Chereads / Marrying My Obsession / Chapter 35 - CHAPTER 33

Chapter 35 - CHAPTER 33

JAX'S POV

"You asshole! How dare you to do that?! She fucking loves you so much! She even changed her attitude para lang mahalin mo siya! She's not that brat anymore, ni hindi na nga siya nahingi sakin pambili ng kung anong luho niya kasi sobrang laki na ng pinagbago niya eh! Pero anong ginawa mo?! You made her feel like a fool! And worst, doon pa talaga sa babaeng minsan ka na ngang niloko at minsan pa niyang tinulungan! Lumayas ka sa pamamahay ko! Wala na ang anak ko dito! Humanda ka sakin kapag may nangyaring masama sa kaniya! Mapapatay kita!"

Naiintindihan ko kung bakit ganun na lang ang galit sakin ng Dad ni Faye sakin.

Pero sana manlang hinayaan nila akong ipaliwanag ang side ko.

Pero wala na eh. Nangyari na ang nangyari. Kung may time machine lang sana, hindi na sana ako nag-overtime ulit para kumita ng mas malaki pang pera para sa future namin.

Wala na. Iniwan na niya ako.

And worst, kasama pa yung magiging anak namin.

Hindi ko rin ang alam ang gagawin ko kung may mangyari sa kaniyang masama.

Palabas na ako ng bahay nila dala ang gamit ko ng marinig namin ang sigaw ni Cindy.

"Nag-text siya! May message siya!" Sigaw nito kaya agad kong binitawan ang gamit ko at tinignan kung ano iyon.

Binasa nila ang text para sa kanila. Akala ko walang para sakin pero nang mabasa ko ang text niya for me, ay bigla akong mas nagalit sa sarili ko.

And please please please, tell Jax that even though he did that to me. I still love him, but I can't say that I trust him anymore. I love him but maybe this is the end of our relationship. He can enjoy his life again, he is now free.

"Ma'am, sir! Panoorin niyo ho ang balita!" Sigaw ng isang maid at dali-daling namang binuksan ni Cindy ang TV.

"Isang nagbabagang balita. Isang private plane papunta sa ibang bansa ay nag-crash landing ilang minuto lang ang nakakaraan. Napagalaman rin na maraming namatay sa insidente, kabilang na diyan ang isang matanda at isang buntis. Patuloy pa rin sa imbestigasyon ang ginagawa ng mga pulis pati na rin ng ibang crew ng airport para malaman kung sino sino ang mga namatay. Pero isa lang ang nasisiguro nila, walang makikilala dahil sa pagsabog ng eroplano nang ito ay bumagsak. Ito si Mia Gonzaga, nagbabalita sa News 25! Magandang gabi po sa lahat."

"Puntahan natin bilisan mo, Elviro!" Sigaw ni Cindy dahilan para magpanic ang mga tao.

Ako naman ay napaupo na lang dahil sa gulat nang mapanood ang balita.

"Jax?!! Ano pang ginagawa mo diyan?! Kailangan nating malaman kung si Elvira iyon!" Sigaw ni Cindy dahilan para dali-dali akong tumayo.

Hindi! Sigurado akong hindi si Faye yun. Hindi siya yun! Hindi ito pwedeng mangyari–

Halos napahinto ang lahat nang marinig ang malakas na pagbagsak ng isang malaking picture frame.

Agad kaming napalingon kung nasaan iyon nanggaling at halos manlumo ako sa takot nang makitang wala na sa tabi ng malaking wedding frame nina Cindy ang wedding frame naming dalawa ni Faye nung kinasal kami.

Nanghihinang nilapitan ko yung frame at siniguradong amin nga iyon.

"Aahhh!! HINDI! HINDI AKO NANINIWALA SA GANITO!" Tanging naisigaw ko at dali-daling lumabas ng bahay.

The moment I saw the picture frame, yung pamahiiin ng matatanda agad ang pumasok sa isip ko nunh makitang basag basag ang salamin ng frame.

"J-jax," napalingon ako sa kung saan nanggaling ang boses na iyon.

Halos mandilim ang paningin ko sa galit and I unconsciously ran towards her at mahigpit na hinawakan ang leeg nito. Napahinga pa siya sa semento dahila nawalan siya ng balanse.

"Papatayin kita, Elena! Minsan mo na akong winasak at ngayon dahil nanaman sayo kaya nawala ang babaeng mahal ko! Papatayin kita! I will kill you! PUTANGINA KANG BABAE KA!"

"Jax! Jax! Tama na yan!" I heard someone saying pero galit na tinignan ko ang hirap na humingang si Elena.

Naramdaman kong may humihila sakin palayo sa kaniya. Nang makabitaw ako ay pinipilit kong makaalis sa pagkakahawak sakin.

