Chereads / The Cosmic Institution / Chapter 5 - Cosmic Mission: Gamma

Chapter 5 - Cosmic Mission: Gamma

---Lexington's POV---

"Gago ka pre! Muntik mo ng tamaan yung babae kanina!"

"I warned her, at kung tamaan man siya n'un ibig sabihin hindi siya karapat-dapat dito.."

Tinignan lang ako ni Lean ng diretso sa mata na para bang sinasabi niya na mali talaga yung ginawa ko.

"What the hell Lex!" Singhal niya.

'Ayan nanaman tayo..'

"Aura pa lang nung babaeng 'yun halata ng mababa ang cosmytes n'ya!" Kunot-noong wika nito sa'kin.

"Ang malala pa d'on it's a magna spell! Pwedeng mamatay yung babaeng 'yun kapag natamaan mo.."

{Primaria = level 1 spell / Magna = level 2 spell / Nova = level 3 spell / Supernova = level 4 spell}

'Aishhh!'

"Okay sige.." Panimula ko.

"Pero hindi naman tumama diba?"

Tanong ko sa kanya at isinukbit sa likod yung backpack ko.

"At saka nangyari na eh, ano pang magagawa ko?" Dagdag ko pa at saka lumakad paalis.

Hindi na ginatungan ni Lean yung huli kong sinabi pero narinig ko siyang bumuntong-hininga sa likod ko habang sumusunod sa'kin.

Alam kong ayaw niya sa ginawa ko d'un sa babae kanina.. Pero aksidente lang talaga yung nangyari, hindi ko sinasadya 'yun..

'Sinasanay ko lang ang cosmytes ko..'

Papunta kami ngayong dalawa ni Lean sa Central Hall para makita ang mga announcement na mangyayari bukas since first day of cosmic classes na ng araw na 'yon.

"Tignan mo 'to Lex.." si Lean. Lumapit ako sa kanya at tinignan 'yong tinutukoy niya.

-----

'Good Day TCI's Students!

POPULARITY Standings Update as of Today'

1) Gemini - 0 Starpower

2) Aries - 0 Starpower

3) Leo - 0 Starpower

4) Capricorn - 0 Starpower

5) Virgo - 0 Starpower

6) Taurus - 0 Starpower

7) Cancer - 0 Starpower

8) Scorpio - 0 Starpower

9) Pisces - 0 Starpower

10) Libra - 0 Starpower

11) Aquarius - 0 Starpower

12) Sagittarius - 0 Starpower

This standing will vary base on batch's overall participation. The highest and the second highest earner constellation will gain an EDGE in our upcoming star clash competition for the first semester. It includes numerous rewards and cosmytes as well.

Good luck students!

(Starpowers can be obtained during conduct of selected activities)

-----

'Popularity Standings? Bago 'to ah..'

"Ayos 'to pre oh, advantage sa Star Clash.." tukoy ni Lean sa Popularity Standings.

'Ano naman kayang edge o advantage 'yun?'

Inilipat ko sa ibang direksyon ang tingin ko para sana tumingin pa ng mga latest announcement.. Pero, wala naman ng nakalagay dito sa Central Hall maliban sa 'Popularity Standings' - puro lumang announcement na yung iba..

'Aishh! Ba't walang activities?!'

"Lex.."

Napatingin ako bigla sa likod ko nang may biglang tumawag sa'kin pero wala namang tao r'on..

Iginala ko sa iba yung paningin ko pero wala namang tao dito maliban kay Lean.

'Hindi boses ni Lean 'yon, sigurado ako..'

"Remember.."

"Hmmp--" napahawak ako bigla sa ulo ko.

'A-ang.. sakit..'

"Lex? Ayos ka lang?"

'S-sob..rang s-sakit..'

"Me?" Tanong nito na may nakangising tono.

"C-cas..t-tor..?" Nanghihinang tawag ko.

Narinig ko ang mga pagtawa nito at pagkatapos n'on ay bigla nalang nawala ang sakit ng ulo ko at 'di ko na ulit siya narinig.

"Uy pre, anong nangyayari sa'yo?" Nag-aalalang tanong ni Lean.

