ang nandirito ngayon dahil siguro maaga pa at may classes na mamaya.
'Hihintayin ko na lang siguro silang dalawa..'
--Gaea's POV---
"Oh m!--" Sigaw sana ni Zayah pero agad kong tinakpan ang bibig niya.
"Ano ka ba?! Nasa library pa rin tayo!" Mahina pero mataas ang tonong saad ko.
'Mukha pa namang masungit 'yung librarian nung nakita ko..'
Inalis niya 'yung kamay ko sa pagkakatakip sa bibig n'ya at saka siya nagsalita.
"Sorry naman.." Pagpapaumanhin niya.
Ibinalik niya ang kanyang tingin sa tinitignan n'ya kanina at ngumiti nang parang tanga.
"May fiction books kasi d'un oh.." Saad niya habang nangingiti.
"Ahhhhhh!" Kinikilig pang dagdag niya at lumakad papunta r'on. Tinignan ko 'yung tinutukoy niya at..
'Wowww.. Ang daming literary books!'
Sumunod ulit ako kay Zayah d'on at tumingin din ng mga libro gaya niya.
"Ang daming, ang daming novels.." Hindi makapaniwalang wika ko.
Ang dami talaga.. May mythologies, novels, poems, fiction books, at marami pang iba.
'Para na siyang paraiso ng mga taong mahihilig sa libro..'
"May mga libro rin pala ni Shakespeare dito Gaea oh!" Wika niya at kumuha ng isang libro d'on.
"Tignan mo 'to.." Dagdag pa niya habang ipinapakita sa'kin ang librong kinuha niya.
'F-four Tragedies?'
"Para namang nagbabasa ka ng mga gawa ni Shakespeare.." Sarcastic at nakangisi kong wika kaya napangiwi siya.
"Sinabi ko lang naman eh.." Bulong niya at ibinalik ang libro d'un sa pinagkuhanan niya.
So ayun na nga, paikot-ikot lang kami ni Zayah dito sa Athenaeum at patingin-tingin lang ng mga kung anong librong madaanan namin.
'Grabe, napakalawak naman ata nito.. Parang wala pa sa 5 percent 'yung napupuntahan namin ni Zayah eh..'
"Tara na."
do_ob
"Nakakagulat ka naman!" Si Zayah.
"Malapit-lapit na kasing mag-seven, may pupuntahan pa tayo.." Saad nito at lumakad paalis.
'Aytss.. sad..'
"Sayang naman.." Ani Zayah sa'kin.
"Ngayon ko pa lang nae-enjoy 'yung mga ganitong lugar eh.." Dagdag niya pa at saka sumunod kay Victor.
'Sa susunod na nga lang ulit..'
---
---
---
"Patingin nga 'ko niyan.." Tukoy ni Zayah sa mapang hawak ni Victor.
"Mamaya na, ihatid muna natin si Gaea sa building n'ya.." Sagot nito.
Papunta kami ngayong tatlo sa Leo's Building dahil d'on daw magaganap ang lahat ng Cosmic Classes ko. Ihahatid muna raw nila akong dalawa bago sila pumunta d'on sa building nila..
'Ang tamis ng mga kaibigan ko no?!'
Sinusundan namin, e-este ni Victor lang pala, 'yung mapa papunta d'on sa Leo's Building at sinusundan lang namin siya ni Zayah. Medyo mahaba-haba na rin 'yung nalalakad naming tatlo mula d'on sa Athenaeum at kasalukuyang nagmamadali dahil malapit ng mag-seven.
"Dito na 'yon.." Ani Victor.
do_0b
*LUNOK*
*LUNOK*
*LUNOK*
'Basic lang 'to Gaea.. 'wag kang ano..'
"Mag-iingat ka ah! Hihintayin ka namin sa Central Hall ni Victor mamayang uwian.." Si Zayah.
"Opo mommy.." Natatawang sagot ko.
"Tse!"
'Hahahaha..'
"Mag-iingat ka Gaea.." Si Victor naman. Nakangiti ko siyang tinganguan.
"Kayo rin.." dagdag ko at saka sila tuluyang umalis ni Zayah papuntang Capricorn's Building.
Habang naglalakad sila palayo, biglang humarap si Zayah sa'kin at kinawayan ako. Natatawang kumaway ako pabalik sa kanya at sumunod ulit siya kay Victor.
