---Gaea's POV---
Pagkalabas na pagkalabas ko ng Leo's building, namataan ko kaagad yung dalawa na naka-upo sa isang tabing bench malapit sa isang wall clock at halatang inip na inip na sa kahihintay sa'kin.
Sinalubong ko sila nang nakangiti at inihanda ang sarili sa gatling mouth ni Zayah.
"Ang tagal mo naman!"
'Told ya..'
"Kanina ka pa kaya namin hinihintay ni Victor.." Pasinghal pang sabi niya kaya napabuntong-hininga ako.
"Sorry, may kinausap pa kasi ako kanina kaya ako natagalan.." Depensa ko.
"At saka teka nga, akala ko ba sa Central Hall tayo magkikita-kita? Ba't nandito kayo?" Nagtatakang tanong ko.
"Ang tagal mo kasi! Nainip na kami d'un kaya napagdesisyunan nalang namin ni Victor na hintayin ka sa labas ng building n'yo.."
"Napagdesisyonan n'yo? Buti nagkasundo kayo.." Natatawa nang bahagyang sambit ko sabay baling ng tingin kay Victor na seryosong nagbabasa ng libro.
"Anong nagkasundo?! Hindi kaya!"
'Hindi na talaga ako magtataka kung magkatuluyan 'tong dalawa ng 'di oras...'
"Kung alam mo lang yung nangyari kanina nung papunta kami ng Central Hall.. nag-aya lang ako na kumain muna kami pero ayaw niya! Hindi ko naman daw siya bibig para sumama siya sa'kin.."
"O eh bakit kasi kailangan mo pa ng kasama sa pagkain?" Tanong ko.
"Hindi kasi 'yun! Ang pinu-point out ko kasi hindi man lang marunong sumagot sa'kin ng maayos.." Pagpapaliwanag niya sabay baling ng tingin kay Victor.
"O diba tama ako?!" Tanong nito dito at pinanglakihan ito ng mata.
Hindi nagsalita si Victor at inilipat lang ang binabasang libro sa kasunod na pahina. Umirap si Zayah sa kanya at ibinalik nalang ulit ang paningin sa akin.
"O diba Gaea? Tinutuldok nanaman!?"
'Kahit kailan talaga 'tong babaeng 'to oh hahaha...'
Tumawa ako at saka tumango-tango sa sinabi niya. Nakita ko naman si Victor na biglang isinara ang binabasang libro at saka tumayo.
"Oh? tapos n'yo na ba 'kong pag-usapan?" Si Victor.
"Ayyts.. Nand'yan ka pala? Hindi pa kami tapos mag-usap ni Gaea eh.." May bahid nang pang-iinis na sagot ni Zayah.
'Baliw talaga'
"Bahala kayo, kakain lang ako sa canteen.." Isinukbit nito ang backpack niya at saka lumakad palayo.
Napansin kong sinusundan ng tingin ni Zayah si Victor habang naglalakad ito at saka nag-make-face nang makalayo na ito sa'ming dalawa.
"Ayan umalis tuloy, ininis mo kasi eh.."
"Paki ko sa kanya.." Tumayo rin siya bitbit ang slimbag niya at lumapit sa'kin.
"Tara sa canteen.. gutom na rin ako eh hahaha.." Pag-aaya niya pa.
Tumango ako at saka kami dumiretsong dalawa papuntang canteen.
---
---
---
"Gaea.." Tawag ni Zayah sa'kin habang naglalakad kami. Iba ang tono niya ngayon kumpara kanina nung kasama namin si Victor.
"Oh?"
"Nung pumasok ka ba sa building ng Leo kanina may naramdaman kang kakaiba?"
'Kakaiba?'
"Wala naman, bakit?"
Tumingin muna siya sa'kin bago sumagot.
"Hindi ko maintindihan eh, pagkapasok ko sa loob hindi ko na magalaw yung katawan ko.. Tapos para bang may kumokontrol sa'kin.." kumunot bigla ang noo ko pagkasabi niya n'on.
"Kanina lang?" Nagtatakang tanong ko. Huminto siya sa paglalakad at humarap sa'kin.
"O-oo, h-hindi ko maipaliwanag e.. Parang nananaginip ako pero gising na gising 'yung diwa ko." Pagpapaliwanag ni Zayah habang kunot-noong inaalala ang mga nangyari sa kanya kanina.
