JAX'S POV
Bumalik na ako sa kumpanya para gawin ang trabaho ko.
Sa loob ng limang taon ay ginawa ko ang lahat ng makakaya ko para makaipon ng pera at maipagpatuloy ang pagpapatayo ng company na minsan na naming pinangarap ni Faye na mapatakbo.
"What's my schedule?" I asked my secretary.
"You have a meeting with the company's new investors at 4pm, sir." He said kaya tumango ako.
"Okay, thanks Brent."
I am the CEO of our company now. So far wala pa akong nakakaharap na malaking problema.
"Hey bro!"
"Sup, bud!"
Bigla namang dumating ang dalawang asungot kong kaibigan.
Sino pa ba? Edi sina Lancer at Reem.
"How are you?" I asked at naglakad kami papunta sa private elevator ng company which is exclusive only for the CEO, pero since epal ang mga kaibigan ko ay sumabay sila sakin.
"So far so good. A lots of patient came but I can handle." Pagyayabang ni Reem.
He is now one of the Doctors of Cuesta Hospital. Hindi ko alam paano nito napadali iyon pero pumasa siya agad. Maybe he pulled some strings again? Or he use his charms.
"How about you, buddy?" I asked Lancer.
"Maraming cute na asong nadating. And masaya talagang makipag-usap sa hayop kaysa sa asal hayop gaya ni Reem." Sabi nito kaya natawa kami.
Lancer is now a licensed Veterinarian. And may sarili na siyang veterinary clinic, kung saan chinicheck niya ang mga hayop especially Reem- I mean dogs and cats and may mga staff rin siya na nag-g-groom or nag p-pet care.
"Kahapon nga eh pumunta ako sa clinic niya may batang babaeng pumunta kasama yata yaya niya tapos may dalang cute na golden retriever. Sabi nung yaya ay kaka-ampon pa lang daw nila yung puppy. Kaso yung bata cute sana kaso minsan di ko maintindihan dahil sa aussie accent niya." Sabi ni Reem kaya natawa si Lancer.
"May na-meet rin ako kaninang bata sa mall. Bata pa lang iba na mag-salita." Sabi ko.
"Wait! Does the kid have a long and brown-ish soft wavy hair?" Lancer asked.
"Yeah." I answered.
"Bro, yun din ang naka-encounter namin eh. Pero ang ganda nung yaya niya ah." Ito nanaman si Reen basta maganda talaga.
Lumabas na kami ng elevator at dumiretso sa office ko.
"May irereto ako sayo, bro." Sabi ni Reem.
"Ayoko." Diretsonh sagot ko at umupo sa swivel chair ko.
"Bakit? 5 years na ang nakalipas eh, maybe it's time for you to move on and date someone." Pamimilit pa niya.
"I said I don't want to."
"Sige na please. Blind date naman ito eh. Makikipagkita ka lang. Sige na, bro. Dali na! Pumayag ka na. Sige na, sige na, sige na-"
"Fine! Pero ito ang una at huling beses na papayag ako." Napipilitang pagpayag ko dahil nakaka-irita na ang boses niya.
"Oo, promise! Bukas pumunta ka sa Coffee Project near Manila Bay, at 5pm. Wag ka malate ah." Sabi niya kaya tumango na lang ako.
KINABUKASAN ay late na ako nagising. Saturday naman eh. Tatawagan na lang ako ni Brent kapag may kailangan siya sakin na related sa work.
It's 3pm so napahaba ang tulog ko. Bumangon na ako para magluto ng makakain ko.
Maybe you are wondering kung saan ako nakatira ngayon.
Nakatira ako sa bahay na pinagawa ni Mr. La Cuesta. Hindi nga lang niya pinatapos simula nung mamatay si Faye. Kaya binili ko na lang at pinatapos ang mansion.
Gaya ng kulay ng penthouse namin sa Korea ay maayos at maaliwalas ang loob ng bahay.
Habang iniintay na lumambot yung beef na niluluto ko ay kinuha ko muna na ang laptop ko para di ako mabored.
Habang ini-i-stalk ko ang lumang account ni Faye sa Instagram ay di ko mapigilang mapangiti at maluha. Last post niya sa IG ay yung picture ng ultrasound nung nag baby gender reveal.
Aksident kong napindot ang home feed at isang painting ang nakita ko.
