Chereads / The Cosmic Institution / Chapter 7 - Cosmic Mission: Epsilon

Chapter 7 - Cosmic Mission: Epsilon

---Zayah's POV---

Pagkapasok na pagkapasok ko, may bumalot na agad na nakasisilaw na liwanag sa'kin.. Para bang pumapasok ito sa katawan ko at dumadaloy sa dugo ko..

'Anong nangyayari?'

"Victor.." Tawag ko pero hindi ko maibuka ang bibig ko.. At pati ang mga mata ko, hindi ko na rin maimulat..

'B-bakit may ganito? Bakit.. bakit 'di ko makontrol yung katawan ko?!'

"Tulong! Tulungan niyo 'ko!" Sigaw ko pero hindi ko magawang maibuka ang bibig ko.

Gustong-gusto kong umiyak, pero hindi ko magawa.. Hindi ko kaya, Para akong nakakulong sa sarili kong utak na para bang may kanya-kanyang pag-iisip ang bawat parte ng katawan ko.

'Tulong..'

'Open your eyes...' Bulong sa'kin ng isang babae.

'Fellow stardust...' At ng isang lalaki.

Bigla ulit akong nakakita ng liwanag pagkatapos n'on at kasabay n'on ang pagbabalik ng diwa ko sa katawan ko.

---

"Z-zayah.."

"Zayah!" Siya ulit na may kasama pang pitik sa harap ko.

'Anong nangyari sa'kin? Nagday-dream ba 'ko? Sino yung babae at lalaki kanina na kumausap sa'kin? B-bakit 'di ko magalaw yung katawan ko kanina?'

"Uy, kanina pa kita tinatawag.. kanina ka pa tulala diy--"

Niyakap ko siya at saka napaiyak sa balikat niya.

'S-sobra akong natakot kanina..'

Akala ko hindi ko na maibubukas ulit yung bibig ko at maimumulat ang mga mata ko. Para akong na stroke at kinokontrol kanina.

"Anong problema Zayah? Ba't ka umiiyak?" Tanong niya 'saka ako hinarap gamit ang magkabila niyang kamay na nakahawak sa balikat ko.

Hindi ko siya sinagot at itinuon lang ang tingin sa baba.

Maski ako, hindi ko maipaliwanag kung anong nangyari sa'kin kanina.. Ang daming tanong na bumabagabag sa isipan ko na mas lalong nagpamulat sa'kin na hindi ordinaryong paaralan itong pinapasukan naming tatlo.

"Kaya mo pa bang pumasok? Nagsisimula na ata yung first class natin.." Nag-aalalang tanong niya.

'Open your eyes.. fellow stardust..'

'Ano bang ipinapahiwatig n'on?'

Ngumiti na lang ako at saka tumango habang pinupunasan ang mga luha ko sa mata.

'Mamaya ko nalang siguro sasabihin sa kanilang dalawa ni Gaea ang mga nangyari. Maski ako hindi ko maipaliwanag nang maayos 'yung mga nangyari.'

Sa ngayon, lakad matatag at relax muna dahil ayoko namang ma-late kaming pareho ni Victor nang sobra dahil sa'kin.

*INHALE*

*EXHALE*

*INHALE*

*EXHALE*

'Okay, let'z go..'

Papunta kami ngayon sa first cosmic class namin na kasalukuyan pa naming hinahanap ni Victor. May dala-dala rin siyang mapa nitong Capricorn's building na kinuha niya raw kanina sa entrance nitong building para alam namin kung saan kami pupunta.

*Diretso*

*Kanan*

*Diretso*

*Liko nang bahagya*

*U-turn*

*Diretso*

*Kaliwa*

*Kaliwa ulit*

*Diretso*

'Ang daming pasikot-sikot..'

Dinungaw ko saglit yung itaas at napansin ko d'on ang halos purong salamin na kisame. Yung ibang corners nung building ay gan'on din kaya ramdam pa rin yung kakaibang ambiance sa loob.

Parang sa mga normal buildings lang din pero mas galactic lang tignan 'to at mas mukhang educational facility.

'At mas hi-tech rin..'

