---Lexington's POV---
"A-ano ba talagang kailangan mo?!" Nanggagalaiting tanong ko habang nakaharap sa salamin.
"Oh.. Lex.." Natatawang sabi niya. Ramdam at rinig ko ang pangamba at kaba sa dibdib ko kahit pa maingay ang tagas na tubig nanggagaling sa shower.
Kasabay ng buhos ng tubig sa aking katawan ang siya ring dahan-dahang panginginig ng aking mga binti at hita. Hindi ko makontrol nang maayos ang katawan ko.
"Magkaliwanagan nga tayo, parang naiiba kasi ang ihip ng hangin eh.." Tanong niya na animo'y siya ang kaharap ko sa salamin. May bahid iyon ng pagkainis kaya bahagyang napakunot ang noo ko.
"'Di ako nakakalimot Castor, pero 'di ko rin sinasabing sumasang-ayon ako sa plinano mong 'yon.." Mahina at bahagyang nanghihinang saad ko.
"Hindi 'to para sakin Lex, para sa'tin 'yun! Naiintindihan mo ba?!"
"Tumigil ka na!" Sigaw ko.
"Pag-isipan mo 'to nang mabuti Lex.. bago pa mahuli ang lahat." Saad niya at 'di kalaunan ay nawala na rin ang sakit ng ulo ko.
Hingal na hingal akong naligo at nag-iisip kung ano ba talaga ang dapat kong gawin. Masyadong komplikado ang hinihingi nila, at hindi ko maaatim na gawin 'yon maski isiping gagawin.
Pagkatapos kong maligo at magbihis, lumabas na rin ako ng banyo at inilagay sa marurumi 'yung mga damit ko.
"Ang tagal mo sa restroom ah.. suspicious." Ani Lean habang kumakain. Sinamaan ko na lang siya ng tingin.
"Anong oras na ba?" Tanong ko sa kanya. May klase pa kasi kami sana ngayon para sa course enhancement namin.
A/N
{Course Specialization - First year subject
Course Enhancement - Second year subject
Course Refinement - Third year subject
Course Manipulation - Fourth year subject
Ars Mastery - For upper academe and professors}
"Maaga pa naman, kumain ka muna.." Alok niya sa'kin ng tuna sandwich kaya kumuha na rin ako. Mahilig si Lean sa ganitong palaman kaya habang tumatagal ay nagustuhan ko na rin.
"Tinatamad akong pumasok.." Mahinang saad ko pero rinig pa rin niya. Kumagat ako nung sandwich at tumayo para kumuha ng tubig.
"Parang sinasamaan ako ng katawan.." Dagdag ko pa.
"Mabilis lang naman 'yun, kapag first week naman lagi tayong early dismissal eh.."
May pagka-seryoso kasi si Lean sa attendance namin sa klase, kaya ayaw niya talagang um-absent lang kami basta-basta. Pero sa ngayon, talagang 'di ko kayang makapasok dahil nanghihina talaga ako.
"Wala talaga akong ganang pumasok ngayon Lean, matutulog muna siguro ulit ako.." sabi ko at dumiretso sa kwarto para mahiga. Pansin ko naman ang bahagyang pag-aalala sa mukha ni Lean habang tumatango sa'kin pero 'di ko na lang din masyadong pinagtuonan ng pansin 'yon.
Nakatingin lang ako sa kisame namin habang nakahiga at iniisip pa rin ang mga nangyari kanina.
'Tama nga ang kutob kong may kinalaman siya kung bakit nag-trigger ang spell ko d'on sa babae.. talagang sinusubukan mo ako Castor..'
Ilang sandali pa ay pumasok si Lean sukbit ang bag niya at nakaporma na papasok ng klase. May dala siyang baso ng tubig at inilagay iyon sa gilid ko.
"Magpahinga ka muna d'yan Lex, balitaan na lang kita.." Ani Lean kaya tumango na lang ako. Lumabas din agad siya ng kwarto ko at narinig ang paglabas niya sa dorm namin. Ilang sandali pa habang nakatingin sa kisame ay 'di ko namalayang nakatulog na pala ako.
---Gaea's POV---
"Before I dismiss you all, meron palang announcement ang ating Cosmaster for all constellations na gaganapin sa starry stadium bukas.."
'Saan naman kaya 'yung starry stadium na 'yun? Kung sabagay nand'yan naman pala sila Victor, sasabay na lang ako sa siguro sa kanila bukas..'