'Kahit kailan talaga hahaha..'
Nung hindi ko na sila mamataang dalawa, ibinaling ko sa building na nasa harapan ko ngayon ang tingin at ang atensyon ko. Tiningala ko ito at sinuri ang itsura..
'Ang taas pala nito! ang sakit sa leeg..'
Kung titignan siguro mula dito sa baba, mga nasa seven to eight floors ang meron sa building na 'to. Malaki at malawak ang bawat floor pero yung pinakataas na floor ang pinakamalaki. Triple siguro ang laki n'on kung ikukumpara sa mga floor na nasa ibaba nito.
May malaki rin itong logo na hugis Yoyo na nakalagay sa gitna ng building.. Na sa tingin ko, mga nasa bandang 4th floor. Agaw pansin din ang kulay nito na pula na kumikinang-kinang pa kapag tinignan mo.
'Ang gagaling naman ng mga architect at ng mga engineer na gumawa nitong TCI. Ang sarap ipatumba gaya ni Zayah hahaha..'
Huminga ako nang malalim at inihanda ang sari--
"Kumusta kayong tatlo dito?"
Bahagya akong napatalon sa gulat nang may biglang nagsalitang lalaki sa gilid ko..
Napatingin tuloy ako sa gawing 'yun at bahagyang nangunot ang noo ko ng mapagtanto ko kung sino 'yun..
K-kung hindi ako nagkakamali, s-siya yung lalaking biglang nag-teleport sa harapan namin na gumawa ng malaking pinto sa mataas na pader at ang nagdala sa'ming tatlo dito sa TCI.
'A-anong ginagawa niya dito?'
"Pasensya na, Hindi ko sinasadyang gulatin ka." Nakangiting pagpapaumanhin niya kaya kahit papaano ay nawala ng bahagya ang kaba ko.
*INHALE*
*EXHALE*
Kahit may edad na si sir ay halatang gwapo at may itsura siyang maipagmamalaki nung kabataan niya..
'Hanggang ngayon din naman..'
Ang cute niyang ngumiti at bagets pa rin kung pumorma. Ang lakas pa ng appeal at ang astig pa ng mga datingan.
'At walang halong malisya 'yon! Kayo talaga! Dine-describe ko lang!'
Inalis ko ang natitirang pagkagulat sa mukha ko at ngumiti pabalik sa kanya.
"Maayos naman po kaming tatlo dito.." Sagot ko sa una niyang tanong nang nakangiti.
"Sa katunayan nga po n'yan ay nag-eenjoy pa kami sa pananatili namin dito sa TCI.." Nakangiting dagdag ko pa na mas nagpalawak ng ngiti n'ya.
"Mabuti naman kung gan'on.." Natatawang saad niya at bigla niyang ginulo yung buhok ko.
dO_Ob
Nanlaki ng literal ang mga mata ko sa gulat dahil d'on sa ginawa niya.. Sinubukan kong hindi ipahalata sa kanya 'yung gulat ko pero sa tingin ko ay natunugan pa rin n'ya 'yon.
'Nakakahiya...'
"Oh sige pumasok ka na.." Pag-iiba niya at sinilip ang relong suot niya.
"It's already 6:45am, baka ma-late ka pa sa cosmic classes n'yo.." Nakangiting dagdag pa niya sabay tingin sa'kin.
Nakangiting tumango-tango nalang ako bilang tugon at saka tumalikod. Hindi ko pa rin kasi talaga maialis ang pagkagulat sa sistema ko dahil sa awkward moment na nangyari kanina..
Pero kahit gan'on, magaan at panatag ang loob ko sa kanya.. Kasi kung tutuusin, madali lang namang--
'Ano nga ulit yung pangalan niya?'
"T-teka s--"
'Ay, nawala agad?'
'Di bale na nga lang, may introduction naman siguro ng mga staffs dito.. D'un ko na lang aalamin ang pangalan niya..'
Ibinalik ko nalang ulit 'yung tingin ko sa harap at nagsimulang maglakad palapit sa Leo's Building.
Minsan naiisip ko, alam kaya ng mga tao o kung ano pa sila rito na may hidden agenda kami? Kasi kung may mga kapangyarihan sila na hindi pang ordinaryong tao.. Edi, madali lang para sa kanilang malaman 'yung iniisip namin..
