Chereads / Marrying My Obsession / Chapter 20 - CHAPTER 18

Chapter 20 - CHAPTER 18

(THE WEDDING DAY)

ELVIRA'S POV

HINDI KO ALAM kung anong mafe-feel ko ngayong nasa harap na ako ng malaking salamin suot ang wedding gown ko.

Halo halong emosyon ang nararamdam ko habang tinitignan ang akin sarili.

I did not expect that at the young age, I will get married now with the man I love the most. Yet he said that he's not learning how to love me and I am patiently waiting for the right time for him to finally love me back.

"You are really beautiful, bestie." Sabi ni Cindy na nasa tabi ko at naiiyak na rin.

"Soon ikaw naman." Sabi ko kaya natawa siya ng bahagya.

Nakasuot siya ng red na dress na siya mismo ang pumili.

Wala pa nga palang nakaka-alam na ikakasal ulit si Dad. Kahit ako nga ay di pa alam kung kailan ang kasal nila dahil kaka-propose lang ni Dad kahapon.

Nasa bahay kami ngayon at si Jax ay nasa kanila. Malayo kami sa isa't isa simula pa kahapon ng gabi. May pamahiin kasing pinaniniwalaan ang nanay ni Jax kaya sinunod na lang namin.

Tinignan ko pa ulit ang sarili ko at napangiti.

I looked so stunning and beautiful with this white gown. Plus my makeup and my hairstyle.

My hair color is now blending to each other because of my hair style. And mas napaganda pa ng kulay ng buhok ko yung hairstyle na ginawa sakin.

"Tara na. Ilang minuto na lang. Nasa simbahan na daw sila." Sabi ni Cindy kaya kinabahan na ako.

Tumango naman ako at inalalayan ako ng mga nag-ayos sakin para makalabas kami. Nasa sala lang kasi kami nag-aayos since mahihirapan kapag bumaba pa kami.

"Here hold you flower bouquet." Inabot naman sakin ni Cindy yung flower ko kaya hinawakan ko na iyon.

May hawak ring flower si Cindy. Pati mga brides maid sa simbahan ay may hawak rin ang mga yun.

Paglabas ng gate ay may sasakyan ng naghihintay sakin. White limousine iyon and may flower rin sa harap nun which is parang sign na bride ang nasa loob nun.

"Mauuna na ako sa simbahan. Aalis na itong sasakyan mo in just a minute. Mauuna lang ako." Sabi niya kaya tumango ako.

May bigla naman siyang inabot na photo album.

"Para di ka mabagot. My gift for you. Iba pa ang regalo ko para sa inyong dalawa." Pahabol niya pa bago umalis.

Nang makaalis siya ay binuksan ko yung album.

Unang bumungad sakin ay isang pink na envelope na nasa loob nun kaya hinugot ko iyon sa pinaglalagyan at binuksan para basahin.

Dear Elvira my bestie,

Kailan lang ay nanggulo ka sa rooftop. Nagpapahangin ako doon at bigla kang papasok para lang kumausap ng hangin....

CINDY'S POV

Nakikinig ako sa music dahil lunch time pa naman. And nandito ako sa rooftop para magpahangin.

Kaso may panira.

Nagtataka ako kung bakit ka nasa rooftop nung araw na iyon. Umiiyak ka rin.

Nanlaki ang mata ko ng sumampa ito sa harang na semento. Pero buti na lang at umupo lang siya doon.

"Mom, naririnig mo po ba ako?" Pagkausap niya sa sarili niya habang nakatingin sa langit.

Nalungkot ako nang marinig ang mga salita na una mong sinabi habang nakatingin sa magandang kalangitan. Nalungkot ako kasi gaya mo ay wala rin akong magulang.

Pero magkaiba rin pala tayo kasi ikaw nakasama mo magulang mo ako naman hindi.

"Masama po ba talaga akong tao? I mean opo alam kong panget ang ugali ko kasi brat ako gaya ng sabi ng mga tao sa paligid. Pero... Sumobra na po ba ako ngayon?" Tanong niya.