"We'll see each other there tomorrow.. class dismiss.." Nakangiting pagpapaalam ni Professor Lei at umalis na ng room namin. Inayos ko na rin agad ang mga gamit ko para makalabas na rin.
"H-hello Stan! G-gusto mo sumabay ka na samin mag-lunch? Hihi.." Ani ng isa sa mga babaeng ka-blockmate ko. Isang grupo sila na halatang kilig na kilig habang sinasabi ang mga katagang 'yon.
Nasa tabi ko kasi ngayon si Stan at ehem... maya-maya ko na nga lang iku-kwento sa inyo.
"Oo nga Stan! Para makilala rin natin ang isa't isa.. isang semester din tayong magkakasama oh.." Saad ng isa pa sa kanila. Bigla-biglang sumisigaw 'yung mga kasamahan nila habang sinasabi 'yon na animo'y maiihi na sila sa sobrang kilig na nararamdaman.
'Para rin pala 'tong mga kaklase ko dati, juice colored maasim!'
Halata sa itsura ni Stan na ilang na ilang siya sa mga nangyayari sa kanya ngayon, mas mapula pa nga ata ang mukha niya ngayon kung ikukumpara sa mansanas sa sobrang hiya na nararamdaman niya.
'Kapag pala anti-social ka, 'di ka pala dapat masyadong magpagwapo o magpaganda.. delikado ang tahimik at masaya mong pamumuhay 'pag nagkataon tsk tsk.. Well, lesson learned..'
Ilang sandali pa ay may biglang kumawit sa braso ni Stan na para bang binibuhat ito patayo at palapit sa kanila. Gulat na gulat pero hiyang-hiya siyang napatingin 'd'on sa babaeng nakakawit sa braso niya na para bang hindi siya makapaniwala sa mga nangyayari.
"A-aahh..." Naguguluhang sagot ni Stan sa kanila.
Bumaling si Stan ng tingin sa'kin na para bang humihingi siya ng tulong kaya bahagya akong natawa. Maski ako, 'di ko rin alam ang magiging pakiramdam ko 'pag pinagkakaguluhan na ng maraming tao. Although si Zayah sanay siya at trip rin ang crowded places, ako ayokong-ayoko talaga.
'Oo na sige na, si Zayah at ang Nanay palang ang nagsasabi sa'kin na maganda ako.. Welp, at least tahimik akong nakakapag-lunch at 'di iniistorbo ng iba..'
Natatawang tumango na lang tuloy ako sa kanya para ipahiwatig na sumama na siya.
Nakangiwing napakamot ng ulo si Stan at alinlangang tumayo para sumama sa new edition ng spice girls. Minsanang lumilingon pa sa gawi ko si Stan habang papalayo sila kaya natatawang nag-okay sign ako sa kanya para ipahiwatig na magiging okay lang ang lahat sa buhay niya.
'Malaki ka na, kaya mo nang i-handle yan..' sa isip-sip ko lang.
Pagkapasok niya kasi kanina, halos ibang-iba sa kahapon ang itsura't pormahan niya. Although may salamin pa rin naman siyang suot pero agaw pansin ang bago niyang hairstyle at paraan ng pananamit ngayon. Ginamitan niya siguro ng gel ang buhok niya para bahagyang tumaas iyon, tapos nakaitim pa siya na polo na fit sa kanya na nagpa-define lalo ng body structure niyang galing din pala sa oven.
Kung sabagay, halata mo na rin namang may itsura siya nung una palang naming kita, kaso, ibang-iba talaga siya ngayon.. halos 'di mo maiisip na iisang tao lang sila. 'Di na ko magtataka kung dadami pa lalo ang members ng fans club niya. Okay na rin siguro 'yon para ma-boost ang self-esteem at social skills niya kahit papaano.
'At walang malisya 'yon! kayo talaga.. tsk tsk..'
Sinabi ko nga pala kila Zayah at Victor na hindi muna ako sasabay sa kanilang mag-lunch ngayon at uuwi nalang muna ako sa dorm namin mag-isa, para di rin sila mainip sa'kin sa kahihintay. Gusto ko muna kasi sanang makapagisip-isip d'on sa may indoor garden na tinuro sa akin ni Stan kahapon. Nagdala naman ako ng rice meal sa bag ko para d'on na lang din ako kakain ng lunch pag nagutom ako. Kung may oras pa, pupunta na rin sana ako sa CosAth para magbasa-basa rin ng mga books nila d'on about sa TCI. Wala pa namang 10:00am ngayon kaya mahaba-haba pa ang oras ko.
