ELVIRA'S POV
"Come in. Come in. Oh my god!" Nagaalalang sabi ko at pinapasok si Elena sa bahay.
"Sorry. Wala na akong mapupuntahan talaga eh." Sabi nito.
"It's okay." Nagaalala pa ring sabi ko.
"Anong ginagawa ng babaeng–what the hell happened to you?!" Gulat na tanong rin ni Cindy na kabababa lang at makita si Elena. "Kunin niyo yung first aid kit, bilis." Utos nito sa isa sa mga maid kaya agad itong sumunod.
Pinaupo na muna namin si Elena sa sofa at tinignan ko ang mukha niya at ang kamay niya.
Putok ang gilid ng labi niya at namamaga ang mukha niya. May sugat rin sa may noo niya. At ang dami niyang pasa sa kamay niya nang itaas ko ang sleeves ng jacket na suot niya. Kahit sa paa nito ay may mga latay ng kung anong hinampas siguro sa kaniya.
"What's happening here? Oh god." Kahit si Dad at nagulat rin nang makita ang itsura ni Elena.
"Elena tell me what happened to you?" I asked.
Siguro nga naiinis ako sa kaniya pero iba ngayon. Sobrang kawawa ang itsura niya.
Nang dumating ang maid ay agad kong nilabas ang mga pwedeng gamitin para gamutin ang sugat niya sa noo niya na mukhang fresh pa.
"Si Caloy kasi. Hindi ko alam kung anong nangyari sa kaniya. Pero nito lang ay nagiba siya. Lagi siyang lasing at paguwi niya ay sinasaktan niya ako. Hindi ko naman masabi sa pamilya ko kasi pinagbabantaan niya ako na papatayin daw niya ang magulang ko." Nanginginig siya sa takot habang sinasabi iyon at umiiyak na rin siya. "Pasensya na talaga, wala na akong mapuntahan. Sakto kasi na may pinuntahan siya dito sa Manila at sinama ako. Sinampal niya ako nang makauwi siyang parang lasing pero wala naman akong maamoy na alak. Tapos tinulak niya ako dahilan para matumba ako at mauntog sa kanto ng lamesa sa hotel. Tumakas lang ako nang makatulog siya." Paliwanag nito dahilan para magalit ako lalo.
"Teka di ba buntis ka? Kamusta ang bata?" Nagaalalang tanong ni Cindy kaya napatingin ako sa tiyan niya pero nanlaki ang mata ko nang hindi ito lumaki.
I mean December nung nalaman ko na she's pregnant so dapat malaki na ang tiyan niya kasi 4 months na ang lumipas.
"Namatay ang baby ko nung tinulak ako ng ina niya. Sinabi ko sa kaniya pero di ko sinabing nanay niya ang dahilan. Nung March lang nangyari yun kaya siguro bigla siyang nagbago." Umiiyak pa rin na sabi niya.
Awang awa ako sa kaniya. Nawalan siya ng anak.
Napahawak ako sa tiyan ko bigla at natakot na baka mawala rin ang anak ko sakin.
Napatingin ako kay Jax na wala manlang reaksyon sa narinig. Napatingin siya sakin pero agad siyang umiwas ng tingin.
Di ko na inisip pa kung anong iniisip niya basta ang alam ko lang dapat managot ang may gawa nito.
"OH SHIT!"
"AY POT–"
"AAHHH!"
Napasigaw kami sa gulat nang makarinig ng pagkabasag mulasa labas ng bahay.
Nagmamadali namang may pumasok na guard.
"Sir, may lalako pong nagwawala sa labas." Sabi ng guard kaya napatayo ako.
Pero humawak sa kamay ko si Elena.
"Please, kung si Caloy yun, wag niyo akong ibigay nagmamakaawa ako." Umiiyak na sabi nito habang nakayuko at nakahawak sa kamay ko.
"Don't worry. Hindi kita ibibigay." Sabi ko.
"Ano yung nabasag?" Tanong ko.
"May ibinato po siyang bote ng alak." Sagot nito dahilan para mainis ako.
"Paalisin niyo yun." Sabi ni Dad.
"S-sir kasi namumula po yung m-mata niya. Alam niyo naman po siguro na dati na kong naranasan yun at kung anong nangyari sakin noon." Utal na sabi ng guard.
"What do you mean?" I asked.
"Ganun po kasi ang itsura ko noon nung naka-droga pa po ako." Pagamin nito dahilan para manlaki ang mata ko.
Alam ko yung tungkol sa mga nangyari sa buhay ng guards namin noon dahil ako ang nag-interview sa kanila.
Alam kong dati siyang naka-droga pero sobrang tagal na nung nangyari yun sa kaniya. Napa-rehab na siya nun at matagal na rin siyang nag-ta-trabaho samin at talagang nagbago na siya kaya naniniwala ako sa sinasabi niya.