"Malapit na ba tayo?" Tanong ko.

Tumango siya kahit hindi siya nakatingin sa'kin at saka ipinagpatuloy ang paglalakad habang sinusuri ang mapang hawak niya.

*Kanan*

*Kaliwa*

*Diretso*

*Kaliwa*

*Liko nang bahagya*

*Kanan*

*U-turn*

*Diretso*

*Kaliwa*

*Kanan*

*Diretso ulit*

Pagkatapos ng isang mahabang lakaran ay nakarating na rin kami sa assigned classroom namin ni Victor... Sa kasamaang palad, 18 minutes kaming late.

Pero okay lang naman siguro 'yun like duh... First day of class palang naman at maiintindihan naman na nila siguro 'yun.

At saka ang layo naman kasi eh! Halos tatlong floors ang inakyat namin tapos ang lalayo pa ng mga likuan.. Ang dami pang hagdan kaya masakit sa paa! Wierd din at wala man lang silang elevator.

'Buti walang nagrereklamong estudyante sa kanila..'

'Mukhang, m-mukhang ako palang..'

Kung sabagay, marurunong nga palang magsi-teleport ang mga nilalang na 'to. Pagkatapos na pagkatapos nilang magbihis, instant teleport na agad sa classroom.

'Sana oink nalang marunong mag-teleport..'

"Pasok na tayo?" Tanong ni Victor sa'kin. Tumingin ako sa kanya at saka tumango.

"Baka may kaartehan ka munang gustong gawin.. gawin mo na. Late na rin naman tayo e." Nakangisi pero sarkastikong dagdag niya.

'Aba! Sira-ulo pala talaga 'to eh! Akala siguro nito nagi-inarte lang din ako kanina.'

---

Mala-action star kaming pumasok ni Victor sa loob with matching slow motion na naging dahilan ng tinginan ng halos lahat ng tao dito sa gawi namin.

'O dahil late kami kaya kami pinagtitinginang dalawa?'

"Are you both belong in this class?" Nakangiting tanong nung professor habang nakatingin sa'min.

*LUNOK*

Bumaling ako kay Victor at binigyan siya ng tingin na para bang sinasabi kong 'English yung tanong, ikaw na yung sumagot'.

Bumuntong-hininga muna siya saglit bago nagsalita.

"Yes.."

'Di ko alam, pero parang napahiya ako sa sinagot n'ya..'

"Oh, okay.." Tatango-tangong saad nung professor.

"Umupo na kayo sa kahit saang vacant seat d'yan.." Nakangiting dagdag pa nito.

'Marunong naman pala magsalita ng Filipino si 'Professor English Agad'... Nawala na tuloy 'yung kaba ko hehe..'

Humanap kami ni Victor ng pwedeng maupuan pero ang available na lang ay yung nasa magkabilang dulo sa may last row.

"D'un na 'ko malapit sa may bintana" mahinang sabi ko sa kanya.

"Geh.." at dire-diretso siyang naglakad papunta d'on sa kabilang upuan.

Dumiretso na rin ako d'un sa isa pang available seat malapit sa bintana at saka inilapag yung bag ko sa gilid n'on..

Nang makaupo na 'ko, nakapangalumbaba akong dumungaw sa labas ng bintana at tinignan ang mga bagay-bagay na makikita r'on.

'Ang ganda kainis! Lagi nalang!'

"For those who just came, I am Professor Peter.. professor niyo for Course Specialization." Pagpapakilala ni Professor Pogi.

{A/N: May pagka-research type itong Course Specialization, ito ang unang subject na ituturo sa mga 1st year ng TCI. Malalaman niyo rin kung ano ang mga gagawin nila diyan sa upcoming chapters, kaya 'wag kayong mag-alala hehehe.}

"Ako rin ang magiging official Magister ng freshmen Capricorn this year..." Dagdag pa nito nang nakangiti.

{Magister - Adviser}

"For now, wala muna tayong formal classes. Ie-explain ko lang muna ang mga rules and regulations ng school at yung mga simpleng kalakaran natin dito.."

