Chereads / Marrying My Obsession / Chapter 38 - CHAPTER 36

Chapter 38 - CHAPTER 36

ELVIRA'S POV

NAALIMPUNGATAN AKO dahil nagugutom na ako.

"Hubby? Can you make me some food?" I asked still sleepy.

Walang sumagot. Sisigaw na sana ako nang maalala na wala nga pala ako sa Pilipinas. Napipilitang bumangon ako.

At pumunta sa kusina para isipin kung ano ang pwedeng lutuin.

Pero naalala ko wala nga pala akong alam na lutuin. Naghanap na lang ako sa drawer sa kusina ng cup noodles. Buti na lang ay mayroon.

Pinaandar ko na lang yung water dispenser ko para makakuha ng mainit na tubig doon. Lumalamig rin ang tubig kaya mas maganda.

Pero since ayoko ng malamig ngayon ay inoff ko rin yun nung uminit na ang tubig.

Kumuha na rin ako ng instant hot choco powder na nakita ko sa drawer para itimpla iyon.

Inantay ko muna na maluto ng ilang minuto yung noodle. Kaya kinuha ko muna yung laptop ko.

Good thing may wifi kaya gumawa ako ng bagong account sa laptop ko para makanood ako sa YouTube. Baka kasi ma-detect nina Dad ang account ko at malaman kung nasaan ako.

Nanood muna ako ng ilang basic na lutuin para naman may alam ako.

MONTHS had passed ay malaki laki na rin ang naiipon ko. Pero hour kasi sa cafe ay 20 AUD ang sahod. Since I'm pregnant pa rin naman ay maikling oras lang ang trabaho ko. From 10am to 3pm lang.

3 hours ang gap ng oras sa Pilipinas at dito sa Australia. Example 4pm sa Pilipinas 7pm na dito sa Australia.

Sa nagdaang tatlong buwan na pag-stay ko ay unti-unti ko na natutunan kung paano kumilos ang mga tao dito.

I also got their accent already that made me sounds like I am an Australian.

This month is kabuwanan. So I have to rest for a while because Tina is getting paranoid when she saw how my tummy got bigger.

Tina is always visiting me in my apartment to help me with household chores and to cook some foods for me.

She also introduce me some friends of her that became my friends too. Ahe has a lot of friends na businessman at businesswoman.

I have a closest friend na rin na businessman who's willing to help me work to his company.

He's Aries Quintos, and he's an owner of Quintos Real Estate Company. Isa sa mga sikat na company sa Melbourne at Sydney Australia.

"Are you sure you are okay?" Aries asked.

"Yeah. Don't worry." I answered habang naglalakad kami. October na and spring naman so hindi na gaaano malamig gaya nung winter.

Maganda na rin ngayon dito sa Sydney dahil marami ng magagandang halaman at bulaklak sa paligid.

Hindi gaano mainit pero pero medyo malamig kasi ramdam sa hangin yung medyo malamig na ihip nito.

Papunta kami sa cafe ngayon.

Sa loob ng apat na buwan ko dito ay nagawa ko na yung maternity shoot na pinlano namin ni Cindy na gagawin naming magkasama.

Pero hindi namin nagawa. And you know what? I found out that they thought na I am dead na.

Because a plane crash happened pala the day I left the Philippines. I don't know how they believe that it was me na pinaglalamayan nila pero naaawa ako kasi base sa internet ay hindi pa rin sila nakaka-move on.

I am wearing a white dress with cute strawberries design on it.

I decided that I will call my her Berry who will come in just a weeks now. Who knows maybe days ay manganganak na ako.

"Hi buntis! Anong gusto mo?" Tanong ni Weng.

She's also a Pilipina rin pala.

"Nothing much. I just want to lay down." Sabi ko kaya natawa pa siya.

"Tagal mo naman manganak! Gusto ko na makita baby mo eh!" She said kaya natawa ako.

"Soon."

Kinuha ko sa bag yung laptop ko para makibalita about sa family ko

Especially about Cindy.

"Oh?! Nanganak na siya?!" Gulat na tanong ko kaya napatingin sakin si Weng. Pati si Tina ay napalabas pa sa office niya.

"Who?!" Sabay pa nilang sagot at tumingin sa tinitignan ko.

"Oh? Si Cinderella La Cuesta lang pala. Swerte niyan eh. Her husband is Elviro La Cuesta. I heard her best friend died, which is Elviro's daughter." Sabi ni Weng.

