---Zayah's POV---
"Ang sarap pala ng mga pagkain dito.." sabi ko kay Gaea habang kumakain ako ng tuna sandwich.
'So, halata naman sigurong nasa Canteen kami ng TCI no?'
Hindi ko talaga inaasahan na ganito kasarap yung mga pagkain nila dito. Mataas panaman standards ko pagdating sa pagkain..
Bulok kasi canteen namin dun sa former school ko eh kaya lagi akong may baon kapag pumapasok ako..
Yung tastebuds ko kasi, alam mo na, kasing level ni Gordon Ramsay..
'Joke lang! Pero joke lang din na joke lang..'
"Ano 'yang kinakain mo?" Tanong ko kay Gaea.
'Mukhang masarap din kasi eh.'
"Pagkain malamang." Sagot niya kaya napasimangot ako.
'Pilisopohan pala ang nais mo ah.'
Tinignan ko siya nang nakapangalumbaba at saka sinuri kunyari yung kinakain niya.
"Weh, lason yang kinakain mo eh." Pambabara ko sa kanya.
"Alam mo pala eh, tinanong mo pa kung ano 'tong kinakain ko."
'Aba! siraulo to ah!'
Hindi ko na lang pinansin yung sinabi niya at saka kinuha yung hawak niyang mukhang kebab, na nasa stick obviously.
Tinignan niya ako nang masama pero wala na siyang nagawa dahil kinagatan ko na 'yon.
'Ang sarap din nito!'
"Wala nanaman si The Walking Mens. Asan na kaya 'yun?" Pagiiba ko ng topic.
Ngumuso si Gaea sa likod ko at saka ako tinignan na para bang sinasabi niyang "lagot ka, buti nga sayo."
Tumingin ako sa likod ko at nakita ko ang blankong ekspresyon ni Victor.
'Oo, mukha siyang test paper na walang sagot..'
"S-sabi ko walking like a man!" wika ko.
Hindi niya ako pinansin at saka umupo sa katabing upuan ni Gaea.
'Okay, fine, whatever..'
Naglabas ng isang papel si Victor na kinuha niya sa kanyang bag at inilapag ito sa lamesa. Umiilaw ito na para bang nag-dodomino effect sa bawat salitang naka sulat doon.
'Ay wow! bet ko yung papel!'
"Magka-kaiba tayo ng schedule.." panimula ni Victor.
"Kada araw, six hours ang itatagal ng klase natin. Kung 'di ako nagkakamali, monday hanggang thursday lang."
"Kung magkakaiba tayo ng schedule, ibig sabihin magkaka-iba tayo ng classroom?" tanong ni Gaea.
Tumango si Victor sa kanya at saka naglabas ulit ng panibagong papel.
'Ang galing talaga nung papel..'
"S'an mo ba nakuha 'yang mga papel na 'yan?" May halong kyuryosidad na tanong ko.
Bumaling siya sa'kin gamit ang isang blankong ekspresyon ng mukha at saka nagsalita.
"Flyers lang 'to sa Central Hall kanina.." aniya.
"A-ah, s-sige.." Nasabi ko lang kaya binigyan niya 'ko ng nagtatanong na tingin.
"W-wala! sige na continue!"
Ibinalik nito ang atensyon sa papel na hawak niya at saka tumingin kay Gaea.
"Kailan birthday mo Gaea?" tanong ni Victor.
'May plano ba siyang regaluhan si Gaea?'
"July 26.." sagot nito.
"Ikaw?" Bumaling sa'kin si Victor na bahagyang ikinagulat ko.
'Para namang tanga, babaling bigla-bigla sa'kin..'
'Reregaluhan niya rin kaya ako? Eh ano naman kaya ireregalo niya?'
"J-january 14.." Nangingiting tugon ko.
"Tsss.."
'Psshhh! Ang init talaga ng ulo nito sakin!'
"Ang division kasi ng klase dito ay depende sa kung ano ang Astrological Sign mo.." panimula nito.
"Kung July 26 ang birthday mo Gaea ibig sabihin sa Batch ka ng Leo nakatalaga."
Dagdag pa niya.