'Ako lang ba? Pero ang cute ni sir hahaha'

'Hey! staph it Zayah!'

"Rule number one..." Panimula ni Professor Peter sabay upo sa may table niya.

"Lahat ng information dito sa buong TCI ay dito lang dapat.. Kahit anong uri pa 'yan ng information na may kinalaman sa school's privacy at sa school mismo ay hindi dapat makalabas sa borders ng school, unless authorized of course.."

Sinilip ko sandali si Victor d'un sa kabilang dulo na mukha namang seryoso sa pakikinig kay Professor Peter.

'Makikinig na nga rin ako..'

"Rule number two, respect all the professors and heads ng kahit anong constellation. Uunahan ko na kayo, we punish students heavily regarding these cases."

'Nako delikado si Gaea, pasaway pa naman 'yon.'

"Rule number three, exclusive institution itong TCI. Nakapasok kayo dito dahil isa sa mga kakilala n'yo o ang nagpasok sa inyo dito ay naging former member. That's why we are expecting something good to everyone. Especially ang coorperation n'yo during our class hours."

'Kung gan'on, naging legit member pala talaga ng TCI si Miss Yunalesca kaya kami instant na nakapasok ditong tatlo..'

'Hmmm, interesting..'

"Rule number four, huwag na 'wag niyong gagamitin ang cosmytes niyo para makapang-bully at makapanakit ng fellow schoolmates niyo. During examinations, activities, and practices lang pwedeng gamitin ang offensive spells... at kapag binigyan kayo ng authority ng head."

'Ay gan'un sayang naman.. pag-uuntugin ko sana sina Victor at Gaea kapag nagkataon eh...'

'Okay, I'll stop hihi. Focus muna ako kay Prof. Peter.'

"If you ever witness someone using their cosmytes to harm other students, report niyo lang sa student affairs office, malapit lang sa 'may central hall 'yon."

'Buti may ganito silang sistema tungkol sa bullying. At sana may tamang aksyon talaga silang gawin! 'Di sana katulad nung former school ko na sinipa't sinapak ka na pinaglinis lang ng kubeta ang mga mokong. So unfair breathe air.'

"And for the last rule.." May pa-suspense effect na sambit ni Professor Peter.

"'Wag na 'wag kayong gagawa ng mga bagay na maaaring makasira sa TCI... Remember that."

---Lexington's POV---

"Tara na dre! punta na tayo sa canteen.." Aya ni Lean sa'kin.

"Ikaw na lang, mamaya na 'ko kakain.." Sagot ko at saka tumayo. Binigyan niya 'ko nang nakangiwing mukha.

"Hindi pa tayo kumakain simula kanina! Breakfast palang kugkog!"

"Edi kumain ka mag-isa.." Lumakad ako palayo pagkasabi ko nito pero nanatili siyang nakasunod sa'kin.

'Aishh!'

"Tara na kasi! Ang arte mo!" Pagpupumilit niya talaga.

"Mauna ka na nga kasi!"

"Bahala ka nga..." Sambit ni Lean sabay lihis ng daan papuntang canteen.

"Mamatay ka sa gutom!" Pasigaw pang dagdag niya habang lumalakad palayo.

"Baliw!"

'Hindi ba niya naiisip na crowded d'un ngayon?'

Kahit sobrang laki ng canteen namin, twelve constellations ang naghahati-hati sa lugar na yon.. Maaga panaman ang uwian ngayon kaya maraming tao doon panigurado.

Dahil half day naman ngayon, gusto ko sanang umikot-ikot muna dito sa Leo's building..

Dalawang buwan din kasi ang naging bakasyon namin kaya medyo naninibago ako.

'Badtrip kasi si Lean eh..'

"Lex!"

Napalingon ako bigla d'un sa tumawag sa'kin at napangiti nang mapagtanto ko kung sino 'yun. Lumakad ako palapit sa kanya at patalong nakipaghigh-five.

"Tagal nating 'di nagkita ah!" Nakangiting sambit nito.

Si Jet, kaibigan namin ni Lean kaso fourth year Leo na s'ya. Mas matanda siya sa'min ni Lean ng dalawang taon kaya parang kuya na ang tingin namin sa kanya..