Ibinaba ko ang mga kamay ko at saka tumalikod.

"W-wala.. bumalik nalang tayo sa dormitory building.."

---Gaea's POV---

"Oh, gising ka na pala.."

Pilit kong itinayo ang kalahati ng aking katawan at sumandal sa unan sa likod ko.

"May masakit pa ba sayo?" Tanong sa'kin ni Zayah.

Halata sa mukha niya ang labis na pag-aalala kaya binigyan ko siya ng ngiti at umiling bilang tugon. Tumingin ako sa taas para tignan ang orasan at saktong malapit ng mag-nine ng gabi d'on.

"AH-nong OH-ras ak-OH na-NGA-tulog?" Nahihikab na tanong ko kay Zayah.

*YAWN~~*

*YAWN~~*

"Kanina pang alas-kwatro ng hapon.." sagot nito. Umupo ito sa sofa at naglabas ng pocket book.

Nagkukuskos ng mga mata akong tumango-tango sa sinabi niya at pagkatapos n'on ay kinuha ko si Chrome Chrome at binigyan si Zayah ng isang nagmamaka-awang tignin.

"Zayah.." Panimula ko habang yakap-yakap si Chrome Chrome.

"Hmm?" Tanong nito habang nagbabasa.

"Nagugutom ako.."

Sinara niya yung pocketbook na binabasa niya at tinaasan ako ng kilay. Binigyan niya rin ako ng tingin na para bang sinasabi niyang 'Anong gusto mong gawin ko?'

"Edi bumaba ka sa canteen.." wika niya at ibinalik ang atensyon sa binabasang libro.

'At kailan pa nagustuhang magbasa nito?'

'Parang kanina lang nag-aalala tapos.. hay nako, magsama sila ni Victor! Parehong mga may sayad!'

Kapag talaga nag-usap silang dalawa wala na sa mood 'tong babaeng 'to. Isang emotionless tapos isang bipolar.. kaya kung tutuusin ako nalang normal sa'ming tatlo eh.

'Hmm... May naisip na 'ko..'

Inilagay ko kunwari ang parehong kamay ko sa tiyan ko at umasta na parang masakit ito..

'In 3...'

'2...'

'1...'

'ACTION!'

"Aray! Ang s-sakit ng tiyan ko.." Daing ko habang nakatingin kay Zayah.

Binalingan ako nito ng tingin at binigyan ako ng naaawang mukha.

"Ay gan'on ba? Kawawa naman bebe ko.. wawa naman talaga.. gutom na ba bebe damulag ko?" may bahid nang pang-iinis at pang-iinsultong aniya.

'...'

'Tss..'

"Bahala ka na nga.." Nagtatampong giit ko.

"Kung ayaw mo edi wag.." dagdag ko.

Tumayo ako sa pagkakahiga at umastang lalabas ng dormitory.

"Joke lang 'to naman! Parang 'di ako kilala.."

Pumunta si Zayah sa may dining table at kinuha roon ang isang paper bag na may lamang pagkain.

"Oh ayan.." Sabay bigay nung paper bag.

"Nag-takeout ako ng ekstrang pagkain sa canteen kanina kasi alam kong magugutom ka pagkagising mo.." Pagpapatuloy niya.

"Pasalamat ka't libre ang pagkain dito.. Aartehan mo pa 'ko ah.." Nag-iinarteng dagdag niya pa.

'Ang sweet! kahit kanyang mukha'y kay pait! Hehe..'

"Baka kasi pag 'di pa 'ko nag-inarte kanina hindi mo pa ibigay sa'kin 'yan.." Natatawang sambit ko.

"Bipolar ka pa naman.." Dagdag ko pa habang mahinang bumubungisngis.

Binuksan ko yung paper bag na ibinigay sa'kin ni Zayah at kinuha r'on ang rice bowl na nasa box, parang Chao Fan yung datingan nito pero barbecue yung topings na wala sa stick..

'Kain po tayo guys..'

"Ikaw kasi eh! Porque tinanong ko lang yung kinakain mo sa canteen kanina nang-alaska ka na agad!"

O_O

'Yun lang ang dahilan ng pagmamaktol niya?! Ang babaw ah, hanggang kuko ko lang..'

