JAX'S POV
TODAY IS MY BIRTHDAY!!!
And today is also Dad's birthday (Faye's father).
When I woke up ay mahimbing pa ring natutulog si Faye.
I kissed her forehead bago ako bumangon at lumabas ng kwarto. 8am pa lang naman kaya tulog pa rin si Faye.
This past few days ay napapahaba ang tulog niya at tatlong beses pa nga minsan natutulog sa isang araw. Minsan higit pa sa tatlo.
Pagbaba ko ay nasa sala na si Dad at nagkakape.
"Happy birthday, Dad." Bati ko.
"Happy birthday to you too. Shall we cook our wife's breakfast first?" Tanong niya kaya tumango ako.
We made different breakfast bago umakyat ulit sa room para makakain yung dalawang mag-best friend.
"Love? Wake up, have some breakfast first and you can go back to sleep." Sabi ko.
Dahan dahan itong nagising at umupo.
"Here. Drink some milk first." Sabi ko at nilapit ang baso sa kaniya pero lumayo siya at nag-iba ang itsura niya. "Why what's–Faye! Hala, bakit?!" Gulat na tanong ko nang bigla itong tumakbo papunta sa banyo namin.
I can hear her vomiting so inamoy ko yung gatas. Hindi naman amoy panis. Di rin lasang panis nang tikman ko.
Nilapag ko muna sa side table yung dala ko at pinuntahan siya.
Dumuduwal pa rin siya kaya hinimas himas ko ang likod niya. Kapagkuwan ay tumigil rin siya at nanghina kaya umupo ako sa tabi niya para maalalayan siya.
"Ilayo mo sakin yun, ang baho." Sabi niya kaya nagtaka ako.
"Hindi naman eh." Sabi ko.
"Ang baho nga amoy panis." Sabi niya pa.
"Pero tinikman ko at inamoy ko di namab amoy panis. Tsaka kakatimpla ko lang nun." Sabi ko pa.
Tinignan niya ako at inamoy, kumunot naman ang noo niya.
"Pati ikaw ang baho mo. Kainis naman eh!" Tumayo siya at umalis. Narinig ko rin ang kalabog ng pinto.
Inamoy ko naman ang sarili ko at hindi naman ako mabaho. Amoy na amoy ko pa rin nga yung body wash na ginagamit ko kapag nagha-half bath bago matulog eh.
Pero since sabi niya, naligo na lang ako at hindi na muna ginamit yung body wash na lagi kong ginagamit. Body soap na lang muna ang ginamit ko.
Sinigurado ko pa nga na nagkiskis ako at walang libag na matitira.
Paglabas ko ng banyo ay di pa rin siya nabalik. Napatingin ako sa side table, kahit papano napangiti ako nang makitang wala na doon yung plato na may lamang homemade mochi na ako mismo ang gumawa. Inubos ko na lang yung gatas kasi sayang naman.
Pagbaba ko ay nanonood na ito sa sala kasama si Cindy at tatawa tawa na sila.
Pero nang mapalingon ito sakin ay inirapan ako agad nito.
Nang makita si Dad na kakapasok lang galing yata sa labas ay agad akong lumapit.
"Dad, may nagawa ba akong mali? I mean nagagalit kasi yata si Faye sakin." Sabi ko.
"Aba ewan ko. Wala naman yata kayong pinagawayan kagabi di ba?" He asked.
"Wala naman. Tsaka nagalit rin siya kasi amoy panis daw yung gatas na tinimpla ko." Pagsusumbong ko pa.
"Paano naman nangyari yun?" Tanong rin niya kaya nagkibit balikat na lang ako.
"JAX!" Sigaw ni Faye kaya agad akong lumapit sa kaniya. "Nasaan na yung gatas?"
"Ha?"
"Yung gatas sabi ko, nasaan na?"
"Inubos ko–"
"Bakit mo inubos?!!" Galit na tanong nito.
"Kasi sabi mo mabah–"
"Epal." Sabi nito.
"Igagawa na lang kita u–"
"Hindi na! Hindi ko na kailangan!" Sigaw nanaman nito.
Anong problema niya?
"Ano bang gusto mo para di ka na magalit?" I asked.
"Get lost." Bulong nito.
"Ha?"
"I said get lost! Get out! I don't wanna see you!" Sigaw niya na lalo kong ikinataka at ikinatakot.
"P-pero–"
"ALIS NA! PUMUNTA KA SA KOREA PUMITAS KA NG STRAWBERRY DOON! DAPAT IN 10 MINUTES NAKABALIK KA NA!" Sigaw nito na ikinalaglag ng panga ko.
"SERYOSO?! Halos dalawang oras kaya ang byahe papunta sa Korea–"
"Nagrereklamo ka?!?!"
