Chereads / Marrying My Obsession / Chapter 21 - CHAPTER 19

Chapter 21 - CHAPTER 19

JAX'S POV

Kinakabahan na ako simula pa kanina. Ngayon ay tapos na akong ayusan at inaantay na lang ang pagalis ko papunta sa simbahan.

"Kumalma ka nga, Agustus at ako'y nahihilo sa kalalakad mo." Pagrereklamo ni Nanay.

"Nay, ayos naman na itsura ko di ba?" Pagtatanong ko.

"Paulit ulit ka naman. Oo nga gwapo ka nga. Wag ka na makulit." Tila ba napupuna na si Nanay dahil sa paulit ulit kong pangungulit kanina pa.

"Tara na nandyan na ang maghahatid satin sa simbahan." Pumasok naman si Tatay na gwapong gwapo sa suot niyang maroon na suit.

Lumabas na kami ng kubo at nagsigawan naman ang mga kapitbahay namin.

"Ang gwapong binata talaga."

"Di na binata yan! Ikakasal na nga oh!"

"Napaka-swerte ng mapapangasawa niya sa kaniya, masipag ang magiging asawa niya."

"Papa Jax! Ang pogi mo!"

"Di na kita mai-ma-mine niyan!"

"Picturan mo dali ang pogi!"

"Mapapanood namin kasal mo sa TV jusko!"

Sari-saring sigawan ang naririnig ko kaya napapangiti ako.

Kanina pa nga rito may camera at bini-videohan ang pagaayos ko. Yun pala ay naka-live pala at diretso na sa TV.

Di ko kasi in-expect na kapag ikinasal pala ako sa heiress ng isang malaking clan sa Spain ay ganito ang kalalabasan.

Sumakay na kaming tatlo nina Nanay at Tatay sa sasakyan at umandar na ito paalis, papunta sa simbahan.

Pagdating sa simbahan ay mas rumami ang camera na nagiintay samin.

Pagbaba naming tatlo ay sunod-sunod na flash at click ng camera ang maririnig sa paligid.

"Here comes the groom." Nasa malayo pa lang rinig na rinig na yung boses ni Reem.

Lumapit na kami doon at napangiti naman yung mga kaklase namin.

Maya-maya lang ay dumating na si Cindy.

"Parating na siya. Start na in 20 minutes." Sabi niya kaya nag-ready na yung mga camera na magvivideo sa loob.

Ako naman ay nakaramdam na ng kaba. Simula pa kagabi ay hindi ko pa nakikita si Faye. Natawag siya para makausap ako pero hanggang tawag lang.

Hindi ako mapakali kaya nilapitan ako ni Mr. Elviro.

"Relax. Wag ka masyadong kabahan. Just enjoy your day and don't pressure yourself." Sabi nito.

"Yes sir, thank you so much." Sagot ko.

"Sir? Ikakasal ka na sa anak ko't lahat lahat, sir pa rin ang tawag mo sakin. I'm hurt." Natawa naman ito kaya ganun din ako. "Dad na lang ang itawag mo sakin. Mas okay na yun."

"Sige po... Dad." Sagot ko at napangiti naman siya.

We do a manly hugged and nagready na.

"She's coming." Sabi ng event organizer kaya pumwesto na kami para sa entourage.

HINDI KO ALAM kung anong mararamdaman ko habang iniintay ang pagbukas ng pinto ng simbahan.

Ramdam ko kasi na nasa likod nun ay ang bride ko.

Wala sa sariling inilabas ko ang phone ko at binuksan ang cam ko nang marinig ang pagbukas nun.

Para akong maiiyak sa tuwa nang makita siya na papasok na sa simbahan, suot ang magandang white wedding gown niya.

Nasa tabi niya ang Dad niya na nakangiti rin.

I unconsciously took a picture of her many times.

Nang nasa harap ko na siya ay doon ko lang malinaw na nasilayan ang maganda niyang mukha na nakangiti.

Hindi ko alam kung paanong hindi nasira ang makeup niya pero I don't care even though she's not wearing a makeup or nasira ang makeup niya, she's still beautiful in my eyes.