"Oh sige sorry na.. at saka salamat dito.." Tukoy ko sa kinakain ko.

"Quits na tayo ah?"

Bigla niya 'kong binigyan ng nagtatanong at nagtatakang tingin.

"Anong quits yang pinagsasa-sabi mo?! At kailan kita ginawan ng atraso aber?"

'Dapat di ko na lang talaga ginatungan yung thank you ko eh.'

"Iniwan mo kaya akong mag-isa sa canteen n'un.." Pagdadahilan ko sabay inom ng tubig.

"Wala tuloy akong kasama nung naglibot ako.. Tapos muntik pa 'kong--"

'Aishh! Makakarma ka ring kulto ka kung sino ka man!'

"Muntik pa kong tamaan ng kung ano 'yung sumabog kanina.." Dagdag ko sabay subo ng kanin.

"Mabuti nga na hindi ako sumama eh.." Giit ni Zayah.

"Kung sumama ako sa'yo kanina at nagkataong tamaan ako nung bombang 'yun edi patay na 'ko ngayon diba?"

Tinanguan ko lang siya.

"Diba??" Mas madiing tanong niya.

"Oo na lang.."

Pagkatapos kong kumain ay nag-ayos na agad kaming dalawa ni Zayah ng mga bagay-bagay dito sa dorm at nagpunas na rin para raw makapagpahinga na siya.

'Pwera toothbrush, joke lang hehe..'

"Sana makatulog ka pa, ang haba na ng natulog mo kanina.." Ani Zayah.

"Kaya nga eh.."

"Kung gusto mo basahin mo na muna 'yung binabasa ko kanina.."

'So totoo pala talagang binabasa niya y'on..'

"Ano bang title n'un?" Tanong ko.

"Webster Dictionary." Natatawang sagot niya.

'Ayts.. thesaurus sana 'yung trip kong basahin e.'

"Char lang! Harry Potter 'yon.."

'Oh, Harry Pottah..'

"S-sige pahiram, para antukin ako.." saad ko.

Kinuha niya 'yung libro niya at ipinahiram 'to sa'kin.

"Ikaw na bahala d'yan ah, matutulog na 'ko.. Goodnight na!"

"Sige sige.. Goodnight din." Sagot ko at saka niya pinatay yung ilaw sa gawi n'ya.

'Let's begin..'

'It's LeviOsa, not LeviosA..'

'Wingardium LeviOsa...'

---Zayah's POV---

*KRINGGGG!!!*

*KRINGGGG!!!*

*KRINGGGG!!!*

*KRINGGGG!!!*

'Hello other world!'

*YAWN~~*

*YAWN~~*

Naghihikab akong bumangon at pumunta sa kusina para magtimpla ng kape at kumuha ng tinapay..

'Yum!'

dO_Ob

'G-gaea?'

Nagulat ako nang makita ko si Gaea na nakasandal sa upuan at halos maubos na ang kapeng iniinom niya.

'Wow, ang aga ah..'

"Ang aga mo atang nagising?" Tanong ko habang naghahalo ng kape.

Madalas kasing ako 'yung unang nagigising sa'ming dalawa. Kaya nagtaka ako ng onti ngayon, given na natulog siya kahapon.

'Wala lang, share ko lang..'

"Hindi kasi ako nakatulog.." Ani Gaea habang kumakain ng biscuits.

"Sabi ko na eh tsk.. tsk.. tsk.."

Kinuha ni Gaea yung libro kong Harry Potter sa mini table sa tabi n'ya at ini-abot sa'kin y'on.

'Natapos niya na siguro, maikli lang 'tong Sorcerer's Stone eh..'

"Ayan sa'yo na ulit.."

"Natapos ko na kagabi y'an.." dagdag pa niya.

Kumuha ako ng biscuits na nakalagay dun sa lamesa sa gawi niya at sinawsaw iyon sa kape ko.

'Hmmm! Ang sarap!'

Tumayo si Gaea sa pagkaka-upo nito at lumakad papuntang bintana. Isinandal niya ang parehong siko nito dito at tumingin sa kalangitan.

"Tignan mo 'yung labas Zayah.."