Tumango-tango kaming pareho ni Gaea sa mga sinasabi ni Victor sa'min. Hindi naman ako stupid pagdating sa astrology. Kung tutuusin mahilig akong magbasa ng mga predictions nila.
"Ang bawat batch ay may kanya-kanyang building. Kaya, magkakahiwa-hiwalay na talaga tayong tatlo tuwing class hours." dagdag pa ni Victor.
'Hala! Edi ibig sabibin puro engkantong strangers kasama ko dun?!'
Nako! Nahihirapan pa naman akong mag-relax o mag-focus kapag naninibago ako... lalo na siguro kung wala akong kakilala r'on.
"Paano 'yun?!" Nag-aalalang wika ko sabay tingin kay Gaea.
"Ayokong mag-isa d'on Gaea huhuhu.. Dapat may kasama ako.." dagdag ko.
"Hindi ka naman mag-isa d'un, kasama mo rin syempre yung mga ka-star sign mo.." si Victor.
"Tssss... obvious naman e.. stupid.." pahabol pero pabulong na sabi ni Victor.
'Pero rinig ko pa rin!'
'Okay na 'yung unang sentence eh, kaso may pahabol pa talaga na stupid? Rebisco?! Rebisco ka girl?! May pasobra dahil special ako?! Epal ka talagang baog ka eh!'
'Hindi ko 'to kayang ipagsawalang-bahala lang, dahil una sa lahat, may isip ako. Pangalawa, matalino akong tao..'
'At pangatlo, HINDI... AKO... STUPIDDDDDDD!'
"Bobo ka ba!? Ang ibig ko kasing sabihin ay wala ako ni isang kakilala doon! Syempre school 'to alangan namang ako lang mag-isa sa classroom diba?! Edi top one na 'ko lagi! Ako pa 'tong sinabihan mong stupid eh ikaw nga 'tong walang common sense!"
'Yung puso ko grabe.. nakakagigil kasi eh!'
{🎧 Now Playing: You Need to Calm Down♬}
Narinig ko ang mga pagtawa ni Gaea pagkatapos kong sabihin y'on. Kunot-noo kong sinamaan ng tingin si Victor na blanko pa rin ang itsura at mukhang walang paki-alam sa mga sinabi ko kanya.
'Nakakainis talaga! Huhu..'
"Wag kang mag-alala.." wika niya.
"Capricorn din ako, December 28, kaya nasa i-isang building pa rin tayo.." pagpapatuloy nito at tumingin sa'kin ng diretso.
"Happy?" Sarkastikong dagdag niya.
'The hell I care!'
"Mas malas! Ayoko sa'yo!" Malakas na wika ko.
"Baog!" Pasigaw ko pang dagdag kaya napatingin sa gawi namin 'yung mga tao dito.
*LUNOK*
*LUNOK*
*LUNOK*
Dahan-dahan kong itinago ang mukha ko gamit ang buhok ko at tumungo ng bahagya paharap sa lamesa.
"Pinapahiya mo lang sarili mo.." Ani Victor. Napatingin tuloy ako bigla sa kanya.
"Tsss.."
Nag-make face ako sandali at saka tumayo na.
'Makapag-walk out na nga..'
"S'an ka pupunta?" Si Gaea.
"Babalik na sa dorm natin!"
'Hihintayin ko na munang mag-menopause 'yang lalaking 'yan..'
"Baka mainis ako nang sobra sa malansang dugong 'to at matusok ko pa nitong, n-nitong stick ng kebab!"
"Hmmmpf!" Sabay akmang sasaksakin si Victor. Pero joke lang syempre. Umalis na 'ko at saka tinapon 'tong stick sa basurahan.
---Gaea's POV---
Kung kailan naman gusto kong libutin 'tong TCI saka naman nawalan ng mood si Zayah na samahan ako. Si Victor naman nag-aabang ng mga announcement sa Central Hall para bukas.
Ang ending? Ako na lang tuloy mag-isa.
'Pero kaya ko naman siguro..'
So ayun, nandito ako ngayon sa hallway palabas ng Canteen para pumunta d'un sa lugar na nadaanan namin kanina bago kami kumain dito..