"Tumawag ka ng pulis." Sabi ko kaya agad itong tumango at sinunod ang sinabi ang sinasabi ko.
"AAHH!" Napatili nanaman ako sa gulat nang may marinig na nabasag at kasunod nun ay ang pagtunog ng sasakyan.
Naalala ko na may sasakyan nga pala kami sa labas kasi nga aalis kami sana ni Jax.
Naglakad ako palabas pero pinigilan ako ni Jax.
"Where do you think you are going?" He asked.
"Haharapin siya." Sagot ko.
"No. You are staying here. Baka kung ano pang mangyari sayo. Remember, hindi ka na nagiisa sa katawan mo." Sabi nito kaya hindi na ako tumuloy pa.
May narinig naman na kaming tunog ng sirena ng sasakyan ng pulis kaya lumabas kami sa may pinto lang ng bahay.
"Bitiwan niyo ako!" Rinig kong sigaw nung Caloy.
Nakikita rin namin siya mula sa pwesto namin.
"Bitaw! Hoy! Ilabas niyo si Elena! Alam kong nandyan siya sa loob! Papatayin ko pa siya! Hahaha!" Parang baliw na sigaw nito at natawa pa ang gago.
"Alisin niyo yan dito! Siguraduhin niyong di makakapunta yan dito!" Sigaw ni Dad sa mga pulis na humihila sa kaniya.
Bigla naman itong nanghina at natumba kaya agad siyang sinakay ng mga pulis sa sasakyan at umalis.
Nilingon ko si Elena na umiiyak pa rin.
Lumapit ako sa kaniya at tumingala naman siya kaya tumabi ako sa kaniya.
"Wala na siya. You should rest na. May guest room doon sa itaas." Sabi ko.
"Paano kung bumalik siya?" Nagaalalang sabi nito.
"Hindi na makakabalik yun. We'll make sure na di makakapasok ulit yun dito sa village." Sabi ko kaya tumango ito. "Safe ka rito. Wag ka magalala." Sabi ko.
Pinaalalayan namin siya sa isang maid para dalhin sa taas kung saan may guest room doon.
Umupo muna kami sa sofa at tahimik na nagiisip.
"What if, let's file a case against them?" I asked.
"We can do that, but we still need her permission. Hindi natin alam kung magfa-file ba siya ng case kasi sa kaniya naman ginawa yun at hindi satin. Hindi tayo pwedeng basta basta na lang makikialam." Sabi ni Dad.
"But Dad you saw kung anong nangyari sa kaniya. Marami siyang pasa Dad. And that guy is naka-drugs pa. Hindi natin alam kung kailan susugod ulit yun dito." I exclaimed.
"Oo makukulong siya dahil sa drugs pero we still need some proof if naka-drugs nga. Like drug test, I'm sure gagawin nila yun sa kaniya. And si Elena, hindi porket sinabi na niya satin ang nangyari hindi ibig sabihin nun ay nasabi na niya lahat. And isa pa mahirap makalaban ang mga yun dahil politicians ang family nila. I'm sure they will do everything mapa-mukha lang na tayo ang may gawa nun." Dad explained.
"But Dad we all know here that we are the more powerful than his family." I said full of kayabangan.
I mean, yes we are not politicians or something but we can still pull some strings naman to make them rot in jail.
"Yes but–"
"Dad listen. What if hindi lang pala siya ang nagamit ng drugs sa family nila? What if may ilegal silang ginagawa. Politicians ang family nila, alam nating lahat dito na ni minsan hindi nawala ang ilegal na gawain sa politics."
"Love, hindi tayo pwedeng basta na lang makialam sa ganyang bagay. Wala tayong ebidensya na may ginagawa nga silang ganyang bagay." Sabi naman ni Jax.
"Arghhh! Whatever!" Inis na sabi ko at tumayo na para puntahan na lang si Elena.
Baka kasi may alam pa siya ma pwede naming gamitin against their family. Tumira siya doon sa bahay nung Caloy eh. Imposible namang wala siyang nakita kahina-hinala.
"Love." Pagtawag pa ni Jax pero di ko na siya pinansin pa at nagtuloy tuloy lang.
Pagdating sa harap ng kwarto kung nasaan si Elena ay kumatok na muna ako sa pinto. Nang walang bumukas ay pumasok na ako.
Nakahiga siya sa kama pero dinig ko ang mahinang paghikbi niya.
"Elena, if okay lang. Can we talk about what happened to you? I mean, if you don't want naman na pagusapan it's okay lang. Basta I'm here to help you. If you are willing to file a case against him, I will help you–"
"I am." She said.
"Huh?"
Umupo siya sa kama at hinarap ako. "Gusto ko siyang maparusahan. Please help me. Marami akong alam tungkol sa mga ilegal na gawain nila. Handa akong magbigay ng testimony laban sa kanila. Marami rin akong ebidensyang nakuha."
"What?! Really?"
Marami naman pala eh.