Agad kong tinignan ang caption ng post na iyon. At galing pa iyon sa Australia.
Tinignan ko nang maigi yung painting at hindi ko ma-gets. May nakasulat pa sa ilalim nun pero Spanish.
Te quiero pero es hora de dejarte ir. Adiós, amor mío.
Trinanslate ko yun gamit ang Google and it says,
I love you, but it's time to let you go. Goodbye, my love.
Nang mabasa yun at pinakatitigan ko ng mabuti yung painting ay doon ko lang na-realize kung ano yun.
Dalawang kamay na magkahawak, yung isa bibitaw na at yung isa ay gusto pa kumapit. Mukhang magulo sa una yung painting pero kapag nabasa na yung nakasulat sa ibaba nun ay makikita mo ang hidden meaning nun.
Agad kong minessage yung nag-post nun and saktong isa lang pala iyon. But the problem is I have to bid for it.
Currently nasa 100K na yung price.
I message it and offer 500 thousands. But then it replied that the bid got higher which is 120 Million.
So, I bid it for 500 Million and I said take it or leave it.
In the end I got the painting. Hindi ko alam pero iba yung hatak sakin ng painting. Wala naman na akong problema about sa binayad ko.
The seller said that they will ship it tomorrow so maybe ilang days pa bago dumating sakin.
Tinapos ko na muna ang niluluto ko at kumain then nanood muna ako ng movie.
4 pa naman eh. 6 yung sinabi ni Reem.
Habang nanonood ay nagbabad muna ako sa bathtub at nagrest muna for a while.
After the movie ay pass 5pm na so nagbanlaw na ako. I wore a white long sleeve polo with black coat, black tight pants, and white sneakers. My casual outfit if I am not working.
It's been years na yata since I wore a t-shirt. As a business, I need to look presentable and respectful. Enemies are just walking around.
Pagkatapos ko magbihis ay kinuha ko na yung cellphone ko, wallet at susi ng bahay at sasakyan then uamlis na.
Medyo malayo pa kasi yung bahay ko sa Manila Bay since countryside ito.
Tahimik naman ang paligid kaya mas okay para sakin dahil peaceful at walang istorbo.
Halos kalahating minuto lang ay nakarating na ako sa MOA. Inayos ko lang ang pag-park ng sasakyan ko at hinanap yung Coffee Project na sinasabi ni Reem.
Nang makita ang cafe ay umupo ako sa labas para intayin kung sino man ang blind date ko na iyon.
While I'm waiting ay may nakita akong bata. I think siya rin yung bata kahapon sa mall na pinuntahan ko.
"Nanny, where Mommy?" She asked her yaya.
"Let's just wait for her. She just bought a coffee." Sabi ng yaya.
Karga karga nung bata ang maliit pa lang na golden retriever.
"Eli, we will just wait for Mommy okay? And after that we are going back to our hotel. And tomorrow we are going to Korea to visit." I did not realize that I was smiling while looking at her.
Her accent amazed me so much.
" ommahante jonhwa jom haejulrae naneun imi pigonhada." Nanlaki naman ang mata ko dahil nag-Korean ito.
". non jongmal orinaeya joa joa ommahante jonhwahalkke dangsineun jongmal ommae ttarieyo ijen uisim an hae." Pati yaya ay nagko-Korean rin. Well, halata naman na she's Korean.
Kaunti lang ang naintindihan ko. Basta ang sabi nung yaya ay anak talaga siya ng nanay niya dahil pareho sila nito na mainipin at kung anong gustuhin ay dapat masunod.
"Por supuesto que no deberías dudar de eso. Ella es mi mamá y yo soy su hija."
Ahhh!!! Ano daw?
Ang dami namang alam nitong batang ito.
"Sweetheart, I'm here. Sorry if you got bored. Let's go! He's waiting for us already." Her Mom suddenly came at umalis sila.
Sinundan ko sila ng tingin pero nanlaki ang mata ko nang lumingon saglit ang babae sa direksyon ko.
Napatayo ako bigla dahil sa kaba. Saglit lang siyang napalingon kaya hindi ko alam kung namamalikmata lang ba ako o siya talaga ang nakita ko.
Pero patay na siya. 5 years na.
Paano nangyaring yung babaeng iyon ay si...
Si Faye?