Napatingin ako kay Tina at maliit niya akong nginitian. Her and Aries knows about my real name.

I am Vira Cuesta here in Australia. Di ko nga alam kung bakit di napapansin yun ni Weng eh.

"Ahh, kawawa naman. Bakit daw namatay?" I asked.

"Sabi sa balita plane crash. Kawawa nga eh kasi before she died ay nagkaroon pa sila ng pagaaway nung husband niya. I heard gusto makipaghiwalay ni Elvira sa kaniya pero di siya pumayag. Hanggang ngayon wala pa ring nakakaalam kung anong totoong rason ng pagaaway nila." She said.

"I heard she's pregnant when she died." Sabi ko pa.

"Yeah, yun nga daw buntis din yun. Kawawa. Pero alam mo ang galing mo magsinungaling. Kung di ko pa nalaman baka naniwala na ako sayo." Bigla sabi nito na ikinalaglag ng panga ko.

"Ha?"

"Girl, you are our friend. And whatever your reason kung bakit ka umalis ay wala kaming karapatang ipagpilitan na itanong sayo yun. Kung di ko pa nakita yung resume mo aakalain kong magkamukha lang kayo nung Elvira sa internet." Sabi pa niya.

"Tsaka di ka naman aalis na lang bigla sa Pinas kung walang sapat na rason eh. Basta if you are ready to tell us the truth, we are just here for you. And we are ready to hide you somewhere pa kung mahanap ka nila." Dagdag niya dahilan para maluha ako.

"Thank you for understanding."

"It's nothing. Nakakatampo lang kasi saming tatlo ako na lang pala walang alam. But anyways, it's okay though

At least di ka nag-deny." She answered. Kaya nginitian ko siya lalo and niyakap.

DAYS HAD passed and here I am, nasa ospital. Kalma lang ako pero itong dalawang babae kong kaibigan ang nagpapanic. Si Aries ay papunta na. Nasa important meeting siya pero umalis siya doon just because I am giving birth.

"Bakit mas mukha pa kami nagaalala kaysa sayo?" Tanong ni Weng.

"Because that's what my OB said. Don't panic and just go with the flow." I answered.

"The fuck." Tanging nasabi na lang ni Tina.

"Ms. Vira, are you ready?" My OB asked kaya tumango ako at huminga ng malalim.

Pinasok na ako sa delivery room at naghanda naman ako. This my first time so natatakot ako syempre. Pero for my Berry, I will do my best.

HOURS LATER I woke up in a private room. I passed out earlier after I gave birth. The last thing I heard was my daughter who's crying so loud.

"Hey? You're awake? You can rest more if you are tired." Aries said but I shook my head.

"Where's my daughter? I wanna see her." I said, my voice is still weak and kahit ako ay nanghihina rin.

"Okay wait here. I'll call your Doctor to check you and you'll gonna see Berry." He said at lumabas na.

Tinignan ko ang paligid at nakitang nakatulog sina Weng at Tina sa sofa ng kwarto habang nakaupo sila.

Napangiti naman ako kasi thankful ako sa kanila dahil they are with me, and they didn't leave.

Maya-maya lang ay dumating na sina Aries at ang OB ko. Nagisinh na rin sina Weng at Tina.

Chineck lang ako saglit ng OB ko at maya-maya lang ay bumukas ulit ang pinto at karga ng nurse ang isang sanggol.

Nilapag nito sa tabi ko si Berry at hindi ko napigilan ang luha ko nang masilayan siya sa unang pagkakataon.

"You are so pretty." I whispered.

I examine her face and I cried when I saw that she's really a carbon copy of her Dad.

When she also cried, doon ko napansin ang maliit na dimple nito sa right cheek niya. Ang cute nun. Isa lang pero the fact that she got it from me is the cutest thing.

"Mr. Quintos, can you leave for a moment. She needs to breastfeed the baby." My OB said.

"Oh? The I will just buy her some fruits and I'll comeback." He said.

Nilingon ko siya and I mouthed, "thank you," to him.

Tinulungan naman ako ng OB sa suot kong hospital gown.

Halos mapasigaw ako sa sakit nun pero tiniis ko. Kakailanganin niya kasi ito para healthy siya. Kailangan ko lang sigurong sanayin ang sarili ko.

After nun ay nakatulog siya. Weng took us our first picture.