ELVIRA'S POV
"I can't still believe that you are here Elvira." Dad said.
"It's not actually my plan to go back yet. But since it's Fate's birthday today, he requested that she wants to see you, kahit sa malayo lang." Sabi ko kay Dad.
"Ohh? It's her birthday? Vince's birthday was 3 days ago."
"Yeah! I know that. I read that on the internet 5 years ago." I said.
"Teka, Elvira. Pwede bang magtagalog ka na lang. Yung pag-e-english mo medyo di ko magets minsan eh. Nagbago kasi accent mo." Sabi ni Cindy kaya bahagya akong natawa.
"Kaya nga. Australian accent. Pati na rin yung anak niya. Pareho pa sila ni Vince na multilingual. Ang tatalino."
"Teka. Ano? Aust– don't tell me all this years nasa Australia ka lang pala." Bigla naman na-realize ni Cindy ang mga nangyayari sa paligid niya.
"Yeah. I have a lots of friends in Australia who helped me. Especially the three of my friends." I said.
"Oh? Pero ako pa rin naman ang best friend mo di ba?" Paninigurado pa ni Cindy.
"Of course! How about you? Am I still your best friend?"
"You know what, Elvira. Magt+three years na siya sa med school hanggang ngayon wala pa siyang kaibigan doon." Sabi ni Dad.
"Wehh? Nasa med school ka pa rin?" I asked.
"Syempre. Nasa Pilipinas ako eh. Matagal talaga. Pero so far so good. Kayang kaya ko pa ma-survive hanggang sa grumaduate ulit at sa trainings rin." She said that me amazed.
"Change topic. How 'bout Jax? I mean pumunta siya dito kahapon nagwawala. Tapos sinasabi na buhay ka daw kasi nakita ka niya. Kahapon di kami naniniwala pero ngayong nandito ka na. Ikaw ba talaga ang nakita niya?" Pagiiba ni Dad sa usapan.
"Yes ako yun. Pero di naman ganun ka tagal ang pagkikita namin. I mean halos isang segundo lang yata yun. Nilingon ko lang siya saglit. I didn't know na maniniwala agad siya na ako yun." Sagot ko at uminom sa juice na kakalagay lang ng maid sa mesa sa sala.
"How about your daughter, nagkita ba sila?" Cindy asked.
"Kahapon I saw na nakita ni Jax si Fate. Pinapanood niya pa nga eh. Pero mukhang di niya pa narerealize na si Fate yun. Pero nung paalis na kasi kami he saw how I pulled her papalayo sa kaniya. Di naman siguro niya agad mamumukhaan si Fate sa isang beses na pagkikita lang eh. Unless they saw each other two times. Kasi nung umuwi kami 4 days ago ay kinabukasan nun pumunta kami sa mall para mamili damit and we also bought Eli that time. And then she and Hazel, the girl na kasama namin is pumunta sila sa vet clinic na pagaari ni Lancer. Sana di niya muna ma-realize na yung batang tinititigan niya kahapon ay anak niya." O explained.
Napatingin ako sa kanila and mukhang di na sila nakikinig. At may tinitignan sila sa likod ko kaya napalingon ako doon.
"WHAT THE FUCK?!"
JAX'S POV
Si Faye yun. I'm sure si Faye yun.
"Bud, paano ngang magiging si Faye yun, matagal na siyang wala." Sabi ni Lancer pero di ko siya pinansin at sunod sunod na tumungga ng alak.
"Kaya nga." Segunda naman ni Reem.
Tumayo ako at tumakbo palabas. Sapat malaman ito nina Mr. La Cuesta.
Agad akong nagmaneho papunta sa village nila. Hindi naman ako nahirapan makapasok dahil kilala ako ng guard na nagbabantay sa gate ng village.
Pagdating sa harap ng bahay nila ay agad akong bumaba at kumatok sa gate pero walang nagbubukas.
Kinatok ko ng malakas ang gate at halos suntukin ko na iyon pero buti at bumukas pero si Mr. La Cuesta ang lumabas.
"What the fuck is your problem?! Gabi na! Tsaka amoy alak ka! Wag ka mag-iskandalo dito!" Sigaw nito sakin pero di ako nakinig.
"Si Faye. Nakita ko siya. Buhay siya. Nakita ko siya kanina." Sabi ko sa kaniya pero hindi ito naniniwala.
"What are you saying?! I am trying to move on here because of what happened to her! So please lang, wag mo sabihin sa harap ko na buhay siya dahil matagal na siyang wala. At dahil iyon sayo!" Paninisi nito pero umiling ako at lumuhod sa harap niya.
"Dad, maniwala ka sakin. Nakita ko talaga siya. She's... She's with someone. She's with my daughter."
"You are just drunk. Umuwi ka na! Guard paalisin niyo ang lalaking ito!" Sigaw ulit nito at tumalikod na.
"Please maniwala kayo sakin." Tanging nasabi ko pero di na ako nito pinansin pa.
Luhaan akong umuwi sa bahay ko.
Kumuha lang ako ng ilang beer at umupo ako sa buhanginan.
"Sigurado akong siya iyon eh. Yung bata. Natitigan ko yung bata eh. Kaya pala pamilyar sakin." Pagkausap ko sa sarili ko.
Muli kong inalala sa isip ko yung batang nakita ko kanina at tsaka lang nag-sinl in sakin na kamukhang kamukha ko talaga siya.
Tsaka yung boses ni Faye. Medyo umiba ng kaunti dahil sa accent pero I'm sure na siya iyon.
Babalik ako bukas. Maghahanap ako ng pruweba na siya nga iyon.
KINABUKASAN ay agad akong naghanap ng mga evidence na pwedeng gamitin para masabi ko na si Fate mga yung nakita ko.
Una pumunta ako sa clinic ni Lancer to check the CCTV camera.
"Kapag talaga wala kang nakitang Elvira diyan, sasapakin talaga kita tapos dadalhin kita sa mental hospital kas–"
"Shut up. Ito na. Nakita ko na." Sabi ko kaya pinanood niya ang clip na pinapanood ko.
"Holy shit! Ang ganda! Sure ka na si Elvira yan? I mean I know na she's already beautiful back then, but now. I don't know, mukha siyang sophisticated and mas nag-matured yung itsura niya. Tapos look at her outfit, she looked so hot and sexier." Masama ko siyang tinignan dahil sa huli niyang sinabi. "I mean... Ay wait may costumer yata." Pagdadahilan nito at umalis.
Tinignan ko ulit siya and yes he's right. Faye got more sexier and matured. She even got taller.
Sunod kong pinanood yung clip kung saan nasa loob na ng clinic yung batang babae. Wala na si Faye pero yung bata, ngayon na-confirm ko na talaga na kamukha ko yung bata. I don't know what's her name pero yun ang isusunod kong aalamin.
She's so beautiful. Bata pa lang pero masasabi kong matalino talaga. Multilingual pa.
And her and her Mom's accent are so beautiful to hear everytime.
Paalis na ako nang mag-ring ang phone ko.
"Hello."
"Mr. De Avila, I am already here in our meeting place, where are you?"
"Ahh, I'm sorry. I forgot but I'm on my way now, Mr. Quintos." Sabi ko at ibinaba na ang tawag.
Today, sasabihin ko ito sa Dad mo. I know kung gaano siya naghirap nung araw na nawala ka. Dapat niyang malaman ito.