Lumapit ako sa kanila at inabot ni Dad ang kamay ni Faye sakin.

"Take care of my unicahija. If the time will come that you can't understand her anymore, just give her back to me because I can understand her anytime. If she cried because of you, malalagot ka sakin." Bilin ni Dad.

"That will never happen po... Dad." Sabi ko kaya ngumiti ito at ibinigay na ang kamay ni Faye sakin.

I looked at her and she's crying again kaya kinuha ko ang panyo ko at inilusot sa veil ang kamay ko para bunasan ang luha niya.

"You're really beautiful." Sabi ko kaya ngumiti siya lalo.

"And you are the most handsome man for me, only for me and only mine." She said kaya nginitian ko rin siya.

Naglakad na kami papunta sa altar at inayos ko rin ang mahabang veil niya para hindi masyado mabigat for her.

Muli ko pa siyang tinignan bago magumpisa ang ceremony.

"HINDI KO alam na darating ang araw na ito sa buhay ko. Having you in my life is best thing happened and will happen to me. There's a lot of change happened between us and I did not even noticed that. We started as an enemy who always want to be the number one in our class and now here you are in front of me, in front of many people and in front of god, marrying me. Please always stay with me and understand my attitude because sometimes I am being a brat who always wanna get what I want.

In the name of God, I, Faye Elvira La Cuesta, take you, Jax Agustus De Avila, to be my husband, to have and to hold from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and health, to love and to cherish, 'till death do us part. This is my solemn vow."

"DON'T WORRY because I will always stay by your side anytime you need me and even you don't. Kahit ako ay hindi ko naisip na ikakasal ako balang araw. Lalo na't hindi ko rin naisip na ikaw lang pala iyon. Nangarap akong magtayo ng sarili kong kumpanya noon na hindi iniisip na may makakasama akong babae habang tinutupad iyon, pero nung dumating ka ay nararamdaman kong kaunti na lang ay matutupad na iyon. Pangako ko sayo na mamahalin kita at aalagan sa araw-araw na tayo'y magkasama. And I will do everything for our future family.

"In the name of God, I, Jax Agustus De Avila, take you, Faye Elvira La Cuesta, to be my wife, to have and to hold from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and health, to love and to cherish, 'till death do us part. This is my solemn vow."

We exchanged our vows together while we are crying. We exchanged our rings that will symbolize our marriage. And I am so happy that this event is happening to me.

"You may kiss the bride."

Sa wakas pinakahihintay ko at pinakahihintay ng lahat.

"Wuuuhh!! Sana all!"

"Kiss-kiss-san na!"

"Edi wow!"

"Sabaok!"

Sabay kaming natawa dahil sa samu't saring sigawan ng mga kaklase namin.

Itinaas ko na ang veil na tumatabing sa maganda niyang mukha at pinunasan ang mga luhang kanina pa bumabagsak mula sa magaganda niyang mata.

Masuyo kong hinawakan ang pisngi niya at lumapit para masuyong halikan ang mga labi niya.

It feels so nice, that we are now officially married to each other and soon, having our own family.

ELENA'S POV

"Kahit ako ay hindi ko naisip na ikakasal ako balang araw."

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko nang marinig iyon mula sa lalaking minsan kong minahal.

"Nangarap akong magtayo ng sarili kong kumpanya noon na hindi iniisip na may makakasama akong babae habang tinutupad iyon."

Ni-hindi ko nga alam na may pangarap pala siyang binubuo at sa pangarap na iyon ay hindi manlang ako kasama.

Masakit sa part ko kasi alam ko sa sarili ko na hanggang ngayon ay mahal ko pa rin siya.

Pero ito ngayon nakikita ko siyang hinahalikan ang babae sa harap ng maraming tao, yung babaeng kahit talampakan nito ay hindi ko maabot.

"Uwi na tayo?" Tanong ni Caloy sakin.

"Bukas na. Tapusin na lang natin hanggang sa reception. Invited rin tayo eh." Nakangiting sagot ko kaya tumango siya.

Oo nagloko ako, pero sising-sisi na ako ngayon. Pero huli na ang lahat. Sobrang huli na ang lahat.