ELVIRA'S POV
Pag-strum ng guitar ay sa kaniya ko lang tinutok ang atensyon ko. Pati ang mga mata ng mga tao sa paligid ay sa aming dalawa nakatingin.
*Insert song Tahanan by Adie* (Multimedia video for the lyrics and melody)
"Sa araw-araw tanging ikaw ang palagi kong hinahangad laging tanaw sa 'yo ang ilaw na nagsisilbi kong liwanag."
Pagkarinig ko ng boses niya ay di napigilan ng mga mata kong maiyak.
"Labis ang ngiti kapag ika'y kaharap
Ramdam ko ang pagmamahal, giliw
Namumukod-tangi ka at walang katulad
Ikaw lang ang para sa 'kin."
Habang nakanta siya ay di ko maiwasang ibalik sa isip ko yung mga araw kung paano kami nagtalo para lang masabi ang opinion ng isa't isa sa room namin.
Kung paano kami nag-away sa debate na ginagawa namin sa room kapag walang prof. Yung mga araw na nagaaway kami para lang sabihin mali ang sagot ng isa't isa kahit na pareho lang namang tama ang sinasabi namin.
"Sa 'yo lang, sa 'yo lang ako uuwi
Kaya naman..."
"Dito ka sa piling ko
Oh, dito ka lang, dito ka lang
Bumabagal ang ikot ng mundo
Kapag ika'y nariyan, oh, aking tahanan." Hindi ko na napigilang sabayan siya kumanta sa chorus nun.
We are smiling to each other while staring directly at each other, eye to eye.
~Ta, ta-ta-ta-ta, tahanan
Dito ka lang, dito ka lang, dito ka lang
Oh, aking tahanan
Sa bawat sandali
Na tayo ay magkayakap nang mahigpit
Taglay mong init
Ang bumabalot sa 'king nilalamig na damdamin
Tayong dalawa'y pinagtagpo
Ng tamang pagkakataon
Hindi maitatanggi
Na sa akin, ikaw ang tanging tiyak, ah~
Ine-enjoy lang naming dalawa yung kanta at oras na para bang kaming dalawa lang ang nasa paligid.
I am so happy right now that someone is singing for me. He's actually the first man who sang in front of me and in front of other people.
~Ikaw lang, ikaw lang ang tinatangi
(Ikaw lamang ang tinatangi ko)
Ikaw lang at ako ang naaaninag (naaaninag)
Sa gitna ng paraiso na ating sinimulan
Oh, aking tahanan
Pinapawi lahat ng iyong mga ngiti
Negatibo na nakadikit sa 'king labi
Huli ng iyong ngiti ang aking kiliti
Katotohanan na hindi ko maitatanggi
Na mahal kita, walang iba
Kaya naman
Dito ka sa piling ko
Oh, dito ka lang, dito ka lang
Bumabagal ang ikot ng mundo
Kapag ika'y nariyan, oh, aking tahanan
Ta, ta-ta-ta-ta, tahanan
Dito ka lang, dito ka lang, dito ka lang
Dito ka sa piling ko
(Pinapawi lahat ng iyong mga ngiti)
(Negatibo na nakadikit sa 'king labi)
Bumabagal ang ikot ng mundo
(Huli ng iyong ngiti ang aking kiliti)
(Katotohanan na hindi ko maitatanggi)
Ta, ta-ta-ta-ta, tahanan
Dito ka lang, dito ka lang, dito ka lang
Oh, aking tahanan~
Natapos ang kanta and we snapped back to reality when the guests clapped their hands while shouting and narinig rin namin ang pagtunog ng baso dahil sa kung anong pinanghahampas nila doon.
Inabot ni Jax ang gitara kay Reem at dali-dali siyanh lumapit sakin.
Itinayo niya ako at hinapit ang bewang ko palapit sa kaniya at siniil ako ng halik. At first it was gentle not until nanggigil siya.
Hindi pa siya bibitaw kung hindi ako ang bumitaw.
Nagpalakpakan ang mga tao at niyakap niya ako ng sobrang higpit.
Ito yata ang unang beses na ganito siya yumakap sakin. Yung yakap na parang ayaw na niya akong pakawalan pa.
Patapos na ang event kaya ito sina Reem at ang binuo nilang banda kasama nung iba kong kaklase na lalaki ay tumutugtog para sa parang closing remarks ganun.
Nagpalit rin ako ng mas kumportableng damit at si Jax naman ay tinanggal lang yung coat niya kaya naka-polo na lang siya at medyo maluwag na rin ang necktie niya, para makapag-saya pa kami kasama ng iba.

Yung mga mas matatanda samin ay nasa isang gilid na lang kasama doon si Dad at umiinom.
Nakita ko pa nga kanina kung paano pasimpleng pinagsabihan ni Cindy si Dad na wag iinom ng marami eh.
Hindi ko alam pero Cindy literally have my Mom's attitude. And the way she act sometimes is really the same with my Mom. Kaya siguro madali lang samin ni Dad na maging kumportable around her.