--
"Ga'no katagal pa kaya..?" Mahinang bulong ko sa sarili habang nakaupo sa isang bench dito sa garden. Mabuti wala masyadong tao ngayon, kung meron man, kakaunti at paraan-raan lang.
Malalim akong bumuntong hininga para gumaan kahit papaano ang pakiramdam ko. Hindi ko maisip kung paano at saan uumpisahan ang misyon namin sa Cosheart — misyon para mabawi ang nanay ko.
Hindi ko maintindihan kung bakit sa ganito ka komplikadong paraan pa ang gusto nila, hindi ba pwedeng pera na lang? Kasi kung pera, baka maipon ko pa. Pero ito? Habang tumatagal mas lalo kong napagtatanto na imposible ang gusto nila, na imposibleng makuha ng isang gaya ko ang ganoong klase ng bagay.
'Ni isang magic spell nga wala akong alam, ano pa kaya ang laban ko sa kanila sa oras na malaman nila ang pakay namin dito?'
Gusto kong maiyak sa inis at pangungulilang nararamdaman ko ngayon. Sobrang nagagalit ako sa mga taong 'yon na pinagdiskahan pa kaming dalawa ng nanay kong 'di naman ganoon kayaman at kung tutuusin ay tahimik lang naman na namumuhay.
Kinuha ko sa bag ko ang ilan sa mga ibinigay na notes sakin ni Miss Yunalesca dati at sinuri ang mga iyon.
"Wala pa rin talaga.." Naiiyak na sabi ko na. Kahit anong basa ko sa mga sulat na 'yon ni Miss Yunalesca, wala talaga kahit anong pumapasok sa isip ko.
Nawawalan na talaga ako ng pag-asa. Parang gusto ko na lang umuwi at tanggapin ang katotohanang ako na lang talaga ang mag-isa ngayon. Dinamay ko pa sila Victor at Zayah sa kagagawan ko at ngayon, imbes na ako na lang ang magdusa, pati sila nasama na rin sa magulong buhay ko.
Napasapo nalang ako habang pilit na sinisubukang tatagan ang loob ko. Nagdadalawang isip na ako kung itutuloy ko pa ba 'to o umalis na lang agad at tanggapin na ang katotohanang 'di ko na makakasama ang nanay ko. Tutal, hahit ano namang piliin ko sa dalawa, sa huli, ako pa rin ang talo.. Patuloy na tumatakbo ang oras pero hanggang ngayon, ni isang usad wala akong magawa.
'Ba't ko pa pahihirapan ang sarili ko?'
"Parang malalim masyado ang pinagdadaanan mo ngayon ah.." Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses na 'yon.
Napansin kong nakaupo rin siya sa bench na kinauupuan ko ngayon pero hindi siya direktang nakatingin sakin. Kinuskos ko ang mga mata ko para maaninag ang mukha niya nang maayos at nang mapagtanto ko kung sino iyon, bahagya akong nagulat. Pero kahit na ganoon, mas nangingibabaw pa rin ang sama ng loob na nararamdaman ko kaya hindi ko mapigilang lumuha pa rin kahit na ayokong ipakita sa kanya.
'Anong ginagawa niya rito?'
Katabi ko ngayon 'yung lalaking nagbukas ng malaking pintuan sa 'ming tatlo nina Zayah at Victor noong unang kita at pasok palang namin dito sa TCI. Nakaupo siya nang pa-dekwatro sa kabilang gilid ng kinauupuan naming bench at direstsong nakatingin lang sa isang partikular na bulaklak sa harapan niya.
"Pwede na siguro akong malunod sa sobrang lalim.." Nakangiti pero pabirong dagdag niya pa at humarap sa'kin. Animo'y sinubukang pagaanin ang tensyon sa pagitan naming dalawa.
Ngumiti ako sa kanya pero sigurado akong halata niya na hindi totoo ang mga ngiting 'yon na ibinato ko sa kanya. Ayoko lang talagang makita niya ako sa ganitong kalagayan dahil nakakahiya rin.
