JAX'S POV
December 27 na ngayon at in-enjoy namin ang honeymoon vacation namin sa Korea.
Ngayong araw ay nasa Jeju Island pa rin kami.
Grabe kasi yung pinuntahan namin kahapon eh. Halos saan may mga statwa na hugis may ginagawang kung ano na tanging mga may partner lang ang gumagawa.
Anyways, pabalik na kami bukas sa Seoul pero ngayon ay pupunta muna kami sa strawberry farm.
Pupunta rin kami sa isang traditional spa. And of course bibili kami ng mga souvenirs for remembrance and para sa mga naiwan namin sa Pilipinas.
Marami-rami na rin kaming nakuhang litrato ni Faye. To the point na bumili na kami ng makapal na photo album at naipa-develope na rin namin ang mga pictures.
"Let's go." Paglabas ni Faye sa kwarto na tinuluyan namin dito sa hotel ay lumabas na kami.
ILANG ORAS lang na byahe gamit ang taxi ay nakarating rin kami sa farm.
Fun fact about Faye, kahapon ay ang first time niyang pagsakay ng train. And pagsakay ng taxi.
I mean di ko naman siya masisi, anak mayaman siya and may driver sila.
So maybe bukas kapag babalik na kami sa Seoul ay magba-bus na lang siguro kami. Kaso malayo kapag bus, so no choice, magt-train na lang ulit kami.
Binigyan kami ng basket at nag-umpisa ng mamitas.
Habang namimitas ay lagi kong nakikita si Faye na pasimpleng kumumuha sa basket ko para kainin yun.
"Wag ka basta basta kumakain lalo na kapag di pa nahuhugasan." Sabi ko kaya tumango siya at namitas na lang.
"DONE!" masayang sigaw niya nang mapuno na yung basket niya.
"Let's go. Bayaran na natin ito." Sabi ko.
"Let's go!" Excited na sabi niya kaya napangiti ako.
DAYS HAD PASSED and malapit na kaming umuwi sa Pilipinas.
December 31 na and papunta kami sa N Seoul Tower dahil may fireworks display na magaganap doon para mamayang bagong taon.
Sa paglipas ng araw ay marami na rin kaming napuntahan.
Gaya ng, Bukchon Hanok Village at Gyeongbokgung Palace na nakasuot na traditional na hanbok. Nakapunta na kami sa Lotte World para mag-skates doon.
Nakapaglaro na kami sa labas nung umuulan ng snow na sobrang inenjoy ng todo ni Faye.
And ngayon ay sa N Seoul Tower na ang punta namin.
We also brought a padlock kasi nandoon daw da lugar na iyon ay may mga locks doon na nilagay ng mga nagpuntang couples.
"Excited na ako!" Dinig kong sabi ni Faye habang paakyat kami.
"Ako rin. This is our first new year together." Nakangiting sabi ko.
"Oo nga eh! Tatawagan ko sina Dad, 12 na dito nun pero doon 11 pa lang." Sabi niya kaya tumango ako.
Kanina ay marami akong ginawang handa para sa new year. Sa penthouse namin icecelebrate ang new year na eksakto sa oras ng Pilipinas at dito naman sa tower namin sasalubungin ang new year ng Korea.
11pm na dito sa Korea and umaakyat na kami doon sa malapit sa N Seoul Tower. May dala rin kaming pagkain at inumin in case na magutom kami.
Malapit na kami sa tuktok and sobrang pagod na rin kami kasi kanina pa kaming 10pm nung nagsimula kaming umakyat.
"Woah! Finally!" Sigaw ni Faye nang sa wakas ay nasa tuktok na kami.
"Ang ganda." Tanging nasabi ko nang makita ang ganda ng paligid.
Mas mataaas pa rin kung nasa penthouse kami pero maganda pa rin naman ang view dito. Kasi kapag sa penthouse yung Korea ay parang ang liliit lang ng building.
"Pasok tayo?" Tanong ni Faye.
"Wag na dito na lang tayo sa labas. Doon tayo sa pwesto na may mga padlocks." Sabi ko kaya tumango siya.
Pagpunta namin doon ay marami ring tao.
"Lagay tayo." Sabi ko at kinuha ang lock sa bulsa ng coat ko.