'Telepathy kumbaga..'
Habang papalapit ako ng papalapit sa entrance door ng Leo's building, halong kaba at kuryosidad ang nararamdaman ko. Kabog nang kabog 'yung dibdib ko na para bang papasok ako sa isang gyera sa oras na mabuksan ko ito.
Nung nasa harapan na 'ko ng entrance door, maingat at dahan-dahan ko itong binuksan..
This is it.. Ang first day of cosmic classes..
ANG FIRST DAY OF MISSION...
---Zayah's POV---
"Ang laki naman nito.." Tukoy ko sa building namin habang nakatingala.
'Sobrang taas! Parang, parang Burj Khalifa..'
'CHAR!'
"Isang school na kung tutuusin 'tong building natin ah.. Bali labindalawang gan'to ang meron dito?"
"Oo.." Sagot ni Victor.
'Gravi! Para namang isang syudad 'tong TCI!'
Hiwa-hiwalay 'yung building ng bawat astrological sign, may malaking Arena Stadium at Central Hall, may malawak na dormitory, may magical garden, may mala-five star na canteen, may mall nga rin ata akong napansin eh, tapos may library pang 'for rich kids only'. Tapos.. Tapos..
'TAPOS MAY HINDI PA 'KO NAPUPUNTAHAN!?'
Kaya bilib din talaga ako sa reglang 'to eh... Sabihin ba naman sa'kin kanina na kabisado niya 'tong TCI..
"May hindi ka pa ba napupuntahang lugar dito?" Tanong ko.
"Alangan.."
'Pshh!'
"Eh ano 'yung sinasabi mo sa'kin kanina?"
"Na ano?" Kunot-noo nitong tanong sabay tingin sa'kin.
"Na kabisado mo na 'tong TCI!" Sagot ko.
"Tss.. May mapa nga kasi.."
'Ang gulo namang kausap nito..'
"Edi hindi mo nga kabisado." Saad ko kaya mas nangunot 'yung noo niya.
"Ewan ko sa'yo, sinasayang mo lang oras ko.." Wika niya at lumakad patalikod sa'kin. Napairap tuloy ako.
dစ_စb
"Ikaw nga 'tong magulo kausap.." Mahinang bulong ko pero pinarinig ko talaga. Napatigil siya sa paglalakad pagkasabi ko n'on at bahagyang lumingon sa'kin.
"Tsss.. kinabisado ko nga kasi sa mapa kagabi.." Aniya.
'Ahh okay.. kung sinabi niya sana agad 'yan edi wala na sanang problema!'
'Di ko ba alam, siguro nga inborn natong init ng ulo ko kay Victor.'
"Happy?" Pahabol niya pa at saka ipinagpatuloy ang paglalakad palapit sa Capricorn's Building..
Hindi ko na lang ginatungan yung 'nyapi?' na sinabi niya at sumunod na lang sa kanya.
'Ang yabang kainis!'
Nung nasa harap na kami ng building, akma niyang bubuksan yung entrance door pero bigla akong napasigaw.. Nag-aapoy na ang mga mata niya akong binalingan ng tingin na para bang inis na inis na siya.
"Ano ba 'yan?! male-late na tayo oh!" Singhal niya.
"Teka lang kasi! Hindi pa ako ready.." Wika ko sabay pikit ng marahan.
*INHALE*
*EXHALE*
*INHALE*
*EXHALE*
*INHALE*
*EXHALE*
'Okay, let'z do diz..'
Dahan-dahan akong dumilat pagkatapos kong huminga nang malalim at sakto namang nakita ko ang seryosong mukha ni Victor na nakatingin sa'kin.
"Tapos ka na ba sa mga kaartehan mo?" Tanong nito.
'Pshh!'
"Oo na!" Singhal ko.
'Dami pang ibang sinasabi eh!'
"Dami kasing alam sa buhay eh.." bulong niya at saka tumalikod.
d0_0b
"Hoy narinig ko 'yon!" Bulyaw ko.
Kasabay ng pagsigaw ko ng mga katagang 'yon.. Ang siya ring pagbukas ni Victor sa entrance door ng Capricorn's building.
Pagbukas na pagbukas pa lang nung pinto..
KAKAIBANG PAKIRAMDAM NA AGAD ANG NARAMDAMAN KO...