"M-medyo natatakot ako Gaea.."
Ngumiti ako sa kanya. Hinawakan ko yung kaliwang kamay niya para mabawasan kahit papaano ang takot na nararamdaman niya at sinubukang kalmahin siya. Kitang-kita sa mukha niya ang labis na pagkabahala sa nangyari sa kanya kanina.
"W-wala naman akong naramdaman na ganyan kanina. Hindi ka ba kinabahan o sobrang nabigla pagkapasok mo?"
"Sana nga gan'on lang.." Nag-aalangang sagot niya at saka ipinagpatuloy ang paglalakad. Animo'y gusto na lang kalimutan ang nangyaring 'yon.
'Nakakapagtaka naman y'un, baka naman kasi sobrang nainis lang siya kay Victor kanina kaya nagkagan'on..'
'Pero sa lugar na 'to, dapat hindi na kami magulat sa mga bagay na kakaiba kagaya n'on. Sa simula't sapul, 'di naman talaga ordinaryo ang lugar na 'to na pinasok namin. Ayokong bigyan ng false assurance si Zayah kaya ganito palang ang kaya kong gawin para sa kanya ngayon.'
Pagkarating namin sa canteen, namataan ko kaagad si Victor sa pinakasulok na table na kumakain ng french fries habang nagbabasa ng libro.
'Ang dami namang tao dito ngayon..'
"Nand'on si Victor.." Turo ko.
"Saan?"
"D'un!" Turo ko ulit sa table kung saan naka-upo si Victor.
Nang makita ni Zayah si Victor, agad siyang pumunta sa kasalungat na sulok ng canteen at naghanap ng table na available d'on.
"Dito tayo.." Ani Zayah na bahagyang nagpakunot ng noo ko.
"Bakit dito? Nasa kabilang sulok si Victor oh.."
'Tinopak na nga talaga tss..'
"Eh ka--"
"Zayah, tigilan mo na 'yan.." Seryosong saad ko.
"Okay fine.." Pagsuko niya sabay buntong-hininga.
Lumipat kami ni Zayah sa table ni Victor at saka inilagay ang mga bag namin d'on.
"Bakit kayo lumipat dito?" Sarkastikong sabi ni Victor habang nagbabasa sabay kain ng fries.
'Hay nako..'
"Secret.." Sambit ni Zayah at saka umupo.
"Pahingi ako ng fries ah?" dagdag pa niya at kumuha ng isang dakot na fries.
'Nagtira pa talaga ng dalawa ah..'
"Bakit kinuha mo lahat?!" Singhal ni Victor.
"O ayan, tatlo na sa'yo.." Sabay balik nung isang pirasong fries.
'Di ko ba alam, siguro coping mechanism talaga ni Zayah 'yung ganitong approach para mabawasan 'yung takot at kaba niya.'
"Tsss, 'di nalang kasi kumuha nang sa kanya eh.." Mahina pero rinig naming bulong ni Victor.
Tumayo siya dala ang binabasang libro at pumunta d'un sa isang canteen staff para kumuha ulit ng pagkain.
"Um-order na rin kaya tayo? Tutal libre naman daw yung pagkain dito.." Sabi ko kay Zayah. Tumango siya habang kinakain 'yung fries at um-order na rin kaming dalawa.
Habang nakapila kami, nakita ko yung mga nagluluto na mina-magic lang yung mga ingredients na ginagamit nila. Parang sa isang malaking kitchen set-up sila nagluluto at kita mo talaga kung paano nila gawin dahil transparent 'yung salamin sa pagitan namin. May sinasabi sila na kung anong spell tapos parang automatic na naluluto 'yung pagkain.
'Kaya siguro free kasi may unlimited resources sila.'
"Ang galing naman!" Tukoy ni Zayah d'un sa mga nagluluto kaya napangiti ako.
Pagkatapos nang mahabang pila, um-order ako ng spaghetti at kebab naman ang in-order ni Zayah. Bumalik kami sa table at nagsimulang kumain.
"Kumusta sa Leo's building Gaea?" Ani Victor habang kumakain ng parang pasta na in-order niya kanina.
"Ayos naman.." Sagot ko.