"May pen ka?" Tanong niya kaya nilabas ko rin ang marker na dala ko.
Sinulatan niya yung lock ng
Jax
♡
Elvira
Tapos sa baba nun ay sinulat niya rin ang wedding date namin.
Sabay naming nilagay sa bakal yung lock na may ngiti sa mga labi.
"Hagis mo yang susi." Sabi niya.
"Ha? Hinahagis?" I asked.
"Oo para daw tumagal ang couple na pumunta dito." Sagot niya kaya natawa ako ng mahina.
"Sige. Ihahagis ko an ah." Sabi ko kaya tumango siya at malakas ko iyong hinagis sa kung saan.
"Mapupunta yung susi sa city or sasabit sa puno, napunta sa rooftop ng building or may natamaan." Sabi niya na ikinalaki ng mata ko.
"Paano kung may natamaan?"
"Hindi naman siguro big deal yun kasi yung susi maliit lang." Sagot niya kaya tumango ako.
Nag-picture picture na muna kami at umupo sa nakita naming pwedeng mauupuan.
Habang nagiintay ay nagtanong si Faye ng tanong na di ko inaasahan.
"Ano-anong mga sweet moments niyo ni Elena?"
"Bakit mo naman natanong?" Kalmadong tanong ko kahit ang totoo ay kinakabahan ako.
Hindi dahil sa takot akong sagutin yun, kundi dahil baka kapag sinagot ko ay magalit siya.
"Wala lang gusto ko lang ng pagaawayan kasi na-bo-bored na akong mag-intay ng fireworks."
See? Nabo-bored lang siya gusto na niya agad ng pagaawayan.
"Sasagutin ko talaga?"
"Malamang."
"Well, nagsimula kami sa pagiging magkaibigan eh. Simula pagbata hanggang grade 11 sa highschool. Wala naman kaming sweet moments nung magkaibigan kami, puro kain lang at aral ng magkasama. Pero nung naging kami senior high na nun kaya mas busy kami. Hindi na kami masyadong nagkakasama. Tuwing weekends lang pero nauwi rin kami agad since marami pa akong gagawin. Nawalan na rin siya ng oras sakin nun, minsan na lang kami tawagan ang isa't isa lalo na nung lumipat kami nung nakapag-tapos ako ng highschool."
Mahabang paliwanag ko.
Totoo rin naman yung sagot ko kasi working hard rin ako nun para makapag-tapos.
"So sinasabi mo na dalawang taon lang kayong nagkasama nung naging kayo?" She asked.
"Yeah, pero hindi rin kami masyado nagkikita eh. So ang sagot sa tanong mo is wala." Diretsong sagot ko at kumuha ng chichiryang makakain sa bag ko.
"Nag-kiss na kayo?" Tanong ulit niya.
"Sa forehead at cheeks, yes." Sagot ko at binuksan ang kinuha kong cheese flavor popcorn at shinare sa kaniya.
"Sa lips."
"Never."
"So ako first kiss mo?"
"Yes." Diretsang sagot ko habang nakatingin sa mga mata niya.
I saw how her eyes shine like it is so happy to hear my answer.
"Really?" She asked so I nodded and kissed her lips.
She looked away but I can see gow she's trying so hard not to smile.
Nagintay lang kami ng ilang minuto nang biglang sabay sabag nag- countdown ang mga tao kaya tumayo na kami ni Faye.
Tinawagan rin ni Faye si Dad at tinawagan ko rin sina Tatay para mapanood nila ang fireworks display pagkatapos ng countdown.
Hindi ko pa maintindihan yung countdown kasi Korean language pero buti naiintindihan ni Faye.
5...
4...
3...
2...
1...
"Happy new year, love."
"Happy new year, hubby."
Sabay na bati namin sa isa't isa, hinawakan ko ang waist ni Faye at kumapit naman siya sa leeg ko.
We kissed each other while the beautiful fireworks display are our background.
Nang putulin niya ang halik ay humabol pa ako pero agad niya akong niyakap kaya niyakap ko na rin siya ng mahigpit.
I am so happy tonight because I'm here sinalubong ang bagong taon, with my wife. And this is our first new year together.