"Bitiwan niyo ako! Papatayin ko pa ang babaeng yan! BITIW!"

Nakita ko kung paano sunod sunod na sampalin siya ni Cindy habang nakaupo ito sa ibabaw niya pero hindi sapat iyon!

DAPAT MAMATAY SIYA!

SINIRA NIYA ANG PAMILYA KO!

"Papatayin kita, Elena! At sisiguraduhin kong kahit saang impyerno ka pa mapunta at pupuntahan kita para sunugin ang kaluluwa mo! Napakasama mo! Sinira mo ang pamilya ko, kaya sisirain ko rin ang..." Unti-unti akong nakaramdam ng panghihina nang may maramdamang tumusok sakin. "Sisirain ko ang pamilya mo. Gaganti ako."

Tuluyan na akong bumagsak at tanging nakikita ko na lang ang yung masayang ngiti ni Faye nung araw na pumayag akong ikasal kami, yung ngiti niya nung ikinasal kami, yung ngiti niya nung ibinigay niya ang regalo niya sakin nung birthday ko, yung masasaya niyang ngiti sa tuwing kumakain siya ng gawa ko para sa kaniya at yung huling ngiti niya nung malaman ang gender ng anak namin.

Lahat ng yun unti-unting naglalaho sa isip ko.

Hindi... Wag please... Wag ngayon... Hindi ko pa nasasabi ang gusto kong sabihin... Wag mo akong iwan mahal ko... Wag...

5 years later...

Parang isang mahabang at masamang panaginip ang nangyari samin limang taon na ang nakakalipas.

Limang taon na pero yung sakit at parang kahapon lang nangyari yung mga iyon dahil hanggang ngayon sariwa oa rin sakin ang nangyari.

Napag-alaman namin na yung buntis na nakasama sa plane crash ay si Faye. Nung una hindi kami naniniwala dahil wala kaming nakitang singsing sa daliri niya.

Pero nung ipa-DNA test ang bangkay kay Mr. La Cuesta ay nag-positive ito.

Mula nang mangyari iyon, ay wala na akong mukhang naiharap sa kanila. Kahit pagtawag na Dad kay Mr. La Cuesta ay hindi ko na magawa.

Wala yatang linggo noon na lilipas na hindi ko napapanaginipan si Faye. Minsan masaya siya sa panaginip pero madalas ay naghihirap siya. Noon ayoko na mapaniginipan pa ulit iyon pero ngayon ay gusto ko na ulit siyang makita kahit sa panaginip lang.

Sa limang taon na nakalipas ay feeling ko, unti-unti ko ng nakakalimutan ang boses niya.

Tanging mga video na lang sa internet ang nagiging sandalan ko para marinig at makita si Faye na masaya at marinig ang tawa at boses niya.

"Miss na miss na kita." Sabi ko habang nakatingin sa lapida na may pangalan ni Faye kung saan sa ilalim ng lupa ay nandoon ang asawa ko at ang anak ko na hindi pa naipapanganak sa mundo.

"Magpakita ka naman oh. Kahit sa panaginip lang. Isama mo na rin ang prinsesa natin."

Para akong tangang kinakausap ang hangin dahil wala namang sumasagot sa mga sinasabi ko.

Pinalipas ko na lang ang oras at umalis matapos ang tatlong oras na pamamalagi ko doon, naka-idlip na rin kasi ako kaya di ko na namalayan na ilang oras na akong nandoon.

"Aalis na muna ako ah. Babalik ako." Paalam ko at umalis na.

Pumunta na muna ako sa mall kung saan kami laging napunta ni Faye sa tuwing gusto niya gumala noon at mamili ng gamit ng baby namin.

Habang naglalakad ay may nabangga akong bata.

"Sorry. Ayos ka lang ba?" Tanong ko at lumuhod sa harap nito.

"Who are you? How dare you bump at me? Are you blind or something?" Napataas naman ang kilay ko hindi dahil sa sinabi nito kundi dahil sa magandang accent nito.

Mukhang laki sa ibang bansa ito. And she reminds me of someone.

"Sorry. By the way I'm–"

"Xera, where did you go? Your Mom and I have been finding you and you are just here." Someone came, I guess this is her Mom? Or not kasi nasabi nito na kanina pa nila siya hinahanap.

"Of course I will just stay here. You guys left me here." She said and rolled her eyes.

"Let's go. Your Mom is getting worried." Agad silang umalis na parang hindi ako nakita.

Nagkibit balikat na lang ako at tumalikod na.

"Mom! Sorry!" Dinig ko pang sigaw nung bata kaya di na lang ako lumingon pa since nahanap naman na siya.

Hindi siguro naturuan yun ng nanay niya ng tamang asal, ibang klase kung magsalita eh.