Napansin ko kasi na parang maraming libro d'un kaya gusto ko sanang bisitahin kanina. Kaso, nag-aya si Zayah na kumain na muna kami kaya hindi ko na rin napuntahan.
'Gutom na rin kasi ako ng mga oras na 'yon'
Kung hindi ako nagkakamali, Library ng TCI yung nadaanan naming 'yon.. malaki siya kung tutuusin at may pagka dome-shaped yung structure niya.
Habang naglalakad at naglilibot ako, hindi ko nanaman maiwasang hindi mamangha ulit. Oo paulit-ulit, pero ang ganda kasi talaga eh. Bawat sulok kakaiba, parang.. parang ang perfect..
'T-teka, ano na nga ulit yung daan papunta d'on?'
"Watch out!" Sigaw ng isang lalaki sa likod ko kaya napalingon ako.
*BAAGSSHHHHH!!!*
Nagulat ako nang may sumabog na sobrang lakas na bagay sa mismong gilid ko. Nangatog bigla yung mga tuhod ko sa gulat at napaluhod ng wala sa oras.
'A-ano.. y-yun..?'
"Gaea!"
'V-victor?'
"Gaea! Nasaktan ka ba?"
'S-si Victor nga..'
Napayakap ako sa kanya at napa-iyak sa sobrang takot na nararamdaman ko.
'N-naaalala ko n-nanaman.. naaalala k-ko nanaman..'
~~~
*BAAAGSSGHHHH!!!*
'Nay!'
'G-gaea, a-a..nak..'
'N-nay! B-bakit ka nila kinukuha?'
'G-gaea..'
'M-masakit--'
'N-nay, 'wag mo 'kong iwan..'
~~~
"N-nay, 'wag mo 'kong iwan.."
"Shhhh.. tahan na Gaea, malapit na tayo sa dorm niyo.."
"N-nay, 'wag mo 'kong iwan.. b-babalikan kita.."
---Zayah's POV---
"Zayah! Buksan mo yung pinto!"
'Bahala ka diyan, may sarili ka namang dorm eh..'
"Dali! Si Gaea!"
'Sus! Ginawa pa talagang dahilan yung best friend ko ah..'
"Bilis! Buksan mo na 'to!"
'Psssh.. magso-sorry nalang nagdadabog pa.'
Naglakad ako papunta sa pinto at pinagbuksan siya.
"Magso--"
'Oh my G!'
"Hala! Anong nangyari?" Tanong ko.
"Bakit umiiyak si Gaea?!"
"Mamaya ko na sasabihin, ihiga na muna natin siya.." wika ni Victor sa'kin habang dala-dala si Gaea.
Tinulungan ko si Victor sa paghihiga kay Gaea at sa pag-aayos ng kama nito.
Nang maayos na naming dalawa ang higa ni Gaea, umupo ako sa bakanteng espasyo ng pinaghigaan niya at sinuri ang kanyang mukha..
'Kawawa naman best friend ko..'
Patuloy lang siya sa pag-iyak habang nakapikit at pabulong na nagsasalita. Para siyang binabangungot at may kinakausap pero 'di ko naman maintindihan yung mga sinasabi niya.
"Ano ba talagang nangyari kay Gaea?" Tanong ko.
Iminom muna sandali si Victor ng tubig bago ako sinagot.
"May lalaki kasi kanina na parang nagpasabog ng kung anong bagay na muntik ng tumama sa kanya.." Pagpapaliwanag niya.
"N-nagpasabog?"
Tinanguan niya 'ko at saka kinuha yung body bag niya.
"Ikaw na muna bahala kay Gaea.." ani Victor habang ina-adjust yung body bag niya.
"Babalik na muna ako sa dorm ko." dagdag niya pa.
"S-sige.." sagot ko at saka siya tuluyang umalis.
Kumuha ako ng lampin sa cabinet na bahagya kong binasa at dahan-dahan kong pinunasan ang mukha ni Gaea na basang-basa na ng pawis.
"Anong problema Gaea?" Bulong ko kahit alam kong hindi naman niya 'ko maririnig.