"Kaso syempre kinakabahan at naninibago pa rin ako.. Parang typical first day of classes sa'tin dati." dagdag ko pa.
'Ayoko na lang talaga i-kwento 'yung umpisa eh hays T-T.'
--
--
--
~~~FLASHBACK~~~
"Sorry.." Mahinang bulong ko sa nakabangga ko habang lakad-takbo kong hinahanap 'yung room number ko.
Halos hinihingal na akong paikot-ikot na parang baliw dito sa Leo's building sa sobrang lalayo ng pagitan ng bawat rooms. Masyado ring malawak ang mga hallway nila na mas lalong nagpapasakit ng mga hita't paa ko.
'Asan na ba 'yun?! Bakit parang maliit lang naman 'yung building 'pag tinignan dito sa map nila?!'
"N-nako! S-sorry.." Sabi ko ulit pero ako naman 'yung nabunggo. Medyo masakit 'yung pagkakabunggo niya sa'kin kesa 'dun sa nakabungguan ko nung una kaya bahagya rin akong nagulat.
'Talaga naman.. nalaglag pa mga gamit ko! Start na ng klase ko e.'
>-<
'Naliligaw na nga ata ako..'
Mabilis kong iniligpit 'yung mga nalaglag na gamit ko pero sa kabutihang palad ay tumulong din naman 'yung nakabunggo sa'kin. Matangkad na lalaki siya na naka suot ng salamin, may itsura rin pero halata sa datingan niya na mahiyain siya sa ibang tao at may pagka-nerdy nang bahagya.
"P-pasensya na rin Miss, n-nagmamadali rin kasi ako eh.." May halong kabang saad nung lalaki habang pinupulot 'yung nalaglag kong panulat.
Pansin kong hindi siya mapakali habang tinutulungan ako kaya hindi ko rin maiwasang magtanong kung anong nangyayari sa kanya.
"Okay ka lang ba? Hinahanap mo rin ba klase mo?" Mahinahong tanong ko habang pinupulot 'yung reading glasses ko sa sahig. Hindi ko naman maiwasang mapangiwi nung nakita ko 'yung reading glasses ko na may malaking gasgas sa kanan.
'Nako paano na 'yan t-t? Haiyaaa.. malaki naman siguro blackboard ng room namin.. Sa harapan na lang siguro ako uupo.'
'Kaso late na nga pala ako.. Aish! Bahala na nga..'
"O-oo, kaso 'di ko mahanap kung saan 'yung room ko." Sagot niya sakin habang pinupulot 'yung ibang natirang papel na nalaglag. Mostly mga flyers lang naman 'yun na nakuha ko sa entrance ng building.
"First year ka rin ba?" Tanong ko sa kanya habang inaayos 'yung bag ko. Tumango siya sa'kin at napansin kong sa room 318 din siya nakatalaga.
"Sa room 318 ka rin pala? Ako rin.." Saad ko. Sa isip-isip ko lang medyo nakahinga ako nang maluwag dahil alam kong 'di lang ako 'yung late sa klase namin.
"S-sabi dito sa may dulo lang nitong hallway 'yung room natin" Naguguluhang aniya habang sinusuri 'yung map rin na dala niya.
Ilang sandali pa ay may mga students na dumadating dito sa hallway, pero imbes na sa gawi namin dumaan ay dun sa kabilang hallway sila dumiretso.
'Haiya, sa kabila pala ng hallway 'yung pinto..'
Nagkatinginan na lang kaming dalawa at bumuntong hininga ako. Ngayon ko lang napansin na mali pala 'yung intindi namin dun sa map kaya napagkamalan naming dito 'yung room 318. May pagka-symmetrical kasi 'yung structure nung building kaya nakakalito talaga.
Sumunod nalang kaming dalawa d'un sa mga dumaan na estudyante at sa wakas ay nakita rin namin 'yung naka assign na room sa'min. Pumasok kaming dalawa at napansin na nagsasalita na 'yung professor. Sa may second row kami pumwestong dalawa at dahan-dahang inilagay ang mga gamit namin d'on.
"Once again, I'm Professor Lei, your one and only professor in course specialization!" Nakangiting pagpapakilala ng professor namin.
'Ang bubbly niya hahaha..'