"Hindi–"
"OH EDI ALIS NA! Bilisan mo gusto ko ng strawberry! Yung kakapitas lang!"
"Pero di pa yata araw ng pamimitas ng strawberry–"
"Nagrereklamo ka nanaman?!"
"Hindi. Ito na nga eh aalis na–"
"BILISAN MO!"
"OO NA!"
"Sinisigawan mo ako?!"
"Hindi. Sorry." Kalmadong sabi ko at naglakad na palabas.
"HOY! ISAMA MO SI DAD!" Sigaw pa nito.
"Ha? Bakit ako? Nanahimik– ito na. Ito na. Sasama na." Magrereklamo pa sana si Dad kaso sinamaan na siya ng tingin ni Cindy.
"BILISAN MO ELVIRO! UMALIS NA KAYO! GUSTO KO NG SNOW GALING SA KOREA!" Pahabol pa ni Cindy.
"Ano?! Sa pagkakaalam ko summer pa sa Korea. Kaya walang snow–"
"Maghanap ka ng paraan. Basta gusto ko ng snow." Pagdedemand rin nito.
"Alis na tayo, Dad bago pa ulit sila mag-request ng mahirap hanapin." Sabi ko kaya tumango ito.
"JAX GUSTO KO..."
"ELVIRO DI PA AKO TAPOS..."
Tumakbo na kami palabas at palayo sa bahay na iyon.
"Pupunta ba tayo ng Korea? Pero di pa strawberry season doon."
"Mas lalo namang di pa winter doon." Sabi rin ni Dad.
"May strawberry bang mahahanap ngayon?"
"That's not impossible. Wait, I will just call someone to get me some strawberries. Bahala na kung magalit si Cindy sakin. Walang snow eh. Ang init pa nga eh." Sabi nito kaya natawa ako ng bahagya.
Naglakad lakad na muna kami papunta sa labas ng village.
Nang bigla ay nakita namin si Nanay, Tatay, sina Tito at Tita ganun rin ang kambal.
"Kuya Jax!" Sigaw nung dalawa at tumakbo.
Lumuhod ako para salubungin sila ng yakap.
"Kamusta?" I asked.
"Okay lang naman po, Kuya Jax. Enjoy na enjoy po kami ngayon kasi po ang dami na po naming laruan." Sabi ni Lori.
"Good to hear that."
"Bakit po ikaw nandito? Nasaan po si Ate Elvira?" Lora asked.
"Nasa bahay. Lumabas kami kasi nagagalit sila eh. Nagpapahanap nga ng bagong pitas na strawberries eh. Tapos yung isa naman snow sa Korea ang gusto." Nakangusong sabi ko kaya natawa si Nanay at si Tita.
"Wait, Jax nasa labas na daw yung pina-deliver kong strawberries. Galing pa sa ibang bansa, kaya lanh di sa Korea. Pero pareho lang namang strawberry yun. Pero ako?? Huhuhu, lagot ako nito." Nagiiyak-iyakang sabi ni Dad kaya natawa ako.
"Thank you po. Babawi ako next time." Sabi ko pero ngumuso lang ito.
Inabot ko kay Nanay ang strawberries para ipaabot na lang kay Faye. Magiikot ikot na muna kami ni Tito para pagbalik namin ay malamig na ang ulo nila.
Nagkakape kami sa malapit na cafe at ilang oras na rin yata kami dito. Nakakailang order na nga ako ng cheesecake eh.
Umorder na rin ako for Faye para may iuwi ako.
Napatalon pa kami ni Dad sa gulat nang mag-ring ng sabay ang cellphone namin.
"Hello?"
"HOY JAX NASAAN KA?! NAMBABABAE KA BA?! UMUWI KA DITO LAGOT KA SAKIN! PIPINGUTIN KITA! PUPUTULIN KO YANG PAGKALALAKI MO KAPAG AKO PA SUMUNDO SAYO KUNG NASAAN KA MAN! BILISAN MO! GALA KA NG GALA! BIBILANGAN KITA NG ISANG MINUTO KAPAG DI KA PA NABALIK ANG DAMIT NIYO NI DAD IHAHAGIS KO SA LABAS!"
Sabay kaming napatayo ni Dad at kinuha ang tinake over naming cake para sa asawa namin. Nagagawan pa nga kami kung sino unang lalabas ng pinto ng cafe eh.
Halos magkandarapa pa kami sa kakatakbo eh makarating lang agad sa bahay.
Pero pagbalik namin ay nagtaka kami ni Tito nang makitang ngiting ngiti ang dalawa pero nagtataka pa rin ang pamilya namin kung anong meron.
Nakabihis na rin silang dalawa nang white dress at may hawak silang box.
Anong meron?