"Hahaha oo nga, dalawang buwan din halos.."

"Kumusta bakasyon? Balita ko lumakas ka na ah!?"

"Loko.." Natatawang giit ko.

"Eh chix? Marami-rami ba tayo d'yan?" Tanong niya ulit.

"Tsss.. Tigilan mo nga 'ko.."

"Mahina ka pa pala eh.. tsk tsk tsk tsk.." Pailing-iling pa nitong saad.

'Kala mo naman meron siya.. Tsss..'

"Nasaan nga pala si Lean?" Pag-iiba niya.

"Nand'on sa canteen kumakain.."

"Ba't 'di kayo magkasama?"

"Pinauna ko na, 'di pa 'ko gutom eh.." Sagot ko.

"Ah gan'on ba, sige sige pupuntahan ko na muna.. baka magtampo pa sa'kin eh, iyakin panaman 'yon.." Giit niya kaya natawa ako.

"Sige na puntahan mo na hahaha, sa susunod nalang ulit.." Wika ko. Nakipag-fist bump muna sa'kin si Jet at saka tuluyang umalis para mapuntahan si Lean.

Marami nang naitulong sa'min si Jet tungkol sa mga techniques niya sa paggamit ng cosmytes, kaya gan'on na lang rin kalaki ang utang na loob namin sa kanya ni Lean. Lalo na kapag star clash, ang daming nagre-repeat d'on.

Nagshe-share rin siya ng mga experiences niya n'ong mga panahong siya yung nasa level namin.. Magaling rin naman ang mokong kaya kahit papaano ay nabibigyan niya kami ng background at ideas.

'Maberde nga lang utak n'on kapag kinakausap mo minsan..'

'Aish, Nevermind..'

Umalis na rin ako at saka itinuloy ang pag-iikot.

---

Habang papaakyat ako, nakasalubong ko ang isang pamilyar na mukha ng babae na pababa papuntang canteen. Bigla ko nanamang naalala 'yung nangyari kahapon.

'Tama nga kaya si Lean? Paano kaya 'pag nakarating ang nangyari sa student affairs?'

Alam kong mali ang ginawa kong 'yon kahapon, at habang papatagal mas lalo akong nakokonsensya sa mga nangyari. Maniwala man kayo sa hindi, hindi ko talaga sinasadya ang mga nangyaring 'yon, nagkataon na lang na biglang nag cast 'yung magna spell kahit hand motion lang ang ginawa ko.

'Tama nga kaya ang hinala ko? Hindi ko nga muna siguro dapat sabihin kay Lean hangga't 'di ako nakasisigurado. Pero may kutob ako na may kinalaman nga 'yon sa nangyari kung bakit nag-trigger ang spell.'

Dahan-dahan akong sumulyap d'on sa babae na diretso lang ang tingin sa dinaraanan, seryoso ang mukha niya pero hindi naman masungit ang datingan n'on.

Habang papalapit kami sa isa't isa, bigla siyang bumaling ng tingin sa'kin. Napalunok ako bigla pero sinubukan kong 'di ipahalata at iginala na lang ang tingin sa iba.

Dire-diretso lang din siyang naglakad na para bang 'di niya ako nakilala o namukhaan man lang nang mag eye-contact kami.

''Baka siguro 'di niya ako mamukhaan? Siya nga kaya 'yung muntik ko na matamaan kahapon?'

Bahagya akong nakahinga nang malalim nang makababa na siya ng tuluyan, sinuri ko ang kabuuan niya nung nakatalikod na ito at napansin sa kaliwang binti niya ang isang maliit na sugat na parang kakagaling lang sa isang paso.

'Siya nga 'yun.'

Natamaan pala talaga siya ng magna spell kahapon, at naaalala ko pa kung paano siya biglang napaluhod sa takot at binuhat nungg kaibigan niya paalis. Mabuti na rin sigurong 'di niya ako namukhaan para 'di na rin lumaki 'yung problema at maging komplikado pa.

"Makabalik na nga lang sa dorm.." mahinang bulong ko sa sarili.