Kung ako ang tatanungin, di ko maisip na ganun pala ang ugali mo. Dahil nakita ko mismo na mahina ka nung araw na iyon.

"Nasanay po kasi ako, Mommy eh. Nasanay akong hindi na pumipila at wala namang nagrereklamo. Siya lang talaga. Pinatid niya pa nga ako eh. Siya naman ang nauna eh."

Gusto ko matawa dahil sa narinig ko sayo nun na dahil lang pala sa pagpila sa cafeteria ay may naka-away ka pa.

"Alam ko po sa sarili ko na hindi talaga maganda ang ugali ko. Wala akong kaibigan at si Dad lang ang kasama ko ngayon. Maldita rin ako at hindi nakikipag-socialize. Judgemental rin ako. Pero never naman po akong nakipag-away eh. Ngayon lang naman po di ba? Pero bakit ganun siya? Ang sakit ng mga sinabi niya sakin."

Halos malaglag ang puso ko sa kaba nung muntik ka pa malaglag pero buti at na-balance mo.

Hindi ko na natiis nun at nilapitan kita.

Mas lalo di ko inaakala na yun pala ang araw na umpisa ng pagkakaibigan natin. Hindi ka nga talaga masamang babae gaya ng sabi sayo ng kung sino noon.

Dahil ako mismo ay naranasan kong makasama ka. Sa maikling panahon nakilala kita ng lubusan. Oo may attitude at brat ka pero malambot naman ang puso mo.

"Hello kids! Ate Elvira is here and I have an announcement for you! My dad will donate a lot for you to have a good health and a lot a foods! Magdodonate rin kami ng mga toys para sa inyo!" Sabi niya kaya napasigaw naman sa saya ang mga bata.

Nung araw na pumunta ka sa ampunan dala ang magandang balitang iyon, doon ko na talaga na kumpirma na mabait ka talaga di lang halata sa una pero kapag nakilala ka na ng isang tao ay malaking pagbabago ang makikita nila sayo kahit wala naman talagang nagbago.

Sobrang saya ko nung maging kaibigan kita at nagtulungan tayo sa lahat ng bagay.

Tapos ito ka na ngayon ikakasal ka na. Pero di ko naman in-expect na ikakasal ka sa lalaking naka-away mo nung araw na nagkakilala tayo.

Bilib rin ako sayo eh, nang-agaw ka pero nasa tama naman. Alam mo yung bago ka kumilos ay naghanap ka muna ng butas. And lumabas nga na yung babae pala ang unang nagkaroon ng kasalanan sa kaniya.

Iba talaga kapag na-in love eh ano? Lahat gagawin para sa taong iyon. Pero iba yung case mo eh, na-obsessed ka in a right way naman.

Yun lang ang gusto kong sabihin sa sulat na ito. Ayoko kasing sabihin ito mamaya sa reception eh kasi hahaba lalo kaya dito na lang yung iba.

By the way, salamat sa pagtanggap mo sakin bilang bagong mapapangasaw ng Dad mo.

Sorry nagmahal lang ako. Hahaha.

Pero wala kang dapat ipag-alala, aalagaan ko ang Dad mo. Laking pasasalamat ko pa nga kasi akala ko ay ipagtatabuyan mo na ako dahil sa nagawa ko.

Pero iba pala.

Sana magtagal pa ang pagkakaibigan natin. At walang awkward feelings dahil lang magiging step mother mo na ako at magiging step daughter naman kita. Wag na lang natin isipin na ganun na tayo ngayon, isipin lang natin na tayo pa rin yung matalik na magkaibigan.

Mahal na mahal kita bestie, sana maging masaya ka sa naging desisyon mong ito sa buhay. I am always here for you and support you kahit sa ano pang bagay na darating sa buhay mo.

Congratulations!!!

Sincerely yours,

Cinderella (minsan

lang yan nawala

angas ko sa

pangalan ko)