Yung mga nagsasaya na lang sa gitna ay ang mga ka-edaran namin o mas bata pa.
Nakisama na kami sa iba at naki-party. Nagiinom, nagpipicture, nasayaw at minsan ay nakikisabay pa kami sa kanta.
Buti at hindi na ako pinigilan pa ni Jax na uminom ng marami.
Nagsasayaw ako nang maramdaman kong may humila sakin palayo sa crowd at palabas ng hall.
"Oh? Jax? Why?" I asked while we are running away.
"Nasa rooftop na ang chopper at nandoon na ang gamit natin for a whole damn week." Sabi nito.
"Ha? Bakit? Saan tayo pupunta?" I asked still clueless about what's happening.
"This is gonna be our first night as a married couple kaya dapat lang na sa ibang bansa tayo pumunta."
"Eh saan ba ang punta natin?"
"Sa Korea lang naman. Malapit lang yun. Kaya tara na." Sabi niya. Napahiyaw pa ako nang kargahin ako nito na pa-bridal style at tumakbo papunta sa elevator.
Paglabas ay sinalubong kami ni Dad at ni Cindy na hawak yung dalawang maleta.
"Kami na bahala mag-sabi sa bisita kapag may naghanap sa inyo. Spend your time in Korea for one week, doon kayo magcecelebrate ng new year. Malamig doon kaya isuot niyo itong jacket pagdating doon. Sa hotel na tutuluyan niyo kayo mismo ilalapag nito. And bumili na rin kami ng penthouse doon para kapag pupunta kayo doon ay may matitirhan kayo." Paliwanag ni Cindy.
"Okay salamat. Pero kailan kayo nakabili ng penthouse doon?" I asked.
"Kahapon. Pumunta kami doon and naghanap ng pwede niyong tirhan so nakahanap kami." Sagot nito kaya napatango tango ako at pinanliitan sila ng mata na parang may nalalaman akong pwede nilang gawin doon.
Si Dad natawa pero sinamaan namana ko ng tingin ni Cindy.
"Umalis na nga kayo!" Sigaw nito kaya natawa kami ni Jax.
"Sige na nga." Sagot ko.
"Merry Christmas, Dad, Cindy." Sabi ko.
"Merry Christmas po." Sabi rin ni Jax kay Dad.
"Merry Christmas rin and congratulations. Tumawag kayo pagdating niyo doon." Bilin nito.
"Yes po." Sabay na sagot namin ni Jax.
Lumapit na kami sa chopper at pinagbuksan kami ng pinto nun medyo malaki rin ang chopper na ito kaya kasya yung dalawang maleta namin.
Una akong sumakay at sumunod naman si Jax. Kumaway muna ako kina Dad at ganun din sila.
"Are you ready?" Jax whispered using his hoarse voice, again.
"I am born ready." I answered back with my sexy and seductive voice too.
I saw how he smirk kaya humawak na lang ako sa braso niya at sumandal sa balikat niya para maka-idlip.
ELENA'S POV
Hindi ko alam kung bakit pa ba ako pumunta sa kasal nila hanggang sa reception. Ang dami kong nakita kay Jax na pinaranas niya kay Elvira pero hindi sakin.
Naging magkaibigan kami sa mahabang panahon at naging kami rin ng apat na taon pero hindi niya pa ako sinasayaw noon sa harap ng maraming tao o kahit kami lang dalawa dahil pareho kaming busy sa pagaaral.
At alam niyo kung anong nakakatawa? Ngayon ko lang siya narinig kumanta at idedicate sa babaeng gusto niya ang kantang iyon. Pero hindi para sakin.
Hindi na magiging para sakin.
"Uwi na tayo." Anyaya ko kay Caloy kaya tumango ito.
Patapos na rin naman ang kasal at may tumutugtog na lang.
Lumabas na kami ng hall at naglalakad na palabas ng building pero nakita pa namin sina Agustus at Elvira na lumabas ng hall, may ngiti sa mga labi ni Jax habang hinihila si Elvira.
Kapagkuwan ay binuhat niya ito at sumakay sila ng elevator.
Sa mga nakita ko kanina, sapat na para malamang masaya na talaga siya kahit wala na ako.
Handa na akong hayaan siya dahil malaking pagbabago rin ang maibibigay sa kaniya ni Elvira.
Hindi gaya ko.
Mayaman si Elvira kahit na di na siya manghingi sa tatay niya. Ako naman ay hindi.
Madali lang naman sana makapaghanap ng trabaho kapag nakatapos na ako ng pagaaral, kaso tumigil na ako. Nahihiya akong humarap sa mga kaklase ko dahil pagpumasok ako ay may laman na ang tiyan ko.
Mas nakakahiya dahil nakikita ko sa mga mata ng ibang tao ang pandidiri sakin at panghuhusga dahil kumalat na sa lugar namin ang panglolokong ginawa ko kay Agustus.
Kaya ngayon ay hahayaan ko na siya.
Masaya naman na siya kahit wala na ako kaya wala ng saysay pa para magpakita pa ulit sa kaniya.