Akala ko puro mga strict oldies ang mga professors nila pero 'di pala. Mukhang chill lang si Professor Lei sa'min kaya nawala nang bahagya 'yung kaba ko.
"I will also be your Magister for this academic year. Since simula pa lang tayo, we will, for now, try to discuss the subject in a gentle but still efficient way.. Para 'di rin kayo mabigla.."
After some reminders at announcements about sa TCI, dinismiss din kami agad ni Professor Lei kaya inayos ko na rin ang mga gamit ko. Sa ngayon, okay naman 'yung classroom namin at maayos naman 'yung ventilation. Malaki rin 'yung whiteboard na gamit nila at 'di rin naman gan'on kaliit ang sulat ni Professor Lei.
'Sana talaga consistent na ganito na 'yung set-up namin.. Gusto ko 'yung approach niya sa pagtuturo..'
"H-hello ulit.." marahan niya akong kinawayan habang nakasukbit na sa kanya'yung backpack niya . Ngumiti ako sa kanya at mabilis na tumango para senyasan siya na ituloy niya 'yung gusto niyang sabihin.
"S-sorry pala kanina.. akala ko kasi 'di na ko makaka-attend ng first class natin kaya nagmamadali na rin ako. Lagot ako sa parents ko 'pag nagkataon.."
'Actually 'di ko naman na masyadong iniisip 'yon dahil masyadong occupied na rin ang isipan ko sa kaiisip ng mga posibleng mangyari sa mga susunod pa na araw. Overthinker nga siguro ako pero.. 'di ko ba alam. Mas napapanatag kasi ako sa gan'on eh.'
Kahit na ganoon, 'di ako pwedeng padalos-dalos sa mga desisyon ko habang nandito ako. Pero, kailangan kong itatak din sa isipan ko na hindi pala talaga gan'on kadaling makuha 'yung pinaka dahilan kung bakit ako, kaming tatlo, ay nandito ngayon sa TCI.
Minsan naiisip ko kung tama nga ba talagang nandito kami ngayon, kung sa ganitong sitwasyon din pala kami mapapadpad, luging-lugi kami at walang kalaban-laban.
"Wala 'yon, nagkandaligaw-ligaw na rin ako kanina kaya 'di ko na rin napansin na papadaan ka pala." sagot ko sa kanya.
"Bago ka lang ba dito sa TCI?" tanong niya.
Hindi ko alam kung magsisinungaling ba ako sa kanya o sabihin nalang 'yung totoo na kaya ako naligaw kanina ay dahil sa hindi talaga ako pamilyar sa lugar na 'to. 'Pag nagkataon namang sinabi kong hindi, ang hirap panindigan n'on at magpanggap na old student talaga ako.
'Talaga naman o.. pwede bang umalis na lang ako? T-T'
"A-aah..." Naguguluhang saad ko.
'Wala na suspicious na ako ngayon..'
"Oo.. k-kakatransfer ko lang dito.." nasabi ko na lang.
"T-talaga? Pareho pala tayo hahaha.." ramdam mong nahihiya pa rin siyang makipag-usap dahil 'dun sa tawa niya. 'Di naman awkward 'yun pero parang gan'on din.
'Basta gets niyo na ako..'
"A-ako nga pala si Stan.." Pagpapakilala niya pa at inalok ang kamay niya sa'kin.
"Gaea.." tugon ko at inabot iyon.
"You have a unique name hahaha.. nice meeting you, Gaea.." nakangiting dagdag niya kaya ngumiti na rin ako.
"Likewise.."
'But it still depends..'
---
"G-gusto mo bang umikot muna dito sa Leo's building?" alok niya sa'kin. Papalabas na ako ng room namin ngayon.
Tinignan ko 'yung oras sa may wall clock 'dun sa hallway at napansing medyo maaga-aga pa nga dahil sa early dismissal ni Professor Lei.
'Wala naman sigurong masama 'no? Okay na rin siguro 'to para may kaibigan din ako dito kahit papaano.'
'Walang malisya 'yon tssk... Kayo talaga.'
"Ah sige-sige, tutal maaga pa naman umikot muna tayo sandali.."
"M-may nakita akong indoor garden dito sa map.. gusto mong puntahan?" tanong niya.
"Ah.. s-sige lang" mahina pero rinig namang sagot ko.
