Chereads / Marrying My Obsession / Chapter 25 - CHAPTER 23

Chapter 25 - CHAPTER 23

ELVIRA'S POV

NAGISING ako dahil nakaramdam ako ng gutom. Tignan ko ang oras sa may bed side table at 12 na ng hapon.

Bumangon ako habang balot ng comforter at hinawi ang kurtina sa kwarto para maliwanag. Napangiti ako dahil puro puti ang nakikita sa labas, 8n short may snow.

"Good morning, Love." Dinig kong bati ni Jax with his morning voice.

Lumapit ako sa kaniya at pumatong para yumakap.

"I'm hungry. Alis tayo kain tayo sa restaurant at mag-grocery rin." Sabi ko at sumiksik sa leeg niya.

"Aww my baby is hungry. Okay let's take a shower first." Sabi niya kaya tumayo na ako.

"Let's take a shower together. Para tipid sa tubig." Sabi ko pero pinantaasan ako nito ng kilay. "What?" I asked.

"Are you planning something?" Taas kilay na tanong nito.

"What? Anong pla–I'M NOT!" Depensa ko.

"Hmm okay okay. Let's take a shower na." Natatawang aniya at tumayo na.

Nauna pa siyang naglakad papunta sa banyo.

But I smirk when I saw how beautiful his butt is.

WE ENDED up doing something inside before kami matapos maligo.

We even did it twice inside our walk-in closet kaya nagbanlaw pa ulit kami bago nakapag-bihis.

Malamig sa labas kaya balot na balot kami ngayon. Nagdala rin ako ng gloves in case na sobrang lamig talaga since may mga snow sa paligid.

Lumabas na kami ng room na magkahawak ang kamay.

Yung bag na dala niya ay may lamang, cellphone, wallet, some makeups ko para pang-retouch at laptop dahil pupunta kami sa Starfield Library para mag-research about sa binabalak naming pasuking business.

We also brought a camera na nasa maleta ko nakalagay. May note pa yun galing kay Cindy, dahil di daw siya masyado nakaikot sa Korea kaya gusto niyang mag-picture kami for memories na rin.

Nasa loob rin yun ng bag ni Jax, nakalagay pa rin sa box. Chinarge namin yun kahapon nung makita namin nung mag-ayos kami ng mga gamit sa closet.

Balak naming maglakad at mag-taxi or bus na lang since wala rin kaming sasakyan dito.

"Saan mo gustong pumunta muna?" Tanong ni Jax nang makalabas kami ng building.

"Kain muna tayo. Late na rin para sa breakfast at lunch natin." Sagot ko kaya tumango siya.

Naglakad lang kami para ma-enjoy ang snowy na daan. May mga naglalakad rin naman sa paligid kaya okay lang.

May nakita naman kaming malapit na restaurant kaya pumasok kami doon.

"Hello, welcome to our restaurant, what's your order?" Bati ng babaeng nasa counter.

Hindi siya nagko-Korean siguro dahil napansin niya na hindi naman kami mukhang taga dito.

"Hi, can I have a 2 sets of Samgyeopsal, 2 orders of cheese tteokbokki, 1 litter strawberry juice, 2 orders of Sikhye and 4pcs. Bungeo-ppang." Sabi ko kaya tumango ito nang makuha niya ang mga orders.

Binigyan kami nito ng number na tutunog if ready na ang order namin.

Naghanap na muna kami ni Jax nang mauupuan and napili namin yung dulo kung saan tanaw ang N Seoul Tower.

Tinanggal na muna namin ang coat namin at umupo para maghintay.

Maya-maya lang ay nag-vibrate na yung number kaya tumayo si Jax para siya ang kumuha nun.

Dahil medyo marami yung 2 sets ng samgyeopsal ay may kasunod siyang dalawang waiter.

Mahaba ang mesa ng napili namin kaya kasya yung mga inorder namin.

We enjoyed our brunch while taking some pictures using our camera na sinet-up ko.

Si Jax ay nakailang shots pa ng stolen picture ko using his phone.

"Beautiful." Sabi niya habang nakatingin sa phone niya.

Napansin niya yata ang tingin ko kaya pinakita niya sakin kung anong tinitignan niya and it was my photos that he already uploaded to his IG account.

I smiled when I saw his caption.

My beautiful wife and my own Mrs. De Avila💋

Pinagpatuloy ko na lang ang pagubos sa dessert na inorder namin habang ngiting ngiti.

Kinuha ko ang wallet ko sa bag ni Jax para tignan ang laman nun.

May keycard, may mga card na pwedeng gamitin dito sa Korea, may black card na ang alam ko ay hindi masyadong marami ang nagamit nun dito sa Korea at may cash.

Maya-maya lang ay may lumapit na samin na waiter para sa bayad.

Tinignan ko yung bill namin and binigay ang black card. Nanlaki pa ang mata nito kapagkuwan ay umalis rin.

"Magkano?" Tanong agad ni Jax.

"Higit 5 thousands lang sa Pilipinas." Sagot ko kaya nagulat pa siya.

"Mura na iyon. Mas magugulat ka kapag yung won ang sinabi ko."

"Magkano kapag won?"

"A hundred thirty thousands."

"WHAT?!"

SUMAKAY KAMI ng bus papunta sa library na pupuntahan namin dahil di ko kaya ang lamig.

Pagpasok doon ay may mga Christmas decor pa rin kaya naisipan namin ni Jax na mag-picture.

Pinicturan niya pa ako sa escalator na yung background ay ang libro.

Nakailang shot pa kami para lang walang ibang masama sa picture.

Ganun din nung pinicturan ko siya.

After namin mag-picture ay naghanap kami ng libro na pwedeng basahin na makakatulong sa gagawin naming business.

Siya ang gustong magbasa at ako naman ang nag-research.

Ilang oras pa kaming nag-stay doon bago namin napag-desisyunang pumunta na sa mall para mamili ng kailangan namin for one week.

"Favorite mo ang ginataang alimango di ba?" He asked.

"Yes super. Lahat ng seafoods favorite ko." Sagot ko kaya tumango siya at naghanap siya ng mga bibilhin.

"Ahh hon, ano kasi. Di kasi ako marunong magluto." Pag-amin ko.

"Alam ko." Sagot niya na ikinagulat ko.

"Paano mo nalaman?"

"Anak mayaman ka eh. Of course may tagaluto kayo. Pero okay lang yun, wala kang dapat ipagalala dahil may asawa ka namang marunong magluto at maraming alam na lutuin. If gusto mo ng ibang klaseng dishes galing ibang bansa, pagaaralan kong lutuin for you." Sagot niya habang nakatingin sa mga mata ko.

Di ko naman mapigilang maluha dahil sa saya.

Nang makuha na lahat ng kailangan namin ay agad na kaming nag-bayad at umuwi.

Paguwi ay ako na ang naglagay ng mga pinamili namin sa lagayan at si Jax naman ay maghahanap daw sa YouTube ng pwedeng lutuin na ulam.

AFTER NIYA magluto ay kumain na kami. Gumawa siya ng samgyetang, dakgalbi, kimchi stew at jjajangmyeon