Sinundan ko siya at tumanaw rin sa taas habang bitbit ang kape ko..

Kahit medyo maliwanag na dahil madaling araw na, kitang-kita pa rin mula dito ang mga nagniningningang bituin na para bang nginingitian ka sa sobrang kinang nila.

'What a mesmerizing view! Big word!'

"Ang ganda ng view dito 'no?" Ani Gaea kaya napatango ako.

Iginala ko pa ang tingin ko at hindi ko rin talaga maiwasang hindi mamangha gaya ni Gaea sa nakikita ko ngayon..

"Alam mo ba na hilig namin ni mama ang mag-star gazing?" Pagku-kwento niya sa'kin.

"Hindi.." sagot ko.

"Kasi hindi mo naman sinabi eh.." dagdag ko pa.

'Tatanungin niya kung alam ko eh wala naman siyang kinukwento sa'kin.'

"Pshh.. sabi ko nga 'di mo alam.."

Humigop ako ng kape sandali at inilipat ang tingin sa mukha ni Gaea.. Halata mo ang lalim ng iniisip niya habang nakatingin sa taas.

'Malalim talaga as in, hanggang Earth's Inner Core..'

"Miss mo na Nanay mo 'no?" Pag-iiba ko at tumango siya.

"Ang sabi ni Nanay sa'kin, lagi niya 'kong babantayan kahit wala na siya sa tabi ko.." seryoso na may halong pangungulilang ani ni Gaea.

"Pero..." Napahinto siya sa pagsasalita.

"Pero?" Tanong ko sabay inom ng kape.

"Iba pa rin talaga kapag nasa tabi ko s'ya.."

Pagpapatuloy ni Gaea sabay higop ng kape niya.

'Hay nako, kawawa naman 'tong kaibigan ko..'

"Wag ka nang malungkot.." Panimula ko habang nakatingin sa kanya.

"Sasamahan kita kahit saan hanggang sa mabawi natin si Tita.." Nakangiti kong dagdag.

Binalingan ako ng tingin ni Gaea at binigyan niya 'ko ng isang makabuluhang ngiti.

"S-salamat.." Sincere at maluha-luha ang mga mata niyang pagpapasalamat.

'Gaea ah! Ang drama mo! Nakakainis ka!'

Pinahid ko ang mga luha kong nagbabadyang diligan ang sahig ng dorm namin at tumawa na lang para maibsan ang dramahang ito.

*KNOCK*

*KNOCK*

*KNOCK*

*KNOCK*

"Sino yan?" Sigaw ko d'on sa kumakatok sa labas.

"Si Victor 'to.."

'Ang aga naman atang mambulabog nito?'

Inilagay ko muna sa lababo yung baso ko at saka pinagbuksan ng pinto si Victor.

"Oh, nakabihis ka na agad?" Nagtatakang tanong ko.

"Seven nang umaga pasukan natin.."

"Kaya nga.." Sumilip ako sa orasan para tignan ang oras.

"4:23am palang ah.." Dagdag ko.

"Mag-ayos na kayo, lilibutin nating tatlo yung campus.." Wika niya.

'Tourguide? Hahaha..'

"Wow ah, eh kabisado mo na ba 'tong TCI?" Tanong ko. Tumango siya.

"Oo.."

dO_Ob

'Sa lawak nito nalibot niya ng isang araw? Husay ah.'

"Weh?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

"May mapa kasi. Tss.."

'Ah okay, sorry naman..'

'Wait, edi 'di nga niya kabisado? Psshhh..'

"Kumusta na nga pala si Gaea?" Pag-iibang tanong ni Victor.

"Ayun, maayos naman na.. back to normal.." Sabi ko sabay tingin kay Gaea na nag-aayos na pala.

'Narinig niya siguro si Victor na maglilibot kami.'

"Sige na bilisan niyo na para mahaba-haba yung oras natin.." Utos ni Victor sa'kin.

Pumunta na ako sa lababo para mahugasan na yung mga baso namin at makapag-toothbrush na rin.

"Hintayin ko kayong dalawa sa labas ah.." Malakas-lakas na sabi ni Victor.

"S-sige sige.." tugon ko habang naghuhuhagas ng baso.