'Kung gusto ako nitong lalaking 'to, mautak siyang dumiskarte hahaha.. Pero tingin ko gusto lang din talaga niyang makipag-kaibigan. Gut feel ba, parang gan'on.'
Malapit lang 'yung indoor garden mula d'on sa room namin kaya mabilis rin kaming nakarating agad. Siguro wala pang limang minuto 'yung nilakad namin.
Malawak itong indoor garden nila, at marami-rami ring mga estudyante ang nakatambay habang nagbabasa at nagkukwentuhan. Maraming iba't ibang klase ng mga bulaklak ang naka-display dito at maayos din nilang ipinuwesto ang mga 'yon. Maganda siyang tambayan talaga dahil ang chill lang ng ambience at marami rin namang mga benches na pwedeng upuan.
'May tambayan na rin ako..'
"B-bagong student ka rin pala? Pinasok ka lang din ba ng parents mo dito?" pagsisimula niya.
Simula nung malaman kong new student din siya ay bahagya ring napanatag kahit papaano ang loob ko habang kausap siya. Kumbaga, may mga pagkakatulad din pala sa sitwasyon naming dalawa.
'May pakiradam akong mapagkakatiwalaan si Stan, pero siguro hanggang simpleng usapan lang muna bilang kaklase niya na rin. Ayokong magtiwala masyado sa bagong kakilala pa lang.'
"Actually lola ko ang nagpasok sa'kin dito, ayun nga, para maturuan din ako ng 'magic..'" Sagot ko habang bahagyang natatawa. Tumango tango siya.
'Sorry Miss Yunalesca..'
"Ako naman parents ko ang nagpasok sa'kin. Kilala kasi silang pareho dito sa academe at pag-wield ng cosmytes. Kaya ayun, na-pressure na rin akong pumasok at mag-aral haha.."
'Family pressure, mahirap din pala ang lagay niya..'
Habang tumatagal pansin kong mas nagiging kompartable na rin si Stan makipag-usap sa'kin. Nasabi rin niya sa'kin na takot siyang makipag-kaibigan sa iba dahil madalas daw ay walang pumapansin sa kanya.. dahil na rin siguro sa pagiging mahiyain niya kaya gan'on.
Ang mga shinare ko lang mostly sa kanya ay 'yung mga hobbies ko at tungkol sa mga libro-libro gaya ng title ng mga libro at hilig kong basahin, mga gan'on hahaha.. masaya rin siyang kausap dahil nakikinig talaga siya.
Ilang sandali pa ay pansin kong matagal-tagal na rin pala kaming nag-uusap na dalawa.. mag-iisang oras na rin siguro kaya nagpaalam na rin ako.
"Salamat pala Stan, mauuna na 'ko.." dahan-dahan siyang tumango.
"N-nag-lunch ka na ba?" tanong niya sa'kin pero umiling ako.
"Kasama ko naman 'yung mga iba kong kaibigan haha.. kaso sa kabilang building pa sila kaya mauuna na 'ko"
"A-ah sige-sige no problem.. bukas na lang ulit. Salamat din Gaea." nakangiting saad ni Stan. Ngumiti rin naman ako sa kanya at pagkatapos n'on ay umalis na ako.
~~~END OF FLASHBACK~~~
--
--
--
"Normal lang naman talaga na manibago at kabahan ka no.. Syempre, 'di pwedeng feeling close ka kaagad sa mga taong kakakita mo palang.. ang weird n'on.." sagot ni Zayah sa'kin sabay kagat sa kebab na hawak niya.
"Eh sa building n'yo kumusta?" Pagbabalik ko ng tanong sa kanilang dalawa.
"Ayos lang din, wala naman din masyadong nangyari kanina kung tutuusin dahil first day of classes palang naman.." Ani Zayah.
Tumango-tango ako bilang pagsang-ayon sa sinabi niya at saka nag-focus sa kinakain ko.
"Parang gusto ko ng ice cream.."
Napansin kong binalingan saglit ni Victor ng tingin si Zayah sa sinabi niyang 'yon at saka ibinalik ulit ang tuon sa kinakain nito, animo'y sumang-ayon siya kay Zayah sa kauna-unahang pagkakataon.
'Parang gusto ko rin tuloy ng ice cream..'