"P-pasensya na po Sir.. m-masyado lang po akong napagod ngayon.." Tinatatagan ang loob na saad ko habang pinapahid ang mga luha sa mata ko. Iniligpit ko rin ang mga sulat ni Miss Yunalesca na inilabas ko kanina at mabilis na isinuksok iyon sa bag ko.
Nakikita ko sa mga mata niya ang pagkaawa sa kalagayan ko ngayon. Gan'on na ba talaga kakomplikado ang buhay ko? Hindi ko nanamang maiwasang lumuha ng 'di oras at mapasapo.
'Hindi po ako okay Sir, h-hindi po..' gusto ko na lang sabihin sa kanya.
Narinig ko ang mahinang pagbuntong hininga niya at napansing itinuon ulit ang kanyang paningin sa bulaklak na tinitignan niya kanina.
"Reticulata Iris.." tukoy niya sa bulaklak.
Nakatingin lang ako sa baba at hinayaan siyang magsalita. Sinusubukan kong makinig sa mga sinasabi niya kaso wala lang talagang pumapasok sa isipan ko ngayon. Lumalabas lang din lahat sa kabilang tenga ko ang bawat salitang binibitawan niya.
"Often associated with bravery, hope, and wisdom.." dagdag niya habang nakatingin pa rin doon na para bang may inaalala siya.
"Alam mo bang isa 'yan sa mga paborito kong bulaklak?" Hindi ko pa rin magawang tumingin sa kanya, pero sinusubukan ko siyang pakinggan.
"Syempre 'di mo pa alam.. hahaha.." natatawang saad niya. Sinusubukan ulit pagaanin ang pag-uusap namin.
"Maliban sa kakaibang gandang meron ito, isa ang bulaklak na 'yan sa mga nagpasaya ng taong naging espesyal sa'kin noon.."
Bigla akong naging interesado sa ikunukwento niya dahil sa sinabi niyang iyon kaya napatingin din ako sa bulaklak na tinitignan niya. Kumikinang ang itsura nito dahil sa sinag ng araw na tumatama doon at agaw-pansin din ang kakaibang kulay na mayroon ito. Matingkad ang pagka-asul n'on na may halong puti sa ibabang parte nito.
"Gaya mo, dumaan din ako sa sobrang kalungkutan at panghihinayang, 'yung tipong 'di ka na makahinga sa sobrang bigat ng nararamdaman mo pero wala kang magawa.." napatingin ako sa kanya.
"I-halimbawa natin ang nangangalaga sa mga bulaklak na 'yan.. habang patuloy na tumatakbo ang oras, maraming mga maaaring mangyari pananim niya — mga pagkakataong dadating at mawawala na lang bigla-bigla nang hindi niya inaasahan.. mga pagkakataong hindi niya kontrolado.." saad niya.
"Kung dumating ang pagkakataon na may biglang dumaan na unos at tinamaan ang mga pananim niya, ano kaya sa tingin mo ang dapat niyang gawin? Subukang itanim ulit ang mga bulaklak niya kahit na hindi siya siguradong mabubuhay pa ito o hayaan na lang malanta ang mga 'yon para hindi masayang ang ilalaang oras at pagod?"
Pagkatapos niyang sabihin ang tanong na 'yon ay tumingin siya sa gawi ko. Para bang hinihintay ang isasagot ko sa ibinatong tanong niya. Napayuko ako sa sahig at nag-isip ng maaaring isagot.
"I-Itanim ulit?" may pagaalinlangang sagot ko sa kanya pero ngumiti siya sa'kin. Makahulugan ang mga ngiting iyon.. para bang pinapagaan kahit papaano ang bigat na nararamdaman ko sa aking dibdib.
"Di ko man alam ang totoong sitwasyong kinakaharap mo, naniniwala naman akong mapipili mo ang tama at angkop na desisyon sa problema mo.."
"P-paano 'nyo naman po nasabi 'yan?" natatawa pero seryosong tanong ko sa kanya. Ngumiti ulit siya sa'kin.
"Nararamdaman ko lang.. hahaha.." sagot niya. Rinig mo ang sinseridad sa tono ng pagsagot niya.
'Nararamdaman? P-paanong nararamdaman niya lang?'
"Dahil gaya mo.." Direktang tumingin siya sa'kin pagkasabi n'on. Halata mo sa paraan ng pagtitig niya na seryoso siya sa anumang kasunod na sasabihin niya.
"Hindi rin ako galing sa mundong ito..."