ELVIRA'S POV
PAGUWI NAMIN galing sa N Seoul Tower ay agad akong nag-shower at para makapagpalit ng damit.
May mga matchy outfits na nilagay sina Dad dito sa closet kaya naisip ko na yun na lang ang suotin namin.
"Love?" Pumasok naman si Jax habang nakasuot pa ako ng bathrobe at natingin ng matchy pajamas.
"Hmm?"
"Nothing. I just wanna hug you." Sabi niya at biglang yumakap sakin mula sa likod ko kaya natawa ako ng mahina.
"Maligo ka na doon. Gusto ko itong matching pajamas ang suotin natin." Sabi ko at pinakita ang pajamas.
"Cute. Wait for me maliligo lang ako sabay na tayo bumaba." Sabi niya kaya tumango ako.
Dali-dali naman siyang tumakbo dala ang pajama papunta sa banyo.
Ako naman ay sinuot na yung sakin.
Maya-maya lang ay tapos na siyang maligo.
Natawa pa kami sa isa't isa.
"Picture tayooo." Excited na sabi ko.
Kinuha naming dalawa ang cellphone namin at nag-picture. At pinost sa IG.

Matchyyy🤭 (ELVIRA'S POST)

Cutie, lovely, baby💘🌺 (JAX'S POST)
After namin magpost ay bumaba na kami dahil 15 minutes na lang ay new year na sa Pilipinas.
Kinuha ko yung laptop at ni-connect sa TV sa sala namin.
Kumuha rin si Jax ng isang bote ng champagne para buksan iyon mamaya.
"Hiii!" Bati ko nang sagutin nina Dad at Cindy ang call.
"Hello! Jax's parents are here also." Sabi ni Dad at pinakita ang parents ni Jax.
"Hi, nay! Tay!" Bati namin ni Jax.
"Wow! Cute! Pareho kayo ng suot!" Kinikilig na sabi ni Nanay.
"Cute di ba, Nay?" Proud na sabi ni Jax at pinakita pa ang outfit niya.
"Oo." Natatawang sagot nito.
"Si Cindy po?" I asked.
"Ah naliligo lang daw muna siya. Pababa na rin yun." Sagot ni Dad kaya tumango ako.
Maya-maya lang ay bumaba na ito at nakangiting kumaway samin kaya kumaway rin ako.
Nakita ko na pareho rin sila ni Dad ng suot pero simple lang. Ganun din ang parents ni Jax.
After some minutes at nag-countdown na ulit kami para salubungin ang new year ng Pilipinas.
"HAPPY NEW YEAR!!!" Sigaw naming lahat at saktong pagbukas ng champagne na hawak ni Dad at ni Jax.
Nagulat pa nga ako eh.
Nilagyan ni Jax ang champagne glass namin at nag-cheers kami.
Kumain kami ng luto namin at ganun din sina Dad.
Tumawag rin kami doon sa Cebu para batiin sina Tita at Tito pati na rin ang kambal.
After celebrating new year ay pumunta na kami sa kwarto para matulog dahil feeling ko ang haba ng new year namin dahil dalawang beses namin sinalubong.
NASA KAMA kami at nakayakap lang ako kay Jax dahil kagigising lang namin.
Tanghali na rin at parang nakakapagod umalis ngayon, and uuwi na rin kami mamayang 5pm and 12pm na kami nagising.
"May pasok na tayo bukas." Nakangusong sagot ko.
"Kaya nga eh." Sagot rin niya.
"What if mag-transfer na lang tayo dito?" Tanong ko pero mahina ako nitong pinalo sa braso kaya natawa ako.
"Mahal ang tuition fee dito." Sagot niya pa.
"I can afford that pero di pala ako marunong mag-Korean. Mahihirapan rin ako."
"Exactly."
Umupo ako sa higaan at biglang parang gusto ko ng something sweet na kainin. Simula bata ako ay mahilig na talaga ako sa matamis kaya di na ako nagulat ngayon na nagc-crave ako sa matamis.
"May mga natira pa ba sa ginawa mong maja kagabi?" I asked.
"Oo meron pa sa ref. May spaghetti, biko at maja pa." Sagot niya.
Yun lang ang niluto niya kasi dalawa lang kami ang kakain sayang naman daw kung di maubos.
And sakto lang rin ang pinag-grocery namin at paubos na rin ang mga yun ngayon.
"I want mochi." Sabi ko.
"Mochi? Ubos na yun eh. Inubos mo." Sagot niya kaya napanguso ako.
