Chereads / Marrying My Obsession / Chapter 37 - CHAPTER 35

Chapter 37 - CHAPTER 35

5 years ago...

Safe akong nakarating sa Australia. Good thing I brought a lot of money. At pinagplanuhan ko ito ng maigi.

Nang mag-umpisa akong mag-overthink ay inunti-unti kong nilagay sa maleta ko ang gamit ko at mga damit ko. Dinala ko rin lahat ng important documents ko.

Paglapag ng eroplano sa airport ay nagulat ako dahil winter dito. Nakalimutan kong mag-research about sa weather dito.

Nagmadali akong pumasok sa loob ng airport at umupo na muna sa may waiting area.

Binuksan ko yung maleta ko at kumuha ng makapal na jacket.

Nilabas ko rin ang wallet ko at nagpapalit ng Australian Dollar para may magamit akong pera kung sakali. I also bought a sim card na rin. At tinanggal ko yung sim card ko sa phone ko at pinalitan iyon.

Nag-search ako kung hanggang kailan ang winter at hanggang August pa.

Lumabas na ako ng airport para pumunta sa malapit na hotel.

PAGDATING SA hotel ay agad kong napahiga sa kama dahil sa pagod. Marami naman akong nadala na cash pero mukhang kailangan ko magtipid.

Aantayin ko na lang siguro na manganak ako bago ako maghanap ng part time job at makabalik sa pagaaral. Kailangan ko mag-aral para makapasok ako sa magandang company.

KINABUKASAN ay lumabas ako para mag-ikot ikot. Nasa Sydney Australia ako and maraming job opportunities dito so I'll try.

Pero ilang company na ang sinubukan ko ay walang natanggap sakin. Maybe because di pa ako grumagraduate o baka dahil I am pregnant.

Habang naglalakad pabalik sa hotel ay may maliit na cafe akong nakita na nagha-hire.

Pumasok ako doon, baka sakalo matanggap ako kahit taga-mop na lang or taga punas ng mesa.

"Hi, are you hiring for some workers?" I asked the girl na nasa counter.

"Yes, Ma'am. Are you willing to apply?" She asked, namangha pa ako saglit dahil sa accent nito.

"Yes but am I still allowed if I am still pregnant?" I asked.

"I was also pregnant when they hired me as a cashier so maybe my manager will hire you. Let me accompany you to her office." Napangiti naman ako sa sinabi niya at agad na sumunod.

Hawak ko ang tiyan ko at bumulong. "Baby, wish me luck. Sana matanggap si Mommy."

"Ma'am, someone wants to apply." She said.

"Let her in." Sabi ng manager.

Nakangiti namang pinagbuksan ako ng babae kaya pumasok na ako.

Napa-angat ng tingin yung manager pero bumaba rin ang tingin nito sa tiyan ko.

"You are pregnant. So why are you here?" She asked.

"I want to apply for a part time job so that I can have a money to save for my daughter." I said.

She nodded. "Base on your appearance, you are not an Australian."

"Yes. I actually just came her yesterday. I wanna do this job so I can also go back to school so that I can apply to a huge company about business." I answered. I am nervous but I remain calm and confident.

"Do you know how to take orders?" She asked.

"Honestly, I have no experience yet. But I'll do my best to do it right." I answered.

"I love your honesty and confidence. And I also love how you answered directly. But I'm telling you that, not because you are just taking orders, it will be an easy work to do. Especially that you don't have any experience about this."

"I understand, Ma'am. But I will really really do my best."

"Sorry to ask you this but where is your husband? He's the one who should work for you and your child."

"Ahm... I am actually...a...single Mom." I answered.

She frowned. "Can I have your documents? Your birth certificate? Your resume, or bio data?" She asked kaya inabot ko sa kaniya yung brown envelope na dala ko.

Tinignan naman niya iyon at tumango tango.

"Are you sure you can do the job?"

"Yes. I'm sure."

"Okay then start your first day tomorrow. As I Mom I know what you will experience during pregnancy so if you need to pee or you are tired or something don't hesitate to do it or reat for a while." She said kaya napangiti ako.

"Thank you so much! Thank thank you very much! Promise that I'll do my best." Pagpasalamat ko at nakipag-kamay sa kaniya.

Nakangiti akong lumabas ng office at dumiretso sa counter para umorder ng makakain.

"You got hired?" The girl who accompany me earlier asked. Her name is Weng, base on her name tag.

"Yes! Thank you." I said kaya she smiled.

Umorder lang ako ng strawberry cake at avocado shake and kinain iyon sa cafe.

"Vira?" Tinawag ko nung manager which is si Christina.

"Yes?" I asked at tumayo.

"Do you have an apartment to stay in? This cafe is offering an apartment for the employees. You told me that you just came here in Australia yesterday so maybe you need an apartment. It's free because the apartment is only for the employees." She said kaya nanlaki ang mata ko.

"Talaga po?! I mean really? It's free?" I asked excitedly.

"Marunong ka pala magtagalog. Anyways, yes. Free ang titirhan mo doon. Pero maliit lang yun, sakto lang talaga para sayo. May maliit na sala, isang kwarto at may kusina naman at banyo."

"Pilipina ka po pala. Ahh okay lang po yun. Salamat po sa pag-inform." Nakangiting sabi ko.

"Magpapadala ako ng isang tutulong sayo para malipat ka. Comfortable naman ang apartment. Kasama mo rin doon si Weng. Katabing kwarto lang nung sayo ay yung kaniya." Sabi nito kaya tumango ako.

"Kung gusto mo lumipat ngayon ay pwede na. Para hindi ka na gumastos pa para sa hotel. Yung ipangbabayad mo sa hotel ay ipunin mo na lang para sa baby mo."

"Sige po. Maraming salamat po talaga."

"And one more thing wag ka na mag po at opo sakin. Magkalapit lang naman ang edad natin. Nagmumukha akong mas matanda eh. Basta bukas pumunta ka na lang dito." Sabi nito kaya tumango ako.

Pinasamahan ako nito sa isa sa mga waiter ng cafe at tinulungan naman ako nito sa pagkuha ng maleta ko kasi medyo mabigat rin yun dahil mga damit ko iyon. Yung bag naman for my baby is magaan lang naman. Puro maliliit na damit lang naman laman nun eh. May mga diapers rin.

Pagdating sa apartment na sinasabi ni Tina ay nanibago ako dahil di gaya ng bahay namin sa Manila ay doble ang niliit nito. Pero ayos na rin sakin dahil maganda naman.

Hindi naman gaanong maliit pero hindi rin malaki. Sakto lang talaga para sakin. May sala na may isang set ng sofa at 32 inch na TV. May kusina kung saan may lutuan at kumpleto rin ang gamit. May dining table rin for two. And may banyo sa tabi ng kusina. At sa kwarto naman ay may double size bed at may malaking closet sa gilid nun para sa mga damit ko.

Hinawi ko naman yung mahabang kurtina sa kwarto at nagulat pa dahil may maliit pa palang veranda. May coffee table sa labas nun at maliit na upuan.

Malamig kaya di ko na lang binuksan.

Humiga na muna ako sa kama para umidlip saglit.

Naalala ko nga lang ang dahilan kung bakit ako nandito.

Pilit na isinawalang bahala ko na lang iyon.