Kinuha ko ang phone ko at tumingin ng ingredients kung paano yun gawin in an easy way.
Nang may mahanap ay pinakita ko yun kay Jax.
"Okay, I'll make some."
"Yayy! Ice cream yung ilagay mo sa koob ah. May natira pang strawberry ice cream doon and strawberries, yun na lang gawin mo." Excited na sabi ko at tumayo na at tumakbo sa banyo para maligo.
Si Jax naman ay gagawa daw muna nun.
Nang matapos akong maligo ay agad akong bumaba.
"Tapos na?" I asked nang makasalubong ko si Jax.
"Yeah. Ilagay muna natin sa ref para mas masarap." Sagot niya kaya tumango ako.
"Maligo ka na doon." Sabi ko dahilan para amoy-amoyin niya ang sarili niya.
"Di pa naman ako mabahi ah." Sagot nito kaya natawa ako.
Lumapit ako sa kaniya at tumalon para makarga niya ako. Agad rin naman niya akong sinalo at hinawakan para di ako malaglag. Pinalibot ko rin ang mga paa ko sa bewang niya.
Yumakap ako sa leeg niya at binaon ang mukha ko doon.
I don't know but I just love it when he's carrying me.
"Baby damulag." Natatawang aniya pero ngumiti lang ako.
Medyo lumayo ako sa kaniya pero di pa rin ako bumababa.
Naglakad naman siya at umupo sa sofa kaya nakakandong na ako.
"Why are you so handsome?" I asked while caressing his face.
"Crush mo nanaman ako." Pabirong anito.
"No. I love you. Magkaiba ang love sa crush." Sagot ko at hinalikan ang ilong niya.
Alam mo yung kapag nakita mo siya sa unang beses di mo aakalaing nagsasaka lang siya noon kasi gwapo siya, matangkad, tapos matalino pa, ang ganda ng ilong, pati na rin yung jawline niya. Sa kulay niya noon, jinudge ko agad siya kasi moreno siya noon eh.
Pero ngayon ang laki ng pinagbago ng kulay niya. Di ko alam kung kailan pa siya pumuti pero basta iba na ang kulay niya ngayon.
Hinawakan ko ang buhok niya at hinawi hawi iyon.
"Inaantok ako dahil sa ginagawa mo sa buhok ko." Sabi niya.
Tinignan ko naman ang mata niya at medyo bumabagsak na nga.
I smirked.
Gumalaw ako sa lap niya dahilan para magising siya at pandilatan ako.
I just laughed and continued what I am doing on his lap.
"Stop it." Sabi niya.
"Di ba inaantok ka na?" I asked to teased him more.
"Hindi na. Tumayo ka na diyan." Sabi niya pa kaya umiling ako. "You are doing this on purpose." He added.
"Yeah? Maybe? I want a daughter." Sabi ko kaya tinaasan niya ako ng kilay.
"2 years–"
"No I don't want to. Teka baka I'm pregnant na. Pa-check up na kaya tayo." Kinakabahang sabi ko.
Ilang beses na kasi may nangyari samin eh tapos panay pa ako inom this past few days.
"Bibili na lang muna ako ng pt." Sabi niya at akmang tatayo pero pinigilan ko siya.
"Tumatakas ka lang eh." Sabi ko at bumaba at lumuhod sa harap niya.
Hinawakan ko ang shorts niya pero hinuli niya ang kamay ko.
"No. Hindi mo gagawin yan. Tayo diyan."
"But why? Ginagawa mo nga sakin tapos ako hindi."
"No. Wag na makulit. I'm gonna do the work and you... Just enjoy it." Huling sabi niya before he takes me again in our couch.
NAKAPAG-BIHIS NA AKO at handa na kaming umuwi ng Pilipinas.
Ngayon ko lang rin nakain ang mochi ko pero okay lang yun.
Hindi na namin dinala yung mga gamit namin gaya ng mga damit namin at mga essentials na nabili namin.
Nasa backpack na ni Jax yung laptop, camera and photo album namin. Pati na rin ang wallet namin ay nandoon sa penthouse. Ang dala lang namin is yung keycard.
"Tara na. Nasa rooftop na daw ang chopper." Sabi ni Jax kaya tumango ako at tumayo na sa kinauupuan kong couch.
Maikling panahon lang ang pag-stay namin dito pero sisiguraduhin ko na makakabalik pa rin kami dito ng masaya at maybe kasama ng anak namin.
I'm excited na dumating ang araw na iyon.